Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Kayo na ang bahalang magtranslate. Para surprise. Haha. Enjoy reading! Love lots, Maria.
------------------------







Spanish words








Ngiting ngiti ako habang naglalakad kami ni Senyorito baby. Halos hindi ko na nga mainom yung taho ko, kinagat kagat ko na yung gilid ng plastick cup para itago yung kilig ko. Sabi na eh, namiss niya ako. Tahimik siya habang iginagala ang mga mata sa malawak na bukid ng sta. maria.

Nanlaki ang aking mga mata makita ko mula sa pwesto namin ang bundok ng lupa pa palagi naming pinaglalaruan nuon. "Duon po kami palaging nakatambay nung mga kaibigan ko" kwento ko sa kanya. Tumingin din naman siya duon.

Nakita ko ang pagigting ng panga niya habang nakatingin duon. Napanguso ako, bakit kaya mukhang galit palagi si Senyorito baby? "Masyadong liblib. Wag ka ng babalik duon" seryosong sabi niya sa akin.

Muli akong napainom sa aking taho baho ako muling nagsalita. "Hindi na po talaga kami bumalik duon, simula nung may nabalitang nagmimilagro" nakangising kwento ko sa kanya. Unti unting nawala ang ngisi ko ng makita ko ang tilim ng tingin niya sa akin.

"Hindi po ako nanunuod ng milagro ha! Nabalitaan ko lang" laban ko pa. Baka mamaya isipin niyang bastusing bata ako. Naku, inosente pa ako!

Tinaasan niya ako ng kilay bago siya nagiwas ng tingin. Nagpatuloy kami sa paglakad pauwi sa mansyon, dahan dahan kong sinimsim ang taho ko.

"Tathi!" tawag ni Charlie sa akin. Kaagad akong lumingon sa likod, nakita ko ang patakbong paglapit niya sa amin. Kaagad nanlaki ang mga mata ko. Wala sa sarili kong tinungga ang baso ng taho na hawak ko.

Shuta. Halos mabulunan ako ng inisang tungga ko iyon. Mahirap na, baka mahingi pa! Hindi pwede, kay senyorito baby galing ito kaya hindi pwede. Napaubo ubo pa ako pagkatapos, napahawak ako sa aking lalamunan. Shuta!

"What the hell?" matigas na sambit ni Senyorito baby. Takang taka sa aking giniwa. Nag ngiting aso lamang ako sa kanya.

Naputol ang tingnan namin ng tuluyan ng makalapit si Charlie sa amin. Hinihingal hingal pa ito. "Hoy! Shuta ka, nakita ko yun ha. Ang damot mo ha!" asik niya sa akin ng makabawi siya mula sa pagkahingal.

Napanguso na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Inis naman itong si Charlie, ipapahiya pa ata ako sa harapan ni Senyorito baby. As is namang hindi ko pa napahiya ang sarili ko? Shuta, Tathi bingo ka na nga!

"Sasabay ako, pupunta akong palengke" sabi ni Charlie kaya naman tinanguan ko siya. Sumabay siya ng lakad sa amin ni Senyorito baby. Ang sama ng tingin ko sa kanya sa tuwing nagpapacute ito sa baby ko.

"Senyorito, may girlfriend na po kayo?" nakangiting tanong ni Charlie. Gusto ko siyang kurutin sa tagiliran.

"Wala siyang girlfriend!" inis na sagot ko kay Charlie. Sandali niya akong sinamaan ng tingin hanggang sa muki siyang ngumiti ng sulyapan niya ulit si Senyorito.

"Kilala ko po yung reyna elena dito sa amin. Gusto niyo pong imeet?" tanong pa niya na ikinalaki ng aking mga mata. Mabilis ko siyang hinampas sa braso.

"Hoy hindi pwede!" asik ko sa kanya. Inis.

Pinanlakihan niya din ako ng mata. Nagawa pa niyang humalukipkip sa aking harapan. "Eh bakit ba ikaw ang sagot ng sagot? Ikaw ba si Senyorito?" asik niya sa akin kaya naman humaba ang nguso ko. Nakakainis naman eh!

Hindi ako nakasagot, pero ng bumaling ako kay Senyorito baby ay nakita ko kaagad ang tingin niya sa akin. Tumaas ang isang sulok ng labi niya kaya naman muli akong nagiwas ng tingin. Mukhang interisado siya!

"Ano po ba ang gusto niyo sa babae? Senyorito" tanong pa din ni Charlie. Hay naku, makikichissmis lang ito. Magaling talaga ang isang ito. Tumahimik na lamang ako, bahala na nga sila.

Hindi sumagot si Senyorito baby pero napansin ko ang pagkibit balikat niya. "Ah, so gusto niyo po ba yung maputi, yung katamtaman lang o medyo morena?" panguusisa ni Charlie.

Nagulat ako ng sumagot si Senyorito baby. Hindi ko inakala na sasagot siya sa mga tanong ng kaibigan ko sa kanya. Aba't mukhang malakas talagang mambudol si Charlie, kaya siguro alam niya ang halos lahat ng chismiss sa lugar namin.

"Yung maputi" seryosong sagot niya kaya naman napanguso ako at nagiwas ng tingin sa kanila. Nanatili akong tahimik na nakikinig habang naglalakad.

"Eh, gusto niyo po ba yung kaage niyo, mas matanda o mas bata sa inyo?" Shuta talaga neto ni Charlie, hindi talaga matigil ang bunganga!

"Yung ka-age" sagot ni Senyorito baby kaya naman kumirot ang puso ko. Aww, my baby heart.

I hears him chuckel. Wala namang nakakatawa. "But, a bit younger is ok too" nakangising sabi pa niya. Bago pa ako kiligin ay nauna na ang kaibigan kong si Charlie.

Napapalakpak pa ito. "Gusto niyo po ba yung malinis o medyo dugyot?" tanong niya. Halos uminit ang magkabilang pisngi ko ng marinig ko ang pareho nilang paghalakhak. Shuta! Yung halakhak ni Senyorito baby ang halay! Masyadong sexy.

Kumunot ang noo ko at mas lalong binilisan ang lakad. Rinig na rinig ko pa din ang tawanan nilang dalawa sa aking likuran. "Dirty is the new sexy, though" matigas na ingles ni Senyorito baby sabay tawa ulit. Hay naku!

Hingal na hingal tuloy akong huminto sa tapat ng gate ng mansyon dahil pilit ko silang nilalayuan na dalawa. "Tathi, magkita tayo sa court mamaya. Tune up game para sa liga. Hinihintay ka ni Jan...yiee" pangaasar pa niya sa akin. Imbes na ngitian siya ay inabot ko pa ang tagiliran niya para kurutin siya.

"Aalis na ako. Magkita tayo mamaya! Ililibre kita fishball" panghihikayat pa niya sa akin kaya naman natahimik na ako.

Hinintay kong makalakad palayo si Charlie bago ako tuluyang pumasok sa mansyon. Napahawak ako sa aking dibdib ng magulat ako ng makita ko si Senyorito baby sa aking likuran. Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa akin. Buong akala ko kanina ay nakapasok na siya, hindi ko inakala na hihintayin pa niya ako. Ang sweet naman!

"Hinintay niyo po ako?" nakangiting tanong ko sa kanya. Seryoso pa din siyang nakatingin sa akin. Nagkibit balikat lamang siya kaya naman napanguso ako.

Nauna akong pumasok sa gate, nanatili siyang tahimik na nakasunod sa akin. Ramdam ko ang tingin niya sa akin kahit nasa likuran ko siya, para bang tumutusok iyon sa aking likuran.

"Jan, Huh?" mapanuyang sabi niya na ikinagulat ko. Kaagad ko siyang nilingon pero inirapan niya lamang ako at nauna ng naglakad sa akin papasok sa mansyon. Hala, ano kayang nangyari duon?

Nakita ko ang pagakayat ni Senyorito baby sa hagdanan. Nang mawala na siya sa paningin ko ay dumiretso na kaagad ako sa may kitchen para bumati kina Manang bobby. Magsasalita pa lang sana ako ng pigilan niya ako.

"Wag ka ng magsalita, baka tumalsik pa ang laway mo kung saan saan. Hindi pwedeng magkasakit ang mga tao dito. Masyado kaming busy" pangaral niya sa akin kaya naman humaba ang nguso ko.

"Si Manang naman parang nakamamatay ang sakit ko" malungkot na sabi ko sa kanya pero inirapan niya lamang ako.

"Kumain ka ng lugaw diyan. Nagluto talaga kami para sayo" sabi pa niya kaya naman lumaki ang ngiti ko. Sabi ko na love ako ako ni Manang bobby kahit palagi niya akong sinusungitan eh.

Dumiretso ako sa may kitchen. Para kumain ng lugaw na sinabi ni Manang bobby sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip pa na sumandok duon, tutal naman ay makapal na ang mukha ko.

"Aray, shuta!" reklamo ko ng mapaso ang kamay ko dahil mainit iyon. Tiniis ko iyon hanggang sa malapag ko siya sa may kitchen counter, mahirap na wala akong pambayad sa mababasag kong pinggan.

"Oh anong nangyari sayo?" tanong ni Manang bobby. Kitang kita ang pagpula ng aking palad dahil sa init, ito din mahirap sa pagiging maputi, medyo sensitive din ang aking balat.

"Napaso po" sagot ko sa kanya habang hinihipan pa din ang aking kamay. Inirapan lang ako ni manang bobby, akala ko sasabihan niya akong tatanga tanga. Mabuti na lamang at hindi.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng pumasok si Senyorito baby sa may kitchen. Literal na napatigil ako sa pagsubo para tingnan siya, amoy na amoy ko din ang shower gel niya. Sobrang linis at gwapo niyang tingnab dahil sa suot ba white tshirt. Mas lalo siyang gumwapo dahil sa basa niyang buhok na medyo magulo pa.

"Stop staring" matigas na sabi niya. Ngumuso ako at kaagad bumaba ang tingin ko sa bowl ng lugaw.

"Kain po. Kumakain po kayo ng lugaw?" tanong ko sa kanya. Nagtaas siya ng kilay bago bumaba ang tingin niya duon. Nakahilig na siya ngayon sa may sink habang hinihintay ang kape niyang nakasalang pa sa coffee maker.

"Sometimes" tamad na sagot niya sa akin.

Napatango tango ako. "Paborito ko din po ito, pero mas paborito ko po yung champorado" kwento ko sa kanya. Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo.

"What's champorado?" tanong niya na ikinalaglag ng panga ko. Seriously?

"Hindi niyo po alam yung champorado? As in? Kawawa ka naman po..." panghihinayang ko, ang sad naman ng childhood ni Senyorito, kaya pala ang sungit.

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Yung champorado po, eh yung chocolate na lugaw" sabi ko sa kanya na ikinangisi niya.

"So may flavor pala ang lugaw?" nakangising tanong pa niya sa akin.

Napaawang ang bibig ko. Bahala na. Mukhang wala naman siyang alam tungkol dito, hindi ba kumakain ng lugaw ang mayayaman?

"May tatlong klase po ng lugaw, yung white, yung yellow at yung chocolate" pagbibida ko. Muli siyang nagtaas ng kilay, nagawa pa niyang humalukipkip habang nakahilig sa sink. Para bang naaliw siya sa naririnig.

"So anong flavor yung yellow?" mapanghamong tanong niya sa akin. Kaagad akong tumingin sa gilid para magisip.

"Uhmm" shuta. Wala akong maisip.

"Aray!" reklamo ko ng pitikin niya ang noo ko. Humaba ang nguso ko, nakangisi si Senyorito baby sa akin.

"Try harder, hindi ka pwedeng writer" puna niya kaya naman napanguso ako.

Muli akong sumubo ng lugaw habang nasa noo ko pa din ang kamay ko. Dahan dahang nagseryoso si Senyorito baby ng tumingin siya sa akin.

"Masakit?" tanong niya.

Napakagat labi ako. "Isang kiss lang po ito, pwede na" nakangising sabi ko sa kanya kaya naman inirapan niya ako.

"Shut up" matigas na sambit niya sabay iwas ng tingin nasa coffee maker na ngayon ang buong atensyon niya.

Sayang, hindi talaga ata ako makakakuha ng kiss ah! Shuta, ang manyak ko. Ang bata bata ko pa! Sumulyap ako sa kanya ng magsalin siya ng kape sa isang tasa, halos magflex ang muscles sa braso niya dahil duon.

"Wag ka na muna sa garden, help me with some paper works. Napagpaalam na kita kay Manang bobby" seryosong sabi niya sa akin na ikinalaki ng aking mga mata. Tuwang tuwa ako dahil sa kanyang sinabi, matapos kong kumain ng lugaw ay dumiretso kaagad ako sa garden kung nasaan si Senyorito baby. Bukas ang kanyang laptop at nakatutok siya duon.

"Sit there" utos niya sa akin sabay turo sa upuan sa kanyang tabi. Nakangiti akong umupo duon. Kahit ata, umupo ako dito buong araw walang problema sa akin basta siya ang katabi ko.

"What's funny?" tamad ba tanong niya sa akin, pansin siguro niya ang kanina ko pang pagngiti. Muli kong pinalabo anh magkabilang pisngi ko para itago ang pagngiti bago ko siyang inilingan.

May ilang documentong ibinigay si Senyorito baby sa akin. Hindi naman iyob mahirap dahil kailangan ko lang iyon iarrange depende sa dates. Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko naiwasang basahin ang laman nuon.

"Sino po si Alec Herrer?" tanong ko sa kanya. Nakita ko ang pangalan na iyon sa pinakababa, may nakalagay na CEO sa ibaba ng kanyang pangalan at may pirma.

"My Dad" sagot ni Senyorito baby. Nanatili ang mata niya sa kanyang laptop.

"Ah, si Papa..." nakangising bulong ko. Umayos ako ng upo ng makita ko ang seryoso niyang pagbaling sa akin.

"Ah, si Papa niyo po pala iyon..." ngiting asong sabi ko.

Tumunog ang kanyang cellphone kaya naman mas lalo akong natahimik. Itinuon ko ang buong atensyon ko sa mga papel.

"Kenzo, que necesitas?" matigas na tanong niya sa kabilang linya. Nakakunot ang noo kong bumaling sa kanya. Naabutan ko siyang nakatingin din sa akin. Ng makita ang pagtataka ko ay ngumisi siya.

"No puedo ir a casa todavía" mas lalong napaawang ang labi ko dahil sa patuloy niyang pagsasalita. Sigurado akong foreign language iyon. Hindi ko lang sure kung ano eksakto.

Hindi nawala ang tingin ni Senyorito baby sa akin. Nanatili siyang nakatingin habang nakikinig din sa kausap niya sa kabilang linya. Napakagat labi siya, halos manuyo tuloy ang aking lalamunan.

"Ella es joven" pagkasabi niya nuon ay nagiwas siya ng tingin sa akin. Napanguso ako.

Ilang pagtango pa ang nagawa niya. "Estoy con ella, adiós"

Halos sundan ko din kung paano niya ibaba ang cellphone niya sa lamesa. "Ano pong breed kayo?" tanong ko. Napatawa siya.

"Ano ako, aso? Tathriana" nakangising tanong niya sa akin at napailing iling pa.

"Edi, anong salita po iyon?" panguusisa ko.

"Spanish"

Nanlaki ang aking mga mata. "May lahi po kayong spanish? Kaya po pala!"

Kumunot ang kanyang noo. "Kaya pala ano?" tanong niya sa akin.

Matamis ko siyang nginitian. "Ang gwapo niyo" wala sa sariling sabi ko.

Nang makabawi ay kaagad akong nagiwas ng tingin sa akin. Napasapo pa ako sa aking noo. Siraulo ka talaga, Tathi!

"Gusto mong matuto magspanish?" seryosong tanong niya sa akin. Nilingon ko siya.

"Hindi naman po ako makakapunta ng spain. Hindi ko din naman magagamit" malungkot na sabi ko sa kanya. Feeling ko mamamatay akong hindi man lang mararanasang mangibang bansa.

Narinig ko ang kanyang pagtikhim. "Hindi mo pa naman sure" seryosong sabi niya sa akin sabay iwas ng tingin.

"Ano pong ibig sabihin ng maganda sa spain? Like, maganda ako" oh di ba, ang kapal ng mukha mo Tathriana. Ngumisi si Senyorito baby. Tinitigan niya ako, bayolente akong napalunok ng dahan dahan siyang humilig sa akin.

"Me gustas, Tathriana" shuta, ang sexy ng boses. Napatango tango na lang ako.

Bumalik na kami sa pagseseryoso pagkatapos nuon. Sandali kaming nagbreak nung magtanghalian.

"You can eat with me, sa dinning" sabi ni Senyorito baby sa akin na ikinalaki ng aking mga mata.

Hindi na niya ako hinintay pang magsalita dahil mabilis siyang pumasok sa loob. Ngiting ngiti ako ng pumasok sa may kitchen.

"Manang bobby, sabi po ni Senyo..."

"Asaan si Senyorito? May bisita siya" salubong niya sa akin kaya naman hindi ko na naituloy ang pagpapaalam ko sa kanya.

Mabilis akong nilagpasan ni Manang bobby. Sumilip din ako sa may sala, bumagsak ang balikat ko ng muli kong makita si Engr. Crystal Santiago. I'm not against her, kahit papaano deserve ko naman ang galit niya dahil natapunan ko siya ng juice. Napanguso na lamang ako at tamad na bumalik sa may kitchen, nakita ko na din ang pagsalubong ni Senyorito baby sa kanya sa may sala.


"Ano yung dapat mong sasabihin sa akin kanina?" tanong ni Manang bobby sa akin.

Umiling na lamang ako. "Wala po"


Sumandok ako ng kanin at ulam. Imbes na sa kitchen kumain ay dinala ko na lamang ang pinggan ko duon sa may duyan. Bigla nanaman akong nakaramdam ng panliliit. Sa tuwing kasama ko si Senyorito baby, parang abot kamay ko siya. Sa mga ipinapakita at pinaparamdam niya sa akin, pakiramdam ko possible kami kahit pa bata pa ako.


Napabuntong hininga ako. Bumaba ang tingin ko sa aking pagkain. Sa tuwing naaalala kong hindi dito sa bulacan ang buhay niya, na may mas malaking syudad na naghihintay sa kanya, halos hindi ko na siya maabot. Wala pa akong napapatunayan sa sarili ko, ni wala pa nga akong naaabot. Ni ang pagiging Valedictorian nga ay hindi ko din nakuha. Wala akong maipagmamalaki.


"I told you to eat with me" matigas na sabi ni Senyorito baby. Nagulat pa ako sa biglaang paglapit niya sa akin. Sinubukan kong sumilip sa kanyang likuran para tingnan kung kasama pa niya si Engr. Crystal pero walang tao duon.


"Uhm, kasi po may bisita kayo eh" palusot ko. Kahit ang totoo bigla nanaman akong tinubuan ng hiya kahit sobrang kapal na ata ng mukha ko.

Nagtiim bagang siya, hindi pa din pinuputol ang tingin niya sa akin. "Pinaalis ko na. Babalik siya dito bukas, pupunta kami ng manila...my dad wants to meet her" seryosong paliwanag niya sa akin.

Napaawang ang bibig ko. Naguguluhan ako, bakit kailangan niyang pumunta sa manila? Bakit kasama si Engr.? Aalis na siya? Kailan siya babalik? Ang dami kong gustong itanong pero alam ko namang wala akong karapatan. At isa pa, bakit niya sinasabi sa akin ito?

"My Dad want to meet her for the proposal...just bussiness. Tathi" madiing sambit pa niya. Tumango na lamang ako.


"Babalik pa po kayo dito?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Halos mapangiwi ako ng marinig ko kung gaano kalungkot ang boses ko.

"Do you want me too?" tanong niya sa akin na ikinagulat ko. Nagtaas muli ako ng tingin sa kanya. Nakita ko kung paano pumungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

Bayolente akong napalunok bago ako tumango tango bago muling nagiwas ng tingin. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.

"Pipilitin kong makauwi dito bukas, bago matapos ang trabaho mo" paninigurado niya sa akin. Napakagat labi ako, hindi ko na din alam kung saan ba patungo ang usapan na ito.


"I won't let you miss me, babalik ako kaagad" seryosong sabi pa niya kaya naman halos may kung anong nagwala sa tiyan ko. Nanigas ako sa kinauupuan ko.

Paano kaya niya nalaman na mamimiss ko siya? Assuming din itong si Senyorito baby eh.

Pagdating ng alasingko ay nagpaalam kaagad ako sa kanya. Ramdam ko sana ang pagprotesta niya dahil sa pagpapaalam ko, pwede naman sana akong magover time pero may lakad kami ni Charlie at nangako ako sa kaibigan.

"Manunuod ka ng basketball game?" tanong niya sa akin ng magpaalam na ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako biglang natakot na tumango sa kanya.

Napatikhim siya kaya naman sinulyapan ko siya. Kita ko ang seryoso niyang pagtingin sa hawak na documento, kumunot din ang kanyang noo.

"Sasama ako, manunuod din ako" sabi niya na ikinagulat ko. Halos malaglag ang panga ko dahil sa kanyang sinabi. Totoo ba?

Hindi na ako nakapagprotesta pa. Head turner pa din si Senyorito baby pagkababa namin ng kanyang sasakyan. Tanging puting tshirt, itim na broad shorts ang suot niya. Ang puti at ang linis din ng kanyang mga paa. Hiyang hiya yung sa akin. Ipinarada niya sa kabilang kalsada ang kanyang sasakyan kaya naman kinailangan pa naming tumawid patungo sa court.


Nagulat ako ng hawakan niya ang aking palapulsuhan ng tumawid kami. Hindi naalis ang tingin ko sa kanya ng makita ko kung paano niya itaas ang kamay niya para patigilin ang mga sasakyan.


"Tathi! Senyorito!" tawag na salubong ni Charlie sa amin. Gulat siya ng makitang kasama ko si Senyorito baby pero kita ko din ang naguumapaw niyang tuwa.

"Kasama po pala kayo, Senyorito" nakangiting puna ni Charlie. Hindi ko na lamang nilingon si Senyorito baby. Hinila ako ni Charlie papasok sa court, pansin ko kaagad ang paglingon ng mga tao sa aming gawi. Nawala iyon ng maramdaman ko ang hawak niya sa may likuran ko, halos manlamig ang buong katawan ko kahit ramdam ko ang init ng palad niya.

Nang makahanap ng bakanteng upuan ay umupo na kami. Pinagigitnaan nila ako ni Charlie. "Jan! Andito ba si Tathi!" sigaw ni Charlie sa may court. Hindi naman masyadong eskandalo iyon dahil maingay na talaga sa court, pero napanguso ako ng mapansin iyon ni Jan, tumingin siya sa gawi namin. Ngiting ngiti siyang kumaway sa akin. Wala akong nagawa kundi ang kumaway pabalik.

"Tsk"

Napatigil ako ng nilingon ko ang iritadong si Senyorito baby. "Hindi po kayo sanay sa ingay? Kung gusto niyo na pong umuwi, ok lang po" sabi ko sa kanya pero mas lalo lamang tumalim ang tingin niya sa court.

"Hindi ako aalis" matigas na sabi niya kaya naman tipid na lamang akong tumango. Mahigpit na ang laban kahit tune up game pa lamang ito. Hindi ko mapigilang mapatili at mapapalakpak sa tuwing nakakashoot ang mga kabaryo namin.

"Go Jan!" sigaw ko kasabay nina Charlie at ng iba pa.

Tuwang tuwa kami ni Charlie ng nakashoot siya ng tres. Halos dikit ang score pero palagi silang lumalamang.


"Foul. Free throw, si Jan!" kinikilig na anunsyo ni Charlie. Muli akong napatingin sa court. Dalawang free throw ang gagawin niya. Kailangan niya iyong mashoot pareho para mas lalong lumaki ang lamang nila, sure win na iyon.

Niyogyog ako ni Charlie ng makita namin ang pagbaling ni Jan sa akin bago siya tumira ng unang free throw. Nagsigawan ang lahat ng maishoot niya iyon. Ngiting ngiti din siya sa akin. "Shet, Tathi. Kinikilig ako" paghyhysterical ni Charlie.

Bayolente akong napalunok ng lingonin ko ang tahimik na si Senyorito baby. Nagulat ako ng makita kong nakatingin siya sa akin, nakakunot ang noo.

"Kinikilig ka?" galit na tanong niya sa akin. Sapat lang ang lakas nuon para sa aming dalawa. Hindi kaagad ako nakasagot, napaawang ang bibig ko.

Halos hindi ako makawala sa kanyang titig sa akin. Kahit pa nung aluhin ni Charlie ang balikat ko. "Tathi, tumingin ka. Magshoshoot na si Jan" utos niya sa akin pero hindi ko sinunod.


Nagtaas ng kilay si Senyorito baby. "Subukan mo" panghahamon niya sa akin. Halos manuyo ang lalamunan ko.

Napadaing ang mga tao, siguro ay hindi nashoot ni Jan ang panghuling free throw. Kumunot ang noo ko ng makita ko ang pagngisi ni Senyorito baby.

Muli siyang humilig sa akin para ilapit ang bibig niya sa aking tenga. "Nakakakilig na iyon? I can do better" mayabang na bulong niya sa akin bago siya tumayo. Nagulat ako sa pagtayo niya pati si Charlie ay napatingin din sa kanya.

"Come on, bibilhan kita ng fishball. You're to expose here, I don't like it" matigas na sambit niya.

Sumunod kami ni Charlie sa kanya palabas ng court. Si Charlie sana ang manlilibre sa akin, pero si Senyorito na daw ang bahala.


Ang bigat ng loob ko pagpasok ko sa mansyon kinaumagahan. Ngayon ang punta nila sa manila kasama si Engr. Nakita ko kaagad na nakahanda na ang kanyang sasakyan sa may garahe. Bago pa ako pumasok sa front door ay nakita ko na ang paglabas niya kasama si Engr. Crystal.

"Mauna ka ng sumakay, Engr." utos niya dito. Nakangiting tumango si Engr. Sa kanya, nagawa ko pang sundan ang tingin ito, napanguso ako ng makita kong sa may front seat siya sumakay.


Tumikhim si Senyorito baby sa aking harapan kaya naman nilingon ko siya. "I'll be back" paninigurado niya sa akin.

Napangiwi ako. Kumakati ang bibig ko at hindi ko mapigilang magsalita. "Ipapakilala mo po siya sa Daddy mo?" tanong ko pa din kahit alam kong iyon naman ang mangyayari.

Nakita ko ang pagtaas ng isang sulok ng kanyang labi. "Yes"

Mas lalong humaba ang nguso ako. Nakakainis naman, naunahan pa ako ni Engr.

"Buti pa siya..." mahinang reklamo ko.

Napangisi si Senyorito baby. May inilabas inabot siyang libro sa akin. "You can read that, while waiting for me..."

It's a book about english translation ng mga spanish word. Hindi na ako nakapagsalita pa.


"She will meet my Dad for bussiness. I don't have plans to bring her to spain though" paliwanag niya sa akin. Nagiwas ako ng tingin.


Nanigas ako ng dahan dahang lumapit si Senyorito baby sa akin. Seryoso na ulit ang kanyang mukha. "Pasok na. Ayokong umalis na ganyan ka..." halos manginig ang buong kalamanan ko. Anong ganyan?

"Ayokong makita mo akong umalis na may kasamang ibang babae..." seryosong sabi pa niya sa akin, titig na titig pa din.


Mariin siyang napapikit pagkatapos. Para bang pigil na pigil. "Ingat po sa byahe" sabi ko na lamang.

"Yeah. Damn, mababaliw ako kakaisip..." hindi ko na narinig pa ang kabuuan nuon ng mabilis na akong tumakbo papasok sa mansyon. Tama, ayoko din makitang umalis siya na mah kasamang iba.




























(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro