CHAPTER 27: SHOCK (First Bomb)
CHAPTER 27
SHOCK (First Bomb)
Patuloy akong iniwasan ni Vin pero patuloy naman ang paghabol ko sa kanya. Dumating na nga sa punto na hindi na ako nakakakain sa tamang oras at nakakatulog ng maaga. At ang lahat ng kilos ko ay alam ni Pat kaya nagaalala siya para sa akin.
Tulad ngayon ay binibigyan niya ako ng masusutansyang pagkain na kailangan ko. Nahihiya na anga ako dahil hindi ko siya mabayaran. Sumabay kasi ang tuition na babayaran ko for last sem.
"Ramdam ko na ayaw kong sabihin kung ano ang dahilan nang hindi mo pagkain sa tamang oras." sabi ni Pat sa akin habang ako naman ay tuloy tuloy lang sa pagsubo ng pagkain na binigay niya.
"Sorry, mahal ko eh." sagot ko sa gitna ng pagkakain.
"Yung ama ba ng bata ang tinutukoy mo?" tanong niya at tumango lang ako.
Kasalanan bang mahalin siya?
Wala namang mali kung mahal ko siya? Bakit ba ang hirap makisama ng tadhana sa buhay ng tao? Bakit kailangan pang pahirapab ng ganito?
"Mahal na mahal ko eh." wala sa sarili kong sabi at ilang sandali lang ay naiyak na ako.
Inalo naman ako ng Pat at binigyan ng tissue. Ang sabi niya sa akin noong nakaraan ay normal lang ang maging emosyonal ako sa mga bagay dahil buntis ako.
"Nararamdaman mo iyan kaya hindi kita pipigilan pero isipin mo rin na nakakasama sa baby pagiisip mo sa bagay na iyan. Wag mong kalimutan na may baby ka." pangamgaral ni Pat at tumango ako.
Bago ako ihatid niya sa sunod na klase ay nangako ako na babawasan ko ang pagiisip sa ama ng anak ko at ngumiti naman siya at sinabi na sana nga ay maggawa ko.
Alam kong mahirap gawin ang iwasan na isipin si Vin pero kakayanin ko. Para sa akin at para sa baby.
Natapos ang klase ay nagpasundo ako kay Paul. Habang nasa loob ng kotse ay tahimik lang kaming dalawa pero pinakikiramdaman niya ako dahil pasulyap sulyap siya kanina pa.
"May sasabihin ka ba sa akin Yara?" makahulugang tanong ni Paul at umiling ako.
"Are you sure?" paniniguro niya at umiling ako.
Ang plano kong sabihin sana sa kanilang dalawa ni Lia na buntis ako ay hindi ko na tinuloy dala ng takot at pangamba. Basta natatakot ako, mabuting si Pat muna ang nakakaalam ng kalagayan ko para walang komplikado.
"Noong nakaraan pa kita napapansin na ang distansya mo sa amin ni Lia. Nagaalala lang din ako sa iyo dahil kilala kita at alam kong hindi ka okay." sabi ni Paul at mataman akong ngumiti.
"Okay lang ako. Busy lang talaga ako nitong nakaraan." pagsisinungaling ko.
Nagkibit balikat na lamang si Paul sa sinabi ko. Nang makarating sa coffee shop ay pinagbuksan niya ako ng pintuan. Sabay kaming pumasok at binati naman siya ng mga kapwa empleyado ko dahil siya ang may-ari nito.
Buong trabaho ko ay nandito si Paul at sinusundan ang bawat kilos ko. Minsan nga ay naiilang na ako pero pinanatili kong kalmado ang sarili dahil ayokong may mahalata siya sa akin na kakaiba.
"Ako na dyan." sabi ni Jeric nang may buhat buhat akong mabigat.
"Hindi ako na." pagtanggi ko kay Jeric pero pilit niyang inaagaw sa akin ang buhat buhat ko.
"Ako na Yara, pagagalitan ako ni Sir Paul." kinakabahan niyang sabi at parehas kaming napatingin kay Paul. Sinenyasan niya ako na sundin ko na si Jeric at ginawa ko naman.
Oras pa ang lumipas hanggang sa malapit na kaming magclose kaya unti unti na kaming naglilinis dito sa loob ng coffee shop.
"Are you okay?" tanong ni Paul habang nagma- mop ako mg sahig.
"Ok lang ako." sabi ko pero kasabay nun ay parang may pumilipit sa puson ko. Kahit may naramdaman akong masakit sa katawan ay pinilit kong wag iyon ipahalat kay Pail lalo na't nakasunod siya sa akin ngayon.
"Fuck Yara! You're bleeding." malakas at malutong na sabi ni Paul. Napahinto ako sa ginagawa at napatingin sa hita ko at nakita kong may tumutulo na dugo.
Napatingin ako sa paligid at nakatingin din sila sa akin. Wala akong marinig pero kita ng nga mata ko ang pagutos ni Paul sa isang empleyado. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagangat ng katawan ko sa sahig at binuhat na pala ako ni Paul.
Ang sunod na nangyari ay hindi ko na alam dahil tuluyang nang dumikim ang paligid ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay maligatas ang anak ko.
...
Pagmulat ko ay isang puting kisame ang bumungad sa akin. Napatingin ako sa gilid ko nang maramdamang may nakahawak sa kamay ko, si Paul.
"Nagugutom ka ba?" nagaalalang tanong niya at inalalayan akong makaupo.
"Yung baby ko? Kamusta siya? Anong sabi ng doctor?" natataranta kong sabi ng makaupo at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Niyakap ako ni Paul at pilit na kinakalma. "Sshhh! Just calm Yara. Your baby is okay. The baby is fine sabi ng doctor."
Niyakap ko si Paul at isinuksok ang ilo sa dibdib niya at patuloy pa rin siya sa pagalo sa akin. "I'm sorry."
"It's ok Yara, naiintindihan ko. Wag mo munang i-stress ang sarili mo hmmm..."
Lumuwag ng yakap kami sa isa't isa at pinunasan ni Paul ang luha ko. "Alam na ba ito ni Lia? Gusto ko siyang papuntahin dito?" tanong ni Paul at agad akong umiling at napayuko.
"Hindi niya alam. Wag mong papuntahin dahil baka mabigla siya." sabi ko at tumango si Paul.
Tinanong ako ni Paul kung nagugutom ako at tumango ako. Tinanong niya kung anong gusto kong kainin at sinabi kong bahala na siya.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Pat. Sinabi kong nandito ako sa hospital. Wala akong natanggap na repky mula sa kanya pero minuto lang ay dumating siya.
Nagaalala niya akong sinalubong at chineck ang buong katawan ko. Natataranta din siyang nagtanong king anong nangyari at bakit ako isinugod sa hospital.
Sasagutin ko pa lang sana ang mga tanong niya nang dumating si Paul. Inihanda niya ang pagkain ko at siya na rin ang sumagot sa tanong ni Pat.
Habang kumakain ay hinayaan ko ang pagusap nila. Kasalukuyan ko silang pinapanood nang makita ko ang kakaibang tingin ni Paul kay Pat at agad ko siyang sinabunutan.
"Aray." daing niya.
"Wag si Pat. Wag na wag kang dumali na landiin yan dahil suntok ang abot mo sa akin." banga ko sa kanya at natawa si Pat habang umiiling.
"Opo, buntis." sagot ni Paul at binitawan ko ang pagkakasabunot ko sa kanya.
"Fuck boy yan si Paul." paninira ko at tumawa si Pat.
"Halata naman." sabi niya.
"Tss!" rinig kong bulong ni Paul.
Matapos kumain ay tsaka ako nakausap ng doctor. Pinayuhan ako na bawal ang mastress at bawal mapagod. Sinabi rin niya na okay naman si baby at dapat daw ay magingat na ako sa susunod dahil delikado daw talaga ang first trimester ng pagbubuntis.
Hindi muna ako pinauwi para sa observation. Sa ngayon ay wala saw dapat akong ipagalala. Magpahinga muna daw ako.
Napagkasunduan naman naming tatlo nila Pat at Paul kung sino ang magbabantay sa akin. Si Paul ang magbabantay sa akin ayon sa nagpagusapan namin. Si Pat sana pero masyadong mapilit si Paul.
Nasa labas ngayon si Paul at kumain lang sa cafeteria niyong hospital. Ang sabi niya ay babalik siya at nagiwan sa akin ng gatas na iinumin ko.
Kasalukuyan akong umiinom ng gatas nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at tiningan. May isang message akong natanggap galing kay Lia.
FLAT SI LIA:
You can't believe this Yara.
Boyfriend ko na si Vincent.
Tumigil ang mundo ko at ramdam ko ang milyong milyong sakit na tumarak sa puso ko.
Nabitawan ko ang cellphone ko kasabay ng pagtabig ng gatas na iniinom ko at doon nagsimulang pumatak ang mga luha ko.
MISTERCAPTAIN
Professor
Isang update muna ngayon, baka bukas na yung tatlo hehehe. Gusto ko kayong mabitin at iproseso ang nangyayari. Hindi pa ito yung pinakahihintay niyo hahaha.
Salamat sa paghintay ng update at pagbasa. Keep safe! Paki-like po ang facebook page na MisterCaptain 😊
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro