CHAPTER 9
Chapter Nine
Hanggang Dulo, Laura
Nahigit ko ang aking paghinga sa pangatlong pahina nang librong hawak ko. Sa ilang librong nauwi ko matapos ang araw na dinala ako ni Seidon sa silid na iyon ay ito lang ang naiba sa lahat.
This time, it wasn't a sketch book. It was like a diary that was written by someone named Phillip Labrador almost three decades ago. I closed the book and my heart ached more when I saw the words that were written on the cover.
Hanggang Dulo, Laura. Muli kong binuksan iyon para basahin ang nasa pangatlong pahina.
"Dahil mahal kita at mamahalin hanggang dulo kahit walang tayo.""
I felt the instant bile on my throat when my fingers run through his words. Wala pa man ako sa unang kabanata ay parang dama ko na ang mga luha at pighati sa mga salitang iyon. Hindi naman ako bihasa sa pagmamahal pero hindi ko maiwasang malungkot para kay Phillip dahil sa hindi pagpili sa kanya ni Laura sa kung ano mang dahilan.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko nang simulan ko nang basahin ang unang parte ng librong iyon.
Unang Kabanata
Sabi nila, kaya raw tayo nandito sa mundo ay dahil mayroon tayong misyong kailangang gampanan.
Sabi nila, ang buhay ay maiksi lang kaya huwag sasayangin.
Sabi nila, huwag maging maramot lalo na sa sarili. Ibigay mo ang lahat at gawin ang kung anong magpapasaya sa'yo.
Pero paano kung alam mo sa sarili mong walang kahit anong magpapasaya sa'yo?
Paano kung ang tanging gusto mo ay tinututulan ng lahat ng tao?
Paano kung ang tanging hiling mo ay ang pagtatapos sa lahat ng ito? Kamatayan para sa'yo? Dahil iyon ang tiyak mong magpapasaya sa'yo? Iyon lang ang tanging papawi sa lahat ng bigat sa mundo mo?
Iyon lang tanging gusto ko pero makulit ang mundo at ibinigay ang isang Laura Ludencio.
Ito ang unang kabanata ng pagmamahal ko para sa'yo...
Natigil ako noon sa pagguhit ng makita kita, Laura. Sa unang pagkakataon ay hindi ko na malaman kung ano ang pinaka-magandang nakita ko sa mundong ito bukod sa mukha mo. You were smiling, mukhang may nagpapakilig sa'yong kung sino sa kausap mo sa telepono.
Huminto ka ilang dipa sa akin. Napatuwid ako ng upo at naialis ang katawan sa punong sinasandalan ko. Pakiramdam ko kasi, kapag nanatili ako doon ay aatakihin ako... Aatakihin ako kapag hindi ko nakita nang malapitan ang mala-anghel na mukha mo.
Siguro nga ako ang pinaka-maswerte nang araw na 'yon dahil pinagbigyan ang hiling ko. Wala naman akong ginawa pero sa pagpihit mo, parang tuluyan nang huminto ang mundo ko... Napagtanto kong ikaw ang pinaka-magandang obra ng Diyos sa mundong ito. Your eyes were shining so bright like the stars beaming on a dark sky. Kumikinang hindi ko alam kung sa kilig o sadyang maganda ka lang.
You stood near me and my hand did the best thing it could to immortalize the moment. I couldn't take my eyes off of you, Laura. Ikaw ang pinaka-magandang nakita kong nilalang sa tanang buhay ko at iyon ang simula kung bakit nagustuhan kong kumapit at magkainteres sa buhay na ito.
Simula nang araw na 'yon ay inabangan kita. Sinasabi ng utak ko na imahinasyon lang kita at hindi na makikita pang muli pero mali ito.
I was so happy to see your again even though you're with someone else... Kahit na natigil ako sa paglapit patungo sa gawi mo dahil sa lalaking nakaakbay sa'yo... Sa lalaking kahit na hindi itanong ay siyang dahilan ng mga kilig mo. Ang lalaking nakabihag sa puso mong una pa lang ay pinangarap ko.
Sinabi ko sa sarili ko noong ayos lang, Laura. Sinabi ko sa sarili kong hindi mo pa naman iyon asawa kaya may pag-asa pa. Na kahit hindi mo ako kilala, aasa akong magiging malaki ang parte ko sa buhay mo at gano'n ka rin sa buhay ko.
Ang baliw ko ano? Nakakagagong isipin na umaasa ako sa babaeng ni hindi alam ang pangalan ko. Pero anong magagawa ko kung dahil sa 'yo ay natuto akong gumising ng may sigla araw-araw?
Dalawang linggo ang nakalipas nalaman kong bago ka lang pala sa lugar na ito. Kaya naman pala pinuputakti ka rin ng mga tao dahil bagong mukha ka dito... Bagong napakagandang mukha.
Simula noon ay hindi na ako napakali. Palagi kitang inaabangan sa puno kung saan kita unang nakita. Kung saan unang umasa ang puso kong wala ni minsang gustong asahan, pero hindi naging madali ang lahat at lumipas pa ang ilang buwan na hindi tayo nabigyan ng pagkakataong mag-usap man lang. Kahit na gano'n, hindi ako tumigil sa paghanga sa 'yo.
Nakita kita noong isang araw sa canteen kasama ang boyfriend mo. Pagkatapos niyong kumain, iniwan ka niya para samahan ang mga lalaking kaibigan ninyo. Habang palayo ito ay unti-unti namang napapawi ang mga ngiti sa labi mo. Ang mga ngiting una pa lang ay gusto ko nang makita simula ng mabuo ang nakakabaliw na pag-asa sa puso ko.
Nang tuluyan mawala ang titig mo ay kasabay naman ng pagyuko ng ulo mo. Para akong sinaksak ng makita ang lungkot mo, Laura. Gayunpaman, hindi iyon naging dahilan para hindi kita iguhit nang maupo ka para ituon na lang ang atensiyon sa makapal na librong gusto kong ipukpok sa ulo ng kasintahan mo.
Paano ka niya nagawang iwan ng mag-isa? Paano niya nagawang iwan ang kayamanang ikaw sa mundong maraming naghahangad na makakuha sa'yo? Gaya ng tulad kong ni hindi magawang lumapit para man lang maitanong kung anong nararamdaman mo?
Pangatlong guhit ko na ito sa 'yo pero sa bawat galaw ay parang ayaw tanggapin ng mga daliri ko ang sulat ng lapis sa papel na nakapatong sa mga binti ko. I just couldn't sketch you with that sad face. Parang sa bawat ritmo ng hawak ko para iguhit ang lungkot sa mga labi mo ay kusang parang nadadaganan ng mabibigat na bato ang dibdib ko.
How can someone take you for granted? Bakit ako apektado? Bakit pakiramdam ko, kahit na wala ako sa posisyon ay alam kong hindi ito ang para sa 'yo? Laura, sorry pero hindi bagay sa 'yo ang lungkot na ito.
Bago ko matapos iyon ay umalis ka na. Hindi ko alam kung ititigil ko ba ang lahat para pigilan ka o hayaan na lang ang imahinasyon kong ipagpatuloy ang pagguhit sa'yo. Pinili ko ang huli.
Sa pagkakataong ito, natapos ko iyon nang masaya ka pa rin kahit na hindi iyon ang totoo. Laura, ako nang nagdesisyon para sa 'yo pero hindi ko inakalang sa mga susunod ay iyon na rin ang makakasanayan ko.
I would draw you from a distance. Kahit sa canteen, sa library o kahit saang sulok ng paaralang ito.
Minsan masaya ka pero madalas ay nakikita ko ang dahilan ng pagbigat ng puso ko dahil sa lungkot diyan sa mga mata mo. Is he really taking you for granted? Aba'y napakagago.
Mabilis kong inalis ang tingin ko sa 'yo nang unang beses na mahuli mo ako. Pinilit kong magtanga-tangahan huwag mo lang mapansin dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling lapitan mo ako. Laura, nakakatanga pero sobra-sobra ang kalabog sa puso ko.
Sabi ng Lola Kurita ko, iba't-iba ang uri ng pagmamahal. Wala pa man akong karanasan sa kahit ano ay parang lahat na ng uri ay na sa 'yo.
Laura, ang lakas ng tama ko pero mas malakas ang dagok mo sa akin ng hapong iyon. Galit na galit ka lalo na ng makita ang mga guhit ko. You accused me of being a pervert and stalking you. Kung hindi ko pa nga nakuha kaagad ang sketchbook ko sa kamay mo ay baka nagula-gulanit na iyon sa palad mo.
Grabe ka. Mala-anghel ang mukha mo pero naging tigre ka nang araw na 'yon. It was such a bad misunderstanding, but I couldn't explain myself because somehow, you were right. Hindi sa pagiging bastos kung hindi sa pagsunod at pagiging stalker mo. Wala naman akong dalang kamalasan at talagang humahanga lang ako sa 'yo pero alam kong walang tamang paraan para ipaliwanag ko ang sarili ko sa 'yo.
Kung sabagay, kahit nga ako ay nawi-weirduhan sa sarili ko. Ang lakas naman kasi talaga ng tama ko sa'yo. Pero alam mo ba, kahit na halos patayin mo ako nang araw na iyon ay hindi ako tumigil. Lumayo man o dumistansiya ako ng kaunti sa 'yo, pero hindi kailanman nawala ang paghanga ko.
Ilang linggo ang lumipas, palagi tayong nagtatagpo at palagi akong pilit na lumalayo. Kahit na malakas ang tama ko sa 'yo, ayaw ko pa rin ng gulo.
Ang sabi ni Lola Kurita, masama ang manghimasok sa mga bagay o buhay ng tao pero paano ko pipigilan ang sarili ko kung isang araw ay nakita na lang kitang halos mabasag sa harapan ko?
Paano ko ilalayo sa 'yo ang sarili ko kung ikaw mismo ang kumailangan sa mga bisig ko?
Laura, alam kong hindi ako dapat magsaya habang lumuluha ka sa dibdib ko pero alam mo bang para akong nanalo sa lotto?
"Hug me... Just hug me please..." bulong niya sa akin.
Sa tuluyang pagbitiw ko sa lahat ng hawak ko't pagyakap sa kanya ay tuluyan na siyang nanghina at mas lalong naiyak. Ilang beses akong napalunok at hindi alam ang gagawin bukod sa panatilihin siyang nakatayo.
"L-Laura..."
"Please, huwag kang bibitiw." muli niyang bulong sa akin kaya mas lalo ko ring hinigpitan ang hagkan ko sa kanya.
We stood there for almost five minutes before she let me lead her under the tree. Inayos ko ang mga gamit ko at ibinigay pa ang aking panyo sa kanya. Hinayaan ko siyang punasan ang mga luha gamit iyon. Hinayaan ko siyang ibuhos ang lahat ng kung anong sama ng loob sa aking panyo. Wala akong sinabi at ginawa kung hindi ang hawakan ang isa niyang kamay.
Ganito pala ang pakiramdam na kasama mo ang babaeng pangarap mo, ano? Iyong kahit na ngayon lang kayo nagkalapit at wala naman siyang alam sa 'yo, para nang sasabog ang dibdib mo.
Sinubukan kong iangat ang kamay ko pero pinigilan niya ako at mas hinigpitan pa ang kapit doon para hindi ako makawala. Sa paglingon niya sa akin ay nakita ko ang lungkot at takot sa mga mata niyang dahilan ng paglukob rin ng lungkot sa puso ko.
"Wala akong kaibigang mapagsasabihan... Wala akong taong makakapitan ngayon. Will you please stay with me? Pwede bang huwag mo akong iwan, Phillip?" she said desperately.
Alam kong wala akong obligasyon sa kanya pero kahit na yata hindi niya sabihin ay kusa ko iyong gagawin.
Phillip... Pag-uulit ng boses sa utak ko gamit ang malamyos niyang tinig na tila gumapang rin patungo sa puso ko. She knows me... Kilala niya ako!
Muli akong napalunok nang mas umapaw ang lungkot sa mga mata niya nang hindi ako magsalita.
"Iguhit mo ako."
"Laura–"
"Iguhit mo lahat ng lungkot sa mukha ko," marahan niyang binitiwan ang kamay ko pagkatapos ay inayos ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa kanyang mukha. She even wipe the tears that were streaming down her cheeks pero sa dami no'n, marami rin ang pumapalit.
Kahit na labag sa kalooban ko, nakita ko na lang ang sarili kong hawak ang aking lapis at kwaderno at ginagawa ang gusto niya. Kahit na alam kong ayaw niya iyon dahil iyon ang dahilan ng galit niya noong nakaraan pero hindi siya gumalaw at hinayaan lang akong gawin ang kanyang gusto.
Kahit na nagtatalo ang puso at utak ko, ipinagpatuloy ko ang lahat. Mas mahirap pa lang iguhit ang babaeng pinangarap mong umiiyak sa harapan mo nang malapitan. Hindi ko mabilang kung ilang beses kong tinasahan ang lapit ko dahil sa tuwing nakikita ko ang mga masasaganang luha sa mga mata niya ay dumidiin ang lapis sa papel ko.
"Bakit ka ba umiiyak?" hindi ko na napigilang itanong sa kalagitnaan ng pagguhit.
I just couldn't draw her like that. Oo nga't iyon ang gusto niya pero nasasaktan rin akong makita siyang nahihirapan.
"Shit happens. People cry, normal lang iyon."
Yumuko ako at idinagdag ang kurba ng lungkot sa guhit ng labi niya.
"Sabi mo wala kang mapagsasabihan, ngayong pinagbigyan kita, bakit ayaw mo namang sabihin kung ano talagang problema?"
Napakurap-kurap siya, bahagyang bumagal ang pagtulo ng tubig sa mga matang nagkaroon ng pag-aalinlangan.
"Sus, normal na ang umiyak sabi mo Laura kaya sabihin mo na. Umiiyak rin naman ako. Noong nakaraan nga umiyak ako dahil naipit ang daliri ko sa pintuan ng banyo namin," itinaas ko ang hintuturo kong namatay na yata ang kuko. "Muntik ko na ngang ilibing eh! Kaso lang lumalaban pa kaya binigyan ko ng chance."
Kumibot ang labi niya pero hindi naman nagsalita.
"Tapos kagabi lang! Alam mo lalaki ako pero ngayong napag-uusapan 'to, nare-realized kong iyakin pala akong tao."
"Bakit? Umiyak ka rin kagabi?"
"Oo! Alam mo kung bakit?"
"Bakit?" kumunot ang noo niya, ngayon ay tuluyan nang hindi lumuluha ang mga mata.
"Dahil malungkot ako."
"Bakit ka naman malungkot?"
"Dahil sa napanaginipan ko."
"Anong napanaginipan mo?"
Pinigilan kong mapangisi ng makitang nawawala ang atensiyon niya sa kung anong bumabagabag sa kanya dahil sa usapan na binuksan ko. Tuluyan ko nang inihinto ang pagguhit para ituloy ang pagkukwento sa kanya.
"Kasi nga nanaginip ako."
Tumaas ang isang kilay niya pero hinintay pa rin akong magpatuloy.
"Tapos sa panaginip ko malungkot ako pero hindi ko alam ang dahilan. Basta paggising ko, umiiyak ako."
"Ang baduy." komento niya.
"Eh ikaw? Bakit ka nga umiiyak? Nag-away kayo ng boyfriend mo?"
Umiling siya at mabilis na nag-iwas ng tingin.
"Oh, eh ano? Kung hindi mo sasabihin, mas baduy ka sa 'kin."
Muli niyang pinunasan ang mukha gamit ang panyo ko saka umayos ng upo at pumihit paharap sa akin.
"Hindi ako baduy. Talagang ayaw ko lang sabihin dahil iiyak na naman ako."
"Kung ayaw mong sabihin, magtatanong na lang ako tapos huhulaan ko na lang lahat, gusto mo?"
She chuckled a bit. Parang tumalon ang puso ko dahil sa hagikhik niyang iyon.
"Weirdo mo."
Ako naman ang natawa.
"Kaya nga muntik mo na akong patayin noong nakaraan dahil weird ako, 'di ba? Pero disclaimer lang ha, hindi ako pervert. Mali ka do'n."
Bumaba ang mga mata niya sa mga hita ko.
"Pwede ko bang makita?"
Humigpit ang kapit ko sa aking sketch book at bahagyang napalayo sa kanya.
"Weirdo na kung weirdo pero huwag Laura! Virgin pa ako!"
Isang malakas na hagalpak ng tawa ang narinig kong kumawala sa kanyang bibig na umalingawngaw pa sa tahimik na paligid! Hindi ko alam kung paano ko napasaya ang babaeng parang pinagsakluban ng langit at lupa kanina pero nakita ko ang sarili kong sumasabay na rin sa tawa niya. We laughed for solid two minutes until we run out of breath.
"You're so funny, Phillip!" aniya sa gitna nang hindi pa ring mapigilang pagtawa.
Sa unang pagkakataon ay hindi ako nasaktan nang makita ang luha sa kanyang mga mata dahil ngayon ay hindi na iyon dulot ng lungkot o sakit.
"Totoo nga, virgin ako Laura kaya hindi pwede! Masama 'yon sabi ng Lola Kurita ko!"
Nagulat ako ng hampasin niya ang braso ko. Hindi naman iyon malakas pero mas lalong lumakas ang tama ko sa kanya. Tangina isa pa para bongga na, Laura!
"I am not talking about your thing, Phillip! I'm talking about your sketchbook! Nakita kong marami ka nang naiguhit, pwede ko bang makita?"
"Mas lalong hindi pwede, Laura! Pwede bang iyong bawal na sinasabi na lang ni Lola Kurita ang ipakita ko sa'yo?"
Kung kanina ay hampas, kurot naman ang ginawa niya sa akin habang hindi maawat sa pagtawa. Masakit pero kinilig ako. Parang gusto ko na lang magpabugbog sa kanya para damang dama ko lahat ng pagmamahal na sinasabi ni Lola Kurita.
"Nakakatawa ka!" hingal na hingal niyang sabi na pilit inihihinto ang pagtawa pero hindi magawa.
"Oh tama na, I'm taking your breath away na baka mamaya malagutan ka na nang hininga kasalanan ko pa!"
"Kasalanan mo talaga pero at least mamamatay naman akong masaya, 'di ba?"
"Sus, hindi ka pwedeng mamatay."
Doon lang siya nahinto sa pagtawa. Muli niyang inayos ang ilang hibla nang kanyang buhok na inililipad ng hangin bago muling nalilitong tumitig sa akin.
"Lahat naman tayo mamamatay, Phillip."
Bahagya akong nahinto sa sinabi niya, bahagya ring napawi ang mga tuwa sa akin.
"Alam ko pero hindi pa ngayon. Kahit masaya ka ngayon, hindi ka pa pwedeng mamatay."
"Bakit naman?"
Iniwas ko ang mga mata sa kanya at pilit iyong ibinalik sa sketch book na hawak ko. Ipinagpatuloy ko ang pagguhit sa kanya pero ngayon ay pilit binubura ang mga bakas ng lungkot doon.
"Dahil hindi mo pa ako lubusang kilala. Gusto kong magkakilanlan pa tayo bago ang lahat ng iyon," binilisan ko ang ilang mga detalye at hindi naman ako nahirapan dahil sa pananahimik niya.
"Gustong gusto pa kitang makilala..." mabagal kong dagdag pagkalipas ng ilang minutong pagguhit at pagtatapos sa aking ginagawa.
She gasped when I turned the sketch to her direction, like she was so amazed by what I did. Kuminang muli ang mga mata niya nang mahawakan iyon.
"You're so good at this you know..."
"Thank you pero sorry hindi ko 'yan ibibigay sa'yo."
"Hindi ko naman kukunin." ngayon ay may malawak na ngiti niyang sabi bago ibalik iyon sa akin.
Mas lalo akong naguluhan dahil akala ko ay magpupumilit siya. Dahil kung gano'n, sino ba naman ako para humindi? Basta kaligayahan niya ay ibibigay ko. Kahit virginity ko Laura, ibibigay ko maski na patayin ako ng Lola ko maging masaya ka lang...
"Huy!"
"H-Ha?" nalilito kong tanong dahil mukhang marami na siyang nasabing hindi ko lang naintindihan dahil sa mga kademonyohan sa utak ko.
"Wala," muling bumigat ang puso ko nang makita ang pagtayo niya ngunit bago naman ako ang maiyak sa kanyang pag-alis, inilahad niya ang kamay sa aking harapan para tulungan rin akong tumayo.
"I'll get going Phillip. Thank you sa oras na ibinigay mo kahit na hindi naman dapat."
Isang tango lang ang naisagot ko habang lumalayo siya sa akin. Wala nang salitang lumabas sa labi ko habang pinapanuod siyang mawala sa paningin ko pero bago pa iyon ay para nang may kung anong nagtakbuhan sa loob ng puso ko sa muli niyang paglingon sa aking gawi.
Nakangiti niyang inilagay ang magkabilang kamay sa bibig bago sumigaw.
"Hindi ko pa rin gustong mamatay dahil gusto pa kitang makilala, Phillip!" sigaw niyang tuluyan nang naging dahilan ng pagbaha ng kaligayahan sa akin!
Hindi man ako nakasigaw pabalik sa kanya, naisigaw naman ng puso ko ang mas malalang pagmamahal para rito.
Oh Laura, pinasaya mo ako. Masayang masaya ako...
Natigil ako sa pagbabasa nang marinig ang malakas na pagtunog ng aking telepono. Napatalon pa ako dahil sa pag-ulit no'n kaya nagmamadali ko nang sinagot.
"Hello, Lana! Oh my God guess what?" isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa bibig ko nang marinig ang boses ni Zoey sa kabilang linya.
Parang mabilis na napawi ang lahat ng emosyong naramdaman ko sa unang kabanata nang nabasa ko dahil kay Zoey. Hinayaan ko siyang magkwento sa akin ng kung anong nangyari sa araw niya at kahit na gusto ko nang patayin ay hindi ko iyon ginawa.
I reminded myself that this is what friends supposed to do. Gaya ni Phillip, kahit na hindi niya kaibigan si Laura ay sinamahan niya't hindi iniwan. Naging kaibigan siya rito kahit na hindi sila lubusang magkakilala.
Gusto ko pa sanang magbasa pero hindi ko na nagawa nang tumawag naman si Vince sa akin pagkatapos para sabihin ang plano sa gaganaping malakihang party ng taon. Naipaalam na niya ako sa mga magulang ko kaya wala nang problema kahit gabihin ako pero kahit na gano'n, wala pa rin akong maramdamang saya.
Nang matapos nga ang tawag ay natulala na lang ako sa librong hawak ko. I wish I have someone to talk to right now. Sana ay may Phillip akong malalapitan sa mga pagkakataong ito. Ano nga kayang pakiramdam na mayroong napagsasabihan ng lahat maski ng mga ka-weirduhan mo?
Wala sa sariling napangiti na lang ako ng mapait. Muling napabuga ng hininga sa kawalan nang pumasok sa isip ko ang nag-iisang lalaking alam kong gaya ni Phillip na mayroong mabuting puso. Iyong makikinig kahit pa hindi kami lubusang magkakilala.
Wala sa sariling nalaglag ang kamay ko pabalik sa aking telepono. I wish I had the urge to get his number, but how? Ni hindi ko nga alam kung paano siya kakausapin ulit matapos kong sabihing gusto kong bumalik sa abandonadong kwartong iyon ng kasama siya.
I closed my eyes and let my mind relaxed a bit pero bago pa ako makapag-isip kung paano kakausapin si Seidon at sabihin ang tungkol sa binabasa ko ay muli na namang tumawag sa akin si Zoey.
"Be Phillip, Lana... " I reminded myself. "Just be him..." bulong at paulit-ulit kong paalala sa aking sarili bago muling sagutin ang tawag at makinig sa mga walang katuturan niyang kwento.
~~~~~~~~~~~~
Follow all my social media accounts to be updated.
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro