Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5

Chapter Five

Gentleman


Someone likes me. Someone likes me...

Tulala akong napapangiti habang nakatitig sa malawak na track and field na nasa harapan ko. Kasalakuyan akong nasa field para sa P.E namin at kahit na kahapon pa sinabi sa akin ni Seidon ang tungkol kay Venus ay iyon pa rin ang dahilan ng mga ngiti ko ngayong araw.

I just can't believe that someone actually likes me. Hindi naman sa nagiging tibo na ako kay Venus o ano pero hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala. I mean, anong kagusto-gusto sa tulad ko? Wala akong maisip. The thought of someone liking me without knowing me fully is a miracle. Nakakatuwa lang. Alam kong mabuting tao si Venus dahil sa pagiging nice niya sa'kin kaya sobra-sobra ang saya ng puso ko.

"Mukhang masaya ka, Svetlana, ah!" nakangising puna ni Josh habang tumatabi sa akin, isa sa mga block mates ko.

Sa lahat ng mga nakausap ko sa nakalipas na araw dito sa University bukod kay Zoey ay si Josh lang ang hindi nagsawang kumustahin ako consistently. Napangiti ako lalo at binigyan siya ng mas malawak na espasyo sa tabi ko.

"Sabi ko Lana nalang. Hindi ako sanay sa Svetlana." nakanguso kong sabi na nagpatawa sa kanya.

"Ang ganda ganda kaya ng pangalan mo!"

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. I'm glad to have someone like him in times like this para naman hindi ako op pero kapag ang usapan ay tungkol na sa akin ay hindi ko pa rin talaga maiwasang mailang. Maybe because I've been in a cage all my life at ngayon lang nakalanghap ng sapat na laya kaya naninibago pa.

"Maganda rin naman ang Lana." pagpupumilit kong muling nagpahagikhik sa kanya.

"Svetlana Aleksandra Drozdov. Kakaiba ang mga pangalan ng Russian, 'no? O ibinabagay sa ganda ng isang tao? Kasi maganda ka kaya dapat maganda rin ang pangalan mo?"

Hindi ko siya nilingon, napawi na rin ang ngiti ko. I'm not really used to hearing compliments. Parang bumabaliktad kasi ang sikmura ko. I kinda like it but not that much. It's better if I hear nothing so that the conversation wouldn't be awkward.

Masaya niya akong siniko dahil sa pananahimik ko.

"Ito naman! Nagtatanong lang para may topic eh!"

"Sorry... Hindi ako sanay."

"Saan?" nababaliwan niyang tanong. "Girl, you are beautiful!" napapitlag ako ng hawiin niya ang buhok papunta sa likod ko. "Konting make-up at lipstick pa, kulot-kulot ng hair tapos medyo pang pokpokang suot, pak na pak na ang beauty mo! Kakabugin mo na 'yang mga kipayla sa Zeta Phi!"

Napangiwi ako lalo na sa binanggit niyang nag-iisang sorority house ng UDB kaya lalo siyang natawa. Kinurot ko ang matabang braso niya dahil lumakas ang tawa niyang nakakuha na ng atensiyon.

"Sorry!"

Magsasalita pa sana ako para pagalitan siya't patahimikin pero nang lumagpas ang mga mata ko patungo sa kanyang likuran ay tuluyan na akong natigil sa paggalaw. Maging ang paghinga ko nga ay huminto ng makita ang lalaking tahimik na naglalakad habang sukbit sa balikat ang itim na gym bag.

Parang may dumaang anghel sa pagdating niya dahil lahat ng mga kaklase ko maging ang mga lalaki ay talagang nahinto sa pagsasalita at paggalaw.

Wala sa sariling napisil ko ulit ang braso ni Josh. Anong ginagawa ni Seidon sa P.E class ko?

Gusto kong isiping naliligaw na naman siya pero dahil binati siya nang professor namin ay nakumpirma kong maging rito ay classmate ko pa rin siya!

"Grabe sa pagpisil ha! Nakakagigil ba, girl? Hinga-hinga rin tayo, girl!" hiyaw niya pagkatapos ay halos sabay kaming humugot ng hangin sa baga kaya natawa ulit siya sa akin.

Napabitiw ako sa kanya.

"Oh, baka matunaw naman, girl!" mapang-asar niyang puna ulit dahilan para mapunit ang titig ko sa bagong dating na kasalukuyang kausap pa rin ang instructor at pinagtitinginan ng lahat maging ng mga estudyanteng nadaanan niya papunta dito sa pwesto namin.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Kahit na nga nakasuot siya ng parehong P.E uniform ay parang hirap pa ring tanggapin ng utak ko kung bakit siya nandito. Not that I don't want him here but what the heck is he really doing here?

"Do you know him?" lutang kong tanong matapos pumihit pabalik sa field.

"Of course! Ano ka ba naman! Wala namang hindi nakakakilala sa mga Cordova maliban nalang siguro sa mga bagong salta rito sa Buenavista. Wait, bagong salta ka?" namamangha niyang tanong.

Marahan akong umiling pero tumango rin sa huli.

"Bago lang I guess," lito akong napaharap sa kanya at hindi na napigilang magtanong ulit dahil mukhang maraming alam si Josh sa mga ito gaya nalang ni Zoey... O gaya nang lahat? Ako lang naman yata talaga ang walang alam sa kanila!

"Kung kilala siya ng lahat, bakit nandito siya ngayon? Hindi ba dapat tapos na niyang pag-aralan 'to? This is only for freshmen students."

"No! This is a blessing na dapat hindi na tinatanong, Lana! Pero kung gusto mong malaman ang sagot, ganito kasi 'yan, una he is taking up cruise line operations in culinary arts like his cousin's Venus, Riggwell and Nicolaus while si Achilles naman ay medicine ang kurso. Ang point dito, kaya nandito si Seidon is because binabalikan niya 'yung mga minor subjects niyang hindi kinuha noong first year dahil naging abala siya sa dance club." Nalilito pa rin akong napakurap-kurap.

"It just happens na tayo ang pinakamaswerteng freshmen na magiging classmate niya sa buong semester ng P.E kaya tara na!"

Pinigilan kong mapasigaw ng agad siyang tumayo at hinila ako pasabay sa kanya pero dahil nakagawa pa rin ako ng ingay ay napabaling pa rin sa akin ang lahat maging ang lalaking laman ng usapan namin.

I swallowed hard when my eyes met his gaze. Kung hindi pa ako hinila ni Josh ay baka namula na ako sa harapan niya dahil sa titig niyang 'yon!

Humilera kami ng sabihin ng instructor na magsisimula na ang klase. We will do stretching first bago ang kaunting lesson pagkatapos ay ang actual na pagtakbo paikot sa field.

Pinipilit kong mag-concentrate pero dahil sa patuloy na pagsundot ni Josh sa tagiliran ko sa tuwing napapalingon ako sa gawi ni Seidon ay nawawala ang konsentrasyon ko.

Nang matapos ang kaunting lecture ay nagsimula na kaming tumakbo habang binibilang ang aming mga pulse rate. Josh couldn't keep up with me sa unang lap palang. Paano ba naman, madali siyang hingalin sa laki ng katawan niya kaya wala akong nagawa kung hindi ang magpatuloy ng mag-isa. Dahil sanay akong magpapawis at mag-work out sa bahay, hindi ko nagawang huminto.

Noong una ay marami pa akong kasabay na tumatakbo galing sa iba't-ibang klase. Napanguso ako ng makita ang kumpol ng mga estudyanteng nakabuntot kay Seidon habang naka-earphone ito at seryoso sa ginagawa.

Napailing ako, well at least may nai-inspired siya sa subject na 'to. I know how Josh wanted to run behind Seidon too pero ang bakla ay prente nang nakaupo sa bench habang nagpapamasahe sa isa naming classmate nang matapat ako sa kanyang gawi. Bukod sa thumbs-up ay wala na siyang ibang ginawa nang madaanan ko.

Natatawa akong nagpatuloy nalang sa pagtakbo. Eight laps ang goal ko kahit na limang ikot lang ang hiningi ng instructor namin. Naisip ko kasi ang mga kinain ko kagabi at nang mga nakaraang araw kaya gusto kong bumawi. Hindi rin ako nakapag-work out nitong mga nakaraan dahil kay Vince at sa desisyon nitong dito na rin mag-aral para mas mapalapit sa akin.

Marami pa rin namang tumatakbo pero nang makalima na ako at huminto na si Seidon ay parang bulang nawala rin ang mga babaeng nagpapaka-trying hard na sumunod sa kanya. Maging ang mga lalaki ay hingal na hingal nang nagpapahinga sa benches.

Sa pang-anim ko ay nakita ko ang paniningkit ng mga mata ni Seidon ng hindi ako huminto. Nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo na parang hindi nakakaramdam ng matinding pagod.

I'm thirsty but it can wait. I need to finish eight laps before taking a break dahil baka hindi ko na magawa kapag huminto ako at nagpahinga sandali.

I was humming a sad tune while running, iyong huling kantang pinapakinggan ko kagabi habang nagsusulat ng poem pero bahagyang bumagal ang galaw ng mga paa ko ng mapansin ko ang isang bultong ngayon ay nasa gilid ko na.

Pakiramdam ko'y tuluyan ko nang naramdaman ang matinding uhaw ng makita ang kanyang tribal tattoo sa braso na gumagapang patungo sa kanyang dibdib, bakat na ito dahil basa niyang pang-itaas.

Gustohin ko mang itigil ang pagtitig sa kanya pero hindi ko magawa dahil dama kong sinasabayan niya ang pagtakbo ko. Kami nalang yata ang tumatakbo sa buong field!

"Wala ka bang planong huminto?" he asked kaya agad akong napaiwas ng tingin.

Is he really talking to me? Pero naka-earphones siya? Pero wala naman kaming kasabay? Nilingon ko pa ang paligid kung may nakikita ba siyang hindi ko nakikita.

"I'm asking you, Drozdov." he added kaya natigil ako sa paglingon.

"M-Mamaya."

"We only ask to run five laps, it's your seventh lap."

Pinilit kong lumunok dahil talagang disyerto na ang lalamunan ko lalo na sa isiping pinapanuod niya't binibilang ang tinakbo ko.

"I-I'm trying to do eight." sagot kong nagpalingon sa kanya sa akin, tinanggal niya ang nasa kanang tengang earpods na mukha namang walang tugtog. "It's just me. Gusto ko lang tumakbo." dagdag ko dahil sa nakita kong kalituhan sa kanyang mga mata.

"Ikaw? Why are you still running? Tapos ka na, 'di ba?"

Nagkibit siya ng balikat pero sa pagbagal niya ng takbo ay parang may sariling utak ang mga paa kong gumaya sa kanya hanggang sa tuluyan na kaming nahinto sa kabilang side ng track malayo sa kinaroroonan ng mga classmates namin.

Hinihingal kong pinunasan ang mga pawis ko gamit ang aking braso habang mabagal na naglalakad kapantay niya ngunit muli akong natigil nang iabot niya ang isang water bottle sa akin, mukhang kanina pa hawak pero hindi ko napansin.

"O-Okay lang ako–"

"Mrs. Maran asked me to give this to you, uminom ka muna."

Wala na akong nagawa kung hindi ang kunin iyon nang ilapit niya sa akin ang bote ng tubig.

"Thank you... Hindi ka ba nauuhaw?"

Umiling siya at ibinalik ang titig sa mga classmates naming nanunuod na ngayon sa aming dalawa.

"I'm okay."

Uminom na ako. Halos maubos ko 'yon hindi dahil sa uhaw talaga ako kung hindi dahil sa presensiya niya. Kanina naman kasing mag-isa ako ay wala akong naramdamang uhaw pero ngayon... Para akong naglalakad sa mainit na disyerto katabi mismo ang haring araw.

Naiilang kong napukpok ang ulo sa hawak na bote.

"You alright?" may pag-aalala niyang tanong dahil napalakas ang huling palo ko.

Nagmamadali akong tumango at agad na inilapat sa pisngi ang malamig na bote, kunwari ay nagpapalamig lang.

"O-Oo! Ayos lang, ikaw? Ayos ka lang?"

The side of his lip gently curved with amusement.

"Yeah."

Napatango ako pero hindi na natanggal ang mga mata sa kanya. Hinihintay ko kasing umalis na siya sa tabi ko pero hindi niya 'yon ginawa. Sa mas pagbagal pa nga ng mga hakbang ko ay bumagal rin ang sa kanya.

"Hindi mo ako iiwan?" lutang kong tanong dahilan para magdikit ang makakapal niyang kilay. Nagmamadali akong umiling. "I-I mean, hindi ka pa ba babalik do'n?" nahihiya kong dagdag.

Oh God, this is a disaster! Bakit ba kasi nagsasalita pa ako ngayong alam ko naman na hindi ako magaling sa ganito?! Ugh!

"I'm alright. Ikaw? Tatakbo ka pa ba?" tanong niya pabalik.

Hindi ko na napigilang ubusin ang laman ng tubig dahil sa patuloy na panunuyo ng lalamunin ko dahil sa kanyang mga matang parang may hinahalukay sa pagkatao ko sa tuwing nakatitig sa akin!

"Sana."

"Alright, let's go then."

"H-Ha?"

Lumawak ang ngiti niya bilang sagot kaya tuluyan na akong natigilan pero nang makita kong nagsisimula na siyang tumakbo palayo sa akin ay gumalaw na ako para sundan siya. It didn't take me that long to finally catch up on him.

Ilang beses humiyaw si Josh ng madaanan namin sila kanina pero hindi kami tumigil. Ni hindi lumingon si Seidon sa kanila dahil mukhang plano talaga niyang samahan ako hanggang sa huling lap!

Wala na akong nagawa kung hindi ang hayaan siya. Pero talagang hindi ko magawang mamangha dahil sa tuwing naiiwan na niya ako ay nararamdaman kong binabagalan niya ang galaw para maka-pantay pa rin ako.

I never been distracted all my life lalo na kapag nagwo-work out pero iba ito ngayon. Pakiramdam ko ay nasa kanya nalang ang buong atensiyon ko...

Mabilis kong ipinilig ang aking ulo ng maisip ang sinabi ni Zoey noong isang araw. Iyong tungkol sa girlfriend ni Seidon.

What it's like to have a boyfriend like him? Oo nga't alam kong sobrang swerte dahil pangarap siya ng halos lahat ng babae rito, pero tingin ko kahit na hindi sila sikat ay sobrang mapalad pa rin ng girlfriend niya.

He's thoughtful, caring and a true gentleman. Hindi ko pa man siya kilala ng matagal pero dama kong totoo ang mga impressions ko sa kanya.

Kusang bumagal ang mga paa ko ng maramdaman ang pagbagal ng takbo niya. Kunot noo ko siyang sinulyapan.

"Pagod ka na? Hindi kita pinilit ha." nakangiti kong biro na sinagot niya rin ng tipid na ngiti.

"I'm not tired," he said habang mas lalong binabagalan ang bawat hakbang. "Are you going to accompany your friend next week?"

"Oo. Pwede ba ang audience do'n?"

He nodded. "Walang problema."

"Are you going to break her heart?"

"What do you think?"

Lumawak ang ngiti ko.

"Parang..." napangiwi ako. "Ano bang genre ng sinasayaw niyo?"

"Generally, it's modern and hip-hop but we can dance anything with a beat."

"So you're really a dancer?" lumawak ang ngiti niya sa pag-uulit ko nang tanong na 'yon.

"I guess I am."

I want to prolong our conversation dahil bukod sa gusto kong lumawak ang idea sa mga uri ng sayaw ay gusto ko rin siyang makilala pero parehas kaming natigil nang makabalik na kami sa pinanggalingan namin.

My classmates are looking at me with jealousy except for Josh na muntik pang matumba sa upuan makatayo lang at malapitan ako.

"Svetlana! H-Hi Seidon!" bati niya kaagad rito hindi pa man ako nakakasagot sa kanya.

Seidon nodded to acknowledge him and then he immediately turns to me.

"Later." aniyang lutang ko nalang tinanguan bago siya panuoring maglakad palayo.

Sabay kaming natulala ni Joshua sa kanya. Kung hindi ko pa naramdaman ang paghampas niya sa braso ko ay hindi pa ako matitigil sa pagtitig sa lalaking lumalayo na sa field habang pinupunasan ang kanyang leeg. Our class has already ended.

"Bakla ka!"

"W-What? I'm not." naguguluhan kong sagot dahilan para maulit ang paghampas niya sa akin pero mas mahina iyon at maarte kumpara sa naunang may diin!

Pakiramdam ko tuloy ay galit ang Diyos sa akin dahil lahat ng mga ibinibigay niyang kaibigan ay mapanakit. Ganito ba talaga?

"That's not what I mean! Lana, iba ka!" hinila niya ako pabalik sa mga pinagpapatungan ng gamit namin. "Hindi mo naman sinabing kailangan ng maraming lap para mapansin ni Seidon! Kung alam ko lang nag-practice ako at hindi kumain kanina ng breakfast!"

Agad akong umiwas ng sasapakin niya na naman ang braso ko. Tawang tawa siya sa ginawa ko.

"Hindi ka nga nakaisang lap Josh, walo pa kaya?"

"You're so judgemental ha!" nanatili ang ngiti sa mga labi niya maging ang mga papuri sa akin hanggang sa makapag-ayos na kami at magkita sa labas ng shower room.

"Paano mo sila nakilala ng sobra? I mean you're just a freshman like me." usisa ko nang maisip iyon habang naghihintay kami sa sunod na klase.

"Well, I have a close friend in Elite Dynasty Movement. Same year nila Venus at kababata ko," he answered while eating his chips. "Kasama yung friend ko sa pioneer ng grupo. Siguro hindi mo pa nakikita pero close ni VV 'yon! Isa sa mga bestfriend niya."

"Marami ba sila?"

"Sa grupo? Hmm, 'yung mga members ng UDB nasa twenty hindi pa kasama 'yung mga makakapasok ngayong taon pero yung EDM, I think twelve lang sila kasama na ang magpipinsang Cordova. Chaz, my friend is one of them."

"Wow... Are they really that popular?"

Nahinto siya sa pag nguya. Maya-maya ay iniharap niya sa akin ang telepono niyang laman ang ilang mga detalye ng grupong kinabibilangan ng magpipinsang kalat sa internet.

"Super popular lalo na dito sa Buenavista kahit na hindi talaga sila taga rito." sa pagdikit ng mga kilay ko ay nagpatuloy siya. "They're from San Antonio. Apat na municipalities simula dito sa Buenavista."

Kinuha ko ang telepono niya at nagbasa doon. Nasa internet kung paano sila nagsimula, kung paano nabuo ang kanilang grupo at kung paano lumawak at nakilala ang kanilang dance crew. Their humble beginnings made me admire them more.

Tumaas pa lalo ang paghanga ko sa magpipinsan ng makita ang isang video clip kung saan silang lima ay nagsasalita tungkol sa kani-kanilang experiences and strong passion towards dancing.

I've never been curious all my life about a certain hobby or profession but I ended up searching everything that involves dancing when I got home. Hindi na rin ako nakipagtalo sa mga magulang ko at tahimik nalang na kumain para mapabilis ang dinner namin.

Wala akong ginawa kung hindi ang i-search ang Elite Dynasty Movement at ang lahat ng detalye tungkol sa magpipinsang Cordova.

"Seidon Cesare Coello Cordova..." lutang kong sambit habang nakikipaglaban sa antok at pinipilit na tapusin ang huling article na binabasa tungkol sa huling award na napanalunan ng grupo nila.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro