Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10

Chapter Ten

Contacts


Ilang beses kong inayos ang suot kong itim na plaids ngayong araw. Hindi naman iyon kusot pero parang hindi ako kuntento lalo na't malapit na si Vince at tiyak na pupunahin na naman nito ang suot ko.

Kung bakit ba kasi wala man lang akong magustuhan sa mga damit na binili niya para sa akin? Everything was decent enough for me to wear, pero hindi ko pa rin magawang suotin. Maybe because I just love plaids so much o baka dahil ganito lang talaga ako. Ganito lang ang mga gusto ko, simple.

Napapitlag ako ng marinig ang mahihinang pagkatok sa aking pintuan. I know Vince was already here at kahit nagtatalo ang utak ko, hindi na rin ako nag-abala pang magpalit. Habang pababa sa hagdan ay iyon ang nasa utak ko dahil baka nga punahin niya ako. Oo nga at naa-appreciate ko naman siya dahil mabait naman si Vince at mapagbigay lalo na sa akin pero hindi talaga ako komportable sa mga damit na gusto niyang ipasuot sa akin.

Isang malalim na buntong-hininga pa ang ginawa ko bago ako tuluyang makababa sa grand staircase at dumiretso sa sala kung nasaan ito. He was talking to my Dad when I got there. Awtomatikong umarko ang aking labi ng makita ang hawak niyang bulaklak para sa akin. Just by looking at him I knew that my clothes will not be an issue because he look like he's in a good mood.

Honestly, Vince is nice and I really like him. May pagkakataon nga lang talagang minsan ay hindi ko magustuhan ang mga trip niya kaya hindi ko lubusang maibigay ng buo ang sarili ko sa kanya. Siguro ay tama siya, marami pa kaming dapat na malaman sa isa't-isa at hindi naman kami dapat na magmadali.

"Good morning, baby." mas lalong lumawak ang ngiti ko ng marinig ang malambing niyang boses.

Walang pag-aalinlangan niya akong niyakap at hinalikan sa noo, wala nang hiya kay Daddy na nasa harapan lang naming dalawa. Nang matapos iyon ay ibinigay niya naman ang hawak na bulaklak sa akin.

"Happy monthsary." he said sweetly.

I was caught up in the moment and I my voice hitched when I say it back. Sa dami ng mga nangyari at nasa utak ko ay nakalimutan ko iyon and I really feel bad about it.

"O sige na at baka mahuli kayo. Vince, ang usapan natin." si Daddy habang tinatapik ang balikat nito.

"Yes, Tito. Ako na pong bahala kay Lana."

Nalilito ko siyang tiningala pero isang ngisi lang ang isinagot niya sa akin. Nang makarating kami sa sasakyan ay saka lang ulit ako nakapagtanong.

"Maaga kang nagising para bilhan ako ng bulaklak ngayon?"

"Yeah, don't you like it?"

"I like it Vince. Thank you. Pero pwede ko rin bang malaman kung anong pinag-usapan niyo ni Daddy kanina?"

Hindi nawala sa daan ang mga mata niya nang sagutin ako.

"We'll have dinner later to celebrate our monthsary, Lana. Ipinaalam na kita kay Tito kaya alam na niyang gagabihin ang paghatid ko sa'yo mamaya."

Hindi ko maiwasang matuwa dahil doon. Naninibago man na may oras siya sa akin ngayon pero normal na iyon lalo na't monthsary naming dalawa. Oo nga't hindi naman kami nagsimula sa normal na relasyon pero sinisiguro naman ni Vince na nagagampanan niya ang mga obligasyon niya bilang boyfriend ko. Kahit na alam kong malabo pa ang pagmamahal namin sa isa't-isa ngayon, mas nagiging malapit naman kami at iyon ang importante.

"What's that?" natigil ang pag-iisip ko nang sipatin niya ang librong nasa aking hita, iyong libro ni Phillip na sinadya kong dalhin para ipakita mamaya kay Seidon.

Umayos ako ng upo at ipinakita iyon sa kanya.

"An old diary," sabi ko sabay kuha rito. "Do you want me to read it?"

Nagsalubong ang kilay niya sabay sulyap pabalik doon pero mabilis namang umiling.

"Aren't you too old for that?"

Napangiti ako't napailing.

"It's not mine. Nakita ko lang sa–"

"Spare me, I don't want to know about that. Anyway, may gusto ka pa bang puntahan mamaya para sa date natin? I cancelled the game night for you. Where do you want to go?"

Pinagdiin ko ang aking mga labi pagkatapos ay ibinalik ang libro sa aking kandungan. Muli akong umiling.

"Wala naman. Ikaw nang bahala."

Hinuli niya ang aking kamay at marahang ipinagsalikop ang mga kamay namin. Hindi ko naiwasang makagat ang aking pang-ibabang labi. Ilang buwan na kaming opisyal na magkarelasyon pero hanggang ngayon ay parang naninibago pa rin ako sa ganito. Siguro ay dahil hindi naman kami showy at clingy sa isa't-isa at ngayon nga ay abala rin sa kanya kanyang pag-aaral kaya ang mga ganitong pagkakataon ay bihira na para sa aming dalawa.

"Am I a bad boyfriend?" maya maya'y tanong niya ilang minuto ang lumipas dahilan para mapakurap-kurap ako.

Mabilis kong iginalaw ang aking ulo para tutulan iyon.

"Why would you say that?"

Hindi niya binitiwan ang kamay ko. Nagkibit siya ng balikat.

"I feel like you're too far away from me."

"Vince–"

"Lana, sabihin mo lang para makabawi ako. I will cancel all the game night with the boys just to be with you."

"Hindi naman iyon kailangan. I know spending time with them makes you happy at isa pa, ayos na ang ganito, Vince. Masaya at kuntento na ako sa ganito. You already give me too much of your time and you spoil me with things. Ayaw ko namang masanay." sagot kong nababaliwan pa rin sa kanya.

Malapit na kami sa University pero sinadya niyang ihinto ang sasakyan ilang dipa ang layo sa main gate para lang harapin ako. Wala sa sariling napalunok ako ng ipihit niya ang sarili paharap sa akin. We've never had a chance to talk about our relationship at kung ano ang mga plano namin kaya naman hindi ko mapigilang kabahan sa ikinikilos niya. Not that I hate the idea of it, but I don't think my heart is now ready to what he has to say.

"You know how much I like you, right?"

Dahan-dahan akong napatango, nananatiling nakatulala sa kanya. Inangat niya ang aking kamay kaya napunta ang titig ko roon. I watched him kiss the back of my hand while gently caressing it.

"And I really want you to know that I want our relationship to work."

"Vince–"

"I don't want anyone else but you, Lana..." hirap niyang sabi kasabay ng pag-ukit ng lungkot sa kanyang mga mata. "Ayaw kong magaya sa mga magulang ko na hindi para sa isa't-isa."

"V-Vince, what happened?"

Rumolyo ang bagay sa kanyang lalamunan habang ang lungkot sa mga mata ay nabahiran na ng galit.

Ibinaba niya ang kamay ko at pagkatapos ay ibinalik ang sarili sa kanyang upuan. Sumandal siya doon at itiningala ang ulo kasabay ng pagpikit ng mariin, tila pilit na inaalis ang kung anong masamang naiisip. Hinayaan ko siyang bigyan ng oras ang sarili kahit pa nag-aalala ako sa kung ano ang nangyari at bakit ganito na lang siya ngayon.

Nang subukan kong hawakan ang kanyang balikat ay doon lang siya napadilat. Muli niyang kinuha at hinalikan ang kamay ko.

"We'll make this work, Lana. I will make it work."

Pinilit kong ngumiti kahit na gaya niya ay bumibigat na rin ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Tumango na lang ako at niyakap siya imbes na magtanong pa.

Ilang minuto kaming natigil sa gano'ng posisyon hanggang sa nauna siyang bumitiw at nagpatuloy sa pagmamaneho. Hindi na kami nag-usap pagkatapos no'n. Alam kong napakarami niyang gustong sabihin sa akin pero tila ba hindi pa iyon ang tamang pagkakataon kaya hindi na ako nagpumilit.

Iyon ang gumulo sa utak ko habang nasa gitna ng pang huli kong klase. I never saw Vince like that. Alam kong wala namang perpektong relasyon at minsan ay nababanggit niya rin namang nag-aaway ang mga magulang niya pero iyong kanina, alam kong mayroong malaking nangyari. Vince is strong. Siya iyong taong kayang itago ang lahat hangga't kaya pa. Iyong kanina, alam kong sobra-sobra na at kailangan na niya ng may makakausap, mahihingahan...

"Huy, Lana!" siniko ako Josh kaya nagising ako sa lahat ng mga kahibangan ko.

"H-Ha?"

"Grabe ka! Hindi mo man lang ba ako na-miss? Kanina pa ako nandito at nagsasalita pero wala ka naman pa lang naintindihan! Ayos ka lang ba?"

Tumuwid ako ng upo at inayos ang sarili para sa kanya.

"Sorry, may iniisip lang."

I don't know why but his lips curved a playful smile. Lumapit siya sa akin at bumulong.

"Kung si Seidon ang iniisip mo, papunta na 'yon rito! Hindi naman 'yon uma-absent kahit pa minor subject at hindi rin nale-late kaya huwag mong masyadong ma-miss!"

Napangiwi ako at magsasalita pa sana pero hindi ko na iyon nagawa nang bumungad sa pintuan ang taong laman ng usapan namin. I couldn't help but to gasp when his dark eyes immediately bore into mine. Na parang iyon kaagad ang hinanap sa kabuuan ng silid!

"Sabi ko sa'yo eh! Easy ka lang!" gigil na bulong ni Josh pagkatapos ay umalis na sa tabi ko para bigyang daan ang bagong dating.

Nahihiya kong itinigil ang pagtitig sa kanya at pumihit paharap sa white board. Dahil ayaw ko munang mabigyan niya ng pansin ay nagkukumahog kong inabala ang sarili ko't kunwaring may agarang isinulat sa aking binder.

Mas lalong lumakas ang pagwawala sa puso ko nang maramdaman ang pag-upo niya sa aking tabi. Kahit na nababaliwan ay pinilit kong hindi siya bigyan ng pansin hanggang sa dumating ang aming professor. Seidon did not talk to me either kaya naman kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag.

We had recitation and I'm so proud of myself because I did well even though my thoughts were swamped with so many things.

Ilang minuto matapos ang klase at ang walang kibong pagtayo ni Seidon kasama ng lahat para lumabas na sa silid ay saka ko naman naalala ang libro ni Phillip at Laura. Nagmamadali kong niligpit ang mga gamit ko at hinabol siya kahit na ilang beses kong narinig ang pagtawag sa akin ni Josh. He was already at the hallway when I catch up on him.

"Seidon!" tawag ko sa gitna nang paghabol sa kanya.

Hindi naman malayo ang tinakbo ko pero nang makita ko ang paghinto niya't paglingon sa akin ay para akong hiningal! Bahagyang kumunot ang kanyang noo nang makita akong mabilis ang pagtaas baba ng dibdib habang yakap ang lumang libro. Tumaas ang isang kilay niya nang walang mga salitang sunod na lumabas sa aking bibig.

"I-I just want to talk to you about this." inangat ko ang aking hawak.

Saka lang nakapagpahinga sa mabilis na pagwawala ang puso ko nang mapunta doon ang mga mata niyang may intensidad na nakakangilo.

"It's like a diary and not a sketchbook."

"And?"

Nahihiya akong napayuko pabalik sa hawak ko dahil sa lamig ng boses niya. Ano na nga bang sasabihin ko tungkol rito?

"K-Kagabi ko pa sana gustong sabihin sa'yo ang tungkol rito pero wala naman akong contact number mo kaya hindi ko nagawa," sinubukan kong ibalik sa kanya ang mga mata kahit na para akong kandilang nauupos dahil sa kanyang presensiya. "I'm sorry... Should I keep reading it o dapat bang ibalik ko na lang ito doon?"

"Do you want to keep reading it?" he asked instead.

Napalunok ako. "I-I... I don't know..."

Pakiramdam ko'y may kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang hawakan niya ang aking siko upang igiya sa gilid para hindi kami makasagabal sa mga dumaraang estudyante sa hallway.

"Hand me your phone?"

"H-Ha?"

Imbes na ulitin ay inilahad niya ang kamay sa aking harapan. Para akong nahihipnotismong sinunod ang gusto niyang gawin ko. Sa pagbigay ko sa kanya ng aking bukas na telepono ay ilang segundo niya lang iyong hinawakan bago muling ibalik sa kamay ko.

"I still have a class and I don't want to be late, Svetlana. You have my number now so let's talk about that later." aniyang wala nang iba pang sinabi bago ako muling iwan.

Isang malakas na sigaw ang nagpabalik ulit sa akin sa kasalukuyan kasabay ng pagyugyog ni Joshua sa magkabila kong balikat!

"Lana, anong ganap 'yon?! Talagang iniwan mo ako dahil kay Ino, ha?! How dare you!"

"S-Sorry. May sinabi lang ako." hindi ko na nakita ang telepono ko at ang kung anong inilagay ni Seidon doon dahil kay Joshua.

"Ano naman 'yon at nakalimutan mong may kaibigan kang baklang naiwan sa classroom?!" patuloy niyang pagalit sa akin habang naglalakad na kami papunta sa canteen.

"Wala, may nakalimutan lang siya kanina sa lamesa niya." hindi man kumbinsido ay hindi na nagawang segundahan pa ni Josh ang mga tanong niya tungkol doon.

Josh and I talked about the party when we got into the cafeteria. Tuwang tuwa siya dahil sigurado nang pupunta ako pero nalungkot rin nang hindi ko na nagawa pang magtagal dahil sa tawag ni Vince na naghihintay na sa akin para sa gagawin naming celebration ngayon. Dahil maaga pa, we decided to go to the mall. Wala naman akong gusto pero maraming biniling mga gamit sa akin si Vince. He bought me clothes, jewelries and even cosmetic products that I've lost count telling him not to bother.

"Every girls need it, Lana. You don't have to be shy. Boyfriend mo ako at bibilhin ko lahat ng gusto mo. I have a lot of money for that." aniya nang hindi na matiis ang mga pagtanggi ko.

Sa huli, kahit na wala naman talaga akong gusto ay halos napuno ang sasakyan niya dahil sa mga regalong siya mismo ang may gustong ibigay sa akin. Kahit na gustong-gusto kong tumanggi, hindi ko na rin ginawa dahil sa tuwing nabibili niya ang akala niyang mga gusto at kailangan ko ay bahagyang nababawasan ang lungkot sa kanya.

I let him shop for me. Not to make myself good but to make him feel better. Nakailang oras pa kaming ikot sa mall bago kami pumunta sa restaurant. Vince ordered wine for us pero dahil hindi ako umiinom no'n ay siya lang ang uminom ng buong bote. Muli kong nakita ang lungkot sa kanyang mga mata nang makalahati niya ang wine hindi pa man kami natatapos kumain.

"Vince..." hindi ko na napigilang awatin siya sa muling paglagok ng alak. Iyon na lang yata kasi ang pinagtuunan niya ng pansin at hindi na ang pagkain.

"I'm okay, Lana. Kaya ko pang mag-drive. It's just wine, hindi naman nakakalasing 'to."

"Hindi naman 'yon, Vince. May problema ba? You know you can talk to me about everything, right? I'm your girlfriend. You can trust me."

Sa sinabi ko ay para siyang natauhan. Dahan-dahan niyang naibaba ang hawak na wine glass pagkatapos ay hinuli ang mga kamay ko't marahang pinisil.

"I mean what I said earlier, Lana. Alam kong hindi tayo nag-umpisa sa normal na relasyon pero gusto kong maging tama para sa'yo," ako naman ang pumisil sa kamay niya't hindi nagsalita nang makita ang pag-igting ng kanyang panga.

"I don't want us to be like my parents... Ayaw kong dahil lang sa akin kung bakit hindi pa nila tuluyang magawang maghiwalay. Ayaw kong ako ang dahilan ng mas lalo nilang pagsasakitan. They are not meant to be and they never tried to be right for each other."

Pakiramdam ko ay nalaglag ang puso ko sa narinig.

"What happened?"

Binitiwan niya ang kamay ko at imbes na sagutin ay tinawag niya ang waiter para kunin ang bill. Umalis kami sa restaurant pero hanggang sa mapunta kami sa tahimik na park ay dala niya ang bote ng wine na mayroon pa ring laman.

I held his hand. He seems so lost and my heart is aching for him.

"But they look fine, Vince... Anong nangyari?" malungkot kong tanong nang sabihin niyang matagal nang magulo ang relasyon ng kanyang mga magulang at kung hindi lang kilala ang kanyang ama sa kabuuan ng Buenavista ay matagal na raw naghiwalay ang mga ito.

"They needed to look fine especially now that the election is just around the corner. Matagal nang hindi maayos ang Daddy at Mommy, Lana."

"Alam ba nila Daddy?"

He scoffs sarcastically at that. Malamlam na ang mga mata niya nang lingunin ako. He's tipsy. Kahit na sinabi niyang hindi iyon nakakalasing ay alam kong tinatamaan na siya kahit paano.

"It's just one of the darkest secret of our family," binitiwan niya ang kamay ko at gano'n na lang ang paglaglag ng panga ko nang buksan niya ang ilang butones ng kanyang puting polo shirt upang ipakita ang malaking pasa sa kanyang kaliwang dibdib. "I got this from that fucking bastard earlier. Ako ang napagbuntunan niya ng galit nang makarating sa kanyang mayroong kinikitang lalaki si Mommy."

Kusang umangat ang kamay ko sa aking bibig. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng boses kahit pang-alo sa kanya. I can taste the anger in his voice. Hinayaan niyang bukas ang damit at hindi na nag-abalang ibalik ang mga butones no'n. Muli niyang nilagok ang hawak na alak at hindi iyon tinigilan hangga't hindi nauubos.

Halos mangilid ang mga luha sa mata ko nang makita ang pait sa kanyang paningin matapos ibalik sa akin ang titig. Mapait siyang ngumiti sabay iling ng mapansin ang pagiging emosyonal ko.

"This wasn't the first time Lana kaya hindi mo kailangang malungkot para sa akin. Sanay na ako kay Daddy. Trust me, wala pa sa kalingkingan nito ang mga nagawa niya sa akin noon pero hindi mo ako dapat kaawaan. I can handle myself now. Kaya ko nang ipagtanggol ang sarili ko."

Dahil walang gustong salitang lumabas sa bibig ko ay niyakap ko na lang siya. I felt him hug me back. Humigpit iyon kasabay ng paghalik niya sa aking buhok.

"I don't fucking want us to end up like them. Lana, ikaw na ang gusto ko kaya sabihin mo kung paano ko iiwasang maging maling tao para sa'yo. I want to be the best boyfriend to you so tell me how."

Umiling ako kahit pa nakadiin ang aking ulo sa kanyang dibdib.

"We'll make this work, Vince," mga salitang lumabas sa bibig ko para pagaanin ang bigat sa kanyang puso. "Just be you. Wala na akong iba pang gusto bukod do'n."

Muli niya akong hinalikan sa buhok, mas madiin sa pagkakataong ito. Nang bahagya niya akong ilayo sa kanyang katawan ay napalunok na ako ng dahan-dahang bumaba ang kanyang mga mata patungo sa aking labi.

"We will not end up like them... I will not let myself be like him."

"You're not going to be like him." giit ko at sa unang pagkakataon ay ako ang sumiil ng halik sa kanyang mga labi.

We kissed passionately for a couple of minutes. Hindi man ito ang nakasanayan kong Vince pero ito na yata ang pinaka-gusto kong version niya dahil sa unang pagkakataon ay nagawa niyang magbahagi sa akin ng masalimuot na nararanasan niya sa akala kong perpekto niyang pamilya.

Nanatili kami doon at nagpahinga pa ng ilang oras bago niya ako inihatid sa bahay. It was such a different date night with him but it was our best night together.

Habang nasa kama nga at nagpapaantok ay hindi nawala sa utak ko ang pag-iisip sa mga nalaman ko. It's funny to think that we are just the same. Na kahit hindi man ako nasasaktan ng pisikal ng mga magulang ko ay parang parehas lang iyon dahil sa mga nakasanayan kong mapapait na salita galing sa kanila.

Nanghihina kong nayakap ang aking unan kasabay ng pagpikit ng mariin sa aking mga mata. Kung tutuusin ay maswerte ako kaysa sa maraming taong naghihirap ngayon sa mundo pero tiyak na mas swerte ang mga mahihirap na mayroong perpektong mga magulang kaysa sa akin. If God would just let me choose, walang pag-aalinlangan kong pipiliin ang hikahos na buhay basta mayroon lang akong mga magulang na mapagmahal at palaging matatakbuhan.

Sa pagdilat ko ay agad na natumbok ng mga mata ko ang libro ni Phillip. Napakurap-kurap ako.

Hindi ko pa man nababasa kung anong klase ang mga magulang nito o kung mayroon ba pero iyong sa Lola Kurita niya pa lang ay parang gusto ko nang mainggit. Ni minsan kasi ay wala akong nakausap tungkol sa mga malalalim na bagay. Iyong tungkol sa buhay, sa pag-ibig... I feel like I just aged without actually growing... That I am still innocent and not ready to be out there...

Napatayo ako sa kamay para kunin sana ang librong iyon para magbasa na lang at magpadalaw sa antok pero nang maalala ko ang nangyari kanina sa hallway ay muli akong napirmi sa kama at agad na kinuha ang aking telepono sa bedside table.

Mabilis kong ginalugad ang contacts at hinanap ang pangalan ni Seidon dahil sabi niya ay inilagay niya iyon doon pero bigo ako. Maging ang surname niya o palayaw ay wala ring nakalagay. I started checking the numbers one by one to see what name he just put for his number pero gano'n na lang ang paglaglag ng panga ko ng makita ang pinaka-huling numerong naka-register doon.

Z' Don't Ignore Me Again Svetlana


~~~~~~~~~~~~

This story is already completed. You can now read the full version on VIP group as this will not be updated here anymore to avoid wattpad deleting it.Just message me for full VIP details.

Thank you!🍀

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro