CHAPTER 10: MAID AND WHORE
CHAPTER 10
MAID AND WHORE
Isang buwan na akong naninirahan dito sa condo unit ni Vin pero wala pa ring nangyayari sa amin. Sa akin ay ayos lang iyon dahil malaking improvement ang nangyayari sa akin dahil hindi na ako tulad ng dati na uhaw na uhaw sa sex.
Ang ipinagtataka ko lang ay akala ko fuck buddy kami pero walang nangyayari. Ano yun?!
Napatingin naman ako sa cellphone ko nang tumunog ito.
FLAT SI LIA:
Happy Birthday Yara! Gusto ko sanang i-celebrate natin ang birthday mo ngayon pero sabi mo ay wag na. Hindi na kita pipilitin dahil baka patayin mo ako.
Wag kang magpapakapagod. Mawawala ang beauty mo. Wala pa naman akong maipapahiram sa iyo.
Enjoy your day Yara. More birthday to come and bigger boobsicles to you.😂
PAPA PAUL:
Happy Birthday baby girl! Maging masaya ka sana dyan sa langit 🤧😭 pero syempre wala ka dyan dahil minus one hundred ka na sa langit noong pinagpantasyahan mo dati yung isang lalaki na nakita natin tapos pari pala.
Tulad ng sabi mo ay nasa iyo na ang lahat at ang pinagmamalaki mong boobsicles sa amin. Bukas na lang yung regalo ko kapag nagkita tayo. Enjoy your day!
Maraming message pa akong natanggap pero yung sa dalawa lang ang binasa ko. Marami ding bumati sa akin sa social media accounts ko lalo na sa IG pero hindi na ako nagabalang buksan at basahin ang mga iyon.
Kasalukuyan akong nasa loob ng taxi. Nakatigil ito at nakatago malayo sa bahay, sa tunay na tinitirahan ko kung saan may matatawag kang pamilya.
Nasilip ko si mama na hinalikan si papa bago umalis. Makikita mo ang pagmamahal sa mga mata nila pero hindi na tulad ng dati kasi wala ng kislap at buahy ang mga mata nila. Siguro ay dahil iyon sa kapatid kong namatay.
"Ok ka lang ba hija?" tanong sa akin ng driver at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"Ok lang po ako." pagsisinungaling ko.
Hinintay ko munang makapasok si mama sa loob ng bahay bago ko tuluyang sinabi sa driver ang sunod na destinasyom na pupuntahan namin.
"Happy Birthday to me." sambit ko habang nakatingin sa puntod ng kapatid ko.
Wala akong galit sa kapatid ko dahil mahal na mahal ko siya. Nagkaroon lang ako ng galit sa puso dahil nakalimutan na ako ng magulang ko. Nakalimutan nila ang anak nilang tulad ko na normal at walang sakit.
Ngayon ang kaarawan ko at nasanay ako na nag unang bumabati sa akin ay si Kuya Rowan. Hahalikan niya ako sa noo at guguluhin ang buhok sabay bati. Kahit ayokong ginugulo ang buhok pero basta ang kapatid ko ay ok lang sa akin.
Hindi ko man lang siya nakita o nahawakan noong huling sandali niya dito sa mundo dahil mas inuna ko ang galit sa puso ko sa magulang naminn. Pero ganun pa man ay kung maibabalik ang dati ay gagawin ko ang lahat ng pwede kong gawin sa huling araw niya.
"Bye, Kuya Rowan."
...
Matapos pumuntang sementeryo para dalawin ang kapatid ko ay dumiretso na ako sa condo unit. Wala naman akong pasok ngayon at tsaka day off ko sa trabaho. Itutulog ko na lang ang pagcelebreate ng birthday ko.
Pagbukas ko pa lang ng pinto ng condo unit ay nakarinig ako ng tawanan. Pagpasok ko ay hinanap ko kung saan nanggagaling ang ingay.
Naabutan kong may nagsasayaw na babae sa unahan na halos lumuwa na ang dibdib nito. Nagsasayaw siya sa harapan ng tatlong lalaki at ang isa dito ay si Vin.
Isa-isa kong tiningnan sila. Si Vin ay nanonood sa babaeng nagsasayw sa unahan at may nakakandong na babae sa kanya.
Yung isang lalaki naman ay halos gahasain na ang babaeng nagsasayaw sa pamamagitan ng kakaibang tingin nito. At ang isa ay nakayuko lang at tila hindi gusto ang nangyayari.
"Vin" tawag ko sa kanya pero hindi siya lumingon.
"VIN!" malakas kong tawag kung kaya nakuha ko ang atensyon nilang lahat.
"Woah! Sino siya Vin?" tanong nung lalaki na nanonood dun sa babaeng nagsasayaw kanina na kulang na lang ay gahasain na niya. "Adam." pagpapakilala niya.
"I'm Fred. Girlfriend ka ba ni Vin?" aniya at napatingin ako kay Vin pero abalang abala sa pakikipaghalikan sa babae niya.
"I'm Yara." pagpapakilala ko dun sa dalawa.
"Girlfriend ni Vin?" tanong muli ni Fred at napakagat ako sa ilalim ng labi dahil hindi ko alam kung anong sasabihin.
Madali lang naman yung tanong niya. Oo at hindi lang ang pagpiilian pero bakit parang masasaktan ako kapag hindi ang isinagot ko.
"She's my maid and my whore." biglang sabi ni Vin.
Napayuko ako dun sa sinabi niya. Bigla akong naliit sa sobrang sakit ng sinabi niya sa akin. Hindi niya ako katulong at puta.
Tounge ina niya!
"Ipagluto mo kami ng makakain." utos niya sa akin.
"Bakit pa magpapaluto? Magorder na lang tayo." sabi ni Fred pero binalewala iyon ni Vin.
"Katulong ko siya at trabaho niya iyon." rinig kong sagot ni Vin.
Matapos nun ay umalis na ako dahil parang hindi ko na kakayanin pa ang pagpapahiya sa akin ni Vin. Sobra sobra siya. Akala niya kung sino siyang sikat at nakakatas para mangmaliit at magpahiya.
Pagdating ko sa kusina ay naiyak na lamang ako. "Birthday ko ngayon tapos ito ang nangyari sa akin. Napakamalas ko naman." bulong ko sa sarili sabay punas ng luha.
"I'm sorry for Vin's attitude." naipaigtad ako ng biglang may nagsalita. Paglingon ko ay nakita ko si Fred at agad akong naghilamos para hindi niya mahalatang umiyak ako.
"Ok lang." pagsisinungaling ko.
"By the way, Happy Birthday Yara." bati niya sa akin at napangiti ako dun.
"Thank you Fred."
Matapos ang paguusap na iyon ay umalis na si Fred. Pumunta lang pala talaga siya para kausapin ako at humingi ng dispensa sa ugaling ipinakita ni Vin.
Nagsimula akong magluto ng pagkain na para sa kanila. Halos isang oras ang itinagal ko sa kusina sa pagluluto. Paghatid ko ng pagkain ay naabutan ko na lamang ay si Adam at Vin.
Si Adam ay nakikipaghalikan sa isang babae habang si Vin naman ay nakaboxer short na lang at nakita ko ang paghawak ng babaeng kahalikan niya sa pagitan ng hita niya.
Pagkalapag ko ng niluto sa harapan nila ay tumigil si Vin at ang babae sa ginagawa nila.
"Pakilinis ng buong condo unit." utos ni Vin at tumawa ang babaeng kalandian niya.
Naiiyak ulit ako pero itinago ko na lang ito sa pagirap. Tumayo si Vin at ang babae at naglakad papuntang kwarto. Habang si Adam naman ay pumasok sa isang kwarto kasama ang isang babae.
Buti na lang ay tatlo ang kwarto dito dahil baka hindi ko kayanin kung gagamitin nila sa kalaswaan ang kwarto kong tinutuluyan.
Habang naglilinis ay rinig ko ang mga ungol na galing sa dalawang kwarto. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari sa akin ngayon kung alam ko lang na ganito ay hindi na muna sana ako umuwi rito.
"Aaaahh Ooohh!"
"F-faster baby!"
"Ugh! Sh-t!"
Kinuha ko ang cellphone at nagsalpak ng earphones sa tainga. Nagptugtog ako ng Always Be My Baby na paborito kong kanta, ni-full volume ko ito. Mas mabuting mabingi dahil sa tugtog kaysa naman sa ungol.
Kalahating minuto ang nakalipas ay tuluyan kong nalinis ang mga kalat. Ngayon ay naghuhugas ako ng mga baso at plato na ginamit nila.
Napatigil ako sa ginagawa kong may kumatok sa pintuan. Dali dali akong nagpunas ng kamay at binuksan ang pituan.
"Good evening Ma'am. Delivery po." sabi ng isang lalaki na staff dito sa hotel.
"Delivery po?" nagtataka kong tanong . "Para kanino po? Tsaka ano po ba iyon?" tanong ko pa.
"Birthday Cake po ito na pinapadeliver po ni Sir Fred. Ang sabi ay ibigay ko daw po kay Ms. Yara." nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na magpapadala pa ng cake si Fred.
"Ako si Yara." sabi ko at nahihiya siyang ngumiti sa akin. Inabot niya sa akin ang cake at binati ako.
"Happy Birthday po Ma'am." btati niya sa akin at ngumiti ako.
"Salamat."
Pagpasok ko ay itinabi ko muna ang cake at pinagpatuloy ang ginagawa kanina. Matapos nun ay binuksan ko ang cake at may nakalagay pa dun na Happy Birthday Yara.
Naghanap ako ng lighter at sinindihan ko ang birthday candle. Nagsimula akong kumanta ng happy birthday kahit pangit ang boses ko.
"Happy Birthday to me." bati ko sa sarili matapos hipanan ang kandila.
Wala naman talagang happy dapat nga ay birthday lang pero pipilitin ko na lang na maging masaya bago matapos ang araw na ito.
I hate Vin. Iyon lang ang nasa isipan ko habang kumakain ng cake.
MISTERCAPTAIN
Professor
Salamat sa pagbasa!
Happy Birthday to our Yass Raquel Guzman (Yara). Leave a simple birthday message to her para naman macheer up siya. Don't forget to use the word boobsicles hahaha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro