Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FOREWORD

FOREWORD


Ang kwentong ito ay tumatalakay o sumasalamin sa ating mga sarili. Tulad sa mga nangyari sa kwento, may sarili tayong pagiisip na siyang magdedesisyon sa magiging kinabukasan mo.

Ang pagiging fubu thingy nina Yara at Vin ay desisyon nila pareho ngunit sa usaping ito dapat inihanda nila ang mga sarili sa posibleng mangyari tulad nang pagkabuntis.

May desisyon tayo sa buhay na dapat pati ang kinalabasan ay panindigan natin at wag takasan.

Ipinakita din dito sa kwento ang isang pagsasamahn ng tunay na kaibigan na kailanman ay hindi ka iiwan. Ngunit ang paglihim o pagsikreto sa iyong mga kaibigan ay may hindi na magandang maidudulot.

Ang ginawang paglihim ni Yara tungkol kay Vin ay muntikan ng sumira ng pagkakainigan nila ni Lia nang biglaang malaman na lang niya na magkarelasyon ang dalawa.

Naipakita dito na kahit anong manyari ay babalik pa rin tayo sa mga magulang natin. May mga bagay man tayong naggawa ngunit maluwag at bukas ang mga kamy nang magulang natin para sa pagbabalik natin.

Huli man na napagtanto ni Yara kung bakit hati ang atensyon ng magulang niya sa kanya at sa kapatid ngunit palagi nating tandaan na walang magulang na hindi mahal ang anak. Pero ibang usapin na po ang mga may magulang na inaabuso ang kanilang anak.

Dito rin makikita na lahat tayo may pinagdadaanan ano man ang kinatatayuan natin sa lipunan. Artista ka man o kahit janitor lahat tayo ay may sariling kwento katulad nang kay Vin na nagmula sa isang broken family.

Si Vin ang nagpatunay, na sa kabila ng sakit at pinagdadaanan natin ay kailangan nating magpatuloy sa buhay.

Nawa'y sa pagtatapos nitong kwento ay may kapulutan kayong aral at iyon ay isabuhay.

Hindi man maganda ang naging kwento ng pagmamahalan nina Yara at Vin pero palagi nating tandaan na sa buhay natin ay may dumadating at may umaalis rin.



MISTERCAPTAIN
Professor

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro