Chapter 10
Sick
Muntik na akong mapatili dahil sa aking narinig. Napanguso ako para itago ang pagngiti, nakita ko kung paano bumaba ang tingin ni Senyorito baby duon sa labi ko. Kita ko iyon kahit pa may kadiliman. Bayolente akong napalunok at kaagad na umayos ng upo.
"Uhm. Ako po yung candidate number 6" pagbibida ko at nagawa ko pang ituro mula sa stage. Napakagat ako sa aking pangibabang labi habang pinipilit ang aking sarili na wag na munang lingonin si Senyorito baby dahil ramdam ko pa din ang tingin niya sa akin.
"Hindi naman maganda" sabi niya pa na mas lako kong ikinanguso, nakakainis hindi kami magkapareho ng manok. Kahit duon sa lalaki ay ayaw niya din sa pambato ko.
Muling tumutok ang lahat ng isa isa silang rumampa sa harapan. Halos mapangiwi ako sa tuwing lumalakas ang hiyawan ng mga tao sa tuwing nakikita nila kung paano tumatalbog yung dibdib ng mga kandidata sa suot nilang swimsuit.
Napapikit ako dahil sa paghatching. Mabilis din akong napasinhot, niyakap ko ang aking sarili ng unti unti kong maramdaman ang lamig ng gabi, hindi pa naman maayos ang pakiramdam ko kanina dahil sa pagpapaulan namin kahapon.
"Wear this" matigas na sabi ni Senyorito baby. Nagulat ako ng iabot niya sa akin ang itim na jacket na nakita kong hawak niya kanina. Napaawang ang bibig ko.
"Sa inyo po iyan, Senyorito. Ayos lang po ako" pagtanggi ko sa kanya. Bumigat ang tingin niya sa akin kasabay ng pagigting ng kanyang panga.
Bayolente akong napalunok ng gumalaw siya sa kanyang kinauupuan. Hindi ko na siya napigilan ng siya na mismo ang nagsuot nuon sa akin. Amoy na amoy ko ang bango niya duon sa jacket niya. Grabe! Bukod sa masarap sa balat ang halatang mamahaling tela nuon ay pakiramdam ko yakap yakap niya ako dahil duon.
"Eh paano po kayo?"
"Dinala ko talaga iyan, para sayo" seryosong sagot niya sa akin sabay iwas ng tingin. Muling namahid ang buong katawan ko. Shuta, Tathi!
Napakagat ako sa pangibabang labi ko at kinikilig na bumaling sa stage kahit pa wala duon ang isip ko. Matapos ang swimsuit competition ay nagkaroon ng break para sa paghahanda sa evening gown. Nagkaroon ng raffle sa harapan.
Sayang. Wala akong ticket, shuta. Swerte pa naman ako sa mg Paraffle.
"Dinner po" sabi ng kaparehong babae na nagpamigay ng burger kanina. Tumaas ang kilay ko ng makitang super meal iyon galing sa jollibee. Sponsor ba nila ang jollibee? Napanguso ako ng makita ko kung paano ngumiti yung babae kay Senyorito baby. Ang usapan magbigay lang ng pagkain, bakit kaya nakikipagngitian ito? Inis.
Nagiwas ako ng tingin ng magsimulang kumain ang mga katabi niyang judge. Nilibang ko ang sarili ko sa panunuod ng kaganapan sa stage. Dahan dahan kong pinalobo ang pisngi ko ng makita ko kung paano dahan dahang humilig si Senyorito Baby sa akin.
"Eat this" sabi niya sabay lahad sa akin nung pagkain. Nanlaki ang aking mga mata.
"Naku, hindi na po. Ibinigay niyo na nga po sa akin yung burger kanina" pagtanggi ko pa. Nakakahiya naman kung ako ang kakain nuon, siya ang judge at hindi naman ako. Tumaas ang isang kilay niya.
Kinuha niya ang kamay ko at duon na mismo niya inilagay ang box. "Eh paano ka po?" nahihiyang tanong ko sa kanya.
"Busog pa ako" sagot niya sa akin bago niya itinuon ang buong atensyon niya sa hawak ba cellphone. Pinasadahan ko ng tingin ang malaking screen ng kanyang cellphone. May katext siya? Sino kaya ang katext niya? Hindi ko pa lubusang nakikita kung ano talaga ang ginagawa niya ng magulat ako ng nilingon niya ako. Muli siyang nagtaas ng kilay sa akin ng makita niyang nakasilip ako sa kanyang cellphone.
"I'm just checking some email. Wala akong katext" sabi niya sa akin. Napaawang ang bibig ko.
"Hindi niyo naman po kailangang magpaliwanag, ok lang po" sabi ko sabay iwas ng tingin. Napanguso ako habang nakatingin sa pagkaing ibinigay niya sa akin.
"Hey..." paos na tawag niya sa akin. Halos mamanhid ang batok ko pababa sa braso.
Muli akong napatingin kay Senyorito baby. Shocks ang gwapo talaga eh, ito talag yung super meal eh.
"Are you upset?" seryosong tanong niya sa akin na ikinakunot ng aking noo. Mabilis akong napailing. Bakit naman niya naisip na I'm upset? Wala naman siyang ginagawa at kung may gawin man siya, wala naman akong karapatang magalit sa kanya. Bahagya lamang siyang tumango at muling nagiwas ng tingin.
At dahil sadyang matakaw akong bata. Inumpisahan kong kinain ang pagkain na para sana kay Senyorito baby. Shuta, ang kapal na talaga ng mukha ko. Ngiting ngiti ako habang kumakain ng spaghetti. Wala talagang tatalo sa spaghetti ng jollibee. Kaya ko atang umubos ng limang order nuon.
Sarap na sarap ako sa pagkain ng makita ko kung paano dahan dahang humaplos ang kamay ni Senyorito baby sa kanyang tiyan. Napangisi ako, hindi ako naniniwala na hindi siya gutom. Ako ngang kumain na ng burger at fries kanina at gutom pa din. Or baka sadyang may sawa lang sa tiyan ko? Hindi ko alam.
Nagikot ako ng spaghetti sa tinidor. Pagkatapos ay sinahod ko ang kabila kong kamay para iwasang mahulog iyon. Inilapit ko iyon kay Senyorito baby, bahala na.
"What are you doing?" tanong niya sa akin kaya naman nagngiting aso ako kahit ang totoo ay kinakabahan ako. Sobrang init ng mukha ko.
"Uhm, kain po kayo" naiilang na sabi ko sa kanya.
Nakita ko kung paano niya binasa ng dila ang kanyang pangibabang labi. Bumaba din ang tingin niya sa hawak kong tinidor.
"Say ahh baby...este senyorito! Hehe" shuta!
Gusyo kong batukan ang sarili ko dahil sa kagagahan ko. Nakita ko kung paano ngumisi si Senyorito. Hanggang sa halos napanganga ako ng mapanuod ko kung paano niya tinanggap ang pagkaing inilapit ko sa kanya. Sinubo niya iyon habang hindi pinuputol ang tingin sa akin. Halos manuyo ang labi ko, grabe!
Napakurap kurap ako at mabilis na nagiwas ng tingin. Muling bumaba ang tingin ko sa pagkain. "Uhm, masarap po?" tanong ko habang sa pagkain pa din nakatingin.
"Yah" tamad na sabi niya.
Nanlaki ang aking mga mata ng maalala kong sinubo ko na ang tinidor na iyon. Tapos sinubo din niya. Jusko! Indirect kiss iyon!
"Hala, nasubo ko na po pala ang tinidor. Pero wala naman po akong rabies" paliwanag ko sa kanya kaya naman napangisi siya.
Nanatili ang mga mata niya sa stage. Halos hindi ko na nga mapansin ang mga nangyayari duon.
"Kaya pala mas masarap" nakangising sabi niya sabay hawak sa kanyang pangibabang labi.
Halos malaglag ang panga ko. Buong akala ko ay mandidiri siya. Behave Tathi, Behave!
Halos mapasway ang ulo ko dahil sa tugtog pagdating ng formal wear. Napuno ang mga mata ko sa ganda ng mga suot na gown ng mga kandidata. Never ko pa naranasang magsuot ng mga ganuon, kahit nuong JS prom namin eh simpleng dress lang ang meron sa amin.
Nagulat ako ng kalabitin ako ni Senyorito baby. "Po?"
Nagulat ako ng ituro niya ang kanyang bibig. Halos uminit ang pisngi ko. "Pasubo pa" sabi pa niya. Jusko, hihimatayin na talaga ata ako neto.
Pinanuod niya kung paano ko iikot ang spaghetto sa tinidor. Halos manginig ang kamay ko habang itinataas ko iyon papunta sa kanya. Nang makita niya iyon ay napasinghap ako ng hawakan niya ang aking palapulsuhan para mabilis na ilapit ang hawak kong tinidor sa kanya.
Shutaness! Heart attack.
Halos bumagsak na ang talukap ng mata ko sa part ng question and answer. Busy naman si Senyorito baby habang nakatingin duon, kagaya sa tuwing nagiisip siya at focus, pinaglalaruan niya muli ang kanyang pangibabang labi. Wala sa sarili ko tuloy, tinaas ang kamay ko para hawakan ang pangibabang labi ko.
"Pwe!" asik ko at halos malukot ang mukha ko. Shuta, Tathi ang alat!
Muli akong nabalik sa wisyo ng magawarding na. Tumayo sina Senyorito baby kasama ang iba pang judge para pumunta sa stage. Awarding na at may papicture taking. Agaw pansin ang baby ko. Parang artista! Mas gwapo pa sa mga lalaking candidate. Napatayo ako ng magkatulakan ang mga tao para mas lalong makalapit sa stage, halos lahat ay nakatayo na din at ang ilang upuan ay nagulo na.
"Ang gwapo nung judge! Papicture tayo, pagkababa!" rinig kong sabi ng ilang mga kababaihan na mas matanda sa akin. Siguro nasa 18 paatas na sila. Hay. Sana all legal age na!
Ilang ganuon pa ang narinig ko kaya naman napanguso ako. Ngayon pa lang ang dami ko ng kaagaw kay Senyorito baby. Paano pa kaya sa manila? Mas madaming babae duon, mas magaganda.
"Aray" reklamo ko ng may sumadyang bumunggo sa aking balikat. Nilingon ko ang tatlong babaeng mas matangkad sa akin. Nakahalukipkip silang tatlo at masama ang tingin sa akin.
"Kanina ka pa namin pinapanuod, katulong ka lang ni Sir Cairo. Feeling close ka!" asik nila sa akin kaya naman napaawang ang bibig ko. Ano kayang problema ng mga ito?
"Hindi ako katulong noh! Hardinera ako" pagbibida ko sa kanila. Nagawa ko pang magpamewang sa harapan nilang tatlo. Aba! Hindi biro ang maging hardinera, hindi lahat nakakabuhay ng halaman.
Mas lalo silang nagtawanan na tatlo. "Kaya naman pala dugyot, hardinera naman pala" asik nila sa akin kaya naman sinamaan ko sila ng tingin. Hindi na ako nasalita, ang sabi nga ng iba intellegent people don't speak too much. Hayaan mong tumahol ang mga walang alam.
"Hoy, anong ginagawa niyo kay Tathi!?" galit na tanong ni Jan sa mga babae. Napanguso ako, kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko. Pero salamat na din at mag kakampi na ako. Baka magkasabunutan eh, mahirap na.
Matapos silang samaan ng tingin ni Jan ay padabog din silang umalis at nilubayan ako. Ngiting ngiti ito ng bumaling sa akin, tipid akong ngumiti sa kanya. "Salamat..." sambit ko.
Nakita ko kung paano siya nahihiyang kumamot sa kanyang batok. "Uuwi ka na ba? Ihahatid na kita..." tanong ni Jan sa akin kaya naman napaawang ang bibig ko.
Hindi pa man din ako nakakapagdesisyon ng kaagad akong napatingala sa taong humawak sa aking siko. "Ako ang maghahatid kay Tathi. Buti pa, umiwi ka na din sa inyo bata" seryosong sabi ni Senyorito baby. Napatingin ako kay Jan at nakitang masama na ang tingin niya kay Senyorito baby ko.
"Anong bata?" asik niya dito. Bayolente akong napalunok, kita kong kalmado pa din si Senyorito baby. Bakit naman hindi? Sa muscles niya sa braso isang suntok niya lang kay Jan ay paniguradong tulog ito.
"Ah Jan, ok lang...next time na lang siguro" nahihiyang sabi ko sa kanya para naman tumigil na siya. Nang ilipat niya ang tingin niya sa akin ay lumawak ang ngiti niya. Nagulat ako, ayos ah parang hindi galit kanina.
Tahimik akong nakasunod kay Senyorito baby habang papunta kami sa parking space kung nasaan ang kanyang sasakyan. Matapos umalis ni Jan kanina ay hindi na niya ako muling kinausap. Tumunog ang kanyang sasakyan ng malapit na kami, dumiretso siya sa passenger seat para pagbuksan ako ng pinto. Tamad siyang tumingin sa akin.
Nagngiting aso ako at peace sign ng makita kong nakasimangot siya. Muli akong yumuko para hindi mauntog sa kanyang kamay na nakahawak sa pintuan.
"Sandali lang akong nalingat. Really, Tathriana?" galit na sambit niya. Napaawang ang bibig ko ng tuluyan na akong makaupo at naharap ko na siya.
Nagtiim bagang siya bago niya ako inirapan. Kahit sa byahe pauwi ay tahimik Si Senyorito baby, malayo pa lang ay kita ko na ang nagiinuman sa labas ng bahay namin. Naku, lasing nanaman si Papa nito panigurado.
"Dito ba lang po ako, wag niyo ng ilapit. Baka mapashot pa kayo. Isang baso lang ang gamit nila...for sure hindi masarap ang laway nila" tuloy tuloy na sabi ko sa kanya. Nanatili ang titig niya sa akin.
"Hehe, Char lang. Sige na po, thank you po. Good night, bye bye...love you" nakangising paalam ko sa kanya at sinadyang pabulong ang huli.
Binukan ko ang pintuan at napahinto ako ng maalala kong suot ko pa ang jacket niya.
"Sa iyo na iyan" sabi niya sabay iwas ng tingin. Nanlaki ang aking mga mata, naku! Hindi ko ito tatanggihan. Susuotin ko ito sa tuwing matutulog ako para kunwari yakap yakap ko siya!
"Salamat po! Eh kiss po wala?" biro ko sa kanya pero sinamaan niya lamang ako ng tingin.
Kalagitnaan ng gabi ng tumaas ang lagnat ko. Ginaw na ginaw ako at sobrang bigat ng ulo at buong katawan ko. Nalaman lamang iyon ni Mama kinaumagahan ng magtaka sila ng hindi ako nakababa para pumasok sa mansyon.
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko sayo! Naligo ka pa kasi sa ulan!" asik ni Mama sa akin galit na galit. Napanguso ako ng makita kong inis na inis siya sa akin pero panay naman ang pagpunas sa akin ng bimpo.
Siya na din ang nagpaalam kay Manang bobby kung bakit hindi ako nakapasok ng araw ba iyon. Natulog ako buong umaga, nagising na lamang ng kakain na ng tanghalian.
"Kumain ka at iinom ka ng gamot. Tawagin mo ako pagtapos ka na" bilin ni Mama sa akin ng dalhan niya ako ng pagkain sa kwarto. Umayos ako ng upo para makakain, medyo mabigat pa din ang ulo ko at sinisipon ako.
Habang humihigop ng sabaw ay napansin ko ang ilang beses na pagilaw ng aking cellphone. Mas lalong uminit ang pisngi ko ng makita kong si Senyorito baby ang nagmessage.
Senyorito baby:
Where are you?
Senyorito baby:
May lagnat ka daw sabi ni Manang.
Nagpatuloy ako sa pagkain habang isa isang binasan ang mga text niya sa akin. Para akong baliw dahil sa pagkakangiti.
Senyorito baby:
Take a rest. Magpagaling ka
Subo subo ko pa ang kutsara sa bibig ko ng nagtipa ako ng reply para sa kanya. Parang biglang nawala ang lagnat ko.
Ako:
Medyo bumaba na po ang lagnat ko. Miss mo na po ako?
Nakangisi ako ng isend ko iyon. Shuta ka tathi, mukhang mataas na talaga ang lagnat mo! Kulang ba lang ay magdelirio ka.
Napasinghot singhot ako habang inuubos ang pagkain sa aking pinggan. Kailangan kong magpagaling kaagad para makapasok na ako sa mansyon.
Senyorito baby:
Mukhang mataas talaga ang lagnat mo bata. Hindi kita namimiss
Napanguso ako ng mabasa ang reply niya sa akin. Sandali akong napahawak sa aking ulo ng maubo ako, sumasakit iyon sa tuwing umuubo ako.
Ako:
Weh?
Ang gago ko shuta. Mukhang lumalakas ang loob ko sa tuwing may sakit ako.
Senyorito baby:
Shut up and rest. Don't make me miss you then.
Halos malaglag ang panga ko. Maging ang aking paningin ay umikot din sa hilo. Shuta naman! Hindi na ako nakapagreply pa ng muling umikot ang ulo ko. Muli akong nahiga pagkatapos kumain.
"Tathi. Wag mo kaming iiwan!" umiiyak na sabi ni Charlie ng dalawin niya ako nung hapon. Kaagad ko siyang hinampas sa braso. Tawa naman siya ng tawa habang kumakain ng ubas.
"Shuta ka! May lagnat lang ako. Hindi oa ako mamamatay!" asik ko sa kanya kaya naman inirapan niya ako.
Napaayos ako ng upo ng makita ko ang isang basket ng iba't ibang klase ng prutas. Duon ko lang narealize na duon galing ang ubas na kinakain ni Charlie.
"Sayo galing iyan?" gulat na tanong ko sa kanya.
Napanguso siya. "Syempre hindi! Bakit naman kita bibilhan niyan! Ano ka, siniswerte?" asik niya sa akin habang patuloy pa din sa pagkain ng ubas.
"Sa mansyon galing iyan. Pinadala daw nung bisita ni Governor. Aba ang bait pala nuon...siguradong kung namatay ka, malaki ang abuloy!" sita niya kaya naman kinurot ko siya sa tagiliran at pinanlakihan ng mata. Nagpeace sign lang siya sa akin kaya naman inirapan ko.
Mabilis kong kinuha ang cellphone ko para magpasalamat sa kanya. Muli akong napahawak sa ulo ko ng umikot ang paningin ko.
Ako:
Salamat po sa prutas.
Senyorito baby:
Stop texting and rest.
Ano ba yan. Wala man lang welcome? Ang sungit talaga!
Medyo ayos na ang pakiramdam ko kinaumagahan pero hindi pa din ako pinapasok ni Mama. Ibig sabihin dalawang buong araw kong hindi makikita ang senyorito baby ko. Ang sad naman!
"Sabihan mo ako kaagad pagpupunta na kayo sa BSU. Ihahanda ko ang pangtuition mo" sita ni Mama sa akin nung hapon ng bumaba ako dahil sa pagkabagot ko sa kwarto. Tumango na lamang ako, kahit papaano ay tanggap ko ng hindi talaga ako makakapagUP.
"Magpapasa pa lang naman po ng form, Mama" sabi ko habang tumutulong sa pagpapack ng chicharon. Kita ko ang pagtingin niya sa akin. Nginitian ko siya para ipakitang ayos lang ako. Ayokong pabigatin ang loob nila.
Natahimik kami hanggang sa dumating si Papa. Pawis na pawis ito habang nagpapaypay gamit ang kanyang sumbrero.
"Tatanggalin yung mga tindahan sa hilera ng terminal" problemadong sabi niya. Nagangat ako ng tingin sa kanya.
"Oh eh paano iyon?" tanong ni Mama. Hindi ko maintindihan ang pinaguusapan nila kaya naman nakinig ako lalo.
Pagod na umupo si Papa sa kawayan naming upuan. "Matagal ko ng tinitingnan yung pwesto duon. Maganda talaga iyon, lalo na at terminal" kwento niya kay Mama.
"Hayaan mo na. Baka hindi talaga para sa atin iyong pwesto" malumanay na suway ni Mama sa kanya. Narinig ko ang pagtsk nito.
"Bakit kasi pinagbili yung lupa duon?" galit na sabi ni Papa.
Napangisi si Mama. "Eh may pera sila eh, ganuon talaga"
Matapos kong tumulong ay lumabas ako sa bahay namin para magtungo sa kanto. Bibili ako ng mirienda.
"Tathi!" sigaw ni Charlie sa akin. Napangisi ako ng makita kong halos mamuwalan na siya kakakain ng bananacue.
Turon ang binili ko at isang samalamig. Sumama ako kay Charlie duon sa tambayan namin.
"Namomorblema sina Tiya Rita. Mapapaalis ang lugawan nila sa may Sta. clara. Sino kaya ang nakabili ng lupa?" tanong niya sa akin kaya naman kumunot ang noo ko.
"Eh nangungupahan lang naman ang mga tiya rita mo duon. Kaya wala tayong magagawa kung gustong ipagbili iyon ng may ari" paliwanag ko pa sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang pinagtatanggol ko ang gustong bumili ng lupa sa may sta. clara.
Inirapan niya ako. "Hala, itatakwil ka ng sta. maria. Ang lupa dito ay para sa mga taga sta. maria lang..." sita niya sa akin kaya naman nagiwas ako ng tingin.
Ayoko sanang isipin pero malakas ang pakiramdam ko na yung lupang tinutukoy nila ay ang lupang gustong bilhin ng pamilya ni Senyorito baby. Halos matatanda na ang ilang tindahan duon sa may kahabaan ng sta. Clara. Paniguradong hindi magiging madali ang pagpapaalis sa kanila.
"Sino daw ba ang bibili?" tanong ko kay Charlie. Paniguradong madaming alam ito, chismosa siya eh.
Nagulat ako ng nagkibit balikat siya. "Secret daw. Alam siguro na pagiinitan siya ng mga tao pag nalaman. Naku, patay siya pagnagkataon!" sabi pa niya na ikinalaki ng aking mga mata.
"Eh paano kung mabait naman!" laban ko. Napanguso si Charlie.
Muling sumakit ang ulo ko dahil sa nabalitaan. Hindi ko naman dapat problemahin iyon pero hindi pa din mawala sa aking isip.
Magaling na ako kinaumagahan kaya naman handa ba ulit akong pumasok sa mansyon. Nagpaalam ako kay Mama na aalis na. Tahimik akong naglalakas patungo duon ng makita ko si Manong nagtataho, tumawid pa ako sa kabilang kalsada para makabili sa kanya.
"Tig 10 lang po" sabi ko.
"Yung tig 20 na manong"
Nagulat ako sa biglaang sumingit. Mabilis ko siyang nilingon, nagulat ako ng makita ko si Senyorito baby. Nakasuot siya ng itim ba jacket, gym short at rubber shoes. May airpods din sa kanyang tenga. Galing siya sa jogging.
Inabot sa akin ni Manong yung malaking baso ng taho. Si Senyorito baby ang nagbayad nuon.
"Salamat po dito" sabi ko sa kanya. Sinabayan niya akong maglakad. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya. He is so damn wet! At ang gwapo! Parang lalagnatin ata ulit ako.
Tahimik kong ininom ang taho. Halos masamid ako ng salitin ng kamay niya ang leeg ko. "I'm just checking. Baka mahawahan mo ako" seryosong sabi niya kaya naman napanguso ako.
"Magaling na po ako. Hindi po kayo mahahawa" laban ko sa kanya kaya naman nagtaas lang siya ng kilay.
"Sige po, lalayo na lang po muna ako" malungkot na sabi ko sa kanya at nauna ng maglakad para medyo makalayo.
Nagulat ako ng sabayan niya ang lakad ko. Walang kaeffort effort niyang nahabol ang layo ko sa kanya. "Stop it Tathriana, baka mabinat ka" suway niya sa akin.
Nang hindi pa din ako matigil sa malalaki kong hakbang ay hinawakan niya na ang siko ko. Halos makuryente ako ng maramdaman ko ang hawak niya duon.
Tiningala ko siya. Napakagat labi ko ng guluhin ng kamay niya ang basa niyang buhok.
"2 days is enough. Don't make me, miss you more" sabi niya na ikinalaglag ng panga ko. Sabi ko na eh!
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro