Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 35: CARE AND LOVE

CHAPTER 35
CARE AND LOVE


Matapos kong isilang ang dalawa kong anghel ay siniguro kong mabibigyan ko sila ng oras at atensyon. Nagsabi si Mom at Dad na kukuha sila ng yaya para tulungan ako pero sabi ko ay kaya ko naman. Tsaka katulong ko naman si Paul at Vance.

Isang taon akong natutok sa kambal pero matapos nun ay bumalik ako sa pag-aaral. Nakatapos na ako ng isang kurso at ngayon ay nagaaral ako para mahing isang doctor.

Kung dati ay marami akong kabulastugan sa buhay ngayon ay diretso ako sa bahay para alagaan ang mga anak ko. Nahihiya rin kasi ako lalo na kay Vance na halos siya ang nagaasikaso mg lahat. Tumutulong rin naman si Paul pero bihira lang dahil OJT niya.

Pagdating ko sa bahay at naabutan kong tulog ang kambal at ganun rin si Vance. Marahil ay napagod sa kakulitan ng mga anak ko. Mabuti na nga lang ay nakakapgtiyaga si Vance sa mga anak ko.

Sandali naman akong natigilan nang makitang nanginginig si Vamce. Ang akala ko ay namamalimmata ako pero hindi pala dahil hinawakan ko ang leeg at noo niya at inaapoy siya ngayon ng lagnat.

Agad akong pumuntang kusina para kumuha ng palanggana at face towel. Nilagyan ko ng maligamgam na tubig ang palanggana at nilagay dun ang bimpo.

Bitbit ko ang mga kinuha sa kusina papuntang guest room kung saan doon nakatulog si Vance. Liniga ko ang binpo at pinunasan ang katawan niya para mabawasan ang lamig na nararamdaman.

Ilang sandali pa ay mukhang naalimoungatan si Vance matapos ko siyang punasan. "Nakauwi ka na pala." sabi niya at pilit na ngumiti.

"Magluluto ako ng makakain mk para makainom ka ng gamot." sbai ko at tumayo na pero hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan ko.

"Stay. Your hug is enough." sabi niya pa at hinila ako pahiga sa kama.

Matapos nin ay bunalot ang braso niya sa katawan ko na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Sa hindi malaman na dahilan ay niyakap ko rin siya at doon ko muling naramdaman ang isang bagay na matagal kong hinahanap hanap. Komportable at kalmadong mundo.

Idinantay ko ang ulo ko sa dibdib ni Vance pero naiyak ako bigla dahil kasinungalingan ang nangyayari ngayon sa isip at puso ko. Maling mali na isipin kong si Vin ang kaharap, kasama at kayakap ko ngayon.

Ang sabi ko noon ay hindi ko mapapatawad si Vin sa ginawa niya pero noong malaman ko na buhay ang anank ko ay parang naglahao ang galit ko dahil nangibabaw lahat ng pagmamahal ko para sa kanya.

...

Lumipas pa ang mga taon, unti-unting nakapagsalita sina Russel at Victoria. Natutong maglakad, magsalita, tumakbo na kung saan kami ang ni Vance ang gumabay, nagalaga at nagmahal.

Sa ika-apat na taong gulang ng kambal ay doon nagtapat si Vance ng nararamdaman niya para sa akin. Anim na buwan siyang nanligaw hanggang sa tuluyan ko siyang sinagot dahil hindi mahirap mahalin si Vance.

Papa at Mama iyon ang naging tawag sa amin kambal. Masakit man na itago ang katotohanan sa kanila na hindi si Vance ang tunay na ama nila pero alam kong darating ang araw na maipapaliwanag at maipagtatapat ko rin iyon sa kanila.

...

Nang tumuntong sa wastong edad ang dalawa ay doon na sila pumasok sa paaralan. At doon ko nakilala at nakasalamuha ang isang Tin Imperial na matagal ko nang hinahangaan.

Ang dating pornstar na ngayon ay isang guro at ang dating artista na ngayon ay isang guro na rin. Sina Tin at Fred ay isang patunay na sa kabila ng hamon sa buhay ay matatagpuan mo rin isang mundo at buhay na magbibigay saya at ligaya sa iyo.

Napatingin ako kay Vance na ngayon ay buhat buhat ang kambal. Si Vance na kaya ang taong para sa akin o may iba pa?

Ilang taon pa ang lumipas ay tuluyan akong nakagraduate at nakapasa sa board exam. Unti-unti kong natupad ang pangarap ko at kasabay nun ay ang lalong pagmamahal ko kay Vance.

May mga pagkakataon na hindi kami nagkakaintindihan o nagkakaroon ng tampuhan pero agad din iyong naaayos dahil mahal naman namin ang isa't isa.

Kung may hiling man ako ngayon, yun ay magpatuloy itong payapa at matiwasay naming pagsasama. Walang problema o kung anu man.

Pero ang hiling ko na iyon ay mukhang hindi napagbigyan ng unti-unting nagbago si Vance pero ganun pa man ay inintindi ko siya dahil baka hindi pa ako sanay o hindi ko pa siya kilala ng tunay.

Nagsimula ang lahat sa hindi niya pagkagusto na kausap ko sina Paul at Lia. At inintindi ko siya s abagay na iyon kaya sinunod ko.

Nadagdagan pa ang pagiging strikto niya sa akin hanggang sa ang naging buhay ko na lamang ay bahay at hospital. Pero dahil mahal ko siya, ay inintindi ko at inunawa siya.

"I love you Yara." sabi ni. Ance sa akin habang magkatabi kami ngayon sa kama.

"I love you too Vance." sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

Ganito pala yung pakiramdam na mahal ka ng taong mahal mo. Sayang nga lang at hindi ko ito naranasan sa unang lalaki kong minahal.

Nagulat naman kami nang biglang may kunatok at bumukas ang ointuan ng kwarto namin. Bumungad sa amin ang kambal na sina Russel at Victoria na ngayon ay nakapantulog.

"Tabi kami." sabi nilang dalawa at umakyat sa kama at pumagitna sa amin ni Vance.

Minuto ang lumipas ay nakatulog kami nang ganoong posisyon. Kasama ang mga anak ko at ang lalaking mahal ko.

...

"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Vance nang makitang nakaayusan ako.

"Magkikita kami ni Paul at didiretso ako kina Mom at Dad." sabi ko.

"Hindi ba't napaguspan na nagin ito?" nahahagas niyang tanong.

"Pero kaibigan ko si Paul at ang magulang ko anamn ay namimiss ko." sabi ko habang nakanguso.

"Hindi pa ba ako sapat?" tanong ni Vance at kumunot doon ang noo ko.

"Sapat ka na Vance para sa akin pero hindi lang naman ikaw ang tao sa mundo. May kaibigan ako at magulang." paliwanag ko.

Napabuntong hinga siya sa sinabi ko at tiningnan ako sa mata. "Fine pero sasamahan kita." sabi niya na ikinadismaya ko.

Palagi na lang kasing ganun, nakabantay siya sa bawat kilos at galaw ko na para bang iiwan ko siya o lolokohin siya pero hindi naman eh.

Napakagat na lamang ako sa labi at walang naggawa kundi ang sumang-ayon kay Vance.







MISTERCAPTAIN
Professor

Pasensya sa pagkakamali.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro