CHAPTER 6
Chapter Six
Audition
"Okay lang ba 'tong suot ko? 'yung make-up ko?" iginiling-giling ni Zoey ang matigas niyang balakang. "'Yung moves ko? Lana, oh my God! Kinakabahan ako! Baka matanggal na ako mamaya! Hindi pwede! I already invested my time and effort!"
Napangiwi ako ng magpatuloy siya sa paggiling sa harapan ko. Kasalukuyan kaming nasa unang cr sa lumang building at naghihintay ng oras para sa second at huling audition niya. Kahit na hindi pa rin talaga ako kumbinsido sa dance moves niya ay hindi ko naman siya mapuna dahil ayaw kong ma-offend siya sa akin.
"M-Medyo matigas..." hindi ko pa rin napigilang sabihin.
Napapikit siya ng mariin at napamura pa.
"Shit!" inis niyang hiyaw sabay pihit sa nasa harapang salamin bago gumiling-giling ulit, mas inaayos ang pagsayaw kahit na wala naman masyadong improvement. "Kung bakit ba kasi nang magtapon ang Diyos ng talent busy ako! God must be kidding me! Pwede naman kasing bawasan ng kaunti 'tong ganda ko tapos idagdag na lang sa talent para ma-impress ko naman sila at medyo perfect na ako! Nakakainis na talaga!"
"Okay lang 'yan, Zoey... At least maganda ka." agad niya akong inilingan, sumasayaw pa rin.
Wala na akong masabi lalo na't alam kong mamaya ay talagang maha-heart broken siya kapag hindi siya natanggap sa grupo nila Seidon.
"Pero 'di ba sabi mo naman na okay nang mapansin ka ni Nicolaus? 'Di ba nayakap mo na nga siya? Okay na siguro 'yon. 'Wag ka nang tumuloy mamaya..."
Nahinto siya sa pagsayaw at mabilis na humarap sa'kin, nakabusangot ang mukha.
"Ang pangit ba talaga?"
"Ah... Eh," nag-iwas ako ng tingin dahil alam kong hindi niya magugustuhan ang susunod kong sasabihin. "P-Para kang uod na nilagyan ng iodize salt..."
Hinihintay kong hampasin niya ako at saktan pero imbes na 'yon ang gawin ay isang malalim na buntong-hininga niya ang narinig ko. I feel bad because of the sadness I saw in her eyes. Lumapit ako at tinapik ang balikat niyang bagsak.
"It's okay, Zoey... May mga bagay talaga na hindi para sa'yo but that's okay. You have enough, you just need to be contented..."
Naitikom ko ang bibig ko ng muli siyang bumuntong-hininga na mas malalim pa sa kanina.
"Zoey, you don't need to be sad kung hindi ka man makakapasok, okay? You did great! Nakapasok ka na sa second round kaya okay na 'yon. Achievement mo na 'yon tapos nakayakap ka pa kay Nicolaus. Maswerte ka pa rin kaysa sa ninety-nine percent of girl species dito sa university."
That made her smile. Parang sa sinabi ko ay bumangon mula sa hukay ang confidence niya. Tumuwid siya ng tayo pagkatapos ay inayos ang kanyang mataas na ponytail. Dinagdagan niya rin ang lip tint niya.
"Thanks for that, Lana. You're right. Maswerte na akong nakapasok ako sa last round and kung hindi man ako makukuha, at least for sure may chance pa rin na mapansin ulit ako ni Nicolaus!"
"Right!"
"So let's go! Basta i-cheer mo ako ulit ha!"
Mabilis na napawi ang ngiti ko at nauwi sa pagngiwi.
"Oh come on, Lana! Please naman! Baka mamaya kainin na naman ako ng hiya! Kapag 'yon ang nangyari, isigaw mo ulit ang pangalan ko! I need confidence! Kahit hanggang sa matapos ko lang 'yung sasayawin ko, please?!"
Hindi siguradong tingin ang isinalubong ko sa mga mata niya pero sa huli ay wala na rin akong nagawa kung hindi ang pangakuan siya. It's what friends do, right?
"A-Alright..."
Doon na bumalik ang sigla niya. Naging madaldal siya hanggang sa makarating kami sa auditorium. Hindi ko alam kung dahil ba konti lang talaga ang nakapasok sa last round kaya kalahati nalang ang laman ng lugar o late lang kami.
"Thank God! Nicolaus is here! Masasayang ang beauty ko kung wala siya!"
Nginitian ko siya pero dahil nasa harapan ng stage ang mga mata niya ay nagkaroon rin ako ng pagkakataong sulyapan ang magpipinsan, lalo na si Seidon na matalas ang tingin sa lalaking sumasayaw ngayon sa gitna ng stage. He's taking down notes too, seryosong seryoso.
"I'll be joining Zeta Phi later, Lana," nawala sandali ang atensiyon ko sa lalaki at sa nangyayari sa stage dahil sa sinabi ni Zoey.
"Sa sorority?"
"Yup! You want to join?"
Mabilis pa sa alas-kwatro ang naging pag-iling ko.
"Hindi na. Hindi ako bagay do'n."
"That's a lie! Masaya do'n, Lana! Weekend parties at almost everyday may event kaya hindi boring!"
Hindi ko napigilang matawa.
"Look at me, Zoey? Mukha ba akong pang-sorority?"
Sinipat niya ang kabuuan ko. Kumibot ang labi niya pero bago pa siya umiling at sang-ayunan ako ay nagsalita na ako kaagad para hindi na masyadong masakit.
"Exactly, that look."
"Pero ang nega mo do'n! Try lang naman!"
"I'm okay. Hindi ako nandito para sumali sa mga orgs. It's just a distraction from my acads, baka magalit lang sa'kin sila Mommy."
That convinced her a little bit.
"Kung sabagay... Gano'n ba talaga ka-strict sila Tita sa'yo?"
"You don't have any idea." umiling-iling ako pero hindi na dinagdagan pa ang impormasyon tungkol doon.
I like Zoey as a friend kahit na hindi kami naging magkaibigan sa normal na paraan. I want her to be my best friend but I don't think I am ready to trust her that much... Or someone else, ever.
Zoey didn't stop talking. Nawala na nga ang usapan tungkol sa mga magulang ko pero nagpatuloy naman ang topic sa mga bagay na hindi ko na nasundan. Nalibang rin naman ako habang umuurong ang pila pero sabay kaming nahinto sa pag-uusap ng lumukob sa kabuuan ng auditorium ang isang KPOP song ng Blackpink na siyang sasayawin ng babaeng ngayon ay naghihintay nang umindak sa gitna.
I knew she was good by just looking at her. Ang dating at porma palang niya ay dancer na dancer na.
She's wearing a black crop top, gray jogger pants, white sneakers and a black cap. Mahaba ang kanyang buhok na nakatali at napaka-ganda ng hubog ng kanyang katawan, mukhang sanay na sanay na sa pagsasayaw.
Lumipad ang mga mata ko sandali pababa sa mga judges ng magsimula nang sumabay ang malambot niyang katawan sa kanta pero agad ring bumalik sa kanya.
Literal nga yatang nalaglag ang mga panga namin ni Zoey sa tindi at linis ng mga galaw niyang sumasabay pa sa kanyang mahabang buhok!
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pasituwiran ng upo ng lahat ng mga lalaki maging si Venus na parang ngayon lang nakahinga at nakangiti ng maluwag habang nanunuod sa babaeng seryoso at todo bigay sa pagsayaw!
The girl was dancing her heart out like she was the only person in the room, no one to impress but herself. She would give the judges a here and there glances to make them want more. I want more! I feel like I could watch her all day. Ito ang mga dapat nakakapasok sa grupo nila. She's nothing but a perfect beat!
"Damn, she is good!" bulong ni Zoey na parang luluwa na ang mga mata habang nanunuod sa paghataw ng babae.
I couldn't agree more! Hindi nawala ang titig ko sa kanya kahit isang segundo! Dahil nasa gilid na kami ng auditorium ay kitang-kita ko ang tuwa sa lahat ng judges maliban kay Seidon na patuloy lang sa pagsusulat sa nasa harapan niyang papel habang pasulyap-sulyap sa babae.
Napigil ko ang aking paghinga ng pisilin ni Zoey ang kamay ko ng mapunta ang mabilis na kanta sa chorus.
"Ang galing niya... Shit..." she murmured in disbelief.
"I-It's okay, Zo–"
"No, it's not Lana! Look at Nicolaus! Halos tumulo na 'yung laway niya, oh my God! Hindi 'to pwede!"
Medyo over-reacting 'yung tutulo ang laway pero totoong tuwang-tuwa nga si Nicolaus kumpara sa mga babaeng sumalang kanina kahit pa doon sa mga natanggap sa grupo!
Nakahinga lang ako ng maluwag ng matapos ang magaling na pagsayaw ng babae. Hindi ko napigilang mapapalakpak kasama ng lahat ng natira sa auditorium pero nang hawiin ni Zoey ang kamay ko ay agad akong natigil. Nailing ako ng umirap siya sa'kin.
"Ako lang ang papalakpakan mo, Lana! Nakakainis ka! Ang traydor mo at harap-harapan pa!"
Hindi ko na napigilang matawa lalo na sa nakabusangot niyang mukha! Umirap siya ulit.
"Sorry na... Magaling naman kasi talaga."
Mas lumakas ang hiyawan nang lahat ng sabihing tanggap na siya kaya hindi kaagad nakasagot si Zoey sa akin. Muli itong umiirap ng makitang si Nicolaus ang pumunta sa stage para ibigay rito ang itim na hoodie na mayroong print ng dance group nila rito sa UDB.
"That was my spot! My man! My everything!" she said while pouting. "She's stealing everything from me!"
Nanahimik nalang ako dahil alam kong wala na rin naman akong masasabing maganda. The girl is really good and she deserves to be in their group. Hindi naman sa ayaw ko kay Zoey pero sabi ko nga, kahit wala akong alam sa dancing ay alam ko naman kung ano ang pangit at hindi.
May mga natanggap pa naman pagkatapos ng babae pero kahit na nasa malayo ako ay alam kong 'yon pa rin ang topic nila dahil sa patuloy na paggaya ni Venus sa dance moves no'ng ang number ay eighty eight.
Hindi ko na inistorbo si Zoey na nagpa-practice na naman habang palapit ang number niya. Hindi niya na rin ako gustong kausapin dahil alam kong kahit nasa twenty pa yung sasalang bago siya ay kabado na rin siya sa gagawing chicken dance.
Ipinilig ko ang ulo ko at nireplayan nalang si Vince at ang ilan pang messages sa inbox ko.
Vince:
May game kami mamaya. Makakahabol ba kayo ni Zo?
Ako:
Siguro, pero late na. We're still in the auditorium.
Vince:
She's really into that shit?
Napangiwi ako. They're friends at alam niyang hindi naman magaling sumayaw si Zoey pero mas pranka sa akin ang lalaking 'to pagdating sa criticism.
Ako:
Malapit na siya. She's good.
Vince:
Good my ass! She's bad at dancing, Lana. Don't be a hypocrite. Sige na, mag-text ka kung makakahabol kayo o hindi.
Ako:
Okay. Good luck.
Hindi na siya nag-reply kaya nag-scroll ulit ako ng mga messages. Nakita ko ang texts ni Josh dahil alam niyang nandito ako ngayon.
He knew what was happening at hindi pa rin siya makapaniwalang may panahon ako sa mga ganito. Ipinaliwanag ko naman sa kanyang sinusuportahan ko lang ang kaibigan ko.
Josh:
What happened? Nakapasok na ba?
Ako:
Malapit na kami. Ang gagaling ng mga nakapasok.
Josh:
Of course, Lana! Ano pa bang aasahan mo? They're the best dance group and they only need the best people to fill the spots! Sana makuha 'yung friend mo.
Lana:
Erm, I don't think so.
He sent a laughing emoji.
Josh:
Ang nega mo girl ha! Grabe ka sa friend mo!
Ako:
No, I know Seidon will reject her.
Josh:
Wow... Close talaga kayo ni Seidon, 'no? Talagang alam mo kung ano ang mga gusto niya sa buhay at hindi? Girl, ikaw na talaga! You na already!
Ako:
No! Basta, it's a long story!
Josh:
Is it a love story? Yiee! Tell me more! I'm all ears!
Ako:
Bye Joshua!
Puro pang-aasar ang mga reply niya sa'kin kaya hindi na ako sumagot. Hinayaan ko nalang siyang asarin ako dahil ayaw kong bigyan niya ng kahulugan ang pagiging malapit namin ni Seidon.
We are not really that close rin naman. Sa pagkakaalam ko kasi, kapag close mo ang isang tao, dapat ay marami kang alam ka sa kanya and vice versa. In our case, bukod sa alam kong sikat siya at maraming babaeng nagkakagusto ay wala na akong ibang alam sa kanya... Well, may isa pa, mayroon siyang secret girlfriend.
Mabilis kong Ipinilig ang ulo ko dahil lumalalim na naman ang mga nasa isip ko. Ibinalik ko kay Zoey ang buong atensiyon. Mabuti nalang rin at tatlo nalang ay sasalang na siya kaya doon na ako nag-focus.
"Okay ka lang?"
"I'm super nervous, Lana! Mahihimatay yata ako sa stairs!"
Tinapik ko ang balikat niya para bigyan siya ng sapat na lakas ng loob kahit na hindi ko alam kung makakatulog.
"You can do it! Ikaw pa!"
She smiled a bit, mabilis ring napawi nang may maalala.
"Pero talipandas ka pa rin kaya medyo may tampo ako sa'yo."
I chuckled at that! Iyon nalang ang ginawa ko bago iniba ang usapan.
"Tinatanong nga pala ni Vince kung makakanuod tayo ng game niya mamaya?"
"No thanks! Saka na ako manunuod kapag ang mga Cordova na ang kalaban nila."
Wala sa sariling napalunok ako dahil sa narinig.
"W-What?"
"Anong what?"
"I mean, nagba-basketball rin sila?"
"Is that even a question?! Hello! Syempre naman oo! Si Riggwell yata ang MVP ng varsity ng UDB, 'no! Siya rin ang star player ng college of hospitality!"
May gusto sana akong itanong na partikular na lalaki pero mukhang nahulaan na ni Zoey ang itatanong ko kaya dinagdagan niya pa ang sagot sa akin.
"The guys are part of the varsity in basketball maliban kay Archi na volleyball ang hawak. Venus is the captain of UDB's cheering squad kaya tignan mo na lang kung gaano ka-hectic ang schedule ng mga 'yan! Maliban sa dance crew, marami pa silang extra curricular activities kaya hindi maiwasang may mga babalikan silang subjects, just look at Seidon for example."
Alright, she just answered my question and gave me more! Parang mas lalo kong gustong bumilib. Paano niya pa kaya nakakayang i-handle lahat ng extra curricular activities niya?
Hindi ko na nagawang sagutin ang sarili kong tanong nang si Zoey na ang sumalang sa stage. Damang-dama ko ang kaba niya pero mas lalong tumindi ang pagdagundong ng puso ko nang awtomatikong lumingon si Seidon sa likuran at huminto ang mga mata sa akin ng makita ako, like he was expecting to see me.
Ngumiti ako at nahihiyang kumaway. Pakiramdam ko'y may humaplos na mainit na bagay sa nagwawala kong puso dahil sa pag ngiti niya pabalik. Mabuti nalang at nakita rin ako ni Venus kaya nabaling rito ang buong atensiyon ko. Kumaway rin ako sa huli ng kawayan niya ako, akala yata ay para sa kanya iyong una.
Naging seryoso lang kaming lahat ng magsimula nang tumugtog ang kantang sasayawin ng kaibigan ko. I hope and prayed that she'll not be stopped by anyone. Bukod kasi sa nakakahiya 'yon ay baka kwestiyunin pa kung bakit siya nakapasok dito.
Dama ko ang kalituhan ng audience at rinig ang mga bulungan nilang negatibo tungkol kay Zoey kaya hindi ko na napigilang tumayo para ibigay ang full support kahit na alam kong hindi na talaga siya makakalusot rito.
"Go, Zo!" hiyaw mong pumapalakpak pero sa pagkakataong ito ay hindi na ako pumikit, totoong wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba.
Buong-buong suporta ang ibinigay ko kay Zoey para hindi siya huminto.
My presence is enough for Zoey to finish all her dance steps. Though she doesn't seem to impress the judges, enough naman ang ginawa niya para magbigay ng saya sa mga ito.
We both expected that she will not go through kaya naging magaan ang pagtanggap namin nang ibigay na ang desisyon. She was sad at first pero dahil sa yakap ni Nicolaus na request niya't agad pinagbigyan ay agad ring nawala ang lahat ng kanyang kalungkutan.
Niyakap ko siya ng mahigpit ng makabalik siya sa tabi ko.
"Thank you, Lana..."
"You did great, Zo! Ililibre kita ng halo-halo para hindi ka malungkot at–"
"I'm not sad," nakahinga ako ng maluwag nang sa paglayo niya ay isang masayang Zoey ang nakita ko, mukhang totoong napawi ng yakap na 'yon ang lahat ng lungkot na naramdaman niya.
"Naka-score na naman ako kay Nicolaus!" ipit niyang hiyaw na hindi malaman kung titili o magtatatalon na dahil sa kilig!
Napabitiw ako sa kanya at agad na napanguso para magbiro.
"Akala ko naman masaya ka dahil nandito ako at full support sa'yo."
"Isa na rin 'yon!" hinila niya na ang kamay ko at iginiya palabas sa auditorium. "This is still a wonderful experience! Nakapasok na ako sa second round, dalawang beses ko pang nayakap si crush! Oh my God, Lana! Ngayon yata ako mahihimatay!"
Naiiling akong natatawa nalang sa kanya. I'm glad that the Cordova's rejected her the way she could handle. May mga advice pa silang alam kong hindi naman mangyayari dahil talagang hindi pang-dancer ang katawan ni Zoey.
We ended up in the cafeteria. Hindi na rin kami nanuod ng game ni Vince at hinintay nalang itong matapos. Marami pa akong nalaman kay Zoey tungkol sa magpipinsan pero mas marami yata sa crush niyang si Nicolaus.
"Kung si Seidon may secret girlfriend, si Riggwell naman ay kwela at si Achilles ay matalino't mailap. Si Nicolaus naman ang pakawala at masarap habulin! Kaya nga Lana, kung hindi ko siya makukuha sa santong sayawan, kukunin ko nalang siya sa santong landian! Naka-ungos na ako ng dalawang beses sa mga babae rito! 'Yon na ang edge ko para mapunta siya sa'kin!"
"But he hugged that girl earlier too, iyong magaling sumayaw."
Mabilis na naging maalat ang timpla niya kaya agad ko ring naitikom ang bibig ko.
"Ikaw talaga agaw trip ka! Tsk! Lana, ako 'to? Remember? Ako to si Zoey, 'yung kaibigan mo lang naman! Hindi mo nga kilala 'yon tsaka isa pa, magaling lang siya pero hindi niya makukuha si Nicolaus! That's my man!"
"But she got in..." I bit my lip, hindi ko gustong saktan ang feelings niya pero wala na akong nagawa kung hindi ang maging totoo. "And because of that, mas malaki ang ungos niya sa'yo dahil araw-araw na niyang makakasama si Nicolaus sa mga practice nila–"
"Bad trip ka talaga!" umirap na naman siya.
Halos umusok ang ilong niya sa iritasyon dahil sa sinabi ko. Mabuti nalang at malamig ang kinakain naming halo-halo dahil kung hindi ay baka mabugahan niya ako ng apoy!
"Sorry na..."
She rolled her eyes again.
"Nakakainis ka pero gets ko rin 'yong point mo. Kaya nga sasali na ako bukas sa sorority dahil makakatulong rin 'yon sa'kin sa pagiging malapit ko sa magpipinsan."
Nag-isang linya ang kilay ko.
"How?"
He leaned forward the table, tinitigan ako ng mas matindi pagkatapos ay lumingon-lingon sa paligid na akala mo'y magnanakaw na sumisipat ng pulis na huhuli.
"No one can reject Zeta Phi. Lahat ng events nila ay invited ang mga Cordova at wala pa silang event na tinatanggihan galing rito kaya doon na lang ako babawi. I will still be with them kahit na hindi ako nakapasok sa dance group. And I will make sure, Nicolaus will fall in love with me because of that."
"How? Hindi ka pa nga nakakapasok sa Zeta Phi."
Her lips curved a playful smile.
"Watch me, Lana... Watch me." nakangisi niyang sabi na buong-buo ang kompiyansa sa sarili kaya hindi ko na siya nakontra pa.
~~~~~~~~~~~~
Follow all my social media accounts to be updated.
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro