Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 40: SEXSTAR

CHAPTER 40
SEXSTAR

    
To: Sexstar
I'm sorry, please forgive me. I love you.

       
Matapos mabasa ang nakasulat sa poster ay muli na namang tunulo ang luha ko. Paano naggawang isukat ni Vin ang 'iloveyou' doon.

Minahal ba niya ako? Kasi sa pagkakatanda ko ay umiwas siya noong umamin ako sa kanya at ang malala pa ay iniwasan at sinaktan niya ako.

Hindi ko itinapon ang psoter, sa halip ay tinago ko ito sa gamit ko.

Napabuntong hininga ako sabay higop sa kape dahil iniisip ko na naman ang nangyaru kagabi. Napa angat ako ng tingin nang bumakas anh pintuan at bumungad sa akin si Nurse Jona na may hawak hawak na bouquet.

"Good Morning Doc. Yara." bati niya sa akin at naglakad papalapit sabay bigay ng bouquet na hawak. "May nagpapabigay po." aniya.

Kinuha ko ang bouquet at ngumiti sa kanya. Baka galing kay Vance. Nang makalabas siya ay tsaka ko lang tiningnan ang card. Agad ko itong naibagsak nang mabasa ang nakasulat sa bouquet.

To: Sexstar
From: Vincent

Napaupo ako sa upuan at napahawak sa noo. Anong nangyayari? Bakit may ganito? Anong gusto ni Vin?

Hindi na niya kailangan na guluhin ako lalo na't hindi na siya ang mahal ko. Ikakasal na ako kay Vance at dapat hindi na siya nakikisawsaw sa buhay ko.

Kinuha ko ang nalaglag na bouquet at itinapon iyon sa trash bin. Muli akong naupo at humihop sa kape ko pero tila may magnet ang mata ko at napinta na naman ito sa bouquet na nasa basurahan.

Lumipas pa ang ilang pras at natapos na ako sa shift ko. Tumawag at nagtext ako kay Vance na pupunta ako ngayon kina Mom at Dad kasama ang kambal atoumayag siya. Ang sabi pa niya ay susunduin niya ako at siya na daw ang maghahatid sa amin.

Kinuha ko ang gamit at naglakad na papuntang ground floor. Habang naglalakad ako ay nagpaalam na rin ako sa mga katrabaho maging sa mga pasyente kong nakasalubong na nagpahangin at sa may lobby ng hospital.

Tanaw ko na ang guard sa entrance nitong hospital nang biglang may humiklat sa akin. Agad akong nataranta pero laking gulat ko nang makita ko si Vin na naka-cap.

Umatras ako palayo sa kanya pero lumapit siya sa akin.

"Wag ka sa aking lalapit. Sisigaw ako." banta ko sa kanya at doon unti unting tumulo ang luha ko.

"Please Yara, pakinggan mo naman ako." nagmamakaawa niyang sabi at lumapit sa akin.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Ipinulupot niya ang kamay sa beywang ko habang nakasuksok ang mukha niya sa leeg ko.

Sinubukan ko siyang itulak pero mas malakas siya kaya hinayaan ko na lang din. " Magpapaliwanag ako Yara." einig kong sabi ni Vin at may naramdaman akong likido sa may leeg ko na maaring luha niya.

Humiwalay naman siya sa akin nang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si Vance at sinagot ko iyon.

"Nandito na ako sa labas ng hospital."

"Ahh okay, palaabas na rin ako. Dyan mo na lang ako hintayin." sagot ko at agad na pinatay ang tawag.

Isinilid ko ang cellphone sa bag at matapos nun ay nagtama ang mata namin ni Vin. "Lumayo ka na Vin. Wala na akong pakialam sa iyo. Masaya na ako sa buhay ko." matapang kong sabi at binuksan na ang pintuan para lumabas.

Habang naglalakad ay hindi ko alam kung bakit umiiyak ako. Napalingon muli ako sa likod at nakita kong lumabas na rin si Vin sa room na pinanggalingan naming dalawa. Nakayuko siya pero nagtama pa rin ang mga mata namin.

Pinahid ko ang luha ko nang mabilisan nang matanaw ko si Vance sa labas na may kausap na pasyente na nakaupo sa wheel chair.

Agad naman na iwinagayway ni Vance ang kamay nang makita ako. Patakbo akong lumapit sa kanya at sinalubong siya ng yakap. Hinalikan niya ako sa pisngi at namula anman ako sa hiya nang mapagtantong nakatinginang ilan sa amin.

"I miss you Yara." aniya at hinalik halikan ako sa sentido ng ulo. "I miss you too Vance." sabi ko at hinalikan siya sa labi.

Sandali pa kaming nakipagkeentuhan sa pasyenteng kausap niya at kalaunan ay nagpaalam na rin.

Magkahawak ang kamay namin ni Vance na naglakad papuntang sasakyan niya pero laking gulat namin nang may lumapit sa amin na isang matanda at biglang hinila ang kamay ko.

"May mamamatay. Hindi matutuloy ang kasal." nakakatakot na sabi ng matanda at kumunot doon ang noo ko.

Binawi koa ng kamay sa kanya at sumakay na kami ni Vance sa sasakyan.

Habang nasa biyahe ay umakto akong parang wala lang ang sinabi ng matanda pero kakaiba ang naramdaman ko nang dahil doon. Ganun pa man ay pilit kong iwinaksi sa isipan ang nangyari dahil alam ko g ganun ang matandang iyon sa lahat nang nakakasalubong niya sa labas ng hospital.

"Mama...Papa." salubong sa amin nina Russel at Victoria nang makababa sa sasakyan. Agad silang nagmano sa aming dalawa at niyakap.

"Ready na po kami." sabi pa nang dalawa at pumasok sa loob ng bahay.

Nakapikupot ang braso ni Vance sa beywang ko nang pumasok kami sa bahay. Naabutan namin ang dalawa na naglalakad malapit s akinatatayuan namin na bitbit ang mga bag pack.

"Tinulungan ko na silang magimpake ng gamit dahil alam kong pagod ka." sabi ni Vance. Naglakad siya sa may sofa at kinuha doon ang isang ba na siguro ay gamit ko na ginayak niya.

...

"Thank you Vance. I love you!" sabi ko nang makababa kami nang mga anak ko sa sasakyan.

Nauna nang pumasok ang kambal habang ako naman ay kausap pa si Vance para magpaalam na. Hindi kasi namin siya makakasama ngayon dahil may aasikasuhin daw siya.

"I love you too Yara." sabi niya at hinalikan ako sa noo at labi.

"Wag kambg mahpakapagod. Magingat ka sa pagdrive at tumawag ka din sa akin mamaya." sabi ko.

"Yes Ma'am." parang bata niyang sabi at sumaludo pa. Matapos nun ay pinapasok na niya ako sa loob ng bahay bago siya tuluyang umalis.

"Sexstar anak." bungad sa akin ni Mom nang makapasok sa bahay. Hinanap ng mata ko ang kambal at nakita kong kausap nila si Dad.

"Mom." tawag ko at niyakap siya.

Nagaya si Mom na tulungan ko siya sa pagluto ng gabihan namin na ikinatuwa namin parehas. Partner kasi kami ni Mom pagdating sa kusina at matagal na rin ang huli naming pagluluto na magkasama.

Ang ingredients ay nakahanda na sa kusina at paliwanag ni Mom ay noong siguradong pupunta kami dito ay nagpabili siya ng mga ingredients ng paborito kong ulam na sisig.

Nasa kalagitnaan kami nang pagluluto nang maglakas loob akong magtanong kay Mom tungkol sa salitang 'sexstar'.

Tinanong ko siya kung bakit sexstar ang tawag niya sa amin ni Kuya Rowan at kung ano ang kahulugan nito.

"Ang salitang sexstar ay ginagamit o pinapantawag ng ilang tao para sa mga taong mahal nila. Kaya kapag tinawag kang sexstar ng isnag tao ay maaring dalawa ang kahulugan nito pero ang pagtawag namin sa inyo ng Daddy niyo na sexstar ay nangangahulugang 'mahal kita'"

Napaisip ako bigla nanv maalalang ilang beses kong narinig kay Vin ang salitang iyon. Ibig sabihin ba ay mahal ako ni Vin noon pa man?

Sa pagkakaalala at pagkakatanda ko ay bago ako tukuyang mahulog at umamin kay Vin ay palagi ko na sa kanya iyon naririnig.

"Ang mga tinatawag rin na sexstar ay nangangahulugang ikaw ay natatangi at walang kapareho na ibig sabibin ay may katangian sa iyo na nakita ang isang tao na wala sa iba." dugting na paliwanag ni Mom.

Bumilis ng bumilis ang tibok ng puso ko ngayon na alam ko na kung anong ibig sabihin ng sexstar.

Ibig sabihin ba ay mahal na ako ni Vin noon pa man pero bakit niya ako sinaktan?




       BB B

MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update. Nakalimutan kong sbaihin na hanggang Chapter 50 po ito. Ngayong week po ay siguradong tapos na ito. Baka bukas ay magupdate ako ng tatlo hanggang apat na chapter.

         
READ THIS:

Ang nasabing kahulugan po ng sexstar ay galing sa internet ngunit hindi ko kayo binabalaan ko sa pagsearch dahil baka iba ang lumabas.

Ang nabanggit na kahulugan ay sa isnag website lamang po natagpuan kung kaya ang pagtawag ng sexstar sa tunay na buhay hindi katulad dito sa istorya na nangangahulugan na hindi niyo ito pwedeng itawag sa kung sino man ng basta basta gayong ito ay may dalawang kahulugan.

Maaari itong makabastos sa ibang tao kapag ginamit ito dahil ang alam ng mga tao sa salitang sextar ay may magaling na karanasan sa pakikipagtalik.

    
WARNING: THIS IS NOT A TYPICAL STORY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro