Chapter Fourteen
Chapter Fourteen
Close
I turned to Theia instead of her Dad. "I forgot to tell you earlier, Theia... that I was actually an old friend to your Dad..." I smiled and then I turned my head back to Elias who's now completely stopped eating.
"Daddy?" Tumingin din si Theia sa ama niya.
Bumaling din naman si Elias sa anak. "Uh, yes... Theia..." At parang hindi pa niya alam kung ano ang sasabihin sa anak niya ngayon.
He's not lying to his daughter, anyway.
Totoo naman ang sinabi ko, hindi ba? We were also once friends before we entered into a relationship before...
Nang bumaling sa akin si Theia ay ngumiti ako sa kaniya. She's also smiling and her eyes even twinkled. At lalo pa akong napangiti habang tinitingnan ko ang bata.
Nang tumayo na ang mag-ama ay sumabay din ako sa kanilang lumabas ng restaurant.
And I even talked to Elias while walking outside. "How old is she?" I asked him about his daughter.
Bumaling naman siya sa akin at mukha pang naiinis na naman siya ngayon sa akin. Bakit ba siya parang nagagalit d'yan? Nagtatanong lang naman ako.
"She's eight..." At sinagot pa rin naman niya ang tanong ko sa kaniya.
And I counted mentally. I gritted my teeth in silence. Kung buhay ang anak ko ay halos magkasing-edad lang pala sila ngayon ni Theia... What did he really do? Did he really cheat on me when he came here in the Philippines and I was left in Germany? Ang galing naman talaga niya...
Wala na akong sinabi pa pagkatapos. But Theia also kept on talking to me. That a little oddly, ay kinatuwa ko naman. And I think that she likes me. I also like to be with her...
"Until when will you be staying here, Theia?" I asked her.
Si Elias naman ang sumagot ng tanong ko. "We're leaving soon." seryoso na namang aniya.
Bumaling ako sa kaniya.
"Already?" Kahapon lang sila dumating dito sa resort, ah.
"We're just here for the weekend. Uuwi na rin kami at may school pa siya kinabukasan." Elias said.
And it made me a little sad...
At napatango na lang naman ako pagkatapos ng sinabi niya. I turned back my attention to Theia. She's probably in grade school now.
"Are you in grade two or three now?" I asked her as I smiled to her as well.
"I'm in Grade 3." She answered my question. At nakangiti rin siya sa akin.
Ngumiti pa ako lalo.
I feel like, parang ang gaan ng loob ko sa anak ni Elias...
And then Elias' phone rang. Nagpaalam siya sa anak niya na sasagutin lang ang tawag. At naiwan naman kaming dalawa lang muna roon ni Theia. And I just continued talking to her and asking her questions about her and her Dad...
"It's from work." She said probably about why Elias had to answer his phone.
Napatango naman ako. "Uh, Theia, is your Dad busy?"
Tumango naman ang bata. "Opo. Sometimes he's really like super busy. He's a doctor." She said.
Napatango-tango namang muli ako. So, Elias had become a doctor after all...
"Theia, where's your Mom?" I asked her.
Tumingin siya sa akin at unti-unting umiling. At mukhang sasagot pa lang siya sa tanong ko nang nakabalik na si Elias.
"Theia, let's go back in our room first. I have to do some work on my laptop." He told his daughter.
Nakita ko naman ang pagkurba ng mga labi ni Theia pataas na mukhang nalulungkot na siya. "What about swimming? You said we will swim, Daddy..." anang bata sa kaniya.
Umiling naman si Elias sa kaniya. "Later. Just after my work. I have to finish it first." He said.
At mukhang malungkot pa rin si Theia.
Kaya naman sumabat pa ako sa kanilang dalawa. "How about this, iwan mo na lang muna sa akin si Theia? I'll accompany her swimming." I told him.
Nagkatinginan naman kaming dalawa. And he looked hesitant na iwan sa akin ang anak niya. Wala naman akong gagawin sa bata. Ganoon na ba kasama ang tingin niya sa akin? Para baka isipin niya na may hindi ako magandang gawin sa anak niya? No matter if I loathe him, hindi ko naman idadamay ang bata sa galit ko sa kaniya.
Muli pang nag-ring na naman ang phone niya and he had to pick it up. Kaya naman pagkatapos noon ay umalis na rin siya na bumalik ng room nila at iniwan na muna niya sa pangangalaga ko si Theia.
Ngumiti naman kami ni Theia sa isa't isa.
And then because we didn't want to disturb Elias' work anymore, so I just bought a swimsuit for Theia para makaligo na siya. May nagbebenta rin naman kasi ng swimwear sa resort so I bought Theia one. Pagkatapos ay sinamahan ko na siyang magpalit ng damit niya.
While I was already wearing a bikini under my white summer dress. Kaya hinubad ko na lang ito pagkatapos ay sinamahan ko na si Theia na mag-swimming kami. And we almost spent the whole afternoon together just swimming.
I also ordered snacks for us na roon na rin namin sa beach kinain. And I noticed na pareho pa kami ni Theia ng gustong kainin. I just smiled as I watched the girl happily eat beside me.
Pagkatapos ay nakita na naming nakabalik na si Elias at mukhang kukunin na niya si Theia...
"What are you doing, Aletheia?" Elias finally confronted me.
Nasa room na nila rito sa resort si Theia habang nagpaiwan naman siya sa labas para kausapin ako.
Bumaling naman ako sa kaniya.
"What do you mean?" Nagmaang-maangan pa ako, to further infuriate him...
Tingin ko kasi ay ayaw niya na nakikipaglapit ako sa anak niya.
He looked at me intently.
"Why are you trying to get close to my daughter now?" He asked me.
Umawang naman ang labi ko bahagya. Kasi pakiramdam ko ay parang may iba pa siyang ibig-sabihin sa sinabi niya lang ngayon sa akin...
Hindi agad ako nakapagsalita.
"Why now?" He asked me again.
At hindi ko alam pero bahagya naman akong napaatras, while he took step forward.
"Why are you here now?"
"What do you mean, Elias?" Pakiramdam ko ay kinakabahan na ako ngayong naiwan na kaming dalawa lang dito.
Nakita ko ang pagkurba ng labi niya para sa isang ngisi. But I couldn't see any hint of humor in his eyes. At mukha lang siyang nagagalit at hindi natutuwa. "After all these years ay ngayon ka lang magpapakita? Para ano?"
"What the hell are you talking about?" Kumunot na ang noo ko sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko siya maintindihan...
And then I gritted my teeth. Bakit ba ako kinakabahan ngayon? Bakit parang ako pa ang matatakot sa kaniya, gayong siya itong may kasalanan sa akin. "Why do you look like you're mad at me now, Elias? Ikaw nga itong may kasalanan sa akin!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Bahagya naman nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. "What?" Mukhang hindi siya natuwa sa sinabi ko.
Hinarap ko pa siya lalo at nagkaroon ako ng tapang na isumbat sa kaniya ngayon ang kasalanan niya sa akin. "Remember? You left me and went here. Pagkatapos ay hindi ka na bumalik pa ng Germany!" Hindi ko mapigilan ang pagtataas ko ng boses dahil sa emosyon ko.
Umawang naman ang labi niya. "Really... And that's your reason why you had to abandon our child?" He sounded more confronting now.
Lalo naman kumunot ang noo ko. My forehead creased so much. Because I did not quite understand what he was talking about...
What child? What abandon... Who abandoned who? "Ikaw ang nang-abandona sa amin!" I told him in anger.
Umawang pa muli ang mga labi niya. "Talaga? Bakit nasa akin ngayon si Theia? I went back to Germany, Aletheia! But at that time you weren't there anymore. Pagkatapos ano? Malalaman ko that you were out of the country and with your ex? At ano pa ang ginawa mo pagkatapos? You abandoned our child to me because you didn't want your family to know? Kinakahiya mo ang anak natin?" His jaw clenched after saying all that.
Habang nalaglag naman ang panga ko. At hindi ko yata nakuha ang lahat ng sinabi niya ngayon lang sa akin...
"Ano ba ang mga pinagsasabi mo, Elias?!" Litong-lito na ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko maintindihan...
"Just leave, Aletheia. We don't need you here, my daughter doesn't need you anymore." aniya pagkatapos ay tinalikuran niya na lang ako at naglakad na siya palayo...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro