CHAPTER 13
Chapter Thirteen
Stupid Favors
Seidon continued making out with Zoey and my body felt completely frozen at the scene.
Ayaw ko mang panuorin ang ginawa nila pero tuluyan ng lumipad sa kung saan ang lakas ko't wala nang nagawa kung hindi ang manuod habang palalim ng palalim ang palitan nila ng mga halik.
Wala sa sariling nabitiwan ko na ang hawak na alak na para sana kay Zoey ng makita ang nanghihinang pag-atras niya at pagtukod ng mga kamay sa likuran ng bumaba ang halik ni Seidon patungo sa kanyang leeg.
His lips gently traveled down her neck and ended up sucking it for a few seconds, leaving a kiss mark.
Akala ko ay doon na matatapos ang lahat pero bumalik ang mga iyon sa mga labi ni Zoey.
I should be happy that my friend will surely be part of the sorority for doing that, but I just can't feel any happiness in me. There was none. My emotions were like frozen, too. Halt, or even disappeared in the moment.
Nanatili ang mga mata kong nakatutok sa kanila pero bago pa balikan ng katinuang itigil iyon ay sunod ko na lang naramdaman ang pagtulak sa akin ng kung sino dahilan para mapasigaw ako't mahulog sa pinaka-malalim na parte ng swimming pool!
I thought I was completely frozen the moment I saw him kiss her, but the coldness of the water solidified my body as I sank at the bottom of the pool. I suddenly don't know how to swim... and my body doesn't even feel like trying.
Hinayaan ko lang ang sarili kong lumubog, ni hindi maigalaw kahit isang daliri dahil sa pagkabigla sa lahat-lahat ng nangyari. I am a bit tipsy too so that added some factor of me being so weak as the gravity pulls me downward.
I didn't tried resisting what my mind was trying to tell me because at least for a moment, I found peace below. Pakiramdam ko ay sandaling naging payapa ang magulong mundo at sa sandaling iyon ay ayaw ko iyong lisanin.
Why can't my world be this peaceful? Bakit nga ba maraming gulo? Unang-una na doon ang gulo sa utak ko na sa pagkakataong ito ay sandaling natahimik.
Gusto kong manatiling nakalubog. Gusto kong manatiling manhid sa lahat. Malayo sa ingay. May distansiya sa lahat ng boses... Gustong-gusto ko, pero sunod ko na lang naramdaman ay ang pagyakap ng kung sino sa aking katawan kasunod ng pilit nitong pag-ahon sa akin paitaas ng tubig.
My body was dragged out of the water just in time before I fully drowned! I didn't know how long I was there, but I was coughing and catching my breath so hard when my head was above water. Sumasakit ang dibdib ko sa bawat pasok at labas ng hanging pilit kong hinahabol!
God, what was I thinking?! Did I just really let myself drown?!
"Are you okay?!" Hinihingal na ring tanong ng taong sumagip sa akin, mukhang malayo ang nilangoy maiahon lang ako dahil halos parehas lang kami ng pagtahip ng dibdib.
Hindi ko pa man nakikita ang kanyang mukha ay parang napaso na ako ng matantong si Seidon iyon ng unang lumakad ang mga mata ko patungo sa brasong mayroong tribal tattoo na karugtong ng nasa kanyang malapad na dibdib. I immediately remove my hands on his shoulders, but he's still so close. He's pinning my body between his and the walls of the pool.
Isang tango ang ginawa ko. Nasa medyo mababang parte na kami pero bago pa ako tuluyang makapagsalita o kahit makalayo sa kanya ay sunod ko nang naramdaman ang pagbaba ng kanyang magkabilang kamay patungo sa aking bewang at pagkatapos ay walang hirap akong inangat pataas sa gilid ng pool para tuluyang iahon sa tubig.
Ilang segundo lang ay nakaupo na rin siya sa tabi ko't hinahaplos ang aking likuran.
"Are you sure you're okay?" He ask again, more concerned this time.
"I am. I am." Lutang kong nasabi sa wakas.
Maraming tao sa paligid ng lumihis ang paningin ko pero parang siya lang ang may alam na nalaglag ako't muntik ng malunod. Everyone is minding their own business. Kung sabagay, I'm used being invisible. Bakit kailangan ko pang ulitin iyon?
Nakabalandra ang pag-aalala sa mukha ni Seidon ng magkatitigan na kami. Magsasalita na sana ako para magpasalamat pero muli kong naitikom ang aking bibig dahil sa pagdating ni Zoey.
"Lana! Oh my God! What happened?! Are you okay?!" Natataranta niyang tanong habang ipinupulupot sa katawan ko ang tuwalyang bitbit niya.
I am wet, disoriented and ugly in front of them. Kahit walang salamin, alam kong maitim ang paligid ng mga mata ko dahil sa make up na inilagay ko sa mukha ko kanina. My stupid white dress is dripping and now showing what I'm wearing inside, too.
"I'm okay." Namamaos kong sabi ulit na mukhang walang nakarinig sa kanilang dalawa dahil imbes na iwan na ako at ipagpatuloy ang ginagawa ay inalalayan lang ako ni Seidon na tumayo.
"Let's get you dry." He said while fixing the towel on my body.
"Lana, what happened?!" Pinalitan ng mga kamay ni Zoey ang kamay niya habang naglalakad na kami pabalik sa mansion.
"I-I'm fine—"
"Zoey, come on! It's almost midnight!" Hindi ko na natapos ang mga sasabihin dahil sa pagdating ng kung sino at bilis ng mga pangyayari.
Patuloy na umikot ng bahagya ang paningin ko kasabay ng panlalamig ng aking kabuuan kaya hindi ko na nagawang isipin pa ang mga nangyayari. Basta ang init ng kung sinong pumalit sa katawan ni Zoey hanggang sa loob ng mansion ang nagbigay sa akin ng kapanatagan.
I remained my eyes closed and let his warmth guide me. Muli lang akong nabalikan ng katinuan ng makapasok na kami sa isa sa mga restroom ng lugar at sandaling nawala ang ingay matapos niyang paalisin ang mga naglalampungan sa loob at paupuin ako sa toilet bowl.
"You didn't have to." Pilit kong sambit sa namamaos na boses.
Sinubukan kong dumilat pero parang bigla ko iyong gustong pagsisihan dahil sa lapit ng mukha ni Seidon sa akin ngayon.
His brows furrowed at that.
"Save me," I added. "I know how to swim." Pagpapatuloy ko ng walang salitang lumabas sa kanyang bibig.
"That's more fucked up then," he answered, napalunok ako. "You let yourself drowned in there. What were you thinking? Are you drunk?"
I couldn't help but chuckled a bit. Yes, I am drunk.
"No, I'm not. Isa pa hindi ako nalulunod. I'm swimming."
"That's not swimming." Mas lalong nalukot ang noo niya sa mga rason kong walang sense.
"I'm... I'm trying to beat my record under water."
"For trying to kill yourself?"
"Hindi nga. I know how to swim. You don't need to do that." bahagya akong lumayo sa kanya.
Good thing I am tipsy enough to have this conversation, but I felt a void inside my stomach when he pulled away. Pagod niyang isinandal ang sarili sa dingding ng banyo. Nakasadlak siya sa sahig at parang hindi nawala ang kaba sa kanya. He seems so worried about what happened to me and I don't think it's only because of that. I think there's something else.
"Are you okay?" I asked this time.
Nagtaas siya ng tingin pabalik sa akin pero hindi ako sinagot. Itinukod niya ang isang kamay sa sahig at saka tumayo.
"Are you okay?" He asked again instead of answering me.
Nahihiya akong tumango.
"I'm okay. I'm sorry."
He heave a sigh and then pointed the door.
"Stay here. Don't open the door if it wasn't me. Tatawagan ko lang si Venus. Just wait 'till I get back."
Tumango lang ako at hinayaan siya. Nang sumara na ulit ang pinto at tumahimik ang buong paligid ay wala sa sariling napahilamos ang mga kamay ko sa aking mukha.
What the hell just happened?
Ilang minuto akong nanatili sa gano'ng posisyon bago maisip na basang-basa ako maging ang mga gamit ko.
"Crap..." I blurted when my phone went black.
Imbes na iyon ang pagtuonan ng pansin ay hinarap ko na lang ang sarili sa salaming nasa lababo. I was right. I looked like a mess at ngayon ay hindi na alam ang uunahin. I can't call anyone because my phone got wet. Ni hindi ko naman alam kung saan hahanapin si Josh, o kahit sinong pwede kong mahingan ng tulong ngayon. Vince is nowhere to be found, too. All I have right now is Seidon, which I don't know if will still come back.
Tinanggal ko ang tuwalyang nakabalot sa katawan ko't sinimulang tuyuin ang sarili. I fixed my hair with my fingers and removed all the fucked up eye liners and traces of make up in my face. Moments later, my face was bare and I look better. Basa nga lang at mukhang uuwi ng ganito!
Saan nga ulit siya pupunta? Tatawagan si Venus? Pero para saan? Para ikwento kung paano ako naging sagabal sa kanya ngayong gabi?
Napapitlag ako sa magkasunod na katok sa pinto pero hindi ko iyon binuksan hangga't hindi naririnig ang boses niya.
"It's Seidon." He said outside the door, agad ko iyong binuksan.
Sa pagkakataong ito ay hindi na siya nakahubad sa itaas. Muli ng nakapantalon at suot na rin ang jacket ng EDM. Natigilan siya sandali ng makita rin ako pero bago pa bumaba ang mga mata niya patungo sa katawan ko upang suriin ang aking kabuuan ay agad na siyang nag-iwas ng tingin at inabot sa akin ang isang itim na backpack.
"Tignan mo kung may masusuot ka. You can't go home like that." I see a slow roll on his throat after he said it.
Kinuha ko iyon at hindi na nagsalita pa. Isinuot ko ang pwede kong magamit doon pero gaya ng una kong suot, dress lang rin ang nakita kong pwede kong hiramin dahil ang dalawa pang laman ng bag ay dalawang crop top at isang maiksing shorts. May kaiksian man ang dress pero ayos na rin kaysa umuwi akong basa.
Sa paglabas ko ay napaalis siya sa pagkakasandal sa dingding.
"Better?"
"Thank you." Nahihiya kong sabi.
Kinuha niya ang backpack maging ang lahat ng mga gamit ko.
"Ako na muna ang hahawak."
Magsasalita na sana ako't magpapasalamat ulit sa ginawa niya pero ng malaglag ang mga mata ko sa kanyang mga labi ay muling umulit sa utak ko kung saan galing ang mga iyon. Mabilis akong napaiwas ng tingin.
"Where's Zoey?"
"She needs to change. It's almost midnight."
Naglakad kami patungo sa isang parte ng bahay. Akala ko ay lalabas na kami dahil ilang minuto na lang ay ia-announce na ang mga nagtagumpay sa huling misyon at mga bagong miyembro ng Zeta Phi pero sa kusina kami napunta.
Dahil nga malapit na ang announcement ay nasa labas na ang lahat ng bisita. The house became quite as we settle down.
Inilapag niya ang mga hawak sa counter saka hinila ang isang high chair para ibigay sa akin. Wala ng gusto pang kumawalang salita sa mga labi ko ng magsimula siyang gumalaw doon para kunan ako ng tubig.
"I-Is this allowed?"
Sinulyapan niya ako.
"Unless you wanted alcohol? I don't think I can find anything here."
"No, I mean being here. Pwede bang makialam sa mga gamit nila?"
Inilapag niya ang tubig sa harapan ko. Uminom muna siya sa hawak bago sumagot.
"I don't think the sorority will mind if someone drinks their water."
"That's not what I meant," napadiin ang mga labi ko. "Aren't we joining them outside?"
"I'll stay here," umatras siya patungo sa lababo at sumandal doon habang nakaharap pa rin sa akin. "You can go if you want. I'm done partying tonight."
Naitikom ko ang bibig. Nanatili kaming tahimik sa mga sumunod na minuto. Nang maubos ko lang ang tubig ko ay saka lang ako ulit nagsalita.
"Thank you ulit kanina—"
"Are you okay now?"
Sabay naming pagsasalita. Ikinumpas niya ang kamay kaya ako ang nagpatuloy.
"I'm okay. Hindi ko alam kung sino ang tumulak sa akin. For sure hindi rin nila sinasadya 'yon, but thank you for what you did. I'll thank Venus personally kapag ibabalik ko na ito."
Tumango siya.
"Ikaw? are you okay?" Nagdikit ang makakapal niyang kilay sa muling tanong ko.
"I am."
"Iyong kanina..." nahirapan akong magpatuloy.
Hindi ko kasi alam kung dapat pa ba akong mag-sorry ulit sa mga nasabi ko sa kanya kanina. Should I apologize or not?
"Do you have something to say to me?" Tanong niya para ibahin na lang rin ang usapan, mukhang napansin ang pag-aalinlangan ko.
"H-ha?"
"The day I gave you my number. You said you have something important to say to me? Ano 'yon?"
"Oh, yeah! Si Phillip!" I got suddenly excited by that.
Muling nalukot ang noo niya, naguguluhan. Nagpatuloy ako.
"Naalala mo 'yong mga librong nauwi ko galing sa lumang library? I found a book, but it's not really a book. Parang diary siya. It's Phillip's diary. Nasa unang kabanata pa lang ako kaya hindi ko pa alam ang nangyari sa kanila pero I think it's a love story. Their love story. Hindi ba 'yon invading of privacy? Pwede ba akong magpatuloy sa pagbabasa?"
"Is it interesting?"
Sinimulan kong ikwento sa kanya ang lahat ng nasa unang kabanatang nabasa ko. I was surprised when he seems interested about it, too. Hindi gaya ni Vince na walang panahong makinig sa akin.
"What happened next?"
"I told you, nasa unang chapter pa lang ako. Phillip is fun and I'm so curious about them."
"Then read the next chapter, finish it if you must."
"You think so?"
"Wala namang masama."
"Sa tingin mo nabasa na 'yon ni Laura?"
Nagkibit siya ng balikat.
"Kung hindi nabasa ni Laura, then at least someone should read it," umalis siya sa pwesto at lumapit ulit sa akin.
Now I wish I had beer in my glass. Ngayon kasing malapit na naman siya at klarong-klaro sa mga mata ko ay parang bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.
"Besides, I kinda want to know what happened next, too."
That made me smile.
"Okay. Pagkatapos kong basahin ibibigay ko kaagad sa 'yo para mabasa mo rin."
"Why don't you read it for me? Ikwento mo na lang kung anong nangyari. I don't think I have time to read other books than my acads."
"Of course. I'll read it for you then."
Lumawak ang ngiti ko ng umarko ang kanyang bibig.
"Let's go outside?" Anyaya niyang tinanguan ko kahit pa parang mas gusto ko na lang manatili kami doon at malayo sa lahat.
Halos mabingi ako sa lakas ng sigawan ng lahat paglabas namin. Nagsisimula na nga ang announcement ng mga bagong miyembro ng Zeta Phi. Imbes na makipagsiksikan patungo sa harapan ay minabuti ni Seidon na maglakad patungo sa isang gilid, sumunod naman ako dahil wala akong mapupuntahang iba. Sa ngayon ay para akong ligaw na pusang nakasunod na lang sa kanya.
"Do you need to call someone?" he offered.
Kahit nasa malayo kami sa kumpulan ay naririnig pa rin naman namin ang mga nangyayari sa harapan.
"Pwede sana kaso hindi ko naman memorize ang mga number ng kaibigan ko. It's okay, hihintayin ko na lang na matapos si Zoey."
Isang tango lang ang isinagot niya. Nang tanggalin niya ang mga mata sa akin ay sinundan ko na lang rin ang kanyang nakatuon sa kasiyahan. Nakuntento ako sa panunuod at katahimikan ng pagitan namin. Nang umihip ang hangin ay wala sa sariling napayakap ako sa aking sarili.
Kung bakit ba kasi hindi na lang ako nagsuot ng damit na mas komportable. Napabuntong-hininga ako. Kung sabagay, kahit na nakapantalon at plaids ako ay mababasa at mababasa pa rin naman ako at ang damit pa rin ni Venus ang isusuot ko.
Napayuko ako ng mas lumalim ang pag-iisip. If I did things differently, may mababago pa sa lahat ng nangyari ngayon? Will I get to be with Seidon now? Wala bang mababago? Is it worthy to turn back time?
Hinaplos ko ang aking magkabilang braso sa patuloy na pagyakap sa akin ng malamig na hangin pero natigil na lang ako't muling bumalik sa kasalukuyan ng makita ang kamay niyang hawak ang kanyang jacket sa gilid ko.
Nalilito ko siyang nilingon. His face remained serious as he handed his jacket to me, but his eyes were giving me so much emotions.... Bigat, gaan, lahat lahat na.
"You need this more than I do." he said.
"Are you sure?"
Inangat niya lang ang kamay at ang hawak kaya wala na akong nagawa kung hindi ang kunin iyon at isuot.
"It's clean."
Hindi ko napigilang mapangiti doon. Agad ko ng isinuot para wala na siyang masabi. Ang totoo, kahit yata madumi iyon basta galing sa kanya ay susuotin ko. Oh God, it smells like him!
"Hindi naman ako maarte," sagot ko kahit pa parang hinahalukay na ang sikmura ko ng tuluyang maisuot ang kanyang jacket. "Ang dami ko na kasing ibabalik sa 'yo."
He nodded slowly.
"Just return it if you have time."
Hindi na ako sumagot dahil masyado ng okupado ng amoy niya ang utak ko. Naghintay na lang akong matapos ang announcement. Halos tumalon ako ng marinig ang pangalan ni Zoey. Sa pagharap ko kay Seidon ay halos mayakap ko siya sa sobrang saya ko para sa aking kaibigan pero nanatili siyang seryoso kaya bahagyang napawi ang tuwa sa puso ko.
"Thank you," maingat kong sambit ng kumalma.
Tumaas ang isang kilay niya, naghihintay ng sunod na sasabihin.
"Thank you for everything you did tonight. For saving me, for letting me borrowed almost everything and for helping Zoey. Babawi ako sa 'yo. Thank you for doing me a favor."
Nawala ang pag-arko ng labi niya sa mga huli kong sinabi pero bago pa ako makapagsalita ay naglakad na siya palayo.
"It's almost done. Sasamahan na kita kay Zoey."
Nagkumahog akong sundan siya. Nakipagsiksikan kami sa mga tao. Kahit na nahirapan ako sa pagsunod ay hindi naman siya nawala sa paningin ko. Pagdating namin sa harapan ay hindi pa iyon tapos pero kusa nang bumagsak ang magkabilang balikat ko ng matantong dito na niya ako iiwan.
"You look really good with or without make up on," he blurted out of nowhere.
Muli akong natulala sa kanya. Umarko ang isang gilid ng kanyang labi pero nanatili ang mga kamay sa magkabilang bulsa.
"You look beautiful no matter what you wear, but I didn't do you any favor tonight. Wala kang utang sa aking kung ano dahil lahat ng ginawa ko ngayong gabi ay sa kagustuhan ko. I helped you because you needed help, but I kissed her not because you asked me to. Hinalikan ko si Zoey dahil iyon gusto ko. Be careful next time Svetlana, and stop asking someone stupid favors." walang preno niyang sabi at pagkatapos ay tinalikuran na ako.
~~~~~~~~~~~~
Follow all my social media accounts to be updated.
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro