CHAPTER 42: WAG
CHAPTER 42
WAG
"Anong ginagawa mo dito?" malakas at galit kong tanong. "Sinabihan na kita Vin na wag mo na akong guluhin. Ano bang mahirap dun intindihin?" inis kong sabi sa kanya.
Pero sa halip na magsalita ay agad niya akong niyakap na kahit pilit kong itulak siya ay hindi ko maggawang makawala sa yakap niya.
"I'm sorry, hindi ko ginusto yung nangyari."
"Tapos ka ba ng sorry mo? Pwede ka ng lumabas." sabi ko at laking pasasalamat ko nang lumuwag na ang pagkakayakap niya at lumayo na ako sa kanya.
"Sexstar." maamo niyang sabi at hindi ko namalayan na umiiyak ako. Putounge-inang sexstar na yan.
"Lumabas ka na please habang nakakapagtimpi pa ako Vin dahil kung hindi tatawag ako ng guard." banta ko.
Nagsalubong ang mata namin at nakita ko ang pagtulo ng luha niya kasabay nang pagtalikod sa akin. Naglakad siya palabas ng office ko at ako naman ay naiwan na umiiyak rin at naguguluhan.
Ilang minuto ang nakalipas nang magpasya akong ayusin ang sarili. Matapos nun ay kumatok sa pintuan at bumingad sa akin ang isang nurse at sinabihan na magsisimula na ang operation thirty minutes before.
Ikinalma at inihanda ko sarili dahil magoopera aki mayamaya lang. Ayokong maapektuhan ng emosyon ko ang trabaho ko bilang doctor.
Bago pumasok sa Operating Room ay bumuntong hininga ako at nagdasal na sana maging success nitong operasyon ngayon.
Dalawa hanggang tatlong oras inabot ang opera ko sa pasyente at nagpalakpakan ang lahat nang matapos ang operasyon dahil naggawa namin sa saktong oras ang opera.
Nang makalabas ng Operating Room ay sinalubong ako ng magulang ng pasyente at sinabi kong success ang operasyon.
Katulad ng nakasanayan ay niyakap nila ako at labis na nagpasalamat. Sinabihan ko naman sila na babantayan pa namin ang kondisyon ng anak nila at sa ngayon ay hintayin na lang muna nila ang paggising ng pasyente.
Naglakad akong papuntang washroom at inayos ang sarili. Pagkatapos ay lumabas na rin at dumiretsong cafeteria para kumain.
Magisa lang ako sa table na kumain pero hindi sa akin nakalagpas ang mga grupo ng mga nurse na nasa kabilang table lamang na pinaguusapan si Vin.
"Alam mo ba yung Ghost: The Last Concert, huling peroformance na daw yun ni Vin at kailanman ay hindi na babalik sa showbiz."
"Hindi noh, tsismis lang yan pero sa tingin ko ay hindi tayo iiwan ni Fafa Vin."
"Pero feeling ko kay punto ka, na baka yun na nga ang huling appearance ni Vin sa showbiz. Wala pa kasing nilalabas ang Manager at Company niya tungkol sa kanya. At kahit ang media ay hindi alam kung nasaan ngayon si Vin."
"Baka may someone na, you know something na gusto niya tapos magpapakasal sila."
Binilisan ko ang pagkain ko dahil mukhang hindi na ako tatagal sa pakikinig ng mga tsismis nila. Nagiging Marites na naman ako.
Pagkatapos kumain ay nagsimula na akong maglakad pabalik sa office ko. Peeo napahinto ako sa parteng lobby nitong hospital kung saan nagkukumpulan ang maraming pasyente na bihira lang mangyari.
Naglakad ako papunta doon at nakita kong may pinapanood sila sa gitna habang ang iba ay sinasabayan ang pagkanta.
ALWAYS BE MY BABY
We were as one, babe
For a moment in time
And it seemed everlasting
That you would always be mine
Naglakad ako paunahan nang marinig na familiar ang boses nang nagkakanta. Pagtingin ko ay nakita ko si Vin na nakamask na hawak ang isang simpleng gitara at ngayon ay kumakanta.
Now you want to be free
So I'm lettin' you fly
'Cause I know in my heart babe
Our love will never die
No you'll always be a part of me
I'm part of you indefinitely
Girl don't you know you can't escape me
Oh darlin' 'cause you'll always be my baby
And we'll linger on
Time can't erase a feelin' this strong
No way you're never gonna shake me
Oh darlin' cause you'll always be my baby
Inilibot niya ang tingin sa mga pasyenteng nakikinig at sumasabay sa pagkanta niya pero mayamaya ay nahahip ng mata niya ako at nanatili nanlang sa akin ang tingin.
Inirapan ko siya at umalis na. Ang dami niyang pakulo sa buhay.
...
Isang operasyon pa ang tinapos kani-kanina lang. Napahawak ako sa batok at iginalawa iyon pakanan sunod pakaliwa. Medyo masakit ang katawan ko dahil sa pagod ngayong araw.
Tumunog ange cellphone at may video call galing kay Vance.
"Hey! How are you?" tanong ni Vance.
"Eto pagod, kakatapos ko lang magopera."
"Puntahan kita dyan." sabi niya.
"Wag na, wapang magbabantay kina Victoria at Russel. At tsaka sigurado naman akong makakauwi ako bukas. Sunduin mo na lang ako bukas."
"Ok, Sige magpahinga ka na. Tawagan na lang kita mamaya o bukas. I love you Yara." aniya
"I love you too Vance."
Nang matapos ang video call ay nagtext ako sa isang staff ng hospital na dalhan na ako ng pagkain dito sa office. Habang naghihintay ako ng pagkain ay pinagaralan ko muna ang opera na isasagawa ko bukas.
Hindi ko naman maiwasan na isipin at mamiss ang kambal. Sa pagigin doctor ay may mga pagkakataon talagang hindi ako nakakauwi dahil sa dami ng trabaho.
Hindi biro ang pagdodoctor lalo na't sa amin nakasalalay ang buhay ng pasyente. Kadalasan ay 50-60 hours ako dito sa hospital at nagvivideo call na lang sa mga anak ko sa bahay kapag may free time ako.
"Come in." sigaw ko nang may kumatok, baka pagkain ko na yun.
Abala pa rin ako sa pagbabasa ng records ng pasyente na ooperahan ko kaya hinayaan ko na pumasok at ilapag na lang ng staff ang pagkain ko sa table.
"Hindi ka pa kumakain. Nilutuan kita ng sisig." napaangat ako ng tingin at binitawan ang records na hawak ko nang marinig ang boses ni Vin.
Hindi siya mgayon naka face mask. Napatingin ako sa ilalim ng mga mata niya na maitim na at nangangahulugan na puyat ito.
"Hindi ko kakainin yan." maldita kong sabi at inalis ang tingin sa kanya. "Makakaalis ka na." dugtong ko pa.
"Anong pwede ko gawin Yara para kausapin mo ako ng maayos?" natigil ako sa ginagawa pero nanatili pa rin akong nakayuko at pinakikinggan ang sinasabi ni Vin.
"Kung gusto mo ako sampalin, sampalin mo ako. Kung gusto mo lumuhod ako sa harapan mo, gagawin ko." sa sinabi niyang iyon ay alam kong nasasaktan siya.
Nakita ko ang pagtalikod niya at nang makarating sa pinutan ay binuksan niya ang trash bin at itatapon sana ang pagkain na niluto niya para sa akin pero pinigilan ko siya.
"Wag, kakainin ko." pagpigil ko kay Vin at napalingon siya sa akin at tila sinisiguro kung tama ba ang narinig niya.
"Kakainin ko yung niluto mo." sabi ko.
Naawa lang ako kay Vin at sayang rin ang niluto niya. Marami ang nagugutom ngayon at walang ibang ibig sabihin o rason ang pagpigil ko sa kanya.
MISTERCAPTAIN
Professor
Salamat sa paghintay at pagbasa.
May ni-post ako sa fb page tingnan niyo na lang hehehe.
Magu-update po ako mamayang 10pm-11pm.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro