Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 8

Chapter Eight

Kung Gusto Mo



Ilang araw ang lumipas matapos ang magulong eksenang iyon. Ang tsismisan o bulungan ng mga schoolmates ko pero kahit na ilang araw na ay hindi pa rin nawala sa utak ko ang lahat. Hindi ang paratang nilang malandi ako kung hindi iyong mga sinabi ni Seidon sa akin. 

I don't know why but I felt like his opinion matters the most and it sad because speaking of that day, that was also the last time I talked to him. 

Oo nga't nagkikita naman kami lalo na kapag mayroong mga subjects na magkaklase kami at magkatabi pa pero ni minsan ay hindi kami nag-usap. 

I don't know if I did something wrong that upsets him or he just doesn't want to talk to me, but I felt the emptiness inside me kahit na hindi naman dapat dahil unang-una ay hindi naman kami close pero kahit na gano'n ay hindi ko pa rin talaga maiwasang hindi makaramdam ng lungkot.

Kahit na kasi hindi kami magkaibigan, pakiramdam ko ay kahit paano'y nagkaroon kami ng koneksiyon... At ang kaunting pag-asang iyon sa puso ko ang dahilan ng lahat kung bakit hindi ako mapakali.

I want to apologize to him, but then I remember him saying that I shouldn't apologize every time I think I did something wrong. Maybe he just doesn't want to get involve in my pretty shitty life and I should gave him space for that, hell, even credit for staying away.

Mabilis kong ipinilig ang aking ulo matapos ang instruction kung ilang lap ang gagawin naming pagtakbo sa field ngayong P.E. 

Seidon is talking to some of our classmates and I was at the back of my class pretending not to exist because the last thing I want right now is his attention. Medyo mas mabigat nga lang ngayong dahil wala si Josh. Ang sabi niya ay hindi siya makakapasok dahil may kailangan siyang asikasuhin kaya naman talagang wala akong makausap. Just like Seidon, the girls didn't want to get involved with me too, but that doesn't really bother me... Siya lang talaga...

Mabilis kong kinuha ang aking tumbler at agad na uminom ng magsialisan na ang lahat at magsimula sa pagtakbo. Sinadya kong paunahin silang lahat at magpahuli. Nang sa gayon, kahit na sobra na naman ang lap na gagawin ko ay walang makakapansin dahil huli naman ako. I'll probably run until I get exhausted. Wala akong klase pagkatapos nito at busy rin si Zoey sa mga ganap sa sorority at gano'n rin si Vince kaya wala akong choice kung hindi ang ibigay ang lahat ng oras para sa sarili ko. 

Nagsimula akong tumakbo kasabay ng pagbaha ng boses sa utak ko. Muli ko na naman kasing naalala ang party na gaganapin na bukas. I tried convincing Zoey to leave me out of it but she's too persistent and even tried Vince to get involved kaya nawalan na talaga ako ng pag-asang maka-hindi. 

Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga nang makaikot ako pabalik sa aking pinanggalingan. Just thinking about the party make me anxious. Una dahil sa ingay at maraming tao na kahit kailan ay hindi na yata ako masasanay at pangalawa ay alam kong magtatagpo at magtatagpo pa rin ang landas namin ng mga Cordova at hindi ko alam kung paano sila haharapin pagkatapos ng nangyari. Ang tanging nagpapalakas na lang ng loob ko sa mga pagkakataong ito ay si Joshua. I know he'd be there and he'll protect me no matter what and that somehow put my heart to an ease.

Hindi ako huminto ng malagpasan ang pinanggalingan ko, hindi gaya ng iba na isang lap pa lang ay nagpahinga na. Seidon was across the field minding his own business but my stupid eyes didn't let him go kaya naman nang lumipad ang mga mata niya sa aking direksiyon ay parang dumoble ang hingal ko... And the worse thing was, I couldn't rip my gaze at him. 

His eyes fixated on me too and my heart pounded so much more! Oh God those eyes... 

Kahit na nasa malayo, pakiramdam ko ay hinihigop ng mga matang iyon ang lahat ng lakas ko. I didn't stop running even if I felt my knees getting weaker each second his eyes were cupping mine.

Pinigilan kong hawakan ang dibdib ko dahil sa kagustuhan nitong lumabas sa aking katawan pero hindi ko pa rin iyon napigilan ng malagpasan niya ako. How could a set of eyes sucked every strength I had? How can a simple gaze make me feel everything?

Pumikit ako ng mariin habang binabagalan ang pagtakbo hanggang sa tuluyan na akong bumagal at maglakad na lang. Mas napagod yata ako sa pagtitig sa mga matang iyon kaysa sa pagja-jogging pero bago pa ako makapag-isip ay napasinghap na ako ng maramdaman ang paghinto rin ng kung sino sa aking tabi.

My feet almost hit a break when I turned and saw Seidon looking at me with a curved on the side of his lips.

"You tired already?"

I turned to my other side, checking if it's me he was talking to. When I realized that there's no one near me, muli akong bumaling sa kanya. Mas lalong lumawak ang ngiti niya sa lito kong ekspresyon.

"Yes, I am talking to you Drozdov."

And with that, I felt my heart beating slowly again, but louder this time. Iyong kalampag na akala mo'y mayroong biglang bandang tumutugtog sa tabi ko.

"N-No... I just need to rest for a bit." I'm impressed that I sounded so casual even though my voice came out raspy.

"How many laps do you plan on doing today?" muli niyang tanong sa kaswal na tonong akala mo'y walang araw na hindi kami nag-usap.

"I don't know yet. Bakit? Sasamahan mo na naman ba ako?" pabiro kong tanong ngunit ang ngiting sumilay sa aking labi ay mabilis na napawi sa naging sagot niya.

"Kung gusto mo, bakit hindi?"

Bumilis ang lakad ko, hindi dahil sa handa na akong tumakbo ulit kung hindi dahil hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. His pace began to mimic mine and seconds later, we were both running again.

"I don't have a class after this. Kung balak mong matira sa field, sasamahan kita. Kung gusto mo." ulit niya.

My heart... All I could hear is the beating of my heart. His voice was so soothing and I felt it even in my toes. Iyong boses na kahit wala namang matamis na sinasabi ay kusang nananalaytay sa iba't-ibang bahagi ng katawan.

"Kung gusto mo rin, ikaw ang bahala."

"So balak mo talagang magpaiwan ng mag-isa rito at tumakbo nang tirik ang araw?"

"I need it. I'm too pale." pagsisinungaling ko. 

Oo nga't maputla siguro ang kulay ko pero hindi iyon dahil sa hindi ako naaarawan, kung hindi dahil iyon talaga ang kulay ko. My skin is naturally white like my father.

"The sun is not healthy when you're exposed too much."

"Okay lang 'yon, wala naman akong pupuntahan pagkatapos nito. Everyone is busy for the upcoming party and Josh wasn't here so..."

He didn't say a word after that. We both keep running. Hindi na rin ko nagsalita. Pasimple kong sinipat ang reaksiyon niya and I saw that he was thinking. Before I could even mutter another word, another question escapes his mouth.

"Do you want to come with me after this class?"

And again, I felt my knees ripping away its own strength. I gathered all my thoughts and asked him where. I don't know why, but his question made me excited.

"Do you trust me?" he asked again, making my heart a little more giddy.

"May dahilan ba para hindi bukod sa hindi naman tayo close at iniwasan mo ako nitong mga nakaraang araw?"

He almost laughed at that, but didn't gave me a reason why he acted that way.

"One more." he said instead.

"H-Ha?" 

"One more lap and we'll rest like them." lumipad ang mga mata niya sa mga kaklase naming ngayon ay nakabalik na sa bench kung nasaan ang klase. 

Doon ko lang napansing halos lahat lalo na ang mga kababaihan ay nakatingin na naman sa aming direksiyon dahilan para mapahinto ako, naalala ang nangyari nitong nakaraan. By the looks in their face, I could tell how disappointed they were that I was with Seidon. But the latter didn't care that much. Huminto rin siya at hindi ako hinayaang mag-isa.

"Look at me," he commanded, making me turn my attention back to him. "Trust me." aniya imbes na itanong iyon ulit sa akin. Parang may sariling utak naman ang katawan kong gusto na lang sumunod sa kung anong gawin at sabihin niya.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko, kahit na hindi niya iyon itanong ay pagkakatiwalaan ko siya higit pa sa mga taong matagal ko nang kilala. 

Gano'n ang nangyari. Hindi ako nagtagal sa field at sabay kaming umalis ni Seidon nang mauna nang magsialisan ang aming mga kaklase.

I mostly followed him for the next ten minutes. Naglakad siya sa patungo sa dulo ng lumang building na hindi na naaabot ng mga estudyante. The place was eerie enough to give me shivers pero kahit na gano'n ay hindi ako nakaramdam ng sobrang takot dahil alam kong kasama ko siya. I never felt safe with a stranger, pero mayroon sa pagkatao niyang hindi na dapat pang kwestiyunin kung dapat bigyan ng tiwala dahil kusa ko iyong ibibigay.

Nang huminto siya sa pinakadulo ay doon lang kami tuluyang naglapit ulit. Tiningala ko ang lumang kulay abong kahoy na pintuan sabay baling sa kanya. Hindi ko na kailangang magtanong dahil sapat na ang titig kong naguguluhan para sagutin niya ako.

"Welcome to the only room in UDB that was totally abandoned," aniya habang inilalabas ang kung ano sa kanyang bulsa. 

Nalaglag ang mga mata ko doon. Lumapit siya sa may pinto at inilabas ang susi para buksan ang pintuang nasa aming harapan. Habang isinasaksak niya ang susi ay imbes na makaramdam ng kaba o mataranta't batuhin siya ng mga tanong, nanatili akong kalmado. Hinihintay pa siyang ipaliwanag kung bakit nandito kami at dito niya ako dinala.

The door made a loud sound when he tried to push it, leaving my thoughts and making me focus on what's in front of me.

"I hope your boyfriend doesn't mind you going with someone you barely knew." aniya at tuluyan na iyong itinulak para makapasok kaming dalawa.

Bukod sa alikabok, bumalandra sa akin ang mga kung anong gamit na natatakpan ng mga telang kulay kayumanggi. Everything was covered with the same cloth. Nang tuluyan akong makapasok ay naramdaman ko siyang tumabi sa akin pero sabay kaming napapitlag nang sumara ang malaking pintuan sa aming likuran. Nakita niya ang pagkataranta ko pero agad niya akong kinalma.

"Sumasara talaga ng kusa, sorry hindi kita na-warning-an." tipid siyang ngumiti bago ako nilagpasan. 

Lumakad muli ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto. It was five times bigger than our classroom. I can tell that it was an old library or storage... Alin sa dalawa dahil ang palibot ng silid ay puno ng bookshelves simula sa sahig hanggang sa kisame. Oo nga't natatakpan ng tela at makapal na alikabok pero ang taas ay hindi na naabot at nakabalandra ang mga inaagiw nang libro kaya iyon kaagad ang naisip ko.

"This was the original library." he confirmed. Walking towards a corner, sumunod ako. 

Sa paghinto niya ay napansin ko ang isang upuan at maliit na lamesang medyo hindi kasing dumi ng lahat ng gamit sa kabuuan ng lugar. 

"This is where some old stuff from random alumni was stored." binalingan niya ang mga gamit na tinutukoy habang hinihila ang nag-iisang upuan para paupuin ako.

Sinunod ko siya matapos niya iyong linisin ngunit nanatili akong tahimik, hinahayaan siyang magsalita at magpaliwanag pa.

"This is also where we can find something worth looking for."

"Like some gem?" I asked him.

Tumango siya at lumayo sa akin. Sumunod ang mga mata ko sa kanya. Huminto siya sa isang bagay at walang ano-ano'y inalis ang maalikabok na telang nakapatong rito. It was a vintage globe. Napatakip ako ng ilong nang mapunta sa gawi ko ang alikabok.

"Sorry." he stopped moving the cloth and heads back to my direction, handing me his handkerchief. 

Nahihiya man, kinuha ko pa rin iyon sa kanyang kamay habang ang mga mata ay hindi na naalis sa kanya nang muli siyang lumayo, scanning the room like he knew where he will find the treasure he was looking for.

Ilang dipa na ang layo niya nang muli siyang magtanggal ng tela. Nakita ko ang isang cabinet. Walang pag-aalinlangan niya iyong binuksan. Nang makita ko ang muling pag-arko ng labi niya ay wala sa sariling nailapit ko ang hawak kong panyo palapit sa aking bibig. 

I instantly chew my bottom lip when an unfamiliar scent runs through my nose. Hindi matapang ang bango ng kanyang panyo pero amoy na amoy na lalaki ang may ari nito. It was a mixed of angst and calmness, maybe even strong charisma turned into perfume. 

Natigil ang utak ko sa diskusyon kung paano idi-describe ang bango niya nang makita ang pagtayo niyang muli at paglakad palapit sa akin dala ang ilang lumang librong hawak. He's right, talagang abandonado na ang lugar na ito dahil maging ang lumang libro na mukhang may halaga ay nakalimutan na't hindi na kailanman nabigyan pa ng pansin. 

Ipinagpag niya ang tatlong libro bago ilapag sa lamesang nasa aking harapan.

"Poems," he said pertaining on the book on top of the other two. "And some sketches, I think." aniya kasabay ng walang arteng pagbaba sa sahig upang umupo. 

Nahihiya akong tumayo para ibigay sa kanya ang kanyang upuan pero hindi niya hinayaan ang gusto kong mangyari.

"The floor is more comfortable, I'll stay here." aniya sabay kuha ng nasa pinaka-ilalim na libro at buklat habang inaayos ang sarili sa ibaba ko. I saw some fine sketches in every flips of the page. Para iyong compilation ng obra ng iisang tao dahil iisa ang istilo ng mga iyon.

"1993," he murmured and let me see it. "This is the first sketch book I found here." nagpatuloy siya sa paglipat sa bawat pahina at patagal ng patagal ay paganda ng paganda ang mga nakalagay doon. It's mostly portraits. Siguro ay mga estudyanteng nag-aral rin noon sa unibersidad na ito ang mga naka-drawing.

I titled my head to have a good look at it, ibinaba ko na ang kamay ko at panyo niya pero hindi nawala ang amoy dahil nasa tabi ko siya. He smells exactly like his handkerchief... and feels the same way too. Kahit na napaka-lakas ng charisma, kalmadong kalmado lang.

"Nakita mo na ito noon?" I asked, focusing on the book and not asking him about what perfume he was using.

"Yeah, but I don't appreciate art so here," naputol ang paghinga ko ng agad niyang ipatong sa hita ko ang hawak na libro. "The first gem I know you will appreciate." 

My mind were flooded with questions but my lips remained sealed. Kusang bumaba ang mga kamay ko para damhin ang mga guhit na nakabaon sa papel. It was old and neglected, but he was right, I still appreciate it. Ito yata ang unang beses na makakita ako at makahawak ng luma nang obra and I was actually amazed how clean it was unlike the other two books on the table. 

"Dito itinatapon ang lahat ng art sa mga nagdaang patimpalak simula nang mabuo ang eskwelahang ito. It was just an old library before. The head of college of arts turned this room into an art gallery when the university had a bigger library, but they find if too small so UDB funded a new art gallery across this building. Since then, naging tambakan na lang ito ng mga gamit." I followed his gaze that is now scanning the room.

"This is a heaven for an artist. Those boxes, cabinets and even stuff behind that door is full of arts." turo niya sa nag-iisang pintuan sa dulo ng silid.

Nalilito kong sinundan ang tingin niya pero nang maramdaman kong huminto iyon sa akin ay muli ko siyang binalingan. I don't know what I'm exactly doing here with him or why did we end up here but hearing what he just said excites me. Nang tumagal ang titig ko sa kanya ay nahihiya ko iyong ibinaba at ibinalik sa hawak kong libro.

Wala sa sariling napangiti ako ng makita ang sketch ng lumang portrait ng isang dalaga. It was dated February 2, 1993 kasama ng isang signature ng taong gumuhit. I never really like sketching portraits because I find it so hard to draw eyes at hindi ko talaga nabibigyan ng justice kapag sinusubukan ko kaya hindi iyon ang kinahiligan ko. Hindi ko alam pero mas gusto ko ang mga scenery, but this one is perfect. Kahit na lapis lang ang gamit ng artist at walang kahit na akong kulay ay napakaganda no'n. I can imagine the colors of it. Parang nakikita ko kung ano ang hitsura ng babaeng nakaguhit. I think she has pink lips, brown eyes and hair.  Wala sa sariling napangiti na lang ako. She's really pretty...

"I knew it..." maingat na sambit ni Seidon dahilan para mawala ang atensiyon ko sa pagdama sa bawat guhit ng papel na nasa aking harapan.

"H-Ha?"

He smiled and shook his head.

"I knew you'll appreciate it more than anyone else."

Nahihiya akong ngumiti. Nagpatuloy ako sa pagtingin at paglipat sa obrang hawak ko. Minsan ay ipinapakita ko iyon sa kanya at gano'n rin siya sa tuwing may nakikita sa hawak na tingin niya'y magugustuhan ko.

We had light conversation while scanning the sketch books. Nang matapos ko ang dalawang nasa harapan ay kumuha ulit si Seidon, sa pagkakataong iyon ay sumama ako sa kanya sa unang pinagkuhanan niya. I was overwhelmed by the books that were stored in a single cabinet. Sa sobrang dami nga ay isiniksik na lang ng basta ang iba doon.

Hindi ko naiwasang manlumo nang makitang marami nang gula-gulanit na obra. Mayroong mga natamaan ng anay lalo na iyong mga nasa pinakailalim kaya napagdesisyunan naming ilabas ang lahat sa lumang cabinet.

"Sayang..." hindi ko na napigilang sabihin habang pilit na inaayos ang tupi-tuping watercolor painting sa sandamakmak na puting kartolina.

I heard him sighed while he continued rummaging the cabinet. Nang matapos niyang ilabas lahat ay tinulungan ko siyang ilagay iyon pabalik sa lamesa. Naka-dalawang balik lang ako dahil hindi na niya ako pinatulong. Aniya ay kaya na niya iyon kaya hindi na rin ako nagpumilit. 

Habang tinatapos niya ang ginagawa ay bumalik naman ako sa pagbuklat ng mga gamit na nasa aking harapan. When he was done, bumalik siya sa gilid kung saan siya sumandal kanina at pagkatapos ay inayos ang sarili. I handed him his handkerchief nang makita ko ang namuong pawis sa kanyang noo.

"Palagi kang narito?" I asked, shifting the subject to him.

Umatras siya sa akin nang makuha iyon at pagkatapos ay muling ibinalik ang sarili sa gilid.

"Before. Dito kami nagpa-practice noon pero nang mabigyan kami ng access sa rooftop ay nalipat kami."

"Pero palagi ka pa ring pumupunta rito?"

Marahan siyang umiling. 

"Ngayon na lang ulit. I honestly forgot that I still had a key here, but then I..." natigil siya sa pagsasalita at tila ba hindi na gusto pang magpatuloy kaya muli akong nilunod ng mga katanungan sa aking utak.

Ayaw kong maging assuming at tanungin siya kung dahil ba sa akin o dahil mas nakaka-appreciate ako ng art kaya niya naalala ang lugar na ito at dinala ako rito pero bago ko pa buksan ang bibig ko para patayin ang katahimikan sa pagitan namin ay muli ko iyong naitikom nang bumalik ang mga mata niya para basagin ang kalituhan ko.

"I think I'll be back again... Kung gusto mo, babalik tayo..." 


~~~~~~~~~~~~

Follow all my social media accounts to be updated.

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : CengCrdva/Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro