Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Snow white




Sa sobrang inis ko ay pinagsisipa ko lahat ng damong madaan ko. Ultimo bato ay tumatalsik sa kung saan.

"Aray!" hiyaw ko sabay hawak sa likod ng aking ulo. Sumama ang tingin ko kay Charlie dahil sa pagbatok nito sa akin.

Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang paglakad. "Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba ay may lakad ka?" masungit na tanong ko sa kanya. Maging ang kaibigan ay napagbuntungan ng inis.

Gigil kong sinipa ang nakaharang na damo sa naraanan. Rinig ko ang pagmumura ni Charlie sa aking likuran dahil sa ginagawa.

"Baliw ang gaga"

Hindi ako nahusto. Muli kong sinipa ang isa pa. "Ay shuta ang tanga!" hiyaw ni charlie sabay tawa.

Uminit ang pisngi ko dahil sa nangyari. Lumipad ang sapatos ko sa gitna ng kalsada dahil sa lakas ng pagkakasipa ko. Naiwan sa paa ang medyas ko kaya naman ipinatong muna sa malaking bato.

"Tatawa ka pa eh, kunin mo na ang sapatos ko!" nakangusong utos ko kay Charlie ng hindi pa din ito matigil sa pagtawa. Sinimangutan ko siya, shuta halos mamula na kakatawa.

Tatawa tawa akong tinalikuran ni Charlie para sana kuhanin na ang sapatos ko. Nanlaki ang aking mga mata at kaagad siyang hinila pabalil ng makita ang kulay itim na sasakyang paraan. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay napakurap kurap na lamang ako.

Mas lalo akong nabingi sa tawa ni Charlie. "Pipe..." hiyaw niya sabay turo sa kawawa kong sapatos na walang awang sinagasaan nung sasakyan.

Shuta. Saktong sakto sa gulo. Napasibi ako habang tinatanaw ang paglayo ng itim na sasakyan. Kaagad kong tinandaan ang plate number. Pagbabayarin ko siya sa ginawa niya sa sapatos ko!

Kung kaninay inis na inis. Ngayon, bigo akong naglakad habang sa aking likuran ay ang natatawa pa ding si Charlie. Paika ika ako habang tinatanaw ang bawat paglakad ng napipi kong sapatos.

"Bakit mo kasi sinisipa yung mga damo kanina? Ayan tuloy nagalit si mother nature." maarteng tanong at pangaral niya sa akin. Mas lalong bumagsak ang aking balikat.

"Dugyot ba ako, Charlie?" malungkot na tanong ko sa kanya. Binaliwala ang kanyang unang tanong sa akin.

Maarte niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. "Sige, ikot ka" utos niya. Ginawa ko iyon. Muli niya akong pinaikot kaya naman ginawa ko ulit. Sa huli ay dismayado lang siyang tumingin sa akin.

"Dugyot ka nga Tathi" walang halong birong sabi niya sa akin. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Nakakahiya naman sa crush ko, hindi pa kami nagkakakilala ay basted na kaagad ako.

Panay ang tanong ni Charlie sa akin kung bakit ako biglang nagkaroon ng pake sa pagtawag sa akin ng dugyot. Tama naman, nakakapanibago nga naman talaga, wala naman akong pakialam sa pagtawag nila sa akin ng ganuon. Pero, iba ngayon. Crush ko iyon!.

"Oh. Tathi, anong nangyari sa sapatos mo?" gulat na tanong ni Papa sa akin pagkauwi ko sa bahay.

Nagmano ako sa kanya at kay Mama, bago ako sumagot.

"Nasagasaan po ng hindi kilalang sasakyan. Nakatakas ang suspect at pinaghahanap na ngayon ng mga puli..."

"Aray!" hiyaw ko, hindi ko na natuloy ang pagpapaliwanag kila Mama at Papa dahil sa pagbatok ni Kuya Jasper sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lamang ako. Hihingi sana ako ng tulong kila Papa pero naabutan ko silang umiiling na nakangiti. Sa huli, talo nanaman ako at bigong umakyat sa akong kwarto.

Wala pang ilang minuto ay nakarinig na ako ng katok. Hindi na ito naghintay pang pagbuksan ko dahil kaagad din naman iyong bumukas.

"Mama, ano po iyon?"

"Gusto mo ba talagang mamasukan sa mansyon?" tanong niya sa akin na ikinalaki ng aking mga mata.

Kaagad akong napatango. "Opo mama!" masayang sagot ko sa kanya. Kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. Sabagay, kung ibang bata nga naman ay mas pipiliing maglaro na lamang sa kalsada at hindi magtrabaho.

Huminahon ako. Sinadyang ibagsak ang balikat. "Gusto ko po Mama. Para naman po makatulong ako sa gastusin dito sa ba..."

"Magtigil ka nga diyan Tathriana, para kang sira" suway ni Mama sa akin bago iiling iling na lumabas sa aking kwarto.

Napahiyaw ako at napasuntok pa sa hangin. Sa wakas, magkikita na naman kami ng crush ko!

Maaga akong gumising kinaumagahan. Sobrang excited na mamasukan bilang katulong sa mansion nila Governor. Kumakanta kanta pa ako habang pababa ng hagdan. Gandang ganda sa sarili dahil sa aking kulay pulang supil sa buhok. Saktong sakto, maputi ako, maiksi ang buhok. Parang si Snow white!

Naagaw ko kaagad ang atensyon nina Mama at Papa, maging si kuya Jasper ay ganuon din.

"Wow parang si Snow white!" puri niya sa akin. Kaagad akong nagtaas ng kilay. Ngayon lang ata may magandang lumabas sa bibig niya.

Tumpak, kuya Jasper!.

"Si snow white nung nakakain ng mansanas at naging bangkay!" pangaasar niya sa akin kaya naman kaagad kong kinuha ang suot na tsinelas ay akmang ibabato sa kanya.

"Tama na iyan. Sige na Tathi, magtungo ka na sa mansyon. Duon ka sa may garden, wag ka masyadong malikot duon. Hindi ka rin gagawa ng mabibigat na gawaing bahay at baka makasuhan pa si Governor ng child labor" pangaral ni Mama sa akin na tinanguan ko lang ng sunod sunod habang nakikipagsamaan pa din ng tingin kay Kuya Jasper.

Nagpadala pa sila Mama ng chicharon para kay Governor. Kaya naman may dala dala pa akong basket habang naglalakad sa may kalsada.

"Tathi!"

Nilingon ko ang tunawag sa akin. Si Charlie iyon at nakabalandra nanaman duon sa may basketball court. Naghahanap nanaman ito ng bagong crush, panigurado!

"Saan ang punta mo?" tanong niya habang sinisipat ang laman ng basket ko. Matapos ang basket ay umakyat ang tingin sa aking ulo.

"Aba, aba...may pasulpil ka ah" nakangising puri niya sa akin. Matamis ko siyang nginitian at umikot ikot sa harapan niya.

"Ngayon ba, mukha pa din akong dugyot?"

Tumaas ang sulok ng kanyang labi dahil sa aking tanong. Napanguso ako, panigurado lait nanamn ito. "Hindi naman masyadong dugyot. Pero, parang malnourish na snow white" nakangising asar pa niya kaya naman inirapan ko na lamang siya at tinalikuran.

Sinubukan pa niya akong tawagin pero nagtuloy tuloy lamang ako sa paglakad patungo sa mansion nila Governor. Mayaman ang pamilya Silvestre dito sa bayan ng sta. maria. Bukod sa pamilya ng politiko ay marami din silang negosyo, sa loob at labas ng bulacan. Sana all.

Pinapasok kaagad ako ng guard. Mukhang alam ang aking pagdating. Sa front door pa lang ay sinalubong na ako ng mayordoma. Muli kong pinasadahan ang buong mansyon. Hindi na ito bago sa akin dahil nung nagtratrabaho pa si Mama dito ay kasama din naman niya ako palagi.

Paniguradong may mga bago sa loob, marahil ay ayos. Ilang taon na din kasi.

"Bata ka pa kaya naman, magagaang trabaho lang ang sa iyo" ang mayordoma.

Napatingin ako sa kanya. Nagulat ako ng makita ang malaki nitong hinaharap. Grabe, nakakalunod!

"Ako si Mamang bobbie" pagpapakilala niya sa akin. Amaze na amaze pa din ako sa laki ng hinaharap niya kaya naman napatango tango na lamang ako.

"Magandang umaga po, manang Boobies" wala sa sariling bati ko.

"Ano!?"

Halos matampal ko ang bibig dahil sa nasabi. Kaagad ako nagpeace sign kay manang para hindi na magalit. Sa kanya ko na din ibinigay ang chicharon na para kay governor. Siya na ang bahalang magbibigay nuon.

Muli kong inilibot ang mata ko sa buong bahay. Asaan kaya ang crush ko? Napatingin ako sa engrandeng hagdan. Nasa taas kaya?

"Oh ano? Mall ba ito?" masungit na puna ni Manang boobies sa akin dahil sa paglilibot ng aking mga mata.

Sununod ako sa kanya sa malaking garden ng mga silvestre. Namangha ako dahil sa ganda at laki ng nga halaman. May mga korte pa ang iba, nanlaki din ang aking mga mata ng makita ang malalaking estatwa ng dwarfs ni Snow white. Nakakalat iyon sa isang parte ng garden. Tingnan mo nga naman, papanindigan ko talaga ito.

"Sa ngayon, maggupit ka muna ng mga lantang dahon. Magwalis ka na din pagkatapos" utos ni Manang boobies sa akin. Natatawa ako habang binbanggit ang mali niyang pangalan. Pwede na, malaki naman ang kanyang boobies.

Napanguso ako ng iwanan niya. Muli akong bumaling sa loob ng bahay, paano ko kaya makikita ang Crush ko?

"Ayos lang po..."

Kaagad kong nilingon ang nagsalita. Halos mabato ako ng makitang si Crush iyon! Lumabas siya at ngayon ay uupo dito sa may garden. Nakangiti akong nakatingin sa kanya. May hawak itong laptop habang patuloy pa din ang pakikipagusap sa kanyang cellphone. Pagkatapos marahang ilapag ang laptop sa lamesa ay napahapyaw siya ng tingin sa akin. Napadouble look pa ito, nang parang mamukaan ay sumama ang tingin sa akin.

Shuta, minus points nanaman ako neto.

Tahimik akong ipinagpatuloy ang paggugupit ng lantang dahon. Hindi pa din ako matigil sa mga pahapyaw na tingin sa aking boyfriend. Oo hindi na crush, level up na! Boyfriend ko na siya ngayon. Ano kayang magandang itawag?

Baby! Tama!

Ngingiti ngiti ako habang patuloy sa paggugupit. "Hoy Tathi anong nginingiti ngiti mo diyan?" suway ni Manang boobies sa akin kaya naman bahagya akong napatalon sa gulat.

"Wala po manang bo..." hindi ko na itinuloy. Baka kung ano pa ang masabi ko at marinig iyon ng aking baby.

Inirapan niya ako bago muling nagmartsa papasok sa bahay. Nakita kong nagdala ito ng isang tasa ng kape sa lamesa ng aking baby. Napanguso ako, muling napatitig sa kanya. Maganda ang katawan, matangkad at ubod ng gwapo.

Nabigla ako ng tumingin siya sa akin. Bahagyang kinilig at natakot. Ang sama naman ng tingin. "Anong tinitingin tingin mo diyan, bata?" inis na tanong sa kanya. Ramdam ang pagiging maawtoridad sa kanyang boses.

Imbes na umiling at tumalikod, naglakad pa ako papalapit sa kanya. Ayan, pinansin na ako. Lulubos lubusin ko na. Habang naglalakad palapit, hindi naputol ang matalim na tingin sa akin. Kung nakamamatay lang iyon, baka hindi na ako nakahakbang sa kinatatayuan ko kanina, duon na mismo ako namatay. Panigurado!

Nang makalapit sa lamesa ay humilig siya sa sandalan ng upuan. Humalukipkip, at mas lalong tumalim ang tingin sa akin.

"Naaalala niyo pa po ang pangalan ko?" magalang na tanong ko sa kanya. Gusto ko na nga siyang tawaging baby pero masyadong mabilis iyon.

Nagtaas siya ng kilay. "Dapat ba?" masungit na tanong niya. Napanguso ako, ang sungit naman. Nasa 20's siguro ito, pero parang mas matanda pa kay governor kung magsungit.

"Ako nga po pala ulit si Ta..."

"Get out of my sight. Hindi mo ba nakikitang nakakaistorbo ka?" malamig na saad niya.

Muli akong napanguso, sinipat ang screen ng kanyang laptop. "Shuta..." mahinang sambit ko sa pagkagulat. Bigla kasi nitong sinara ang laptop, grabe wala man lang pagiingat ah!

"Ano? Alis!" pagtataboy niya sa akin.

Imbes na pansinin ang pagtataboy sa akin ay sumubok ulit ako. "Pwede na po ba akong mag papicture?"

Nagtiim bagang ito. "What the hell. Ano ba ang kailangan mo sa litrato ko?" galit ba siya ngayon. Parang kaunti na lang ay sasabog na.

"Eh kasi po..." crush kita!

"Tathi!" nanggagalaiting tawag ni Manang bobby sa akin. Humahangos itong lumapit sa akin.

"Pasencya na po, senyorito Cairo" paumanhin niya muna dito bago ako kinurot sa tagiliran.

Napadaing ako dahil duon. Nahihiya akong tumingin sa kanya dahil sa natamo ko. "Duon ka na, nakakaistorbo ka" galit na sabi pa ni manang bobby sa akin.

Bago talikuran ay nakita ko pa ang pangmamata nito sa akin. Napanguso ako. Walang imik akong sumunod at bumalik sa trabaho. Dahil sa kahihiyang natamo ay hindi na ako sumubok pang lingonin siya ulit.

Alas diyes pasado ng tawagin ako ni Manang para kumuha ng mirienda sa mau kusina. Mabilis kong binitawan ang hawak na gunting para tumakbo duon. Nadaanan ko pa ang abalang si Senyorito Cairo. Hindi ko siya nilingon, diretso ang aking tingin papasok sa mansyon.

Dahil sa nangyari, senyorito Cairo na muna ang tawag ko sa kanya. Hmp! Nagtatampo ako!

"Ikaw na bata ka. Wag na wag mong iistorbihin si Senyorito, pare pareho tayong malilintikan kay Governor" pangaral ni Manang sa akin. Ano ba yan, kukuha lang ng mirienda may kasama pang sermon. Nauna pang mabusog ang tenga ko kesa sa tiyan.

Matapos makakuha ng juice at cake na nakalagay sa platito ay muli akong lumabas sa may garden. Dumiretso ako sa may mga dwende at duon nakiupo sa kanila.

"Eto ang gusto ko dito eh, libreng mirienda" pagkausap ko sa mga ito.

Susubo na sana ako ng mapasulyap ako kay Senyorito. Nagulat ako ng makitang nakatingin ito sa akin.

"Ay, kain po tayo Senyorito baby..." yaya ko ay sinadyang pabulong ang dulo. Kita ko ang pagkunot ng noo niya, kinabahan ako.

"Shut up!" asik niya sa akin kaya naman napanguso ako.

"Ang sungit naman ng baby ko..."

"Anong sabi mo?" iritadong tanong niya sa akin. Para akong manginginig sa kinauupuan ko. Shuta, mapapahiya pa ata.

"Po?" pagmamaang maangan ko.

Nagtiim bagang siya. "Hindi po kayo ang kausap ko. Yung mga dwende ko po" palusot ko kaya naman mas lalo siyang sumimangot.

Dahil sa talim ng tingin ay kaagad akong umiwas. Naku, napahiya pa tuloy si Baby. Dahil sa isipin ay bahagya akong natawa.

"Pinagtatawanan mo ako?" galit na tanong niya. Muli, nagmaang maangan ako.

"Hindi po kayo yung kausap ko, yung..."

"Manang Bobby!" galit na sigaw niya. Kinabahan ako. Hinid ako nakagalaw, masama ang tingin niya sa akin habang tinatawag si Manang bobby na mabilis ding lumapit sa kanyan.

Mahina lamang ang paguusap nila pero kita ko ang mga tingin nila sa akin. Siguradong patay nanaman ako nito, unang araw pa lang. Sa huli, kita ko ang pagmamartsa ni manang bobby patungo sa akin.

"Napakulit mo bata ka, ginalit mo si Sir..." galit na salubong niya sa akin.

Nagprotesta ako ng kuhanin niya ang cake sa aking kamay. "Dahil diyan, hindi mo makakain ang cake na ito" mapanuyang sabi niya sa akin.

"Pero manang bobby, gusto ko po ang cake eh..." pakiusap ko sa kanya. Tinanaw ko ang cake at ang paglayo nuon sa akin.

Bumagsak ang tingin ko sa bermuda grass. Sayang, pasubo na sana ako eh. Sana pala hindi ko na lang inalok si Senyorito Cairo. Gusto kong maiyak, para akong tinanggalan ng karapatan, parang naapakan ang pagkatao ko. Akin na ang cake na iyon eh!

Sa huli, pinagtyagaan ko ang juice. Sayang talaga!

Umalis din ito ng tuluyang sumikat ang araw. Naiwan akong magisa sa may garden. "Bata, pakitapon nga ito"

Kaagad kong nilingon ang nagsalita. Nanlaki ang aking mga mata ng makita si Senyorita Luminiere iyon, bunsong anak ni Governor.

"Magandang umaga po Senyorita" bati ko sa kanya. Inirapan niya lamang ako.

Kinuha ko ang paper bag na iniabot niya sa akin. Hindi naalis ang tingin ko sa kanya. Ang ganda ganda talaga ni Senyorita, iba talaga pagmayaman. Parang artista.

"What? Itapon mo na iyan!" iritadong utos niya sa akin kaya naman nagmadali akong tumakbo patungo sa harapan ng bahay.

Dumaan ako sa gilid ng bakuran para makaikot duon. Mula sa garahe ay napahinto ako. Ang sasakyan na suspect sa pagkakasagasa sa aking sapatos ay nandito.

"Manong, kanino pong sasakyan ang itim na ito?" tanong ko kay manang guard.

"Kay Senyorito Cairo iyan" sagot niya sa akin. Napaawang ang bibig ko, gulat dahil sa nalaman. Si Baby ang malapastanagang kumawawa sa aking sapatos!

Matapos itapon ang basura ni Senyorita Lumie ay bumalik muli ako sa garden. Ngayon naman ay maguumpisa na akong magwalis.

"Hoy Tathi! Mamaya na iyan at manananghalian na!" sigaw ni manang sa akin. Hindi na ako naginarte pa, muli akong tumakbo papasok para makakain. Sisiguraduhin kong makakakain na ako ngayon.

Didiretso na sana ako sa kitchen ng humarang si senyorita Lumie sa akin. "Sumabay ka na sa amin Tathi, marami akong tanong sa iyo" nakangising sabi niya sa akin. Sumama ang tingin ni manang sa akin. Takot na may gawin akong hindi maganda.

Tahimik akong sumama sa kanya sa may dinning. Nagulat ako ng nakitang nanduon na si Senyorito Cairo, nakaupo at nagsisimula ng kumain.

"Cairo i hope you don't mind Tathi's presence. Dati ko itong kalaro, we need to catch up" maarteng sabi niya kaya naman napayuko ako. Hindi tumingin si Senyorito, bahagya lamang siyang tumango at tsaka tahimik na tumuloy sa pagkain.

Ano naman kaya ang paandar netong si Lumie? Tama, dati kaming magkalaro. Kami nila Sera, ilang taon ang tanda nila sa akin, pero excuse me! Hindi kalaro ang turing nila sa akin kundi katulong, utusan sa tuwing naglalaro kami.

Pansin ko ang pagkailang ni Lumie ng tumabi ako sa kanya. Ramdam kong napipilitan lang siya sa ginagawa, kumunot ang noo ko. Mukhang nagpapasikat lang ito sa lalaking kaharap namin.

"Balita ko ikaw ang Valedictorian sa batch niyo Tathi..." puri niya sa akin. Uminit ang maglabilang pisngi ko ng mapansin ang pahapyaw ba tingin ni Senyorito Cairo sa akin.

"Ha eh...oo" naiilang na sagot ko. Ang hirap mag mayabang lalo na at hindi maganda ang first encounter namin ni Crush.

Hindi ako nakakain ng maayos dahil sa mga tanong nito. Napahinto kami ng tumayo na si Senyorito dahil tapos na sa pagkain. Matapos ang ilang sandaling pagkawala nito ay nagulat ako sa padabog na bitaw ni Lumie sa kanyang mga kubyertos.

"Alis na nga Tathi, amoy ka araw. Kadiri" iritadong pagtataboy niya sa akin.

Napaawang ang labi ko. Sa huli ay nakumpirma ko ang ginawa ni Lumie. Kunwaring may puso para sa mahirap. Pakitang tao!

"Ang daldal kasi eh..." mangiyak ngiyak na sambit ko. Gustong gusto kong kumain kanina. Kung sana ay hinayaan niya ako sa kitchen kumain sana ay busog na ako ngayon.

"Manang may pagkain pa po?" tanong ko ng maabutan kong nagliligpit na sila.

"Oh, edi ba kasama mo si senyorita?" tanong niya sa akin.

Napanguso ako. "Eh yung cake ko po kanina?" tanong ko pa. Napangiwi siya.

"Nakain ko na!" sagot niya sa akin. Si manang naman eh!

Bumagsak ang tingin ko sa lababo. Nanlaki ang mata ng makita ang isang slice ng cake na bahagya lang nabawasan. Maayos na maayos pa iyon.

"Ito, kanino po ito? Akin na lang..." sabi ko sa kanya.

"Kay Senyorito Cairo iyan kanina. Ikaw ang bahala...ang dugyot mo talagang bata ka" nandidiring sabi pa niya.

Hindi ko siya pinansin. Nagliwanag ang aking mga mata. Para akong nakakita ng ginto sa may lababo. Ibig sabihin, ang tinidor, ang tinidor ay galing sa kanyang bibig. Indirect kiss!

Ngiting ngiti kong kinuha ang platito kasama ang tinidor. Masigla akong umupo sa may kitchen counter para sana kainin na iyon ng kaagad akong mapahinto sa pagdating ni Senyorito. Matalim ang tingin niya sa platitong hawak ko.

"Anong ginagawa mo?" madiing tanong niya sa akin. Sa hawak ko pa din nakatingin.

Napaawang ang bibig ko. Kakainin pa ba niya?

Hindi na ako nakapagsalita ng kaagad niyang inagaw sa akin ang platito. Lumapit sa basuran, tinapon ang cake at tsaka marahas na inilapag ang platito sa may lababo.

"Sayang naman..." panghihinayang ko.

Tumalim ang tingin nito sa akin. Para bang iritadong iritado siya sa akin.

"Lumabas ka na" pagtataboy niya.

Simula kanina, ngayon lang naginit ang aking mga mata. Ano kaya ang nagawa ko sa kanya at ganito siya sa akin?

Akala ko masayang magtrabaho sa mansyon. Ngayon parang mas gusto ko na lang maglaro.

"Tathi. May masamang balita!" salubong sa akin ni Charlie ng magkita kami sa may kanto.

"Ano?"

Napanguso siya. "Hindi ikaw ang Valedictorian, si Maricris" anunsyo niya.

Hindi ko napigilang mapaiyak. Umiiyak akong tumakbo pauwi sa aming bahay. Nakumpirama kong nakarating na kina Mama at Papa ang balita. Tahimik sila ng dumating ako.

"Ayos lang iyan anak..." pagaalo sa akin ni Papa.

"Pinaghirapan ko po iyon" umiiyak na sumbong ko. Ramdam ko ang kanyang awa sa akin.

Palibhasa ay kahit anong gawin kong iyak ay wala na akong magagawa. May kaya ang pamilya nila Maricris kesa sa amin. Nakuha niya ang titulong pinaghirapan ko dahil sa pera.

Kahit pala kaming mahihirap ay napagnanakawan din.

















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro