Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 37: YES

CHAPTER 37
YES


Nakaleave ako ngayon sa trabaho dahil magcecelebrate kami ng 8th Anniversary namin. Buwan buwan naman kaming nagde date kasama ang anak namin pero iba ngayon dahil kami lang dalawa.

Sina Russel at Victoria ay nandoon ngayon kina Mom at Dad. Iniwan muna namin sila doon dahil walang magbabantay sa kanila sa bahay.

Magkahawak ang kamay namin ni Vance ng pumasok sa isang mamahalin na restaurant. Nang makapsok ay mukhang pinaghandaan talaga ito ni Vance.

Sandaling umalis si Vance at pagbalik niya may bitbit siyang malaking bouquet at ibinigay iyon sa akin. "Happy 8th Annivesary Babe." aniya at hinalikan ako sa pisngi sunod sa labi. "I Love You Yara." sabi niya pa at ngumiti ako.

"Happy 8th Anniversay and I love you Vance." ani ko.

Humiwalay na kami sa isa't isa at naupo. Ang lahat ng nasa table ay mga paborito kong ulam. Kahit kailan talaga ay hindi nagkamaling ibigay sa akin ni Vance ang mga gusto at paborito ko.

Habang kumakain ay naguusap kami. Binalikan namin ang mga memories namin na nakakatawa. Simula sa aming dalawa hanggang sa kasama namin sina Russel at Victoria.

Kalahating pras ang lumipas ay may tumugtog na violin sa harap namin. Laking gulat ko naman nang matunugan na ang tinutugtog ng lalaking may hawak ng violin ay ang paborito kong kanta.


ALWAYS BE MY BABY
by FELIX (Cover)


We were as one, babe
For a moment in time
And it seemed everlasting
That you would always be mine


Bigla kong naalala ang nakaraan. Nakaraan na kung saan kasama si Vin at si Vance. Sa kung paano kami magusap, magaway hanggang sa naging sweet siya sa akin at maalaga.


Now you want to be free
So I'm lettin' you fly
'Cause I know in my heart babe
Our love will never die


Sa kung paano kami magtulong ni Vin sa paglaba, pagluto ay paglinis. Sa kung paano siya tumugtog ng gitara at kakantahan ako hanggang sa makatulog.


No you'll always be a part of me
I'm part of you indefinitely
Girl don't you know you can't escape me
Oh darlin' 'cause you'll always be my baby

Sa kung paano kanyahin ni Vin ang paborito kong kanta na Always Be My Baby na kailan man hindi ako naumay. Sa kung paano ako yakapin niya kapag matutulog na. Sa kung paano niya ako halikan sa labi, noo at ilong.


And we'll linger on
Time can't erase a feelin' this strong
No way you're never gonna shake me
Oh darlin' cause you'll always be my baby


Lahat ng kay Vin at sa akin ay naalala ko nang dahil sa tugtog ngayon. Na kahit ilang taon na ang lumipas ay nanatili siya sa isip at puso ko.


Napatingin naman ako kay Vance na ngayon ay nakatayo sa harapan ko. "Yara, Maraming taon na ang nakalipas na pinagsamahan at pinagsaluhan natin. Sa mga taon na iyon sy mas lalo akong nakasiguro na ikaw ang babaeng gusto kong mahalin habang buhay."

"Yassy Raquel Guzman, Will you marry me?" tanong ni Vance sabay luhod. Tiningnan ko siya habang hawak hawak ang maliit na kahon na kulay pula at sa gitna noon ay isang singsing na kumikinang.

Ngumiti ako kay Vance. "I love you Vance and I will marry you." masaya kong sabi.

Agad na tumayo si Vance at niyakap ako. "It's a yes?" paniniguro niya pa at tumango ako. Matapos nun ay isinuot niya ang singsing sa daliri ko sabay halik sa labi ko.

Ito na ata ang pinakamasayang araw sa buhay ko.

...

Ang pagpropose sa akin ni Vance ay nagbigay muli nang pagbabago sa relasyon namin. Hindi na siya kasing strikto ay higpit noon.

Pinapayagan na rin niya akong makausap sina Lia at Paul. Nakakapinta na din ako sa bahay namin nang hindi kami nagtatalo.

Minsan pa kaming nagusap ay naghingi siya ng sorry. Naging mahigpit lang daw siya sa akin dahil natatakot siyang maagaw ako o makahanap ako ng iba. Sa sinabi niyang ay alam kong totoo iyon dahil seloso talaga siya.

Kasalukuyan akong nasa office ko dito sa hospital at kakatapos ko lang magopera. Humigop ako ng kape na binili ko sa vending machine bago ako pumunta dito sa office.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtatawag sa akin si Pat.

"Hello!" sagot ko.

"Hi! Yara. Busy ka ba?" tanong niya sa akin

"Hindi naman. Bakit?"

"Gusto ko sanang iinvite ka na manood ng concert. May extra ticket kasi ako dito." paliwanag ni Pat.

"Kailan ba?"

"Sa isang araw. Ok lang ba sa iyo?"

Tiningnan ko ang schedule notebook ko kung may gagawin ako sa araw na tinutukoy ni Pat. Pagtingin ko ay bakante ako ng araw na iyon.

"Wala akong trabaho sa araw na iyan kaya okay lang." sabi ko at narinig ko ang pag'yes' niya sa kabilang linya at napatawa na lang ako.

Nagusap pa kami ng konti ni Pat hanggang sa binaba na niya ang tawag.

Nitong nakalipas na araw ay nagkikita kami ni Pat. Nakagraduate na siya at ngayon ay may sariling trabaho. Siya ang madalas kong lumabas o pumunta sa mall dahil si Pat lang ang nandito sa Manila.

Sina Paul at Lia naman ay nakakausap ko at nakakavideo call pero hindi pa kami nagkikita kita dahil busy yung dalawa. Si Lia ay sa anak niya at si Paul naman ay sa trabaho.

Napatingin ako sa picture frame na nandito sa table ko. Dalawa iyon, ang isa ay picture na kung saan mahkakasmaa kami ng mga anak ko at ang isa naman ay picture na kung saan magkakasama kami nina Lia at Paul.

Ngumiti ako at matapos nun ay inayos ang table ko. Nagtext ako kay Vance na pauwi na ako at ipinaalam ko na sasamahan ko si Pat na manood ng concert at wala naman akong narinig na reklamo sa kanya.

Kinuha ko ang bag at pinatay na ang ilaw ng office. Nag-out na ako sa trabaho at pagkatapos nun ay naglakad ako papuntang parking lot.

Habang naglalakad ay hinanap ko ang susi ng sasakyan ko. Nasa labas na ako ng sasakyan at bubuksan na sana pinto nang biglang may tumakip sa dalawa kong mata.

Agad akong nataranta at itinulak ang kung sino man ang gumawa nun. Paglingon ko ay nakita ko si Paul na nagtatawa.

"Bwisit ka! Alam mo bang muntikan na akong mamatay sa gilat at niyerbos." inis kong sabi at hinampas hamaps ko siya ng bag ko.

"Surprise!" aniya at ibinuka ang dalawang kamay. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Namiss kita Paul pero mas namiis ko si Lia." sabi ko at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Sasyang namiss ko lang talaga sila pero siya lang ang nandito ngayon.

"I'm back, ka-boobsicles." sabi ni Paul at hahawakan sana ang boobsicles ko pero tinulak ko siya at tumawa lang ang bwisit.



MISTERCAPTAIN
Professor

Salamat po sa paghintau at pagbasa.

Naguguluhan na ba kayo kung sino ang makakatuluyan ni Yara? Ako din eh hahaha joke. Basta bahala kayong maghula kung sino hahaha.

Hindi lang si Paul ang may pa-surprise dahil suprise din ang chapter bukas. Hulaan niyo kung ano hahaha joke!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro