EPILOGO
EPILOGO
VINCENT LOPEZ
Umiiyak ang kapatid kong si Vance habang pinapapili siya nina Mom at Dad kung kanino siya sasama. Ngayong tuluyang maghihiwalay na ang mgaulang namin ay nakasalalay kay Vance kung kanino siya sasama.
Kung pipiliin niya si Dad, mapupunta ako kay Mom pero kung pipiliin niya si Mom, kay Dad ako mapupunta.
Sampung taon na si Vance habang ako naman ay katorse anyos na. Pero sinong magaakala na mayaman nga kami pero humantong kami sa ganitong sitwasyon na kung saan masasambit mo ang katagang 'broken family'
Pili kong itinago ang emosyon at wag magalit sa magulang ko dahil sa paghihiwalay nila pero lumipas ang faon ay natanggap ko na lang rin na wala na talaga.
Si Vance ay lumaki sa puder ni Mom at ako naman ay sa puder ni Dad. Matapos nina Mom at Dad maghiwalay ay palno ni Dad at sa ibang bansa na tumira kung saan nandun sina Lolo at Lola pero hindi ako pumayag.
Sa halip na sumama kay Dad sa ibang bansa ay mas pinili kong manirahan dito sa Pilipinas na magisa sa murang edad.
Suportado naman ako sa pagaaral ni Dad. Lahat ng luho at kagustuhan ko ay natutumabasan ng pera na pinapadala niya pero hindi nga lang ng pagmamahal.
Tumuntong ako sa kolehiyo ay doon ako nagkaroon ng komunikasyon sa kapatid ko na si Vance. Minsan kasi kaming nagkita sa isang coffee shop at doon kami nagpalitan ng number at address kung saan ako nakatira.
Minsan niya akong kinumbinsi na umuwi o sumama na sa kanila ni Mom pero hindi ako pumayag dahil sa loob ng napakaraming taon ay nasanay na lang din ako na magisa, na walang kahit isa na nagmamahal at nagaalaga.
Secong year college ako sa kursong BSN (Bachelor of Science Nursing) nang may lumapit sa akin at nagoffer na kukunin daw nila ako para sa entertainment company nila. Noong una ay pinagisipan ko ang bagay na iyon hanggang sa tuluyan nga akong nakumbinsi at um-oo.
Sa pagpirma ko sa kontrata ay doon ko nakilala si Frederick at Adam na kalaunan ay naging kaibigan ko at kasama ko sa buong career ko.
Kadalasan ay si Adam ang kasama ko dahil parehas kaming mambabae at manood ng porn. Hindi tulad ni Fred na parang Santa na kahit isa sa mga kalokohan namin ay hindi niya naggagawa pa.
Sa sobrang inosente nga ni Fred ay hindi pa siya nakakapasok sa kahit anong club or bar dahil palagi siyang busy na abutin ang pangarap.
Pagkatapos kasi ng shooting niya para sa mga telyeserye ay nagaaral siya dahil ang sabi niya ay pangarap niyang maging teacher.
Nagpatuloy ang career ko at habang tumatagal ay dumadami ang fans ko. Sa sobrang dami ng sched ko ay napilitan na lang din akong magonline class katulad ni Fred. Hindi na rin kasi kakayanin lalo na't dinusunog minsan ako sa University.
Naglabas ako ng unang album at nagkaroon ng unang concert na naging matagumpay naman. Nang makagraduate ay doon ako namili kung sino ang mas matimbang sa akin.
Kung magahahanap ba ako ng trabaho gamit ang course na kung saan ako nakagraduate o magpapatuloy ako sa career ko bilang popstar.
Ang career ko bilang popstar ang naging matimbang sa akin sa huli. Kasama ang mga fans ko doon ko naramdaman ang pagmamahal at pagaalaga na matagal kong hinahanap sa magulang ko.
Kung minsan man ay nakakakatanggap ako mg bash pero sa huli mas nananaig sa akin ang pagmamahal ng fans ko na walang katumbas.
Ang naging problema ko nga lang ay palagi ako lulong sa bisyo. Palagi akong laman ng mga bar at club kasama si Adam. At kasalasang may mga babae, kung hindi babae kaaway.
Bukod sa pambabae at alak ay nagdodroga ako na binibili ko mismo sa magulang ni Dana, yung sikat na artista na kalove team ni Fred.
Sa mga bisyo kong iyon ay palaging galit ang manager ko at pati ang entertainment. Hindi naman nila ako maggawang alisin dahil malaking kawala sa kanila ang isang tulad ko na nagdadala ng malaking pera sa kumpanya nila.
Palabas ako ngayon ng bar. Hindi ko kasama si Adam dahil wala siya sa mood na samahan ako.
Nabigla naman ako nang biglang may humawak sa kamay ko. Paglingon ko ay akala ko chicks pero isang matandang babae.
"Mahahanap at matatagpuan mo ang babaeng mamahalin ka at aalagaan ka pero masasaktan mo siya." tumawa naman ako sa matandang babae dahil sa aming dalawa ay mukhang mas gumagamit siya ng droga.
"Sexstar, ang tawag sa mga taong may kakaibang katangian. Kung minsan naman ito ay ginagamit ng mga tao para itawag sa mga taong mahal nila." dugtong ng babaeng matanda at napailing na lang ako. Nakadroga nga talaga siya.
Pero nagkamali ako sa inisip ko sa matanda dahil nahanap at natagpuan ko ang babaeng mahal at inaalagaan ako at iyon ay si – Yara.
Hindi maganda ang naging simula namin pero sa huli ay naging maayos iyon. Sa katunayan ay kilala siya ng manager ko at maski ng boss ko. Natutuwa sila sa akin dhail malaki ang pinagbago noong dumating si Yara sa buhay ko.
Pero isa sa hindi makakalimutan ay sa tuwing hihingi siya ng tulong sa akin tungkol sa pag-aaral niya. May mga subject kasi siya na subject ko rin noong college ako kaya hindi ako nahihirapan na turuan siya.
Basta paggising ko isang araw ay natigil na ang pambababae ko, paginom ng alak at pagdodroga na ikinatuwa rin nina Adam at Fred.
Ang lahat ng tungkol sa amin ni Yara ay alam ng mga taong malalapit sa akin at isa na doon ang kapatid kong si Vance.
Sa tuwing nagkikita o nagkakausap kami ay palagi kong nakwekwento sa kanya si Yara. Hanggang sa tuluyan kong inamin kay Vance na mahal ko si Yara.
Mahal ko si Yara pero natakot ako sa nangyari kina Fred at Tin kaya dumistansya ako sa kanya at doon ko nakilala si Lia, na kaibigan niya.
Sa halip na ituon ko ang pagmamahal at atensyon ko kay Yara ay naisip ko na mawawala rin iyon kapag nakahanap ako ng ibang babae.
"Vincent this is my bestfriend, Yara. And Yara this is my boyfriend, Vincent." pagpapakilala ni Lia kay Yara.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Yara at nakita kong nasaktan at nabigla siya sa sitwasyon ngayon pero pinagpatuloy ko pa rin ang relasyon sa amin ni Lia hanggang sa napagtanto ko na mali ang ginagawa ko.
Bukod sa ginagamit ko si Lia ay nasisira ko ang pagkakainigan nila ni Yara.
...
"Mukhang stress ka Kuya ah." bungad ng kapatid ko na si Vance sa akin. Nandito ako ngayon sa condo unit niya dahil iniiwasan ko nga si Yara.
"May drugs ako dito." aniya at napalunok ako sabay tingin sa hawak niya.
Noong araw na iyon ay hindi ako nakapagisip ng tama at tuluyan akong naakit sa droga. Kinuha ko ang drogang hawak ni Vance at agad iyong sinighot.
Ilang araw pa ang nakalipas ay patuloy ako sa paggamit ng droga hanggang sa tuluyan akong nawala sa katinuan. Ang huling naalala ko na lamang ay pinatay ko ang anak namin ni Yara.
Noong gabing tumakas si Yara ay sinubukan ko siyang habulin pero hindi ko naggawa dahil nahimatay ako. Paggising ko ay nasa hospital ako at sinabing na overdoze ako dahil sa sobrang paggamit ko ng illegal na droga.
Sinubukan kong hanapin si Vance dahil may kasalanan niya kung bakit nangyari ito sa akin. Kapatid ko siya pero sinira niya ako.
Ipinasok ako ng manager ko sa rehabilitation center at doon ako namuhay ng tatlong taon. Lalabas na sana ako sa ikatatlong taon ko pero humiling ako na manatili muna sa loob ng tatlong taon dahil hindi ko pa kayang harapin ang naggawa ko sa labas.
Limang taon sa rehabilitation center at paglabas ko ay halos wala ako sa sarili. Noong nawala sa akin si Yara ay naubos ako, parang walang natira.
Sinubukan kong hanapin si Yara pero hindi ko siya mahanap kaya nagfpcus na lang ulit ako sa career ko gaya ng sabi sa akin ng Manager ko.
Pero after eleven years ay muli kaming nagkita ni Yara at sa concert ko pa mismo. Halos maiyak ako noong makita ko siya. Sinubukan kong pigilan ang emosyon ko pero hindi ko rin naggawa lalo na noong kinanta ko 'Ghost' na tumutukoy mismo sa kanya.
Ang concert ko ay inialay ko talaga para kay Yara at sinong magaakala na sa concert na iyon ay nandun siya mismo.
Matapos ang araw ng concert ko ay sinundan ko siya. Inalam ko ang lahat at doon ko nalaman na engaged na siya sa kapatid ko na si Vance.
Nang dahil sa nalaman ko ay pilit kong kinausaap si Vance at pinaamin sa kasalanan niya. At totoo ang nasa isip ko. Na plano niyang sirain ako dahil mahal niya si Yara.
Nauna niyang mahalin si Yara noon pa man pero naggalit siya sa akin dahil ako ang minahal ni Yara.
...
Babawiin ko si Yara. Alam kong mahal niya pa ako kaya pilit ko siyang hinabol at sinuyo para makausap siya ng maayos tungkol sa nakaraan namin.
Sa minsang pagpunta ko sa office ni Yara ay naabutan ko doon si Mom at nakiusap na hayaan na si Yara at ang kapatid ko.
Sobrang nasaktan ako doon dahil anak din niya ako at kahit kailan ay pagmamahal niya ang hinahanap ko pero ngayon ay nakikiusap siya para sa kapatid ko na para bang hindi niya ako anak.
"Kung totoong hindi na ako ang mahal mo. Tumalikod ka ngayon sa akin na siyang nangangahulugan na totoo ang sinasabi mo. Iwan mo ako ngayon din dito at wag nang lilingon pero kung hindi yakapin mo ako ng mahigpit."
"Hindi ako napagod mahalin ka. Hindi rin ako nagsisisi na minahal kita. Nagkamali ako ng pagpili ng taong mamahalin ko."
"Ikaw yung pagmamahal na ng sakit sakit.
Ikaw yung pagkakamali na kailanman ay hindi ko uulitin.
At ikaw yung pagmamahal na gusto ko nang kalimutan."
"Hindi na ikaw ang mahal ko."
Muli akong nagsalita at hinawakan ang kanay ni Yara para pigilan siya sa pagalis. "Yara, nagmamakaawa ako sa iyo. Alam kong mahal mo pa ako."
Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya. At muli siyang nagsalita na pinaka ayaw kong marinig.
"Hindi na kita mahal." sambit niya at mas umiiyak ako dahil doon.
Dahan dahan siyang tumalikod at nagsimulang maglakad palayo. Ni hindi niya ako nilingon o sinulyapan man lang at tuluyan ng umalis na ibig sabihin ay hindj na talaga ako mahal ni Yara.
Nang araw na iyon ay dumiretso ako sa bar at doon nagpakalunod sa alak. Ilang oras ako doon at inilabas ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Pero napaaway ako dahil sa kalasingan kaya pinaalis at pinalabas na ako sa bar. Sumakay ako sa sasakyan ko at nagdrive kahit lasing.
Habang nagdadrive ay binalikan ko ang alaala namin ni Yara. Sa kung paano niya ako minahal at kung paano ko siya minahal.
Ilang sandali pa ay naaninag ko ang isang truck na kasalubong at ang sunod na nangyari ay bumangga iyon sa sasakyan ko.
May malay pa ako noong dinala ako sa hospital at ang tanging iniisip ko lang ay si Yara. Pangalan niya ang pinagangbanggit ko.
Marami akong naggawang mali sa buhay ko pero gusto ko lang naman na mahalin ako.
"Yara, mahal na mahal kita."
Unti-unting nagpakita ang masasayang alaala ko at naramdaman ko na ang katapusan ko.
"She's my universe, my love, my Yara."
MISTERCAPTAIN
Professor
Salamat sa pagbasa at paghintay palagi ng update.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro