Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 29: MAAWA NAMAN KAYO

CHAPTER 29
MAAWA NAMAN KAYO ⚠️


Noong nakaraang araw pa ako kinakabahan sa tuwing umuuwi. Ayaw na sana si Paul na pabalikin ako dito sa condo unit ni Vin pero kailangan ko muna tapusin ang kasunduan namin at tsaka ako aalis dito.

Sa nakalipas na tatlong araw, simula noong makita ko mismo harap ko si Vin at Lia ay pinilit kong maging okay. Sa katunayan niyan ay masaya ako dahil kahapon lang ay nagpa check up ako kasama si Paul at ang sabi ng doctor ay 3 weeks pregnant ako.

Sa ngayon ay naghahanap ako ng tyempo para putulin ang ugnayan namin ni Vin at hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Vin na buntis ako. Dapat ko bang sbaihin o hindi? Iyon palagi ang nagtatalo sa utak ko.

Alam ko naman na kapag nalaman niya iyon ay magkakagulo lalo ang mundo namin. Bagay na iniiwasan at ayaw kong mangyari dahil mahal ko siya.

Bumuntong hininga ako bago buksan ang pintuan ng condo unit ni Vin. Agad kong inilibot ang paningin kung nandito na ba siya o nasa trabaho pa. Iyon kasi palagi ang una kong ginagawa kapag umuuwi, kasi kahit nasasaktan niya ako ay nagaalala pa rin ako.

Naglakad ako papuntang kwarto niya at doon ko siya natagpuan. Kakalabas lang niya ng bathroom. Nakapulupot ang towel sa kanyang beywang at kasalukuyang niyang pinupunasan ang buhok na basa.

Kahit hindi ako pinapansin ni Vin ay sinusubukan ko pa rin siyang kausapin at lapitan kahit alam ko na hangin na lang niya ako king ituring.

Nang makita ako ni Vin ay napahinto siya sa pagpunas sa buhok. Ngumiti ako sa kanya ngunit kabaliktaran ang ipinakita niya sa akin. Galit siyang nakatingin at mukhang may naggawa na naman akong mali.

"What the fuck?!" agad kong sigaw sabay hawak sa parte ng pisngi kung saan ako sinampal ni Vincent.

"Kailan mo pa sasabihin na buntis ka?" malakas niyang tanong at napaigtad ako doon.

Nanubig ang nga mata ko dahil ito na ang araw na pinakakatakutan kong mangyari. Ang bangungot ko na kung ituring.

Nanatili lang akong tahimik at hindi sinagot ang kanyang tanong. Kahit ako ay hindi ko rin naman talaga alam kung paano at kailan ko sasabihin sa kanya na buntis ako dahil alam kong career ang pipiliin niya.

"Kailan pa?"

"3 weeks." sagot ko at doon unti-unting pumatak ang luha ko. Kasi hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari sa amin.

"Hindi ko yan pananagutan. Napagusapan na natin yan. Uunahin ko ang career ko kaysa sa walang kwentang nandyan sa loob ng tiyan mo.

"Mahal kita Vin. Maawa ka naman." umiiyak kong sabi at niyakap siya pero agad niya akong itinulak. Hangaang panaginip ko na nga lang ata na mamahalin ako ni Vin.

"Mahal mo ako?" natatawa niyang ulit sa sinabi ko at tumango ako. "Pero mahal ko ang kaibigan mo." dugtong niya pa na siyang dahilan para umiyak ako lalo.

"Kung mahal mo ako ipapalaglag mo iyan." saad niya at napailing agad ako roon. "Kung hindi mo kaya, ngayon pa lang ay lumayas ka na." banta niya at hinila ako palabas ng kwarto niya.

"WHAT A WHORE?!" sigaw pa niya sa akin at pabagsak na sinarado ang pintuan.

Habang patuloy ko siyang minamahal, patuloy naman niyang akong nasasaktan ng hindi niya alam.

...

Nang sumapit ang gabi ay napagpasyahan ko na umalis muna at pupunta na lang kay Paul para doon makitulog. Pero kakabukas ko pa lang ng pintuan ay bumungad sa akin si Vin.

"At saan ka pupunta?" may bahid ng galit sa boses ni Vin. Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak niga sa braso ko pero mahigpit ang hawak niya dito kaya hindi ko maggawang makawala sa kanya.

"Hindi ka lalabas. For sure baka ipakalat mo sa media na nabuntis kita."

"Hindi ko gagawin yan." sigaw at pilit na kumakawala sa kanya pero mas hinihpitan niya ang hawak sa akin dahilan para mapadaing ako. "Bitawan mo ako Vin, nasasaktan ako."

"Masasaktan ka talaga."sabi niya sabay hila sa akin papasok sa kwarto ko. Padabog niya akong binitawan kaya napasubsob ako sa sahig.

"Hindi ikaw ang magdedesisyon sa akin Vin. Kapag gusto kong umalis, aalis ako." matapang kong sabi. Tumayo ako at agad naglakad pero muli niya akong hinila pabalik.

"Hindi ka aalis nang hindi nawawala ang bata dyan sa loob ng tyan mo." walang hiya niyang sabi.

Ilang sandali pa ay mabilis niyang hinablot ang cellphone ko at naglakad palabas ng kwarto. Sinundan ko siya pero agad niyang sinarado ang pintuan. Sinubukan ko iyong buksan pero naka-lock.

"VIN, MAAWA KA SA AKIN! PAALISIN MO AKO! PALABASIN MO AKO DITO!" umiiyak kong sabi habang hinahampas ang pintuan.

"Please Vin! Maawa ka naman oh!"

Namumula na ang kamay ko sa kakahampas ng pintuan pero hindi niya ako pinakinggan. Napasabdal na lang aki sa pintuan at ipinatong ang ulo sa tuhod na magkadikit habang umiiyak.

Wala namang mali di ba? Mahal ko lang siya pero bakit ganito. Bakit ganito? Hindi ko naman siya pinilit na mahalin ako pero bakit kailangan pa akong saktan ng ganito? Handa akong umalis kung yun yung ikasasaya niya pero wag naman niyang idamay ang anak ko.

...

Nalate ako magising dahil sa nangyari kagabi. Babangon na sana ako pero hindi ko maggawa hanggang sa mapagtanto kong nakatali ang kamay ko sa tigkabilang gilid ng kama na siyang ipinagtaka ko. Mas lalo akong natakot nang nakasuot ako ng puting bistida na pang-pasyente.

Nataranta ako dahil hindi ko alam ang nangyayari.

"Anong nangyayari?" taranta kong tanong nang makita ang isang doctor na pumasok at isang nurse.

"Gusto ko lang masiguro na maalis talaga ang nasa loob ng tiyan mo. Baka pagbagkatao ay habulin mo ako at ilabas mo ito sa media."

Wala akong naging imik sa sinabi niya at hinayaan lamang na tumulo ang mga luha ko. Ganun pa man ay sinubukan kong magpumiglas pero wala ring kwenta dahil sobrang higpit ng pagkakatali talaga sa akin.

"Maawa kayo sa akin. Wag niyong patayin ang anak ko." pagmamakaawa ko sa doctor at nurse na nasa harapan ko. "P-please!" humahagulgol kong sabi pero sa halip na makinig sila sa'kin ay nagsimula na sila sa gagawin sa akin.

"Noooo! Please!" malakas kong sigaw sa kabila ng pagiyak.

May naggawa ba akong malaking kasalanan para mangyari ito sa akin.

Ibinuka ng doctor ang dalawa kong binti at itinali ng nurse ang mga paa ko sa tigkabilang gilid din ng kama para masigurong hindi ako makagalaw.

Tulad ng ginagawa ko kanina ay pilit akong nagpupumiglas kahit sobrang sakit na ng katawan ko.

"Please maawa ka sa akin." pagmamakaawa ko sa nurse na nasa gilid ko.

"Patayin niyo na lang ako kung papatayin niyo rin ang anak ko." sigaw ko. Halos hindi na ako makahinga dahil sa labis na pagiyak ko at pagmamakaawa.

Lumapit sa akin ang nurse at may tinurok. Ilang saglit pa ay nakatulog ako at hindi ko na alam ang sumunod ang nangyari.

Kailanman ay hindi ko mapapatawad si Vin sa ginawa niya sa akin. Hindi makatao ang ginawa niya. Pinatay niya ang anak ko ng walang kalaban laban at kasabay nun ay parang pinatay na rin niya ang buong pagkatao ko.

Tounge-ina, pinatay niyo na lang sana ako.



MISTERCAPTAIN
Professor

Shet! Naiiyak ako sa chapter na ito. At alam niyo ba na dapat naggagawa ako ngayon ng script pero heto ako nagupdate hahaha.

Salamat sa paghintay ulit ng update. Mamayang umaga na yung isa, sorry. Mga 8am hehehe.

Gusto kong maproseso niyo yung sakit hahaha joke, gusto ko lang ulit talaga kayo mabitin.

Lapag kayo ng theory niyo sa sunod na mangyayari hehehe.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro