Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

Chapter One

Svetlana Aleksandra Drozdov

Have you ever feel like you're still alive, but you're not actually living? Like your body was just an empty vessel sailing without a destination? Like as if you're being suffocated, but you are breathing perfectly fine?

Do you ever feel okay, but you're sad at the same time that you just want to talk to someone and hug them, but you feel annoying so you just stay quiet?

Do you always hide your pain behind your smile? Because I do... all the time in every single day of my life.

"Lana! I told you to not play with your food!" my father's voice roared in my ears like a blaring thunder.

Napakurap-kurap ako at mabilis pa sa alas-kwatro ang pag-upo nang tuwid dahil sa nakakatakot niyang boses. Magkasalubong ang kanyang mga kilay at kung nakakasugat lang ang mga mata niya ay kanina pa ako duguan sa kinauupuan ko.

"I-I'm sorry, Dad..." bahagyang nanginig ang boses ko nang sambitin 'yon.

My eyes shifted to my mother but I can't find solace in her eyes. Ang tanging nabanaag ko doon ay sisi dahil sa kawalan ko ng presensiya habang nasa hapag kainan.

"How many times do I have to tell you to be normal when you're eating?" I can still find rage in his voice but what made my heart sting was the word normal.

For a parent to think that their teenage daughter isn't normal is a bit of an insult to me. An insult that I deal with every single day of my life. Mabuti na nga lang at sanay na ako dahil kahit malaki ang epekto sa akin ng mga salitang 'yon ay bawas na ang impact kahit paano. Too bad, I can't change the way they think of me... Maybe they're right. Maybe I'm not really normal. Ano nga ba ang kahulugan no'n? Hindi ko alam.

"I'm sorry, Daddy." I apologizes again and started to swallow the food in my mouth. Kahit pa alam kong isusuka ko lang rin 'yon mamaya pag-akyat ko sa kwarto.

"You're so thin and you barely touch your food! Alam mo ba kung gaano karaming tao ang nagugutom at nagpapakahirap para lang magkaroon ng laman ang mga tiyan nila? Don't be so ungrateful. Hindi kita pinalaki ng ganyan. Hindi kita pinag-aaral para mawalan ng modo. Have some respect." may diin ang bawat salita niyang pagalit sa akin.

"Lana, ayusin mo ang ugali mo. You're not a kid anymore so better learn to act your age." pinigilan kong mapangiwi ng marinig ang pag segunda ni Mommy kay Daddy.

My heart was crushed again. Kahit sanay na ako sa ganito, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang masaktan dahil hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong isang araw ay magkakaroon ako ng kakampi. But then again, ano pa bang aasahan ko?

Bakit ka pa ba umaasa Lana? my mind screamed at me. Expectations hurt and I'm well aware that life shouldn't be lived with full of unrealistic expectations, but I just can't help it.

Hindi naman kasi siguro masamang mag-expect sa sarili mong mga magulang? Masama because the don't care about you. They don't. muling sagot ng utak kong idinidiin pa ang mga huling salita.

And again, I sit there, realizing how stupid I was for expecting something from them na ang totoo ay hindi kailanman mangyayari.

"I'm sorry, Mom..." I said while feeling lost, unloved and unwanted.

"You better be," she spat. "Now eat your food properly and stop stressing us out."

"I'm sorry po." patuloy kong paumanhin dahil iyon lang naman ang dapat.

I'm sorry for not eating. I'm sorry for continuously disappointing both of you. I'm sorry for not being a good and perfect daughter you expect me to be, I'm so sorry to be me...

Kinalma ko ang sarili at pilit na itinuon ang buong atensiyon sa pagkaing nasa aking harapan, pilit winawala sa isip ang mga negatibo kahit na imposible nang makatakas ako doon.

Walang imik kong nginuya ang laman ng bawat kutsarang ipinapasok ko sa bibig ko. Inubos ko ang lahat at wala akong itinira maski isang butil sa plato ko. I can still see rage in their eyes even when I finished my food. Even after doing what they wanted me to do, they are still disappointed of me.

"I'm sorry..." I keep mumbling to myself.

Wala na silang isinagot sa akin pero dahil nararamdaman kong umangat na ang mga pagkaing pinilit kong lunurin sa lalamunan ko ay agad na akong nagpaalam sa kanila.

"Fifteen minutes and Junie will be ready to drive you to school." ani Daddy na muntik ko nang makalimutan.

Today is my first day being a college student in a local university. I should be excited, right? Gano'n ang dapat na maramdaman ng mga dalagang katulad ko because college means exploration, parties, boys and all other good things like in the movies, but aside from feeling anxious, wala na akong maramdaman pang iba.

"Yes, Dad." I answered and then walk towards our grand staircase.

This house is still new to me even after a year of living in it. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay rito lalo na sa kabuuan ng Buenavista. Simula kasi nang mapunta kami rito ay bilang lang sa daliri kung ilang beses akong nakalabas at sa ilang beses na 'yon ay kasama ko pa ang mga magulang ko.

We decided to moved here because of my Father, kung bakit dito? Hindi ko alam. The place is all new to me. My Father is Russian and though Filipina ang mommy ko, hindi naman ito ang alam kong lugar kung saan siya ipinanganak.

She was born and raised in Manila, I was told. Nakita ko rin sa kanila ang pag-adjust sa lugar na ito nang bagong salta kami, pero habang tumatagal ay naintindihan ko na ring kaya kami narito ay dahil narito ang mga kaibigan at ilang business partners ni Daddy noong nasa Russia pa kami.

We will never going back, iyon ang sabi nila sa akin and I just had to accept that. As if naman kasing may magbabago sa buhay ko noon at ngayon.

I'm actually an extrovert,  but since kids my age doesn't want to hang out with me, everybody thinks I'm a loner. Everyone at school thinks I'm weird because I spoke three languages, English, Tagalog and Russian and because of that, they call me'sumasshedshiy', meaning crazy or lunatic in Russian.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang gilid ng aking bibig matapos isuka ang lahat ng pagkaing kinain ko ilang minuto ang nakalipas. Pagkatapos maghilamos ay sinuklay ko ang hanggang balikat at tuwid kong buhok. Inayos pa ang bangs na nasa harapan bago tamad na pinagmasdan ang sarili sa salamin.

My skin is white like my father. I got his high cheekbones, his straight nose and my bluish eyes, but my full lips was from my mother. Nakuha ko naman ang height nilang dalawa na parehas matangkad at kung siguro'y magana lang akong kumain, maganda rin ang hubog ng katawan ko't gaya ni mommy na kahit malapit na sa singkwenta ay balingkinitan pa rin at malakas ang alindog. She doesn't look like her age. She looks fifteen years younger than that.

Itinaas ko ang sleeve ng suot kong puting polo shirt at pagkatapos ay sinukat ang aking braso gamit ang aking kaliwang kamay. Sa pilit kong magdikit ang aking mga daliri paikot rito ay namula kaagad ang aking braso.

I groaned when my fingertips didn't met. Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa labi ko at muling sinukat ang braso, paulit-ulit pero bigo pa rin ako.

Now I wanted to question my father's statement earlier. He said I'm too skinny, but why do I still feel fat? Bakit hindi pa rin kasya sa kamay ko ang braso ko? It should already fit. I starve myself for two weeks now and yet I'm still fat.

Ibinaba ko ang sleeve ng damit ko at itinaas naman ang laylayan nito ngunit agad na napapikit ng makita kong malaki ang aking tiyan dahil siguro sa maraming tubig na nainom ko kanina.

Frustrated and disappointed to myself, I tied my hair up. I put some lig tint on because the only thing I'm sure was I look pale and ugly.

This is my first day at school and I don't want to scare anyone. Kahit paano ay may utak pa rin naman akong matinong gumagana para doon.

Pagkatapos ayusin ang buhok ay saka ko pinalitan ang suot kong jogging pants nang olive cargo pants. Hindi na ako nagpalit ng damit dahil ayaw ko namang makaagaw ng pansin sa unang araw, kung maari ay hanggang sa matapos ang buhay ko sa mundong ito. All I ever wanted is to be invisible now, iyon ang goal.

"Lana... Nasa baba na si Mang Junie kararating lang, tapos ka na ba?" tanong ng Luningning, isa sa mga helpers namin habang patuloy na kinakatok ang pintuan ko.

Nang muli siyang magsalita ay nagmamadali ko nang kinuha sa kama ang dark green kipling body bag ko. Madali ko iyong inilagay sa aking katawan bago siya pinagbuksan ng pinto.

"Bababa na ako." I said to her.

Tumango naman siya at pagkatapos ay tinalikuran ako. Sinundan ko siya patungo sa aming sasakyan. My parents already left. Ang sabi niya ay may meeting daw ang mga ito sa tahanan ng mga Antonov, ang kasalukuyang Mayor sa karatig bayan ng Buenavista. Palibhasa ay malapit na ang eleksiyon kaya panay-panay na naman ang mga meeting de avance nila.

"Thank you, Mang Junie." sabi ko sa lalaki matapos akong pagbuksan ng pinto.

"Walang anuman, Lana." nakangiti niyang sagot sa akin.

Hindi ko na pinansin si Luningning, ni hindi ko ito nginitian matapos akong ihatid dahil simula't sapol naman ay hindi ko ito nakasundo. Sabi ko nga, hindi siguro talaga  ako normal gaya ng sabi ng mga magulang ko, but then I think about Mang Junie. Bakit dito nagagawa kong ngumiti? Bakit sa kanya magaan ang loob ko noon pa man?

Hindi lang kasi palangiti at kwelyo ang matanda kung hindi ay pala-kwento rin na siyang gustong-gusto ko. Sa tuwing kinu-kwentuhan niya kasi ako ay napapangiti niya ako at gumagaan ang tingin ko sa mundo. His stories make me happy na wala sino man ang nakagawa sa tanang buhay ko. Baka nga normal naman talaga ako pero kulang lang sa pansin? Does it really matter if you're normal or not? What is the standard of being normal anyway? Is there any?

"Lana, pasensiya na at nahuli ako, ha. Pinaghintay ba kita?"

Agad akong umiling matapos hulihin ang mata niya sa rearview mirror.

"Hindi naman po."

"Mabuti naman kung gano'n, eh aba't nakipag-away pa ako sa tricycle driver diyan malapit sa labas ng village ninyo."

Napawi ang ngiti ko't nalaglag ang panga sa narinig.

"P-Po?"

"Aba'y oo! Hamakin mo eh ang tino-tino nang tanong ko, sabi ko tutoy, tricycle mo ba ito?"

Tumango ako, hinintay siyang magpatuloy gamit ang Batangueno niyang accent.

"Oo raw. Nagtanong uli ako, magkano ang pamasahe hanggang sa phase three?"

"Sabi niya'y bente raw."

"Tapos po?"

"Oh, e 'di nagtanong siya saan daw ba banda sa phase three? Ang isinagot ko'y malapit laang sa bukana at ako na ang magtuturo sa kanya."

"Opo?"

"Eh, aba'y nagtanong ulit! Tanong niya'y kung ako lang raw bang mag-isa? Aba'y nagalit na ako!" napapitlag ako ng gigil niyang hampasin ang manibela bago nagpatuloy sa madamdaming pagsasalaysay. "Aba't tarantado ka, kako, bakit hindi ka ba sasakay?! Aba't ang gago ay gusto pa yata akong pagmanehuin ng tricycle!"

Kumawala ang tawa sa bibig ko nang matapos siya sa pag kwento.

"Kaya talaga, Mang Junie! Puro kayo kalokohan!"

Lumakas ang tawa naming dalawa sa sasakyan.

"Aba'y pinapatawa lang kita't mukhang pasan mo na naman ang daigdig. Kita mo't maganda ang sikat ng araw pero mukha kang Biyernes Santo diyan."

"Hindi naman po."

"Unang araw mo ngayon sa eskwela, Hija. Aba'y dapat kang magsaya dahil bagong yugto ito ng buhay mo. Bagong pagkakataon upang matuto. Dapat kang mag-enjoy at laging ngumiti dahil mas bagay sa'yo ang ganyang nakangiti ka." aniya nang hindi na mawala ang pag-arko ng bibig ko.

"Salamat, Mang Junie."

His smiled widened. Natatandaan ko noon, siya ang unang nakilala kong Pilipino nang sunduin niya kami sa airport. Siya rin ang unang nakapagpangiti sa akin. Aniya'y hindi siya sanay na malungkot ako dahil ang lima sa mga anak niyang babae ay hindi niya nahuhuling nakasimangot. Kapag may pagkakataon namang ramdam niyang malungkot ang isa sa kanila ay nagkukwento siya ng mga kalokohan para lang maiibsan ang nararamdaman nila. Maybe I was the saddest person he has ever met kaya walang araw na ginawa ang Diyos na hindi niya ako kini-kwentuhan ng mga kalokohan para lang mapangiti ako.

"Oo nga pala, ang bilin ng Daddy mo ay hintayin kita mamayang alas kwatro, iyon ba ang uwian mo araw-araw?"

Umiling ako't kinuha ang schedule ko saka ipinakita sa kanya.

"Iba-iba po."

"Pwede ko ba itong kunan ng litrato para hindi ako mahuli kapag uwian mo?"

Isang tango ang isinagot ko.

"At isa pa nga pala, ang sabi ng Daddy mo ay maghihintay raw sa 'yo si Zoey sa parking mamaya. Maging mabait ka raw sa kanya."

Napadiin ang labi ko sa isa't-isa. My parents want me to be a normal teenager that's why they decided to gave me a friend.

How nice. Mapait na bulong ng utak ko.

Oo nga't wala naman ako masyadong kaibigan noon pero tingin ko'y hindi naman 'yon dapat pinipilit o parang negosyong dapat pinagdedesisyunan lalo na ng ibang tao. I get that they're concerned, but having a friend should come in a natural way. Normal way, pero dahil nga wala naman masyadong normal sa buhay ko ay dapat ko nang makasanayan ang lahat ng ito.

Anak ng kaibigan ng mga magulang ko si Zoey. I met her twice pero hindi ko naman masasabing kaibigan ko na siya sa ilang hi at hello lang, but since my parents controlled everything in my life, wala akong magagawa kundi ang sundin sila at kaibiganin ang Zoey na 'yon.

Ilang minuto pa ay dumating na kami sa pinaka-malaking unibersidad sa bayan ng Buenavista. Isang malumanay na ngiti ang lumabas sa labi ko ng matanaw ang malawak na lupaing saklaw ng unibersidad.

The white walls of the gate were freshly painted. Nang buksan ko nga ang bintana sa gawi ko ay humahalo pa sa sariwang simoy ng hangin ang amoy nito.

My hair lifts in the breeze. Like some ghost trying to welcome me by playing its strands. I practically curl into myself as I lean forward on the car window and drop my face into my hands, binusog ko sa tanawin ang mga mata ko.

There are students lining up to one of the entrance of the university, pero ang sasakyan namin ay dumiretso na't lumiko papasok sa loob ng malaking gate.

May dalawa at matayog na building akong natanaw. Sa kaliwa ay ang luma dahil sa hitsura nitong ang mga dingding ay walang kulay. Sa bawat palapag at gilid naman ay naroon ang mga lumang glass windows at ilang mga medieval lamps. Sa pinakagitna ng building ay mayroong malaking orasan na kahit mukhang nilulumot na ay gumagana pa rin.

Lumihis ang tingin ko sa kanang building na kahit luma ang ibinagay na disenyo gaya nang sa una ay halatang bagong tayo lamang. It's painted white like the gates. Ang kaibahan lang nitong bago ay mas malalaki ang mga glass windows at hallways sa ibaba.

Sa hindi malamang dahilan, habang umuusad ang sasakyan patungo sa carpark ay hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nagkalat sa bawat sulok ng lugar. Mayroon sa field, may mga naglalakad sa simentadong pathway na mayroong mga naka-hilerang matatayog na puno. May mga nakaupo sa benches at nagtatawanan at kahit nang marating namin ang parking ay hindi naubusan doon ng mga estudyanteng nagpangiti sa akin.

It's nice to see people again. I was home schooled almost half of my life until today and even if it scares me, there's still a little bit of excitement building up in my heart. New things and beginnings are always interesting.

"Nandito na tayo," masayang anunsiyo ni Mang Junie habang inaayos ang sasakyan.

Isinara ko ang bintana pero nang tuluyan iyong huminto ay wala pang isang segundo'y dumungaw na ang mukha ni Zoey doon dahilan kaya napatalon ako!

Mabilis kong nahawakan ang aking dibdib habang ang babae ay paulit-ulit at masayang kumakaway sa akin galing sa labas na parang nakikita niya ako kahit na imposible dahil heavy tinted ang sasakyan namin.

"Oh, nariyan na pala si Zoey. Sige na't baka mahuli pa kayo." isang ngiti ang isinagot ko kay Mang Junie bago bumaba ng sasakyan.

Parang tumalon ang puso ko't maging ang aking mga lamang loob ng mabilis niya akong niyakap! Like she missed me a whole bunch kahit na hindi ko naman matandaan na mayroon kaming ganitong klaseng koneksiyon.

"Lana!" masaya niyang hiyaw na nagpangiwi sa akin.

Para akong tuod na hinayaan siya sa ginagawa pero dahil ayaw ko namang maging masama sa kanya ay naiilang kong tinapik ang kanyang balikat. Her smile widened when she faces me, kumaway siya kay Mang Junie at pagkatapos ay wala nang pag-aalinlangan akong hinila palayo sa sasakyan.

Ilang beses akong napalingon kay Mang Junie kung tama ba ang ginagawa ko pero dahil alam kong ito na nga iyon ay nagpatianod na lang ako.

"I'm so glad to see you again!" aniya kaya napilitan akong ngumiti sa kanya. "Tuwang-tuwa nga ako ng sabihin ni Daddy na dito ka na rin daw mag-aaral! You'll definitely enjoy it here, Lana!" tuloy-tuloy niyang salita habang mahigpit ang kapit sa aking braso.

She talks and squels excitedly. Nanunubig pa sa tuwa ang mga mata niya. Marami pa siyang sinabi pero sa lahat ng 'yon ay wala akong naisagot. Wala akong nagawa kung hindi ang titigan lang siya at mapangiwi ng pasimple.

Ang pagkakatanda ko ay nasa pangalawang taon na si Zoey sa kursong business management samantalang ang kukunin ko naman ay tourism.

My parents doesn't want me to take that, but I refused to go to school kung hindi iyon. Sa halos isang taong diskusyon namin ay wala na rin silang nagawa kung hindi ay pagbigyan ako. Though they still controls everything in my life, minsan ay may nakukuha pa rin naman akong gusto ko kapag nagpoprotesta ako, like this one.

"Uy! Ano ba 'yan Lana! Wala ka man lang ka-energy energy!" humahagikhik niyang puna sa akin dahilan para bumalik ako sa kasalukuyan.

"A-Ano 'yon?"

"Ang sabi ko, ang unang klase mo ay nasa bagong building." My eyes followed the direction she just pointed, tumango ako ng makita ang itinuturo niya.

Muli siyang natawa. Bahagyang niluwagan ang kamay sa aking braso at inayos ang manggas ng aking damit gamit ang isang kamay.

"Bakit parang hindi ka talaga excited? Lana, this place is going to be your home for four years or more! Dapat ngayon palang maging pamilyar ka na," nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan niya akong bitiwan at nagpatuloy na lang sa paglalakad sa malawak na parking lot habang nasa tabi ko.

"Kung sabagay, wala ka naman nang dapat alalahanin dahil kasama mo ako palagi. I'll be your tour guide, your map, your companion, your savior, your savior, your protector—"

"Protector?" I almost laughed at that, but she wasn't offended.

"Yup! Kapag may nang-away sa 'yo, ako ang back-up mo! I'll be your friend and even best friend! Whatever you need!"

Doon na ako natawa ng tuluyan. Nang mapasinangot siya ay saka lang ako nahinto.

"S-Sorry," I apologize. "Zoey, no offense but I think I can manage myself. Hindi mo kailangang magtiyaga sa akin dahil kaya ko naman. You don't have to force yourself or waste your time on me just because of our parents–"

Natigil ako nang siya naman ang humalakhak at pagkatapos ay hinawakan ulit ako sa braso.

"I don't mind being your friend! You know, kahit maraming nakakakilala sa akin at sa pamilya ko rito, wala naman akong pinagkakatiwalaan masyado,"

Huminto siya kaya napahinto rin ako. Sumunod ulit ang mga mata ko sa itinuro niyang babae.

"You see that girl? That bitch was my friend last year, but when I caught her flirting with my man, itinapon ko na kasama ng walang hiya kong boyfriend!"

She scanned the place and stopped when she saw a group of girls coming out of a car. "'Yang mga 'yan, mga malalandi 'yan at hindi mo gugustuhing maging kaibigan, okay?" she continuously pointed her fingers to random groups and describes them for me, expressing her disapproval and disgust at some.

Para ngang sasabog na ang utak ko dahil wala pa man ang klase ay napuno na ito ng mga impormasyong tingin ko'y hindi ko naman kakailanganin sa pag-aaral. Nakatingin ako sa mga huling itinuro niya, but I my attention were interrupted by the loud roars of mufflers.

Mabilis akong hinila pabalik ni Zoey sa tabi niya at pagkatapos ay pilit na pinahinto sa paglalakad, like what I'm about to witness will change my life forever! She held me like it was a matter of life and death!

Naniningkit ang mga mata kong napirmi sa direksiyon ng mga papalapit na ingay. Parang gusto kong ibalik ang pagpisil niya ng mariin sa braso kong sumasagad na sa aking buto nang sumulpot na sa harapan namin ang tatlong itim na sports motorcycle at isang customized black raptor ford.

Mas lalong lumabas ang kalabog ng dibdib ko ng mas umingay ang pag-ugong ng dalawang motorsiklong nagpapasikat pa sa lahat ng estudyanteng nahinto rin samantalang ang isa naman ay tahimik nang nag-park sa gilid ng sasakyang itim.

Ilang beses kong narinig ang pagsinghap ni Zoey na akala mo'y nakakita ng tigreng sumasayaw sa kanyang harapan dahil sa pagkamangha.

Ipinilig ko ang ulo ko, inilibot sa mga estudyanteng gaya niya ay nanlalaki rin ang mga mata na parang ang pagdating nga mga kung sinong pontio pilato ang pinaka-main event ng pag-aaral sa kolehiyo.

Muling bumalik ang tingin ko sa kanilang pinapanuod na maubos ang ingay at maiayos ng dalawang nagpapasikat ang pagtabi sa kani-kanilang motor.

"Oh my God... They're so fucking hot talaga..." lutang na bulong ni Zoey sa akin.

Wala akong masabi, walang mai-react sa kanya pero nang malaglag ang panga niya ay umusbong na ang kuryosidad ko.

Napakurap-kurap ako ng makita ang mukha ng lalaking unang nagtanggal ng itim na helmet.

The first guy has shoulder length hair na iwinawasiwas pa sa ere at kung ilang beses niyang sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri ay gano'n rin karami ang pagsabi ng 'Oh my God ' ni Zoey. The guy was tall, has great physique and Greek features pero ang pinaka-nakaagaw ng atensiyon ko ay ang mapaglarong ngisi sa labi nito. Na parang sa lahat ng angking kakisigan ay iyon ang pinaka-asset niya. Yep, he's not bad himself.

"That's Nicolaus... Oh my God..." ani Zoey, hindi na mawari kung ano ang isusunod na salita sa pangalang 'yon dahil sa sobrang pagkamangha.

My eyes instantly shifted on the second guy after he removed his helmet.

"'Yan naman si Riggwell, Lana... Oh my God, mag take notes ka." nahihibang niya pa ring pagpapatuloy habang pinipisil ako't nakakarami na.

Gaya nang una ay matangkad rin ang lalaki pero imbes na mahabang buhok, kulay abo ang nakita ko at malinis ang pagkakagupit sa magkabilang gilid habang ang tuktok ay bahagyang kulot. Nakangisi itong nakipagtawanan at apiran sa lalaking mahaba ang buhok pero nang lumabas sa raptor ang isang lalaking mayroong salamin sa mata na tinawag ni Zoey na Achilles kasama ang babaeng si Venus ay natigil ang mga ito kasabay ng pagtulala ko.

Hindi sa kakisigan ng mga lalaki kung hindi sa babaeng nakapusod ang mahaba at blonde na buhok na kahit balot na balot ang katawan sa suot na itim na pantalon, itim na boots, puting t-shirt sa ilalim ng black leather jacket ay di hamak na ilang milyon ang layo ng ganda at sex appeal sa aming dalawa ni Zoey!

Bahagyang natigil ang pagpisil sa akin ng katabi ko ng makitang dinaluhan ng mga ito ang nag-iisang lalaking nakaluhod ngayon sa kanyang motor habang suot pa rin ang helmet. Kumunot ang noo ko habang pinapanuod sila ilang dipa ang layo sa amin ni Zoey.

"Oh my God..." muling ulit niyang nagpailing na sa akin.

Gustohin ko man kasing umalis na, hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. At kahit siguro magyaya ako, hindi ako papayagang umalis ni Zoey sa tabi niya.

"Zoey–"

"Shh... Wait for it, Lana. Matagal kong inabangan 'to kaya just watch and wait..."

Sa paglihis ng ulo ko pabalik sa patuloy na tinatapunan ng atensiyon ng lahat ng naroon ay hindi ko na rin mapigilang mapalunok lalo na ng makitang wala nang helmet ang huling lalaki at kasalukuyan nang tinatanggal ang suot niyang itim na leather jacket!

It feels like my heart was stuck in my throat while I keep my eye fixated on the last guy. Kitang kita ko ang tribal tattoo nitong yumayakap sa kaliwang braso hanggang sa mawala ito sa loob ng sleeve ng kanyang puting t-shirt, hindi na masundan kung hanggang saan ang kanyang tattoo pero tingin ko'y patungo iyon sa kanyang dibdib.

I know they're all attractive at sapat lang na bigyan ng atensiyon, pero sa pagkakataong ito ay parang gusto kong magpasalamat na hindi ko hinila si Zoey palayo dahil kung hindi ay hindi ko makikita ang huling lalaki sa grupong iyon.

Pakiramdam ko'y bumagal ang pagkura ng mga mata ko habang pinapanuod siyang iangat ang upuan ng ginamit na motor at kalikutin iyon habang magkasalubong ang makakapal na kilay.

Ngayon ay ako naman ang napasinghap dahil sa kanyang side profile. Matangos ang kanyang ilong, makapal ang kilay at ang mga mata ay walang kasing seryoso't talim na tingin ko'y kahit walang problema sa harapan ay gano'n talaga ang intensidad kung tumitig!

Lumakad ang mga mata ko patungo sa kanyang tengang mayroong itim na hikaw. His hair doesn't have a clean cut like Riggwell pero wala iyong naging kaso dahil mas bumagay sa kanya ang pagiging rugged.

Kahit nga nasa malayo ay tila may kung anong elementong humihigop sa enerhiya ng katawan ko dahil lang sa pagtingin sa kanya! Nanunuyo ang lalamunan ko and for the first time, naging atat ako sa muling pagbukas ng bibig ni Zoey para ipakilala ito.

"Seidon..." lutang niyang sambit na mukhang nananaginip na kaya nilingon ko siya. "His name is Seidon Cesare... The one and fucking only..." mabagal at punong-puno ng paghanga niyang pagpapatuloy dahilan para bumalik ulit ang titig ko sa lalaki at tuluyan na ring matulala't mamangha rito.

~~~~~~~~~~~~

Follow all my social media accounts to be updated.

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : CengCrdva/Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro