Chapter 13
Panalo
Dumiretso ako sa pagaayos ko sa may garden. Si Senyorito baby naman ay naging abala sa kanyang laptop at mga documento. Pansin ko iyon, dahil sa tuwing nililingon ko siya ay kita ko kung paano kumunot ang kanyang noo. Masyadong seryoso, mahirap siguro ang trabaho niya.
"Tathi!" tawag ni Manang bobby sa akin. Kaagad akong napatayo at napapagpag sa aking kamay bago ako dumiretso sa loob. Nagawa ko pang tingnan at ngitian si Senyorito baby ng dumaa ako sa kanyang gawi, nakasunod din kasi ang tingin niya sa akin.
"Gusto niyo po ulit ng kape?" tanong ko sa kanya para naman masabay ko na dahil papasok naman ako sa loob. Inilingan lamang niya ako kaya naman dumiretso na ako papasok sa loob.
"Ano po iyon manang bobby?" tanong ko sa kanya.
Naabutan ko siyang nagbabalot ng saging na gagawing turon para sa mirienda mamaya. Lumapit ako sa kanya sa may kitchen counter, may inabot siya sa aking papel.
"Order namin iyan, uuwi din kasi itong si Helen sa kanila bukas. Gustong maguwi ng chicharon" sabi niya sa akin kaya naman tumango ako.
"Pilian mo kami ng maganda at bigyan mo kami ng discount ha" paalala pa niya sa akin kaya naman nakangisi ko siyang tinanguan.
"Syempre naman po, manang bobby. Ikaw pa ba?" biro ko sa kanga pero inirapan niya lamang ako at tangkang kukurutin sa tagiliran.
Nakangiti akong bumalik sa may garden. Nagangat ulit ng tingin si Senyorito baby sa akin pagkadaan ko kaya naman muli ko siyang nginitian. Nagiwas kaagad siya ng tingin pagkatapos nuon kaya naman hinayaan ko na lamang at ipinagpatuloy ang ginagawa ko sa may garden.
Pakanta kanta pa ako habang inaayos ang mga halaman. Hanggang sa narinig ko ang tunog ng ice cream mula sa labas. Mabilis akong tumayo gustuhin ko mang tumakbo ay hindi ko na nagawa dahil nakatingin ulit si Senyorito baby sa akin, nakakunot ang kanyang noo.
"Saan ka pupunta?"
Tinuro ko ang labas. "Bibili po ako ng ice cream sa monay" sagot ko sa kanya na mas lalong ikinakunot ng kanyang noo.
Nilapitan ko siya. "Gusto niyo po ng ice cream? Ililibre ko po kayo" pagbibida ko sa kanya. Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. Napanguso na lamang ako, pangit bang pakinggan na ililibre ko ang mayamang kagaya niya?
Muling tumunog ang ice cream kaya naman nagpanick na ako. "Naku, baka po umalis" sabi ko sa kanya at tumakbo na ako palabas ng mansyon.
"Manong ice cream!" sigaw ko ng makita kong pumadyak na siya papalayo. Nakahinga ako ng maluwag ng marinig niya ako at tumigil siya.
Pinagbuksan ako ni Manong guard ng gate. Nagtaka ako kung bakit ngiting ngiti siya sa akin. Hala siya, baka akalain ni Manong ililibre ko siya. Nakuha ko ang sagot ng luminingon ako. Nakita kong nakasunod si Senyorito baby sa akin, ako naman ngayon ang lumaki ang ngiti.
Sumunod siya sa akin sa labas. "Ano pong flavor?" tanong ko kay manong ice cream habang nakadungaw ako sa loob nuon.
"Ube, cheese at chocolate" sagot niya sa akin na ikinatango ko. Nilingon ko si Senyorito baby na kagaya ko ay nakatingin din duon.
"Ano pong flavor sa inyo?" tanong ko sa kanya. Seryoso talaga akong ililibre ko siya. Mura lang naman iyon, malayong malayo sa pasalubong niya sa akin kagabi.
"Anong sayo?" balik na tanong niya sa akin kaya naman napatawa ako.
"Ube at cheese po" sabi ko na ikinatango niya. Iyon na din ang pinili niyang flavor kagaya ng sa akin. Lumapit siya kay manong guars at tinanong ito kung anong flavor ang sa kanya.
Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Senyorito baby ng iabot sa amin ang monay na may palamang icecream. Napangiti ako. "Paborito ko po ito nung bata ako" pagbibida ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Bata ka pa din naman, Tathi" balik niya sa akin kaya naman napanguso muli ako. Siya ang nagbayad sa ice cream namin, hinyaan ko na lamang dahil wala naman akong laban sa kanya. Baka magalit lang siya sa akin kung magpupumilit pa ako.
"Sa susunod po, ako naman ang manlilibre ha" sabi ko sa kanya habang naglalakad kami pabalik sa may garden. Dahan dahan niyang tinikman ang icecream plus monay. Hindi ko maiwasang ngumiti, ang cute ni Senyorito baby habang ginagawa niyo iyon. Hays ang sarap halikan!
Imbes na dumiretso sa may garden ay nakiupo pa muna ako sa tablet niya. Mukha namang nagustuhan niya iyon dahil nagtuloy tuloy siya sa pagkain. "Ang sarap po ano?" pagbibida ko sa kanya, tipid lamang siyang tumango sa akin kaya naman nagpatuloy na din ako sa aking pagkain.
Habang kumakain nuon ay napatingin ako sa kanyang laptop. Kagaya ng dati ay panay graph at kung ano anong salita ang nanduon. Nakakahilo.
"Mahirap po ang trabaho niyo?" tanong ko.
"Wala namang mahirap, kung gusto mo yung ginagawa mo" sabi niya sa akin. Sabagay, tama naman talaga.
"Eh yung mga kapatid niyo po? Kagaya niyo din?" panguusisa ko sa kanya. Syempre, getting to know each other. Hehe.
"Iba iba kami. At wag mo na silang itanong. What you need to know is only about me" sabi pa niya kaya naman napanguso ako.
Naging mabilis ang araw, hindi ko namalayan at magisisimula na ang paliga sa aming baranggay. Araw iyon ng sabado kaya naman hindi ako makakapasok sa mansyon ngayon. Malulungkot sana ako dahil hindi kami magkikita ni Senyorito baby, mabuti na lang at isa siya sa mga judge. Magkikita pa din kami.
"Kinakabahan talaga ako eh" reklamo ko kay Charlie habang nilalagyan niya ako ng make up. Inirapan niya ako, parang hindi niya naririnig ang mga reklamo ko, busy siya masyado sa pagmamake up sa akin.
"Eh tatayo ka lang naman duon. Anong nakakakaba duon?" tanong niya sa akon pero mas lalo lamang humaba ang nguso ko. Nakakakaba talaga, lalo na't anduon si Senyorito baby. Iyon pa naman kung makatingin, nakakakilig!
"Sigurado kang walang talent, talent ha. Wala akong talent!" sita ko sa kanya kaya naman muli siyang nagmake face.
"Ano naman kung may talent? Edi, magtwerk ka na lang! Malaki naman ang pwet mo, wala kang boobs pero malaki ang pwet mo. Swerte ka pa din" pangaral niya sa akin. Nanatili akong nakabusangot habang minamake up-an niya ako.
Mula sa salamin ay napatingin ako sa jersey dress na kulay dark blue na may gold lining. One strap lamang iyon kaya naman labas ang kabila kong braso, hapit din iyon sa katawan, at labas ang pusod, medyo maiksi din siya na aabot lang sa gitna ng aking hita. Kulay puting ang running shoes ang ipapares ko duon.
Pinlantsa ni Charlie ang maiksi kong buhok. Nang matapos siya sa mukha ko ay tinulungan pa niya akong magsuot ng jersey.
"Ang ganda mo! Shuta!" puna ni Charlie sa akin kaya naman sinimangutan ko lamang siya.
"Wala akong bente, wala akong maibibigay sayo" sabi ko sa kanya pero hinampas lamang niya ako sa braso.
"Totoo nga, infairness kumikinis ka na ngayon ha. Tsaka advantage yang pagiging maputi mo, legs ang labanan!" natatawang sabi pa niya sa akin habang pinagmamasdan ang aking kabuuan. Kung makangiti siya ay parang excited na excited siya.
"Ikaw na lang kaya ang sumali. Charlie, hindi ko talaga kaya" nanghihinang sabi ko. Pinanghihinaan talaga ako ng loob sobra sobra talaga ang kaba ko. Siguradong madami din kaming mga kaklase duon, pagtatawanan lamang nila ako at aasarin.
"Gaga! Ang ganda mo nga, sure win ka na!" sabi pa nito kaya naman muling bumagsak ang balikat ko.
Napatigil ako ng makita ko ang pagilaw ng cellphone ko. Mas lalo akong kinabahan ng makita kong message iyon mula kay Senyorito baby.
Senyorito baby:
Papunta na ako sa court. Good luck.
Ako:
Ingat po sa byahe, kami din po. Papunta na
Abot abot ang kaba ko ng isend ko iyon. Ito na talaga iyon. Pakiramdam ko talaga kahihiyan ang aabutin ko duon. Shuta!
Senyorito baby:
Bring the jacket I gave you. Can't wait to see you.
Nanlaki ang aking mga mata ng mabasa ang sumunod niyang text. Shutaness! Mas triple ang kaba ko ngayon.
"Hoy! Namumutla ka diyan" sita ni Charlie sa akin na may kasama pang paghampas, napangiwi ako ng haplusin ko ang aking braso. Bakit kaya kailagan may kasamanh hampas sa braso palagi? Ang sakit shuta!
Tuwang tuwa sina Mama at Papa ng makita ko pagkababa ko. Anduon din si Kuya Jasper na nakasuot ng kaparehong kulay ng jersy na suot ko. Nagtaas siya ng kilay sa akin pagkatapos ay tumawa.
"8k ang best uniform para sa buong team. Tapos ang mananalo na best muse 5k ang premyo. Sponsored by governor" kwento ni Kuya Jasper sa amin. Kaagad na napapalakpak si Charlie.
"Balato! Balato! Balato!"
Napatawa ako dahil sa kagagahan niya. Mabilis ko din siyang hinampas sa braso. "Tama na nga yan, mas lalo lang akong kinakabahan eh" suway ko sa kanila. Pinagtawanan lamang nila ako. Nag picture picture pa muna kami nina Mama at Papa kasama si Kuya Jasper, panay naman ang reklamo ni Charlie dahil siya ang ginawa naming photographer.
Hindi makakasama sina Mama at Papa dahil busy sila sa mga deliver at order ng chicharon. Pero nagawa pa kaming ihatid ni Papa sa court gamit ang aming lumang pick up.
"Galingan mo, Tathi. Alam kong kayang kaya mo iyan. Ikaw ata ang pinakamaputi dito sa sta. maria" puri ni Papa sa akin na ikinatawa ni Kuya Jasper at Charlie.
"Muntik ng maging pinakamaganda ah" asar niya sa akin kaya naman sinimangutan ko siya.
"Maganda naman talaga ang anak ko! Ikaw talaga charlie!" sita ni Papa dito pero hindi pa din ako naniniwala. Bahala nga sila diyan, palagi na lamang nila akong inaasar.
Hindi din nagtagal si Papa pagkababa namin sa tapat ng court ay umalis na din siya. Marami ng tao sa loob, kahit sa labas ay madami na ding nagkalat. Pinalobo ko ang magkabilang pisngi ko ng makita kong nakapark sa di kalayuan ang itim na jeep wrangler ni senyorito baby.
Shuta! Andito na siya.
Bitbit ko ang itim na jacket na ibinigay sa akin ni Senyorito baby, kagaya ng sinabi niya sa akin ay ginawa ko iyon.
"Ang ganda ng jacket natin, Tathi. Orig yan ah" puna ni Charlie. Nagulat ako ng mabilis niyang kinuha sa akin iyon.
Ibinaladra niya iyon sa aking harapan at nagawa pa niyang amuyin. "Ang bango pa! Amoy gwapo. Arbor!" nakangising sabi niya kaya naman kaagad kong inagaw iyon sa kanya.
"Ayaw ko nga, akin ito eh" laban ko sa kanga at pilit na itinago ang jacket sa aking likuran.
Katakot takot na irap ang inabot ko kay Charlie pero hindi ko talaga ibibigay sa kanya ang jacket na iyon dahil bigay iyon sa akin ni Senyorito baby.
Pumasok na kami sa may court. Nasa entrance pa lang ay madami ng tao. Ganito talaga pag opening halos dayuhin ang court namin lalo na't ang ibang team ay galing pa sa karatig bayan. Sa gitna ay kita na ang mga nakapilang team na may iba't ibang kulay ng suot ng jersey. Pagandahan talaga ng jersey ang labanan dito, halos mapako ang tingin ko sa mga muse na nasa harapan ng bawat team. Mas lalo akong kinain ng kaba. Halatang matured na ang iba sa kanila, mukhang sabak na sabak sa mga ganitong laban.
"Aray!" asik ko ng maramdaman ko ang pambabatok ni Charlie sa akin.
"Ano nanaman?" reklamo ko sa kanya. Inirapan niya ako.
"Naduduwag ka nanaman, dapat makapal ang mukha mo dito. Para sa 5k!" pangaral niya sa akin kaya naman tinanguan ko siya kahit kabadong kabado ako.
"Para sa 5k!" paguulit ko kaya naman mas natuwa si Charlie.
"Para sa samgyup!"
"Anong samgyup!?" gulat na tanong ko sa kanya. Parang wala naman kaming napagusapan na ganuon ah. Nagngiting aso ang shuta.
Inirapan ko siya. Alam ko na ang pakay niya, magpapalibre lang iyon ng samgyup eh.
"Tathi, tara na!" yaya sa akin ni Kuya Jasper. Napabuntong hininga ako bago ako nagpatinaog sa kanya. Puno ang court, sa harapan ay nanduon na din ang mahabang lamesa para sa mga judge, nanuyo ang lalamunan ko ng makita ko duon si Senyorito baby. Nanatili ang atensyon niya sa hawak na cellphone, parang walang pakialam sa nangyayari sa palagid.
Sa gitba kami ng court dumaan kaya naman mas lalong uminit ang pisngi. Nakarinig ako ng ilang mga pagsipol mula sa ibang team. Narinig ko tuloy ang pagmumura ni Kuya Jasper. Sa pagdating namin sa sariling team ay napatakip ako sa aking kabilang tenga ng maghiyawan sila at magpalakpakan.
"Si Tathi ba talaga yan? Parang hindi naman!" sita ng ilan sa ka teammate nila. Hindi ko tuloy alam kung talagang pinupuri nila ako o inaasar lang. Pero laban ito, hindi naman siguro sila papayag na ako ang maging muse nila kung hindi sila nagtitiwala sa akin.
Kagaya ng ibang muse ay nakihilera na ako sa harapan. Ilang bayolenteng pagbuga ng hininga ang nagawa ko bago ako ngumiti sa mga tao.
"Lagi mong iisipin na kaisa ka sa sexbomb. Masakit palagi ang bewang mo" pangaral sa akin ni Charlie kaya naman nilagay ko ang magkabilang kamay ko sa aking bewang.
Iwas na iwas akong tumingin sa may lamesa ng mga judge kung nasaan si Senyorito baby. Panay pa din ang rinig ko ng papuri sa mga kateam mate ni Kuya Jasper, infairness mukhang hindi naman sila nagsisi na ako ang kinuha nila. At ang kapal ng mukha nilang magsisi eh wala naman talaga akong balak na sumali dito!
"Pagandahan at paputian na lang ng legs!" hiyaw ng mga ito kaya naman napanguso ako.
Inipon ko ang lahat ng lakas ko para sumulyap kay Senyorito baby. Halos mapasinghap ako ng makita kong titig na titig siya sa akin habang pinaglalaruan nanaman niya ang kanyang pangibabang labi. Nagngiting aso ako sa kanya sabay iwas ng tingin.
Shuta, hindi ko kaya.
Mas lalong umingay ang mga tao ng nagsimulang tumugtog ang mga usong kanta ngayon. Medyo late pang magstart dahil wala ang ang dalawang team na galing pa sa Garay at ang isa naman ay sa caypombo. Lumapit si Charlie sa akin dala ang cellphone ko, halos lahat ay may kanya kanyang mundo dahil sa pagkainip.
"Gaga, ikaw pinakamaganda. Nagsurvey na ako. Hindi halatang ikaw ang pinakabata!" kinikilig na sabi niya sa akin. Uminit ang pisngi ko dahil sa kanyang sinabi pero hindi ko masyadong dinamdam, ayoko masyadong umasa.
Sandali kong kinuha ang cellphone ko sa kanya. Ilang message ang nakita ko duon.
Senyorito baby:
Please wear your jacket after this, Tathi. You're too expose i don't like it
Matapos kong basahin iyon ay sumulyap ako sa kanya. Nakatingin pa din siya sa akin at nagawa pang magtaas ng kilay. Maya maya ay bumaba ang tingin niya sa hawak na cellphone. Bigla namang nagvibrate ang sa akin.
Senyorito baby:
Umuwi na tayo. Panalo ka na
Hindi ko napigilang ngumiti. Shuta! Ang lande.
Ako:
Hindi pa nga po nagstart eh.
Senyorito baby:
I told you, you only need one judge.
You only need me, Tathriana.
Hindi na ako nakapagreply pa ng magsaliya na ang emcee sa harapan. Isa isang ipinakilala ang mga team at kung saan sila galing na bayan. Kami ang pinaka madaming taga suporta dahil home court namin ito, syempre.
Matapos iyon ay naiwan ang lahat ng muse sa gitna ng court. Mula sa mga hiyawan ay rinig na rinig ko ang sigaw ni Charlie.
"Tathi lang malakas! Malakas kahit walang boobs!" sigaw niya na rinig ba rinig ko mula sa court.
Kaagad ko siyang nilingon at pinanlakihan ng mata. Siraulo, shuta!
Halos himatayin ako sa kaba ng sabihin nitong isa isa kaming rarampa sa harapan. Napanguso ako, hindi sinasadyang napatingin ako kay Senyorito baby, nakangisi siya habang nakatingin sa akin. Pati ba naman siya? Pati ba naman siya pinagtatawanan ako?
Nang ako na ang maglalakad ay inipon ko ang lahat ng lakas ko. Sige lang Tathi, isang beses lang ito sa buong buhay mo. Last na ito! Pagkatapos nito pwedeng hindi ka na lumabas ng kwarto mo.
Mas lalong naghiyawan ang mga kabaranggay ko ng magsimula akong maglakad sa gitna ng court. Saktong, sexy back by justine timberlake pa ang background music. Ginamit ko sa paglalakad ko yung mga natutunan no kay Charlie sa tuwing nanunuod kami ng victoria secret model show.
Ang lakas ng loob kong titigan si Senyorito baby habang naglalakad ako. Shuta! Nakatitig din siya sa akin, nakikipaglaban.
Nakahinga lamang ako ng maluwag ng matapos na ang kagaguhang ito. Muli kaming pinahilera sa harapan ng mga judge para sa final look. Nanatili ang mata ko sa paligid, baka bigla akong matumba dito pag tumitig nanaman ako kay Senyorito baby. Ilang minuto lang ang hinintay namin ay mayroon na kaagad result.
Todo hiyaw ang lahat kaya naman todo din sa pagtatambol ang dibdib ko. Wala naman sa plano ko ang manalo, pero sayang ang 5k.
"And the best muse 2020 is no other than..."
Malakas ang sigawan ay palakpakan ng ianunsyo ang nanalo. Taga macaiban ang nanalo. Todo ngiti naman ako at nakipalakpak pa. No hard feelings, maganda naman talaga yung babae at mas deserve niya iyon, mukhang beterano na iyon sa mga ganitong klaseng laban.
"Di hamak naman na mas maganda si Tathi!" reklamo ng mga kateam mate ni Kuya Jasper. Napairap na lamang ako sa kawalan. Sus! Kabado lang sila para sa best jersey award eh. Magsisimula ang unang laban pagkatapos nito kaya naman paniguradong hanggang mamaya pa ang mga tao dito.
"Sayang ang 5k, shuta!" hiyaw ni Charlie ng lumapit siya sa akin. Tinawanan no na lamang siya. Kinuha ko mula sa kanya ang cellphone ko at jacket ni Senyorito baby. Sinuot ko na iyon, halos malagpasan pa nuon ang suot kong jersey dress.
"Nakibalita ako, halos isang points lang ang lamang sayo nung nanalo. Ikaw sana kaso may isang judge na nambagsak sayo" paliwanag ni Charlie. Dahil sa chismiss niya ay pumalibot na din sa amin ang kateam mate ni Kuya Jasper. Kilalang kilala talaga dito kung sino ang mga chismoso.
"Number one si Tathi sa apat na judge, yung panlima ang nambagsak sa kanya. Sayang..." patuloy pa niya. Hindi naman big deal iyon sa akin. Eh paano kung ayaw talaga ng judge na iyon sa akin. Wala naman akong magagawa, ganuon talaga. Hindi lahat gusto ka.
Ilang ng iling ang mga ito kaya naman tinawanan ko na lamang sila. "Hala kayo. Pagkayo nagkastiffneck pa!" pangaasar ko sa kanila.
Napatigil ako sa pagtawa ng lapitan ako ni Jan. Kanina ko pa siya nakikita pero ngayon lang din siya lumapit sa akin. "Ang ganda mo, Tathi. Para sa akin, ikaw ang panalo" sabi niya, tipid ko lamang siyang nginitian.
"Salamat, Jan" medyo nahihiya pang sabi ko sa kanya.
Biglang nagvibrate ang cellphone ko.
Senyorito baby:
Stop talking to that boy and meet me outside
Kaagad kong nilingon ang pwesto niya kanina, wala na siya duon kaya naman nagpalinga linga ako. Mabilis akong nagpaalam kay Jan at kay Charlie. Hindi naman na nila ako pinigilan pa dahil may kanya kanya na din silang mundo. Siguradonh hindi titigil si Charlie sa paghahanap ng chika tungkol sa naging scoring.
Lumabas ako sa court. Nagulat pa ako ng mapahinto ako dahil sa ilang nagpapicture sa akin. Todo ngiti ako, feeling artista ang shuta!
Umilaw ang sasakyan ni Senyorito baby kaya naman duon ako dumiretso. Kagay nung gabing kinita ko siya sa labas ng aming bahay ay kusa na akong pumasok sa front seat.
"Hello po" nakangiting bati ko sa kanya at tsaka ako umayos ng upo. Hinila ko pa pababa ang Itim na jacket na ibinigay niya sa akin ng medyo umakyat iyon sa aking hita.
"Malungkot ka ba? Dahil hindi ka nanalo?" tanong niya sa akin. Mabilis akong umiling.
"Wala pong kaso sa akin" paninigurado ko sa kanya kaya naman napatango siya.
"Good, akala ko magagalit ka sa akin" sabi niya na ikinakunot ng aking noo.
"Bakit naman po ako magagalit sa inyo?" nagtatakang tanong ko.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Ang rinig ko, ipapadala sa ibang bayan ang mananalo. So I didn't vote for you..." seryosong sabi niya sa akin napara bang proud pa siyang ginawa niya iyon.
Imbes na makaramdam ng pagtatampo ay natawa pa ako. "Ok lang po, maganda naman po kasi talaga yung nanalo. Malaki ang boobs" sabi ko sabay iwas nv tingin. Yun naman kasi talaga ang tipo niya.
Narinig ko ang pagtsk niya. "I didn't vote for you dahil ayokong ipadala ka pa sa ibang bayan. I don't want you to be too expose tathi. I want you only for me..." dirediretsong sabi niya. Napasinghap ako.
"Ano pong sabi niyo?" tanong ko. Hindi pa din makapaniwala.
"Hindi ko na uulitin, Tathriana" matigas na sabi niya.
Napanguso ako. Sus, rinig na rinig ko yun senyorito baby! Ikaw talaga ang cute, cute mo!
"Magaling po ba ako kanina, Senyorito?" nakangising tanong ko.
Nakita ko ang bayolenteng pagtaas baba ng kanyang adams apple. "Come on, let's buy some food" seryosong sabi niya bago niya binuhay ang makina ng kanyang sasakyan.
"Ok lang po kahit hindi ako nanalo. Mukhang panalong panalo na ako sa inyo...hehe" kinikilig na sabi ko. Shuta!
Nakita ko ang pagngisi ni Senyorito baby. Marahan siyang napailing iling. "Siraulo" sabi niya sa akin pero mas lumawak ang ngiti ko.
"You are really something...damn" pamomorblema niya. Parang hirap na hirap naman si Senyorito baby.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro