CHAPTER 14
Chapter Fourteen
Liwanag
Ikalawang Kabanata
Liwanag.
Minsan araw pero madalas si Laura. Paano ba naman, parang mas nakakasilaw pa nga siya kaysa sa araw. Ewan ko ba. Sa tuwing nakikita ko kasi siya ay parang lumiliwanag ang buong mundo. Parang hindi naimbento ang pagdilim ng kalangitan, ang kalungkutang dala ng ulan. Ang tanging dala ni Laura ay lamparang maningas at walang humpay na nagniningning.
Liwanag.
Minsan araw pero madalas si Laura... kahit na minsan ay pilit iyong tinatakpan ng kalungkutan, nananatiling siya ang liwanag na gusto kong titigan. Kahit pa mabulag ako.
"Hoy!"
Napapitlag ako sa paghampas ng kung sino sa braso ko. Handa na sanang manapak ang mga kamao ko dahil sa gulat pero ng makita ang liwanag ng buhay ko'y parang ang sarili ko na lang ang gusto kong sapakin. Paano ba naman, para na namang gago ang puso kong nagtutumalon sa grasyang nasa harapan ko.
Laura chuckled as she take a step towards me.
"Tulala ka! Kanina pa kita tinatawag!"
Hindi naman ako bingi pero para akong napipi at hindi kaagad nakapagsalita sa narinig. Tinatawag niya ako? Kanina pa? Tumama ba ako sa lotto ngayon? O sadyang gusto lang akong pakiligin ni Lord? Hallelujah!
Sabay kaming naupo sa parehong damuhan, sa tahimik kong tambayan at tanawan sa kanya.
"Bakit mo naman ako tinatawag? Miss mo 'ko?"
Muli niyang hinampas ang braso ko. Natatawa.
"Nakakarami ka na ha. Baka mahalin na talaga kita."
"What?!" She stop laughing at that.
Akala ko liwanag lang ang dala niya, malamig na tubig rin pala! Para kasi akong binuhusan no'n dahil nabigla rin ako sa sinabi ko.
"Wala! Ikaw kung ano ano ang naririnig mo!"
"May sinabi ka Phillip! Hindi ako pwedeng magkamali!"
"Kapag inulit ko ba may mangyayari?"
"Ano nga kasi 'yon?"
"Uulitin ko?"
Sumimangot siya, gusto lang talagang ipaulit sa akin kahit na narinig naman niyang talaga ang lahat. Ay sus, gusto lang yatang mahalin ko na talaga. Hindi bale, kapag nangulit pa siya pakakasalan ko na.
"Bakit mo nga ako tinatawag? Tsaka bakit ka pala nandito? Hindi ka busy? Close na tayo?"
"Feeling mo! Vacant ko tsaka busy mga friends ko ngayon. Pupunta sana ako sa gym kaso nadaanan kita. Nagd-drawing ka na naman?"
"Nagmumuni-muni pa lang. Bakit? Nasaan 'yong boyfriend mo?"
Sumandal siya sa puno. Ako naman ay nanatiling nakatitig sa kanya.
"Ayon, hindi ko alam kung nasaan. Baka nambababae na naman."
"May babae ang boyfriend mo maliban sa 'yo?"
Nagkibit siya ng balikat. She said it like it was normal. Na parang tanggap na niya at hindi na big deal.
"Pumapayag kang gano'n?"
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Chismoso ka rin ano?"
"Aba't ikaw kaya ang nag-open up. Pumapayag ka?" Tanong ko ulit.
Doon na napawi ang mga ngiti niya. Inalis niya ang tingin sa akin at itinuon sa malawak na kalupaan.
"Gwapo si Bill, sikat at galing sa mayamang pamilya. Simula pa lang naman alam ko na 'yon. Noong nililigawan pa lang niya ako alam ko nang kahit maging kami, marami akong magiging kahati. Una na doon ang pamilya niya, ang mga kaibigan niya at ang mga fans niya. Kahit na sabihing boyfriend ko siya, hindi ko naman hawak ang utak niya. I don't want my life to revolve around him. Kung anong gusto niya, gawin niya. Gano'n rin ako."
"Ang haba naman ng sagot mo pwede rin namang oo na lang."
Sinamaan niya ulit ako ng tingin. Ayaw ko naman talagang makialam sa relasyon niya at ng boyfriend niya pero hindi ba mali iyon? Oo ganito lang ako, gwapo, pero alam ko rin naman kung ano ang tama at mali.
Parehas kaming natahimik.
"Ikaw ba? Bukod sa pagtambay rito at pagd-drawing, wala ka na bang iba pang pinagkakaabalahan? Girlfriend? Wala?"
Pabiro kong hinaplos ang dibdib ko, kunwaring na-offend sa tanong niya.
"Gano'n ba ka-obvious na single ako't hindi pinagbibigyan ang mga babaeng nagkakandarapa sa 'kin?"
She burst out laughing, muli kong nakita ang maningning niyang liwanag. Buong puso akong napangiti.
Kaya naman pala kitang pasayahin, bakit hindi ka na lang maging sa 'kin?
"Ang joker mo talaga! You never fail to make me smile Phillip," mas lumawak ang ngiti ko. "I'm glad I saw you today. Baka kung hindi nagmukmok na naman ako sa gym."
"Swerte mo rin talaga sa 'kin, 'no?"
Siniko niya ulit ako. Hindi na nawala ang mga tuwa sa labi niya dahil sa mga pangungulit ko. Kung alam nga lang sana niyang totoo ang mga 'yon...
"Ang galing mong pumili ng tambayan. Mapresko dito tsaka masarap sa mata. No wonder nakakapag-isip ka ng matino kapag gumuguhit ka."
"Oo naman." Tanging nasabi ko.
Sa pagpikit niya ay hindi ko na naituloy ang mga gusto kong sabihin. I just stared at her. She looks tired and needed some rest kaya hinayaan ko siya. Moments later, I found myself sketching her again. Hindi ko na naituloy ang unang iginuguhit ko dahil sa obrang muling nasa harapan ko.
Bago pa siya magising ay natapos ko na iyon. Ni hindi niya nalamang naiguhit ko siya. We parted our ways again that day.
Masaya akong makita si Laura at bonus nang makasama ko siya ulit, pero dahil nga love na talaga yata ako ni Lord, naulit pa ang pagkikita namin ng ilang beses. Minsan ay masaya siya, madalas malungkot pero napapasaya ko naman kaya okay na ako doon.
"Dito ka lang ba talaga nakatambay kapag vacant mo? Parang hindi naman kasi kita nakikita sa building ng university."
"Hindi lang talaga pansinin 'tong kagwapuhan ko. Limited edition kasi."
Natatawa siyang umirap. Muli, sabay kaming naupo at sumandal sa punong narra na tanda na ng pagmamahal ko para sa kanya.
"Hindi nga. Seryoso na Phillip. Dito ka lang talaga? Ayaw mo ba sa library o kaya sa canteen?"
"Are you asking me on a date, Laura? Baka pagalitan ka ng Lola Kuring ko niyan ha! Masyado ka talagang mabilis!"
Hindi na niya napigilan ang paghagalpak!
"Siraulo ka talaga!"
"Sus! 'Wag mo ngang ibahin 'yong topic! Sasama naman ako sa canteen kung gusto mo eh. Alam mo namang marupok ako."
"Phillip!" Sinapak niya ang braso ko. "Puro ka talaga kalokohan! Hindi nga? Bakit nga?"
Iniwas ko ang tingin sa kanya at inilipat sa mga taong nasa field.
"Ayaw ko ng maraming tao. Isa pa, ikaw na ang may sabi na maganda ang tambayan ko't masarap sa mata. I'd rather stay here. Pangalawa, hindi ko trip ang mga pagkain do'n. Hindi healthy gaya ng luto ng Lola."
"Maswerte ka."
"Hmm?" I glance back at her.
"Sa Lola mo. Ako kasi wala akong Lola o Lolong nakagisnan. I barely knew my father, too. Si Mama naman ay palaging abala sa trabaho. She's still working abroad and I'm living here with my aunt. Ayaw ko sanang magpaiwan dito pero ayaw ko rin naman sa Maynila. Magulo do'n at wala gaanong ganito," iginala niya ang tingin sa paligid. "Walang magandang tanawin."
"At wala ako doon kaya maswerte ka rin naman dahil nandito ako."
She smiled sweetly at me, ayaw nang patulan ang mga pang-aasar at pagbibiro ko.
"Fine. Libre kita sa canteen? Kain tayo?"
"Laura, may boyfriend ka ha. Huwag kang ma-fall sa 'kin, pinapaalala ko."
"Phillip!" Akmang hahambalusin niya na naman ako kaya agad akong lumayo pagkatapos at itinaas ang mga kamay sa ere.
"Joke lang! Hindi ka naman mabiro! Gusto mo talaga ng seryosohan!"
Ilang beses na rumolyo ang mga mata niya.
"Libre mo ba? Basta libre mo go ako."
Nakangisi siyang tumango.
"Fine. Kakain tayo ng hindi healthy ngayon. Ako ang taya pero next time ikaw naman! Pakainin mo ako ng healthy foods galing sa Lola Kurita mo."
Napangiti na lang ako at pagkatapos ay marahang tumango. Inalalayan ko siyang tumayo pero bago pa sumunod sa kanya ay muli akong nagsalita.
"Galing ako sa Lola ko Laura... Healthy rin ako baka gusto mong kainin?"
Nanlaki ang mga mata niya at agad na naman akong sasaktan kaya tumakbo na ako palayo. Mas lalo kong binilisan ang bawat hakbang dahil sa paghabol niya. We were both laughing while running towards the university.
Masaya kaming kumain sa canteen ng meryenda pero mas masaya akong makita siya at makasama. I'm happy that she's used to my words. Iyong sabi niyang puro kalokohan. Masaya akong kahit walang kwenta ang mga iyon ay napapangiti ko siya.
Nakakatawang minsan ay gusto ko lang mapag-isa pero ngayon ay siya na ang gusto kong makasama... mapasaya. I'm happy to be with someone who gets me. I'm just so happy when I'm with her. She seems to make everything so much better, without any effort. Kumbaga siya lang sapat na.
Sapat na sapat ka, Laura.
Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko ng matapos ang pangalawang kabanata. Dama ko ang kasiyahan ni Laura na parang ako iyon dahil kay Phillip. Para akong kumain ng masarap na candy at hindi na iyon matigilan.
Ililipat ko na sana ang libro sa pangatlong kabanata, pero hindi ko nagawa ng umilaw ang aking telepono.
Zoey's name flashes on my notification bar. Kinuha ko iyon at binuksan ang kanyang text.
Zoey:
Hey! Sure ka na ba talaga sa pagsali sa poetry club? Bakit hindi ka na lang sumali sa Zeta Phi? Lana, I can talk to Gelema. I'm sure she can make exemptions for you. They're all nice here and I miss you. It's been fun, but I wanted you here with me. We would make such a great team! Please think about it, will you?
Imbes na sagutin ay ibinalik ko sa kama ang hawak. It's been a week since that night. Isang linggo na rin ang nakalipas simula ng magbago ang buhay niya't hindi na rin kami masyadong nagkikita. We would exchange text messages from time to time, pero simula no'n ay hindi na nakapag-usap ng harapan.
I received a text today. Iniimbitahan ng poetry club dahil nakapasok na ako. Noong nakaraang Lunes ay naglakas ng loob akong mag-apply sa club at ngayon nga ay mukhang tanggap na. Siguro'y dahil kaunti lang ang miyembro at wala namang masyadong nag-apply kaya wala na rin silang choice kung hindi ang tanggapin ako.
Things has really change after that night. Simula no'n ay hindi na rin kami nagkibuang muli ni Seidon. Si Vince naman ay na-busy sa basketball at si Josh sa mga organization na kinabibilangan niya. Bukod sa classroom at ilang parte ng unibersidad kung saan kami nagkakasalubong ay wala na ring gaanong interaksiyong namuo sa aming dalawa.
I was left alone again, but I get it. Iyon nga lang, kahit na isang linggo na't ilang beses ko na rin namang nakita si Seidon at ang mga pinsan niya ay hindi pa rin ako nagkakaroon ng lakas ng loob na isauli sa kanya ang mga gamit na hiniram ko.
Bahagya akong napahilot sa aking sintido at tuluyang isinara ang hawak kong libro ng maalala si Venus kahapon. She waved at me when I entered the cafeteria, but I played dumb when I saw his cousin. Halos tumakbo ako makalabas lang sa lugar na 'yon. It was embarrassing. Ngayon paano ko ibabalik ang mga gamit nila?
Hindi ko na nagawang ipagpatuloy ang binabasa dahil iyon na ang bumagabag sa akin buong gabi hanggang sa pumasok ako kinabukasan. Ang mga gamit na dapat kong isauli ay nanatili sa locker ko. Hindi ko na muna iyon inisip habang papunta ako sa silid kung saan naghihintay ang mga miyembro ng poetry club na sinalihan ko.
Halos mapatalon ako nang sa pagbukas ko ng pinto ay kasabay ng pagputok ng confetti na hawak ng isang lalaking mayroong makapal na salamin!
Anim na tao ang nasa silid. Apat na lalaki at dalawang babaeng pare-parehong mayroong malawak na ngiti ng makita ako, mukhang para sa akin talaga ang lahat ng ito.
"Welcome to the poetry club, Svetlana!" sabay-sabay pa nilang sambit kaya napilitan akong ngumiti kahit na bigla akong nakaramdam ng pagkailang.
"I'm Deluca, the leader of the club," anang lalaking naunang lumapit sa akin. Inabot ko ang kanyang kamay at nahihiya ring nagpakilala.
Pagkatapos no'n ay sumunod naman si Joe, Lemuel, Benjamin, Kadence at Miranda. I'm good with names so I got it the first time.
"Thank you for the warm welcome, but you guys really don't have to do all these."
"We already did!" masaya silang nagtinginan habang sabay-sabay kaming naupo.
"It's been a while since we had a new member," si Miranda, ang babaeng tumabi sa akin.
She has curly hair, tan skin and curvaceous body. Malawak ang ngiti niya at ang mga mata ay nagsusumigaw ng saya at excitement dahil sa pagdating ko.
"T-Talaga?" nahihiya kong tanong dahil hindi na nasundan ang mga salita niya nang maya-maya't matulala sa akin.
Halos lahat nga ay nakatulala lang sa akin na parang nakalimutan na kung bakit narito ako. Kung hindi pa tumikhim si Deluca ay hindi pa mababasag ang katahimikan sa aming lahat.
"Would you like to introduce yourself? I know we already have an idea about you when you signed the forms, but it's better in person. If okay lang?"
"Of course," tumayo ako at inayos ang sarili para pormal na magpakilala.
I don't do this because I'm naturally shy, pero dahil wala na akong kaibigan o kahit nakakausap man lang madalas sa unibersidad ay kailangan ko nang subukang makihalubilo, gaya ng normal na tao.
"I'm Svetlana Aleksandra Drozdov, you can call me Lana for short. I'm just new here. Hindi lang sa university pero sa Buenavista. I was born and raised in Russia, but my mother is Filipina. When my parents needed to move, they decided to settle here. I joined this club not only because I'm lonely and hardly had friends, but also because I'm in love with poetry. I like sonnets, free style poems, but I have a dark soul so elgies are my favorite..." natigilan ako ng makita ang pagkamangha lalo sa mga mukha nila. "I-I just love any words that make sense." Pagtatapos ko.
"Have you written some?" tanong ni Joe.
Nag-iwas ako ng tingin at bumalik sa pagkakaupo. I'm not ready to discuss that yet.
"Not yet," tanggi ko. "But I'm here to learn. Kayo? Marami na ba kayong naisulat?"
Halos sabay-sabay silang nagsitanguan.
"Bukod sa discussion ng iba't-ibang poems, at pagiging lowkey ng club, gaya rin kami ng ibang organization na maraming activities. We have our own column at the UDB's online newsletter. We also have weekly activity wherein we introduce poetry to kids and a whole lot more!" si Kadence na masaya na ring nagku-kwento.
"We're also competing for free style poems." Si Lemuel.
"Competition?"
Tumango si Deluca at lumapit sa akin para ibigay ang ilang papel.
"Everything about the club is in there. May group tayo sa Facebook para sa updates and activities natin na magsisimula na sa susunod na linggo. For now, ayaw ka muna naming biglain. We wanted to familiarize you first and get comfortable dahil baka sa susunod ay hindi ka na sumipot."
I force a smile and shake my head. Habang binabasa ko ang ibinigay niya ay nagpatuloy naman sila sa pagpapakilala sa akin at sa ilan pang kailangan kong malaman sa grupo. Ang isang oras na vacant ko ay doon naubos at kahit na may pag-aalinlangan akong pumasok sa silid na iyon kanina, hindi naman ako nagsisi sa aking paglabas.
They are all good people. Welcoming and all smart. Unang beses ko pa lang silang nakasama ay iyon na kaagad ang sigurado. Deluca is not just the leader of the club. Parte rin siya ng student council. Kadence and Benjamin is an author while Lemuel, Joe and Miranda are one of the best in spoken poetry. Halos malula ako sa impormasyong nalaman tungkol sa mga bagong kakilala nang nasa library ako.
Hinihintay ko lang si Vince sa klase niya dahil sabay kaming uuwi, pero dahil wala akong kaibigang makakasama ay doon ako naghintay.
Everyone I just met earlier were indeed lowkey and humble. Silang lahat ay mayroong ibubuga and then there's me... Ako na walang kaibigan at tila tupang ligaw sa kakahuyan na walang mapuntahan kaya pilit na lang sumiksik kung nasaan sila. Ni hindi ko nga alam hanggang ngayon kung bakit isinali nila ako gayong wala pa naman akong napapatunayan. I even lied about writing poems. I'm just so bad at socializing.
Napatuwid ako ng upo ng makita ang muling pag-ilaw ng aking telepono. I'm expecting Vince to text me kahit na kalahating oras pa bago matapos ang klase niya pero si Deluca iyon. He just added me on Facebook and I immediately accepted it. Isinali niya ako sa group maging sa group chat nila na walang ni isang tinatanong.
Sometimes people can disappoint you, but in this case it surprised me. This ain't bad. Moving here isn't that bad at all, right? I can do this. I will do this.
Nawala ang ngiti ko ng makita ang text ni Zoey. I opened it.
Zoey:
Napag-isipan mo na ba?
Kahit na wala akong balak na sagutin siya ay ginawa ko na rin para hindi na siya mangulit.
Ako:
I'm good, Zo. Okay na ako.
Zoey:
But if you're not here, we will no longer hangout like we used to. I'll probably live in the mansion with these girls at mawawalan na ako ng oras na maka-bonding ka.
Ako:
I am fine. I am not your obligation and I can survive without you. Hindi ko alam kung anong sinabi sa 'yo nila Mommy, but I don't really need anyone Zoey. Sorry, but it's true. Sanay na akong mag-isa. You don't have to worry about me anymore. I'm happy for you and you should too so stop texting me and just enjoy, okay? I am fine. I swear and I miss you too. Dito lang ako kapag may time ka.
I didn't get a reply. Napabuntong-hininga ako. Ayaw ko namang maging masama pero totoo iyon. Sanay na akong mag-isa noon pa man at pamilyar na rin naman ako sa unibersidad kahit paano kaya alam kong magiging maayos lang ako kahit na wala siya. Besides, kahit na busy si Vince ay alam kong tutulungan naman ako no'n kapag kailangan.
Dahil wala na akong magawa sa library ay minabuti ko na lang maglakad. Plano ko sanang hanapin ang lugar kung saan tumatambay si Phillip, pero nang mapadaan ako sa locker room ay para akong hinila ng katinuan ko. Sa ayaw at gusto ko ay kailangan ko pa ring ibalik ang mga gamit na hiniram ko at kung maghihintay ako ng tamang oras ay hindi iyon darating.
Imbes na i-text si Seidon ay minabuti kong hanapin na lang ang mga ito sa gym, sa auditorium o kahit saang pwede nilang puntahan. Sakto lang rin iyon pampalipas oras para hindi ako nakatunganga sa library habang naghihintay kay Vince.
Inuna ko ang gym pero walang tao roon. Sa pagpunta ko naman sa auditorium ay wala na ring naroon hanggang sa mapunta ako sa kabilang building at isa-isa nang sinilip ang mga silid.
Hindi ako nabigo ng matanaw si Nicolaus sa pang-apat na silid na nasilip ko. I waited for his class to be over. I know he is not the right person to bother, but I ran out of options. Ayaw ko namang kausapin si Seidon pagkatapos ng nangyari dahil sobrang awkward na rin namin nitong mga nakaraang magkaklase kami.
Napaalis ako sa pagkakasandal ng makita ang pagtayo niya. Hindi pa tapos ang klase pero hinanda ko ang sarili ko sa kanyang paglabas.
"Hey!" tawag ko ng lagpasan niya ako't hindi tapunan ng tingin.
Kunot niya siyang lumingon pagkatapos ay itinuro ang sarili. Nagmamadali naman akong tumango at lumapit sa kanya.
"Sorry. You're Nicolaus right? Cordova?"
"Do you need something?"
Para akong napipi ng humakbang siya palapit sa akin. Gusto kong pagalitan ang sarili ko sa naisip.
Why am I bothering him again? Shit.
"A-Ah ano kasi, do you know where I can find Venus?"
Agad siyang nagkibit ng balikat at akmang tatalikod na pero muli akong nagsalita.
"How about Seidon? Saan ko siya makikita? I just need to give him–"
"Look, sorry but I don't think I can help you with that. Kung may kailangan ka puntahan mo na lang sa bahay pagkatapos ng klase–"
"No!" natataranta kong putol sa kanya.
Umatras siya patalikod pero sumunod pa rin ako, hindi binibitiwan ang pag-uusap.
"May kailangan lang akong ibalik sa kanilang dalawa. Mga gamit nila, can you help me call them?"
"You have their stuff, but you don't have their numbers?" nababaliwan na niyang tanong.
"I do, but–"
"Call them yourself." patuloy niya pa ring sagot at lakad palayo sa akin kahit na nakabuntot ako.
"Please?"
"I'm sorry, but I don't think I can help you. I still have class and I just excused myself to go to the bathroom. Hindi ko rin alam kung nasaang lupalop ang mga 'yon, but I'm pretty sure they'll be home later so that's the best place you can find them."
"Pero Nicolaus hindi ba pwedeng ikaw na lang ang..." prumeno ang mga paa ko ng talikuran niya ako't nagmamadaling lumihis patungo sa loob ng banyo.
"Three storey black building near the drugstore! See you!" Sigaw niya bago tuluyang mawala sa paningin ko.
Bagsak ang balikat akong napabuntong-hininga ng nawala na siya, pero mas lalo akong nawalan ng pag-asa ng tawagan na ako ni Vince at sabihing magkita na kami sa parking area. Gustohin ko mang hintayin si Nicolaus para kulitin pa, pero alam kong hindi ko na dapat siya abalahin.
Nagkukumahog at bigo akong umalis para puntahan na si Vince habang ilang beses na pinapagalitan ang sarili.
I have left with no choice, but to go where they live. I need to do it tonight. Habang may lakas pa ako ng loob. I need to thank him again for what he did at ako lang ang dapat gumawa no'n. Besides, Seidon is right. I really should stop asking stupid favors from anyone, right?
~~~~~~~~~~~~
Follow all my social media accounts if you wish to be updated.
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro