Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 16

Chapter Sixteen

The Game Plan


Hindi man ako natutong mag-commute pero matututo pa rin ako ngayong gabi. It's my first time riding a motorcycle. Hindi naman iyon nakakatakot at wala naman akong phobia sa ganito, pero nagpatuloy ang pagwawala ng bagay sa dibdib ko habang yakap si Seidon ng mahigpit.

"You know the routine so practice it. Yeah, I'm driving. Oo ihahatid ko lang, babalik ako kaagad. Wait for me." kahit na mabilis ang takbo namin ay hindi nakaligtas sa akin ang boses niyang kausap ang kung sino gamit ang airpods.

"Yeah. Alright. Bye."

Bahagyang bumilis ang takbo ng matapos ang usapan.

"You okay?" malakas niyang tanong kahit na hindi naman dapat dahil halos nakadikit na ang mukha ko sa tenga niya. I'm too close and I have to be like this until I got off his bike.

"I am. Do you know the way?"

"I've been here long enough to know every place."

Humigpit ang yakap ko sa kanyang bewang kahit na hindi nagbago ang kanyang pagpapatakbo. Paano ba naman, I'm just wearing a shirt at sa lamig ng hanging sumasalubong sa amin ay nanginginig na ako.

"Are you cold?"

"I'm okay."

"You sure about that?"

"Malapit na naman tayo, 'di ba? I think?"

Instead of responding to me, he stopped his sports bike at the side of the road.

"Why?"

Tinanggal ko ang mga kamay sa kanyang katawan ng tuluyang pumirmi ang sasakyan.

"Baba ka muna." walang tanong ko siyang sinunod.

Nang makababa ako ay bumaba rin siya. We are in the middle of a silent road. May mga kuliglig sa paligid at tanging ilaw ng buwan at ng kanyang sasakyan lang ang liwanag na namamagitan sa aming dalawa. Ni walang poste o kung ano at malayo na sa bayan. Hindi ko alam ang eksakto naming lokasyon pero tiyak na may ilang minuto pa bago namin marating ang bahay.

Wala sa sariling nahigit ko ang paghinga ng muli kong matitigan ang mga mata niya matapos humarap sa akin. Good thing I was wearing a helmet dahil kung hindi ay makikita niya ang agarang paglunok ko ng matantong huhubarin niya ang suot na jacket para ibigay sa akin. Imbes na tumutol ay nanatiling tikom ang aking bibig ng lumapit siya't iabot sa akin iyon.

"Wear it."

"Paano ka?"

His lips just curved a smile. Imbes na sagutin ay muli na siyang sumampa pabalik sa motor kaya nagmadali na rin akong isuot ang kanyang jacket.

I don't know if it's right... basta ang alam ko ay natutuwa ako sa mga ginagawa niya. Though I won't consider him as my friend because all I did was avoid him the past few days, but it still feel nice when someone do something nice to you. Kahit simpleng pagpapahiram ng jacket na pangalawang beses na niyang ginawa ay hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami. I told him to stop one block before our house because I don't want to raise any questions. Alam kong once na may makakita sa kanyang hinatid ako ay malaking gulo na kaagad iyon.

"Thank you sa paghatid." sabi ko ng muling makababang muli sa kanyang motor, nanatili naman siya doon.

"Sigurado kang okay ka na dito?"

I nodded slowly.

"Ilang hakbang na lang naman tsaka ayaw kong may makakita rin sa 'yo. I don't want to get you in any trouble, you've done so much for me tonight."

"Alright then."

Ngumiti ako at tatanggalin na sana ang jacket niya pero agad akong natigil sa kanyang pag-iling.

"Give it back next time. Just use it until you're finally home."

"Malamig pauwi tsaka kaya ko na naman nang..." I shut my mouth when I see him shake his head again.

"Go home."

Nababaliwan akong natawa ng maisip ang lahat ng nangyari. I was in his place to give what he let me borrowed and now I end up borrowing something again.

"What?"

"Kakasauli ko lang ng gamit mo and it takes a lot of strength to do that tapos ngayon papahiramin mo na naman ako. Baka sa isang taon ko na maibalik 'to."

He tilted his head lightly. Kahit na walang salitang lumabas sa kanyang bibig ay parang muli akong nasupalpal. What's with him that I always find myself speechless? His sincerity? Compassion? Both?

"I don't need it," pag-uulit niya. "If it's too hard to give it back then keep it, Svetlana." his voice became soft as he ended his sentence with my name.

Naikuyom ko ang aking mga kamay at bago pa maramdaman ang tuluyang pag-iinit ng magkabilang pisngi ay pinutol ko na ang titig sa kanya.

"Alright!" I exclaimed, shaking all the stiffness in my body.

Umatras na ako palayo pero kahit na doon na dapat magtapos ang usapan ay hindi nawala ang ngisi sa labi ko.

"Thank you and take care, Seidon!"

When the sides of his lips lifted as he watch me walk away, my cheeks started to heat. Wala sa sariling nayakap ko ang sarili at tumalikod na't tumakbo hanggang sa makarating sa bahay.

I don't know how to thank him enough for always being there whenever I needed someone to rescue me. Alam kong may mali sa nararamdaman ko sa mga ginagawa niya para sa akin dahil may boyfriend ako at gano'n rin siya, pero hindi ko maiwasan. He's nice, so nice...

Vince never did something simple and touched me in some ways like Seidon always did. Madali akong pasiyahin dahil bago lang ang lahat ng ganito sa akin pero ni minsan ay hindi ko naramdaman sa kung sino ang kung anong nararamdaman ko sa tuwing kaharap ko si Seidon.

Yes, Vince and I go on dates and do things that couples normally do, but everything with him is just so different... It's a sin to compare them, but that is the truth.

Bago pa ako matulog ng gabing iyon ay naglakas loob akong i-text siya para muling magpasalamat.

Ako:

Thank you for everything.

He just replied with a smiling emoji, but that's all it takes for me to sleep with a huge smile on my face.

Everything between us became normal again. Muli ay nakakapag-usap kami sa klase at hindi na ulit awkward kapag nasa iisang lugar lang kami. We would normally have a conversation without me thinking that I'm being too much for him or I'm doing something wrong.

"Sorry hindi ko pa nababalik 'yong jacket mo." sabi ko nang tumabi siya sa akin pagkatapos umalis sa field.

"Gusto mong samahan kita sa locker room?"

Napanguso ako at umiling.

"It's not there and I'm not just making an excuse this time. Nakalimutan ko lang talaga."

"Fine. Hindi ko naman pinipilit na ibalik mo. I told you it's up to you if you want to give it back or not."

"Ibabalik ko."

"You know where to find me then."

Ngumiti at tumango na lang ako sa kanya. Bago pa ako muling makabalik sa field ay tumawag na si Vince kaya pagkatapos ng PE ay pinuntahan ko kaagad siya.

"Lana!" masaya akong sinalubong ni Zoey ng yakap na sa simula ng mapabilang sa Zeta Phi ay ngayon ko lang ulit nakasama.

"I told you she'll be surprised." nakangiting sabi ni Vince. Niyakap ko rin siya at pagkatapos ay naupo sa kanyang tabi.

"Hindi masyadong busy ngayon tsaka tapos na rin ang klase ko kaya nang mag-text ka pumunta kaagad ako. I missed you two! How have you been?"

"Busy rin pero okay lang." Si Vince.

"I'm okay." sagot ko naman.

"How about the poetry club? Hindi ba kayo busy do'n?"

Humarap sa akin si Vince kaya hindi kaagad ako nakasagot.

"Poetry what?"

"Y-Yeah... Sumali ako."

Isang sarkastikong tawa ang lumabas sa kanyang bibig na parang isang malaking biro iyon.

"Really? Sumali ka sa club na 'yon? What for? I didn't know you're into poems."

Pinilit kong ngumiti. Inintindi na lang na maliban sa relasyon namin at kung anong mayroon kami ay wala naman na siyang ibang alam sa akin. I doubt he even know when my birthday is.

"I am. Wala pa namang activity kaya hindi pa kami gaano masyadong..."

"How's Zeta Phi, Zo?" Vince cut me off, mukhang na-bored sa pagbabahagi ko.

Pasimple kong kinuha na lang ang soda sa lamesa at ngumiti kay Zoey ng sagutin niya si Vince.

"I can't tell you what's going on inside the mansion, pero kapag may time iku-kwento ko!" excited niyang sabi.

Nagpatuloy sila sa pag-uusap at nakinig lang ako. Minsan ay sumasagot rin pero dahil mukhang totoong boring ang mga desisyon ko ay hindi na ako nag-abala pa.

"We have a game tomorrow. You guys want to watch?"

"Titignan ko sa schedule ko."

Nilingon ako ni Vince. I'm not really into basketball at minsan lang rin ako kung manuod sa kanya pero dahil maluwag ang schedule ko bukas ay pumayag ako.

"Great! These dudes from hospitality were the one's we're really looking forward to play with. Balita ko sila ang palaging back to back champion dito sa university. Well, we'll see about that."

Halos mabilaukan ako sa natanto. Hindi ba sila Nicolaus 'yon? pinilit kong lunukin ang pagkaing nasa bibig ng akbayan niya ako at halikan sa gilid ng noo.

"You'll be my lucky charm tomorrow. Siguradong mananalo kami bukas at hindi na ako makapaghintay na talunin ang mga 'yon." aniyang dahilan ng pagpalakpak ni Zoey pero ako ay nanatiling tahimik at lito.

Maaga pa lang kinabukasan ay okupado na ng laro ang utak ko. Hindi ko rin naman natanong si Seidon kung naglalaro siya ng basketball kahit na sinabi na iyon ni Josh dahil hindi ko siya kaklase ngayong araw.

Nang matapos ang klase ay dumiretso na ako sa gym at doon na lang naghintay. Bilang pa lang sa daliri ang mga naroon ng pumunta ako pero ilang minuto lang ay halos napuno na iyon kahit na hindi naman pormal na laro ang mangyayari.

Napatayo kaagad ako ng matanaw ang grupo nila Vince. Kumaway ako sa kanya at ngumiti naman siya pagkatapos ay ikinumpas ang kamay para palapitin ako.

Nahigit ko kaagad ang aking paghinga ng hapitin niya ako't halikan ng mabilis sa labi.

"Kanina ka pa?"

"Medyo."

Kinuha niya ang mga gamit ko't iginiya sa itaas na hilera ng pwesto nila.

"Stay here. Si Zoey ba hindi pupunta?"

Nagkibit ako ng balikat.

"Alright," he smiled again. "It's good to see you here, babe."

Ngumiti na rin ako. "Good luck, galingan mo."

Muli niya akong hinalikan sa labi na hinayaan ko na lang dahil mukhang sobrang excited siya sa mangyayari. Pinanuod ko siyang lumayo at lumapit sa kanyang teammates pero sa paglihis ng mga mata ko patungo sa kabilang banda kung saan nagkaroon kaagad ng hiyawan ay wala sa sariling napatuwid ako ng upo.

Nasagot ang mga katanungan ko buong gabi ng matanaw ang magpipinsang Cordova na kadarating lang at nag-aayos na rin para sa laro. Maliban kay Achilles at Venus na nakaupo sa bench, ang tatlo ay handa na sa magaganap. Halos puro babae ang mga nakapaligid sa kanila at walang ginawa kung hindi ang kunan sila ng litrato. Inalis ko ang tingin at ibinalik sa grupo nila Vince.

I don't know how the game exactly works, pero naging kuryoso ako sa lahat ng mga nangyayari lalo na't kilala ko ang makakalaban nila. Hindi nagtagal ay nagsimula ang laro. I cheered for Vince's team pero mas malakas ang hiyawan sa kabilang banda para sa grupong kinabibilangan ng mga Cordova. They're indeed famous at hindi na ako nagtaka ng makita ang iritasyon ni Vince sa unang quarter pa lang ng laro.

Though I've watch him play basketball before, ang larong ito ang unang beses na naging kuryoso ako. Ni hindi nawala ang titig ko sa mga players habang pabalik-balik sila sa malawak na court.

Nakisigaw at nakipalakpak ako pero hindi iyon naging madalas dahil mukhang dehado sila Vince. Oo nga't magagaling talaga ang mga kalaban at gusto ko ring magpakita ng suporta dahil hindi naman sila iba sa akin pero hindi ko magawa. That feels cheating and I don't want Vince to feel that way. Isa pa, kaya naman ako narito ay para sa kanya kaya kahit na minsan ay natutuwa ako sa tuwing nakaka-shoot si Riggwell, Nicolaus at Seidon ay hindi ko iyon ipinapahalata.

Nang matapos ang unang quarter ay agad akong lumapit kay Vince para bigyan siya ng tuwalya, tubig at suporta.

"You did great, Vince!"

"Oh shut up, Lana." agad napawi ang ngiti ko ng mapalingon ang mga ka-team niya sa akin pero imbes na hayaan siya ay nanatili ako sa tabi niya.

He's pissed and I understand. Vince doesn't like to lose kaya naiintindihan ko ang galit niya ngayon.

"May tatlong quarter pa naman, 'di ba? Una pa lang."

He did not answer me. Isang iritadong sulyap lang ang iginawad niya sa akin at pagkatapos ay walang paalam na akong iniwan para bumalik sa court.

"You okay?" tanong ng isang lalaking ka-grupo nilang nasa bench.

Nahihiya akong ngumiti at tumango bago bumalik sa pwesto ko. Kahit na bad trip na si Vince, nanatili ang suporta ko sa kanya. Iyon nga lang, kahit na dumating na ang pangalawa at pangatlong quarter ay malaki pa rin ang lamang nila Riggwell dito.

"Damn it! I told you to pass the fucking ball! Masyado mong sinasarili CJ!"

Natigil ako sa paglapit dahil sa malakas na sigaw ni Vince na mukhang gusto ng suntukin ang lalaking kaharap. Nag-iinit na ang grupo nila samantalang ang sa kabila ay kalmado lang at parang ni hindi masyadong pinagpapawisan sa ginagawa.

Hinintay kong matapos sila. Sa muling pagtingin ko sa kabilang banda ay nakita ko ang pagkaway ni Venus at ang pagtawag sa pangalan ko dahilan para mapatingin na rin ang kanyang mga pinsan sa aking gawi.

Nahihiya akong ngumiti at kumaway pabalik, pero hindi na nagawang bawiin pa ang mga mata ng matitigan si Seidon na sa unang pagkakataon ay nakitang naroon ako.

Nahihiya kong inulit ang pagkaway para sa kanya pero agad ko iyong naibaba ng lumakad ang mga mata niya sa lalaking ngayon ay nakalapit na pala sa akin.

"Vince..."

He did not respond. Nanatili ang mga kamay niya sa kanyang bewang at patuloy na magkasalubong ang kilay.

Nahigit ko ang paghinga ng sundan niya ang pinanggalingan ng mga mata ko. I felt my body froze when I watched them stare at each other. Kahit na malayo ay dama ko ang pagbabago sa presensiya ng lalaking nasa kabilang banda, pero bago ko pa maputol ang titigan nila ay sunod ko na lang naramdaman ang muling paghapit ni Vince sa aking katawan upang siilin ulit ako ng halik sa mga labi.

Sa gulat ko ay halos maitulak ko siya pero dahil mahigpit ang hawak niya sa aking katawan ay tiyak na walang nakapansin no'n.  Vince smirked when he pulled away.

"I want to hear your voice cheering for me, babe. Can you do that?" nanatili ang nakakaloko niyang ngisi dahil sa kung anong naisip.

Imbes na tanggihan ay tumango na lang ako para matapos na ang kung anong palabas na gusto niyang mapanuod ng lahat.

My heart was beating so fast when the fourth quarter started. Hindi ko man alam ang nangyayari pero sunod-sunod ang pagtawag ng referee dahil sa ilang beses na pisikalan sa gitna ng laro. Nakahabol ang grupo nila Vince. Sa unang pagkakataon ay tumawag ng time out ang grupo nila Riggwell dahil mukhang nagsisimula na ring mag-init ang grupo nila.

Fourth quarter was intense. Ilang beses kong natutop ang bibig sa tuwing nakakakita ng natutumbang players sa court. Ang magkabilang grupo ay ilang beses ring napalitan ng player pero sa huli, sila Riggwell pa rin ang nanalo.

Umingay ang buong gym dahil sa hiyawang hudyat na tapos na ang laban. Tumayo ako at nilapitan si Vince kahit na ini-expect kong pati sa akin ay magagalit siya dahil sa pagkatalo pero mali ako. Oo nga't may inis sa kanya lalo na sa mga kasama pero nang malingunan niya ako ay agad siyang napangisi.

"Let's get some food, I'm hungry." sabi niya lang pagkatapos ay inakbayan ako't agad nang inalis sa maingay na lugar.

We ended up in a restaurant. Hindi ko alam ang dapat sabihin sa kanya dahil kanina pa siya tahimik pero bago pa dumating ang dessert ay nahanap ko na ang boses ko.

"Practice game lang naman 'yong kanina. Katuwaan lang and I'm sure mauulit pa 'yon, right? You'll beat them next time for sure."

Umangat ang matalas niyang tingin sa akin na pumawi sa pilit kong ngiti. Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko sa paraan ng pagtitig niya habang tikom pa rin ang bibig. I don't like it. Hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating kung mayroon man.

"V-Vince–"

"Do you know that guy, Lana?"

"H-ha?"

"The guy with a tattooed arm?"

"Seidon?"

Umangat ang gilid ng labi niya. I don't like the distaste in his voice.

"He's my classmate. Hindi siya regular pero may mga subjects kaming magka-klase."

"I see."

"Why?"

Nalaglag ang mga mata niya sa basong hawak, nilaro ang tuktok no'n.

"Does he likes you?"

Kabado at sarkastikong tawa ang kumawala sa bibig ko.

"Anong klaseng tanong 'yan, Vince?"

He gripped his glass and stare back at me, more intense this time.

"Kung hindi mo alam ang sagot, pwes ako ang sasagot, Lana. That guy likes you."

"Don't be silly Vincenzo!"

Pinanuod niya akong magreklamo sa mga pinagsasabi niya pero nanatili ang kanyang determinasyon sa gustong iparating.

"I'm a guy, Lana. Alam ko kung anong klase ng titig iyong nakita ko kanina."

Hindi na ako nakapagsalita dahil alam kong kahit ano pang sabihin ko ay hindi niya ako papakinggan. I just don't get why it became our topic. Saan niya nakuha iyon? For sure galit lang siya dahil sa pagkatalo sa laro, right?

"Are you two close?"

"We're not." I answered almost immediately.

Hindi naman sa pagiging defensive pero hindi ko gusto ang panghuhusgang nakapaloob sa kanyang tono. What's he implying?

"Okay," huminga siya ng malalim at tumango bago nagpatuloy. "But now I need you to."

Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ngunit ng tuluyang rumehistro ang mga huling salita ay para akong biglang nabingi.

"V-Vince, what?"

"I want you to be close to him," napapitlag ako ng abutin niya ang aking kamay at marahan iyong pisilin. There was no anger in his eyes, but my heart keeps beating the same pace. "Kunin mo ang loob niya. Make him like you because that's now the game plan, Lana."


~~~~~~~~~~~~

This story is already completed. You can now read the full version on VIP group as this will not be updated here anymore to avoid wattpad deleting it. Just message our Fcebook page Ceng Crdva for full VIP details.

Thank you!🍀

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro