Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 50: MRS. LOPEZ

CHAPTER 50
MRS. LOPEZ


Darating ang araw sa buhay mo na matatagpuan mo yung taong gustong gusto mo at mahal na mahal mo pero sa huli kailangan mong palayain at pakawalan.

Nakakatawang isipin sa kung paano nagsimula ang istorya naming dalawa. Sa loob ng isang bar hanggang sa nauwi sa condo unit niya. Magsesex sana kami pero nawalan ako ng gana dahil hindi niya tinanong ang pangalan ko kaya pinakanta ko na lang.

Ang mga sumunod na nangyari ay para kaming aso at pusa dahil parehas kaming bitch. Hindi nagtagal ay nagkasundo kami na maging magkaibigan.

Dakilang sikat na popstar siya ng bansa pero naging driver ko lang at tagaluto. Na kalunan ay nakagaanan ko ng loob.

Nagbakasyon kami sa Calagua Island na kung saan sinolo namin ang buong isla. Isinama niya ako sa Awarding Ceremony at doon niya kinanta ang paborito kong kanta na Always Be My Baby.

Magandang alaala na hindi ko makakalimutan. Pero sa panibagong yugto at panibagong araw, buwan at taon ay mas mapapalitan iyon ng panibagong alaala.

"You may now kiss the bride." ang sabi ng pari.

Unti-unting tumulo ang luha ko ng alisin niya ang belo sa harap ng mukha ko. Sobrang saya ko lang talaga na sa dami ng pinagdaanan ko ay darating din pala ang araw na ito.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako. Matapos nun ay pinunasan niya ang luha ko.

"I love you Yara." sambit niya at hindi ko maiwasan na kiligin.

"I love you too Adrian Lopez." sabi ko naman at mas hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

Sinenyasan kami ng photographer na magpipicture at nagpose kami pareho. Nakailang shot pa sa amin at ang huling kuha ng larawan sa amin ay nakahalik si Adrian sa noo ko.

Nagpicturan pa kami kasama ang buong pamilya. Nasa unahan namin pareho ni Adrian sina Victoria at Russel na magkahawak ng kamay.

Ilang minuto ang tinagal ng picturan hanggang sa nagpaalam na kami sa lahat at maging sa kambal bago sumakay sa wedding car.

Apat na taon na ang nakakalipas noong malaman ko ang totoo. Masakit man pero wala akong maggagawa kundi tanggapin ang katotohanan.

•••

Huminto ang sasakyan at pumasok kami sa isang building. Ilang sandali pa ay ipinakita na nila sa akin si Vin.

Napaluhod ako ng wala sa oras habang umiiyak.

"VIN." sigaw ko.

Noong pagpasok namin dito sa Colimbarium ay akala ko ay may kakausapin or may dadalawin sina Paul at Lia pero hindi dahil dinala nila mismo ako sa tapat ng isang cremation jar na kung saan may pangalan ni Vin.


VINCENT LOPEZ

Born: January 25, 1988
Died: November 27, 2021


Napatakip ako sa bibig ko habang umiiyak. Matapos nun ay tumalikod ako at ayaw iproseso ng utak ko ang nasa harapan ko.

Ngayon naalala ko na kung ano ang nangyari noong pumasok ako sa operating room bago ako mahimatay.

Hinawakan ko ang kamay ni Vin at pati ang mukha niya. Hinihiling na sana ay maggising at mabuhay pa siya. Ang huli kong ginawa bago ako tuluyang mawalan ng malay noon ay niyakap ko ang walang buhay na katawan ni Vin.

"I'm sorry Vin." sambit ko na lamang.

Hindi ko alam kung napakasama ko bang tao para mangyari ang lahat ng ito sa akin. Naging masama ba ako nang dahil mas pinili kong hindi muna ipakilala kay Vin ang anak namin.

Sobrang masama ba ako dahil hindi ko kaagad pinaniwalaan ang sinabi ni Vin. Sobrang masama ba ako dahil ako mismong naturingan na Doctor pero hindi ko naggawang buhayin siya.

Matapos ng mga nangyari ay wala na aking naging balita kay Doc Lopez at maging kay Vance.

•••

"Are you okay Hon?" tanong sa akin ni Adrian at ngumiti ako.

"Ok lang ako." sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa pupuntahan namin. Pinagbuksan ako ni Adrian ng pinto at inalalayan na makababa sa sasakyan dahil mabigat ang gown na suot ko.

Pagpasok sa Columbarium ay kami mismong tapat ng cremation jar.

"Hi Vin! Kasal na kami ni Yara. Alam kong mahal mo siya pero mahal ko rin siya." natawa ako sa sinabi ni Adrian at hinampas siya sa braso.

Sa tuwing pupunta na lang kami dito ay palagi niyang sinasabi ang katagang 'alam kong mahal mo siya pero mahal ko rin siya'

"Hello Vin, kasal na ako. Kung nasaan ka man ay alam kong masaya ka. Itong katabi ko ngayon ay ang pinakamamahal ko lang naman na asawa." pagkasabi ko nun ay hinalikan ko si Adrian sa labi.

Ilang minuto pa ang itinagal namin hanggang sa napagpasyahan na namin na umalis na.

Nakilala ko si Adrian sa hospital.

Isa siyang pasyente ng katrabaho kong doctor. Minsan kasi akong hiningan ng advise tungkol sa kalagayan noon ni Adrian at iyon ang unang beses namin na magkita.

Lumipas ang buwan ay nalaman kong gumaling at nakalabas na siya ng hospital. At nabigla na lang ako isang araw na kunatok siya sa pintuan no office ko at nagpakilalang Adrian Lopez

Noong araw na iyon ay mukhang pinaglalaruan talaga ako nga tadhana dahil bakit ba ako napapalibutan ng mga Lopez.

Ang una ay si Doc Lopez na magulang nina Vance at Vin. At ngayon isang Lopez na naman ang nasa harapan ko.

Ayokong magulo ang mundo ko kaya naman tinanong ko kaagad siya kung anong koneksyon niya kina Doc Lopez, Vance Lopez at Vincent Lopez. Ang sabi niya ay wala.

Ilang buwan siya na papunta punta sa hospital. Hanggang sa nakuntento ako at napatinayan ko na wala talaga siyang koneksyon sa kahit kaninong Lopez na nabanggit ko sa kanya.

Nagsimula akong kilalanin siya hanggang sa pumayag ako na ligawan niya ako.

Totoo pala ang sinabi nila na wala sa dami ng taon na kasama mo ang isang tao para mahalin siya. Walang rason o kahit anong dahilan para mahalin siya.

Alam lahat ni Adrian ang tungkol sa akin. Ang pagiging sex addict ko noon, ang tungkol kay Vin at Vance at pati sa mga anak ko. At lahat mg iyon ay tinanggap niya na walang pagaalinlangan.

Pero may isa lang na palagi niyang hindi sigurado sa akin at iyon ang pagmamahal ko sa kanya.

Kadalasan kasi na iniisip niya na mas mahal ko si Vin kaysa sa kanya. Natatawa na nga lang ako dahil pati patay ay pinagseselosan niya.

"Mahal mo talaga siya noh." sabi ni Adrian at inirapan ko siya.

"Ilang beses ko bang sasabihin na mas mahal kita. Ilang beses ko bang patutunayan na naka move on na ako kay Vin at ikaw ang pinakamahal ko, asawa ko." pagdidiin ko sa huling dalawang salita.

...

Matapos ang kasal ay ipinaliwanag ko kina Russel at Victoria ang tungkol sa tunay na ama nila.

Noong una ay akala ko magagalit sila sa akin pero hindi. Naiyak lang sila at niyakap ako. Nagpapasalamat talaga ako kay Adrian dahil tinulungan niya akong ipaliwanag at ipaintindi sa kambal ang bagay na iyon.

Isang buwan ang nakalipas matapos ang kasal namin ni Adrian at nandito kami ngayon sa lugar kung saan huli kaming nagusap ni Vin.

Inabot sa akin ni Tin ang cremation jar matapos nilang kumuha ni Fred ng abo ni ni Vin at itinapon sa kawalan.

Napagalaman ko rin na si Vin ang naging wedding singer noon sa kasal nina Tin at Fred.

Bumuntong hininga ako at itinapat ang cremation jar sa kambal. Kumuha sina Russel at Victoria ng abo sa loob ng cremation jar ni Vin at sabay nila iyong sinaboy sa kawalan.

"Goodbye Papa Vin, be happy in heaven." sabi nilang dalawa.

Tumingin ako kay Adrian at kumuha na rin siya ng abo at ang natitira ay kinuha ko at naming sinaboy iyon sa kawalan.

"BE FREE VIN. YOU'LL NEVER BE FORGETTEN." sambit ko sa isipan.

He's my first love but not my greatest love.









MISTECAPTAIN
Professor

ISANG MAHALAGANG PAALALA NA ANG STORY NA ITO AY LAST YEAR (2021) PA NATAPOS.

Epilogo, Special Chapter, Facts and Explanation at MisterCaptain's Note ang mga susunod na mababasa niyo.

Magmemention din po ako ng top 5 readers na nagustuhan ko ang mga theory or comments sa buong story na ito.

Maraming maraming salamat sa pagsubaybay sa istoryang ito. Nawa'y nagustuhan at may natutunan kayo.

Mababasa niyo po sa Epilogo ang POV ni Vin. May scene din doon na naunang nakainteract ni Vin ang matandang humawak noon sa kamay ni Yara.

May post din po ako sa FB Page, pakitingin na lang.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro