CHAPTER 4
Chapter Four
She is stuck forever on a cloudy day
continuously wept beneath the wild sky
lost hope, scarred, but not until that day,
that day he laid his eyes on her.
~ glimpse of happiness
•••
"So... You're a dancer..." marahan kong sabi bago pa namin maabot ang mga estudyanteng naghihintay na tawagin sa stage. Ayaw mang magsalita ng bibig ko pero mas lalong hindi kaya ng tenga ko ang katahimikan niya.
Bumagal ang lakad niya at nilingon ako pero nanatiling tahimik ang kanyang mga mata.
"Am I?" he asked innocently.
Pinagdiin ko ang aking mga labi. Ayaw ko namang sabihin sa kanya ang alam ko pero dahil wala akong maisagot ay nagawa kong ilaglag si Zoey.
"M-My friend told me..." pumantay ako sa kanya, as if like he's waiting for me.
Iwas ang tingin akong nagpatuloy sa paglalakad habang nasa tabi ni Seidon. Nang madaanan namin ang hilera ng unang upuang puno ng estudyanteng halos lahat naman ay babae ay hindi na ako nakapagsalita. He doesn't seem like he wants a conversation with me so I didn't bother.
Hinanap nalang ng mg mata ko si Zoey.
"What's her number?" tanong niya pero bago pa ako makasagot ay nakita ko na ang pag-ilaw ng telepono galing sa isang bulto sa bandang gitna habang patuloy iyong iwinawagayway sa ere.
Napanguso ako sa direksiyon niya.
"I found her."
He nodded, but he continued walking to the direction where I'm heading kaya muli akong nagsalita.
"H-Hindi mo na ako kailangang ihatid." nahihiyang sabi ko.
Muli siyang lumingon pero ang mga mata ngayong nakapukol sa akin ay may bahid ng munting tuwa. Pinigilan kong malaglag ang panga ko ng umiling siya.
"I'm not. I'm going to join my cousins in front, dito lang rin ako dadaanan because it's too crowded there," turo niya sa magkabilang gilid ng auditorium na puno ng mga babaeng nagre-rehearse.
I was dumbfounded. I tried to hide my embarrasment by looking away but he is too gentleman to save me from it.
"Pero wala namang masama kung ihahatid na rin kita," aniya kaya muli akong napatitig sa kanya. "Drozdov, right? NSTP?" he asked.
Doon na tuluyang nalaglag ang panga ko. He remembers me?
"Y-Yes... Cordova." I answered.
His lips curved a gentle smile and instantly, my thoughts were filled with endless questions. Like how could it be possible that his smile completed someone's day? How that little strand of happiness makes everything so different? So better?
"Seidon." pagpapakilala niya nang muli na naman kaming magkatabi, pinagtitinginan ng lahat, kinaiinggitan ng mga babae.
"Svetlana, Lana na lang." sagot ko naman.
He nodded. Parang gusto kong malungkot sa unang pagkakataon ng mapansing malapit na kami kay Zoey.
"Uhm, Seidon..."
Bumagal ang lakad niya.
"Hmm?"
"Mahirap bang makapasok sa dance club niyo?"
He shrugged. "Why? Do you want to try?"
Parang gusto kong matawa sa tanong niya pero sinapo ko ang bibig ko at agad na pinagalitan ang sarili.
"No, and that will never change. I'm just asking for a friend."
"That girl?" tukoy niya kay Zoey na gusto na yatang maglupasay habang nanunuod sa aming dalawa.
Tumango ako. "Sobrang fan niyo si Zoey, but I don't think she can really dance. Can you tell your cousins to be nice when they reject her? Or just ask Nicolaus to say hi or something? Just don't break her heart, mabait si Zoey..."
Pakiramdam ko'y hinapo ako sa paghinto niya. Dahan-dahang lumakad ang mapanuri niyang mata sa buong mukha ko, maybe looking for something beautiful to convince him, too bad, I didn't have one. Yumuko ako.
"O-Or not... I'm sorry for asking you—"
"I got you." pagpuputol niya sa aking ikinagulat ko ngunit sa pagbalik ko ng tingin sa kanya ay wala na ang mga matang kung tumitig ay tumatagos patungo sa kaluluwa ko, he's walking away from me.
Hindi ko na pinigilan. Naglakad nalang rin ako at agad na lumihis sa lane kung nasaan si Zoey.
Again, parang gusto kong magsisi na pinuntahan ko pa siya dahil ng makalapit ako ay pinagkukurot niya ako na kahit pabiro ay may bahagyang diin! For once, parang gusto ko na ring maging bayolente.
"Oh my Gosh, Lana! How did you do that?! Oh God, it's Seidon! I can't freaking believe you!"
I cringe. Anong hindi kapani-paniwala doon? Na tumabi sa akin si Seidon? Na kinausap ako nito? Naisip ko na rin 'yon, but it happened so...
"Nakita ko lang siya sa labas. Akala niya mag-a-audition rin ako tapos papasok na rin siya kaya sumabay na ako. That's it."
"Ah, basta! You're still lucky than ninety-nine percent of species here in UDB! To think na ilang araw palang ang lumipas simula ng pasukan? Aba't pinagpala ka talaga sa babaeng lahat dahil napansin ka ni Seidon!"
Wala sa sariling lumihis ang tingin ko palayo sa kanya at patungo sa stage.
I don't want to feed her intrigues because it was nothing. Normal na pag-uusap lang 'yon at kung siguro nga maswerte ako sa tingin ng lahat, then thank you.
Itinuon ko ang atensiyon sa mga sumasayaw sa gitna, sa mga nangangarap na mapabilang sa grupo ng mga Cordova, makasama ang mga ito araw-araw. Ano nga kayang pakiramdam no'n?
Zoey didn't stop telling me facts about them. Aniya, kapag nasa loob ng university ay UDB dance crew ang tawag sa kanila sunod sa pangalan ng university pero kapag nasa labas at nakikipag-kompetensiya sa mga karatig lugar o kahit out of town, they are called Elite Dynasty Movement.
"Adonis?" tanong ko ng mahinto ako sa salitang sinabi niya.
"That too!" masaya niyang paliwanag habang papalapit ng papalapit ang number niya. "Everyone called the guys Adonis kaya mag take notes ka ulit."
Kumunot ang noo ko at nanatili ang litong titig sa kanya.
"Hello, do I need to explain that? Tignan mo nalang silang apat, nandiyan na ang sagot! Oh my God!" humahagikhik niyang pagpapatuloy na akala mo'y kinikiliti ang pwet sa upuan.
Kung sabagay, hindi naman talaga maipagkakailang maganda ang lahi nila. I mean, the guys can passed as GQ models! What else? Wala nang kailangang explanation dahil tama si Zoey na titigan lang ang mga ito, makukuha mo na ang sagot.
Vince has been texting me pero si Zoey ang sumasagot doon maging ng tumawag ito. Mabuti nalang at maglalaro raw ito ng basketball kasama ang mga kaibigan kaya ayos lang na mahuli kami.
Walang humpay ang pag 'Oh my God' ni Zoey na hindi na mapakali habang palapit ang performance niya. Mas bumibilis ang paghahatol ng magpipinsan, siguro'y pagod na. Venus is seating in the middle. Si Seidon ay nasa kaliwang dulo at katabi ang sinabi ni Zoey na kambal ni Venus na si Riggwell, iyong kulay abo ang buhok.
Sa kanang bahagi naman ni Venus ay si Nicolaus at ang tingin kong pinaka-tahimik sa lahat na si Achilles na nakaupo sa kabilang dulo.
Sa lahat ay ang huli ang hindi masyadong tinatapunan ng pansin ni Zoey dahil sabi niya, bukod raw sa masigasig itong mag-aral at walang ibang gustong atupagin kung hindi acads, hindi rin daw sila bagay at hindi niya hihilinging maging boyfriend ito dahil masyado raw matalino ang lalaki at hindi kakayanin ng brain cells niya.
She even said na kung sakaling maging sila, palagi daw siyang iiyak dahil alam niyang pipiliin nito palagi ang mga libro kaysa sa kanya kaya huwag nalang. She said she would settle with Nicolaus, the most playboy and the weakest link in the group when it comes to girls. Kapag hindi raw umubra, si Riggwell nalang.
Napailing ako sa dami ng pangarap niya sa buhay na mukhang mahihirapan siyang abutin.
"Ayaw mo kay Seidon?" wala sa sariling tanong ko, curious dahil hindi niya ito nabanggit.
"Gaga syempre gusto! I would trade everything just to be his girlfriend pero kahit ganito ako, marunong pa rin naman akong mag-isip, Lana! Tsaka isa pa, may long time girlfriend 'yang si Ino."
Napatuwid ako ng upo, mas curious na ngayon at nasa kanya ang buong atensiyon.
"Iyon ang balita ha, pero hindi pa naman confirmed dahil wala pa namang nakakakita. Basta ang tsismis, may secret girlfriend daw ito at sila na bago palang mag-aral dito ang magpipinsan. I'm sorry to break your heart."
Nagsalubong ang mga kilay ko.
"Bakit ako?"
Ngumisi siya at umiling pero bago pa makasagot ay tumayo na ng tawagin ang numero niya. I don't really want to mix business with pleasure o ang pag-aaral at mga walang katuturang tsismis pero hindi ako nakapag-concentrate sa mala-manok na sayaw ni Zoey sa gitna ng stage dahil sa pag-iisip kay Seidon.
Parang may surot sa upuan ko nang kusang umangat ang pwet ko nang mahuli ako nitong nakatitig sa kanya matapos lumingon sa gawi ko habang umiiling. Bumalik ang tingin ko kay Zoey na ginagawa na ang lahat sa stage pero mukhang walang na-impressed kahit isa sa magpipinsan!
Shocks! Napalunok ako't napakamot sa ulo dahil sa pilit na paggiling ni Zoey na halatang inaakit nalang si Nicolaus, as if it would change everything! Oh God, this is a disaster! She looks like she's about to cry!
When my eyes shifted back to Seidon, he mouthed the words 'I'm sorry' na akmang puputulin na ang paghihirap ni Zoey kaya nagmamadali akong tumayo at wala nang takot na sumigaw para i-cheer siya't bigyan ng sapat na lakas ng loob!
"G-Go Zoey! Go Zoey! Go go go!" pumalakpak pa ako ng malakas dahilan para magtinginan sa akin ang mga natitirang estudyanteng naghihintay ng turn nila pero parang napunta sa akin ang kagustuhang maiyak ng mapansing nakatingin na rin sa akin ngayon ang magpipinsang Cordova!
Shit... Shit!
Zoey is still dancing, medyo lumakas ang loob na magpatuloy sa chicken dance dahil wala na sa kanya ang atensiyon ng lahat! Imbes na magpatalo sa kaba ay ipinikit ko nalang ang mga mata ko at muling inulit ang chant kahit na walang nakikita.
"G-Go Zoey! Go Zoey! Go go go!" nag-thumbs up, thumbs up pa ako kahit na alam kong mukha na talaga akong tanga!
I slowly lifted my eyelids ten seconds later and saw Venus smile at me, tuwang-tuwa sa katangahan ko. Sabay-sabay na bumalik sa panunuod ang mga nabuhayang judges maliban sa isang ulong nanatiling nakatitig sa akin.
Nang bumalik ang mata ko sa kanya ay awtomatiko akong nahinto sa paggalaw. Seidon's elbow is leaning on the table while his right hand was draped over the backrest of the chair, nakalapat sa labi niya ang ballpen na hawak sa kaliwang kamay, tila nag-iisip habang patuloy na nakatitig sa akin.
Pinilit kong ngumiti pero kusang bumababa ang kurba ng labi ko dahil sa matinding kahihiyan, but when the side of his lips curved a little, nagawa kong ibalik sa labi ang mga ngiti.
He nodded at me before turning his head back to the stage. Kinausap niya ang mga pinsan. Nagkaroon ng kaunting diskusyon pero ang ikinabigla ng lahat ay ang desisyong pasok si Zoey sa susunod na round!
Kahit ako ay Laglag ang panga! Hindi makapaniwalang tanggap siya at magpapatuloy sa huling round! I clasped my hands together habang ninanamnam ang tuwa sa aking puso para kay Zoey. She was jumping down the stage. Nang ibigay ni Nicolaus sa kanya ang papel na tanda ng pagkapasok niya ay hindi na niya napigilan ang sariling yakapin ito!
Napahagikhik ako. Muling itinuon ang tingin kay Seidon dahil alam kong siya ang dahilan kaya nakapasok ang kaibigan ko! I waited for him to look at me pero hindi ko pa rin napigilang mapahugot ng hangin sa kawalan nang gawin niya. I mouthed a thank you pero hindi na niya nagawang intindihin dahil sa pagkuha ni Riggwell sa kanyang atensiyon.
"Oh my God, Lana! I can't believe it! I'm in! I'm in!" nagtatatalon na sabi ni Zoey ng makalapit sa akin.
Hindi ko na naiiwas ang sarili ng yakapin niya ako. Maging sa pagtalon-talon ay nagawa ko siyang pagbigyan, not minding what would people say or think about us.
Walang humpay ang naging pasalamat niya sa akin habang palabas kami ng auditorium. Masaya rin ako hindi lang dahil nakapasok siya at nagawa niya ang goal niya kung hindi dahil kay Seidon... For granting my wish for my friend.
Hanggang sa makauwi ay hindi nawala ang ngiti at tuwa sa puso ko.
"You look so happy, what happened?" kuryoso at patuyang tanong ni Vince habang nasa daan kami patungo sa bahay.
Agad kong tinanggal ang ngiti pagkatapos ay umiling.
"Nothing. May naalala lang ako." pinagdiin ko ang labi ng sulyapan siya.
Nanatiling nakakunot ang kanyang noo at hindi kumbinsido sa naging sagot ko.
"Aren't you going to ask me about my game?"
Right. Tumango ako at agad nagtanong.
"How's your game? Nanalo kayo?" napipilitan kong tanong pero dahil nawala ang pag-iisip niya sa kasiyahan ko ay kahit paano'y nakampante ako.
"Of course, Lana. Baka hindi mo naaalalang ako ang pinaka-magaling na basketball player sa buong Buenavista?" mayabang niyang sabi.
"Congrats." nakangiti kong sagot.
"Those boys are nothing compared to me. You should watch our game next time."
"I'd love to." tanging nasabi ko.
Nagpasalamat akong pagod si Vince dahil pagkatapos niya akong ihatid sa bahay ay nagpaalam na rin siya. Muling bumalik ang ngiti ko ng makapasok sa kwarto. Zoey didn't stop messaging me about what happened. Next week, kapag natapos ang audition ngayong linggo ay babalik raw siya para sa last round at syempre, hindi raw ako pwedeng mawala dahil ako ang kanyang lucky charm. Hanggang sa makatulog ako ay iyon ang usapan namin.
Kinabukasan, matapos kong bumaba sa sasakyan ni Vince ay dumiretso na ako sa una kong klase. Zoey said she will be late kaya wala akong nakasabay. Si Vince naman ay walang amor na ihatid ako hanggang sa classroom kaya napilitan akong iwan na siya sa carpark kasama ang mga kaibigan niyang sumalubong sa amin.
Tahimik akong naupo sa upuan ko, hinahanda ang sarili sa pagdating ni Seidon dahil hindi ko nakakalimutang kailangan ko siyang pasalamatan dahil sa ginawa niya kahapon. I know how bad Zoey at dancing pero naging mabait sila rito't tinanggap pa hanggang next round kaya dapat lang na iyon ang gawin ko.
Habang nagsi-shade ng drawing sa sketch book ay dumating siya. Nagmamadali kong inayos ang mga gamit ko nang tahimik siyang naupo sa aking tabi habang binabasa ang librong hawak.
Sinubukan kong tumikhim but he's too busy to even notice me. Baka may recitation siya sa susunod niyang klase kaya hindi na ako nang-istorbo pa. Natigil lang siya sa pagbabasa nang dumating ang professor namin. Parehas kaming nakinig habang nagtuturo iyon sa harapan. I was busy listening to the guy in front when I heard Seidon's voice.
"You draw?" tanong niyang nagpawala ng focus ko sa harapan, marahan ko siyang nilingon at nahihiyang itinago ang sketch book.
He holds my gaze for a moment, then he drop his eyes to my hand while pointing his delicate fingers to the thing I was trying to hide.
"I-I guess..." nahihiya kong sagot.
He inhales a soft breath and then nods. Hindi na siya nagsalita ulit. Ibinalik niya ang buong atensiyon sa harapan pero ako naman ang hindi napakali. Since naistorbo niya ako, pwede naman sigurong ako naman ang mang-istorbo?
"Thank you..." I murmured under my breath.
He glance back at my direction, confused.
"K-Kahapon... For what you did to Zoey." paalala ko pero sa hindi malamang dahilan ay muli na namang tumagal ang mga mata niya sa akin. Like he was gazing at my soul, trying to touch it with his bare hands...
Sandali tuloy natigil ang paghinga ko dahil ayaw ko siyang istorbohin sa pagtitig sa akin. I felt like I can let him stare at me forever... Iyong mga mata niyang malumanay pero matindi ang intensidad. Mga matang papangarapin mong titigan ka nalang habang buhay because it tells you that you're worthy to look at...
Pakiramdam ko'y may kung anong parte sa pagkatao ko ang nawala nang tanggalin niya ang titig sa akin.
"Thank yourself, not me. Wala akong kinalaman sa pagkapasok niya."
Napapihit ako sa direksiyon niya ng wala sa oras.
"W-What?" I asked pero hindi na siya nakasagot dahil sa biglaang quiz.
Habang sinasagutan ang mga tanong sa white board ay hindi pa rin ako mapakali. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makausap siya pagkatapos ng quiz pero nilakasan ko na ang loob ko ng matapos ang klase. Nagmamadali ko siyang hinabol palabas ng classroom para muling malinawan.
"Seidon, wait..."
Huminto siya at kunot-noo akong binalingan.
"What do you mean by that? Hindi ba ikaw ang dahilan kaya nakapasok si Zoey?"
Marahan siyang umiling kaya nalaglag ang panga ko.
"For some reason, my cousin Venus likes you," napakurap-kurap ako. "And if it wasn't because of you, your friend will not be joining the second round so tell your friend to thank you instead." aniyang hindi ko na nagawang sagutin kaya nagkaroon siya ng pagkakataong iwan na ako ng tuluyan.
~~~~~~~~~~~~
Follow all my social media accounts to be updated.
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro