Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty-six

Chapter Twenty-six

Girlfriend

Muli pang kusang umatras ang mga paa ko. Pero bago pa man ako makatalikod at umalis na lang sana doon, ay una na akong nakita ni Adam. I saw that Paula halted too when she noticed Adam na natigilan din. And then she followed his vision and it leads to me.

Mababa lang ang gate at sa disenyo nito ay kita lang din kung may tao sa labas. Nagtagpo ang mga mata namin ni Adam. Hindi ko na matignan si Paula na alam kong nakita na rin ako.

There was a long stretch of silence between us. Maybe from the unexpected meeting. Alam kong hindi nila ako inaasahang nandito ngayon. Until Paula spoke first.

"Aeva..." She called me.

Nag-iwas na rin ako ng tingin kay Adam at bumaling na lang kay Paula.

And then I recalled my time with Paula in the past. She was a friend to me. Naalala ko ang kakulitan niya noon na palagi na lang akong nauunang sumuko and eventually let her in my life a bit...

"Adam, si Aeva..." Tinawag niya rin si Adam na nakatayo lang doon. Pagkatapos ay unti-unti siyang lumapit sa gate at pinagbuksan ako.

Nagkatinginan kami ni Paula matapos niya akong pagbuksan. "Ikaw nga." She confirmed.

"Paula..." I tried to greet her as well...

She smiled, a bit. And then her attention went back to Adam. "Adam..." she called again. Pagkatapos ay nagtagal ang tingin niya sa tahimik lang naman na si Adam...

In the end they let me in the house. Adam was still quiet while Paula started talking to me. Nagkumustahan lang kami...

"So nasa Manila ka na pala ngayon nag-stay?" Paula asked me after I said that when she asked me where I stay now.

I just nodded. And I looked to where Adam was who remained quiet.

"Akala ko ay umuwi ka sa Negros noon, tama ba?" She asked.

Binalik ko ang atensyon ko sa mga tanong ni Paula. Muli akong tumango sa kaniya. "Uh, oo. I went back to my family..." I think I couldn't continue. I can't give her all the details of what really happened after I left Masbate years back...

"Kung ganoon, paano ang naging pag-aaral mo? Sayang, you didn't graduate with us at the university..." she said.

Naalala ko. Sana nga nakapag-graduate din ako kasama nila ni Adam sa iisang university kung saan kami nag-aral noon...

I tried to smile to Paula instead. "Oo, uh, nakapagtapos din naman ako sa isang university doon lang din sa amin..." I said.

I remember back then when my family also offered me to study where I wanted... to finish my college as well. Pero nang mga panahong iyon ay may Mikos na ako. And we stayed with my family in the province. At ayaw ko rin na mag-aral pa sa malayo at maiiwan ko ang anak ko. Well, I might be able to bring him with me, pero mahirap din ang mag-aral at mag-alaga ng baby at the same time...

And also I was worried of our safety. Kaya naman pinili kong manatili sa puder ng pamilya ko at doon na lang din mag-aral sa malapit. Para makakasama ko pa rin ang anak ko at mas ligtas kami doon sa mga Zachmann...

"Mabuti naman kung ganoon." Paula smiled at me. And then she turned her eyes to Adam who was also just there near us but he just remained quiet. Kaya kami lang ni Paula ang nag-uusap.

Binalik ni Paula ang tingin niya sa akin at may ngiti muli sa mga labi niya. "Sandali lang, ha. Ipaghahanda lang pala kita ng snacks." She said.

And I was about to refuse, dahil makakaabala pa ako. Pero kumilos na si Paula doon sa kusina. Habang nakaupo naman ako rito sa may countertop ng kitchen. And as I watched Paula moved in there, I realized na mukhang sanay na sanay na siyang kumilos dito sa kusina and probably sa bahay ni Adam...

We used to be here many times in the past. Adam often invited us to his house. Pero parang may iba lang din sa nakikita ko ngayon kay Paula... at kay Adam. O baka naman mas'yado lang din akong nag-iisip. But my head was already filled with the question about why they are together now...

Nilapag ni Paula ang sandwich na ginawa niya sa harapan ko. And then she went to open the fridge and went back to me and handed me a juice. She smiled to me again. "Si Adam din, eh. Kinailangan niyang bumalik noon sa Germany at doon na rin siya nagpatuloy ng pag-aaral niya at nagtapos." she said.

Pagkatapos ay pareho kaming napatingin kay Adam na hindi naman kami pinansin.

"Uh... Ano nga pala ang pinunta mo rito?" She asked after a while.

Tumingin ako kay Paula at nagkatinginan kami. "Gusto ko lang sanang... makausap si Adam." I said.

"About what?" She asked me.

Hindi ko naman siya nasagot.

Pakiramdam ko ay may nagbago rin kay Paula. She doesn't feel like she was still the same old Paula. Pakiramdam ko parang... may takot siya ngayon sa kung ano... While she's currently talking to me and I saw it in her eyes...

"Oh. Sorry." She laughed it off. At para bang natatauhan din siya...

Umiling siya. "Adam," and then she called him. Nakita kong bumaling naman si Adam sa kaniya. "Aeva said that she wants to talk to you..." she told him.

I looked at Paula. And I thought that, hindi ba niya muna kami iiwan ni Adam? After all this is Adam's house and obviously siya ang pinunta ko rito sa bahay niya...

Although... I thought too, does Paula lives here in Adam's house as well now...?

Nagyuko ako ng ulo ko. Napatingin na lang ako sa lap ko habang nakaupo lang ako doon. Hindi ko na rin ginalaw ang ginawang meryenda para sa akin ni Paula.

Hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang sitwasyon na mayroon kami rito ngayon. Ano ang nangyayari... Bakit nandito si Paula sa bahay ni Adam at bakit sila magkasama... And looking comfortable with each other earlier while doing car washing...

Ang dami ko na yatang tanong... At hindi ko alam kung sino ba ang makakasagot... O kung gusto ko bang masagot nga...

Sa huli ay nagpasya ako na tumayo na. Pagkatapos ay pareho kong hinarap sina Paula at Adam na mukhang bahagya rin natigilan nang makitang tumayo na ako. "Uh, I think I'll go now. Siguro ay... sa susunod na lang mag-uusap..." I tried to look at Adam. "Babalik na lang siguro ako..." I said.

"Ganoon ba... Kung ganoon ay ihahatid na kita sa labas." Paula said and smiled at me. And then she was quick to grab my arm and pulled me out of the house with her...

Hindi ko na rin narinig pa ang sagot ni Adam. O kung sumagot pa nga bang talaga siya. At hindi na rin niya kami sinundan ni Paula nang ihatid na ako nito sa labas ng bahay...

Nang malapit na kami sa gate at binuksan na rin ito ni Paula para palabasin ako... Nang malayo na kami sa mismong bahay ni Adam, that's when she started to like confront me... Ito ang naramdaman ko how she's acted now towards me.

Which I did not really expect. Nabigla rin ako sa inaakto niya...

Well, I know that it has been several years already as well. And things can change, even people. I cannot expect that Paula will stay the same, can I?

But I mean, her actions now... It was just really different...

"Ano ba ang gusto mong sabihin kay Adam, Aeva? Ano ang pag-uusapan ninyo na parang kayong dalawa lang dapat? Hindi ko ba pwedeng malaman? Bakit?" She probed, confronting me. And I was thinking that it's like she turned to be someone who became like someone who's kind of aggressive...

My lips parted a bit as I looked at her.

She became a little too aggressive... defensive... and scared at the same time...

Iyon ang nararamdaman ko sa kaniya ngayong kaharap ko siya. And it shows in her eyes and every reaction...

I was almost speechless while looking at her. Because she felt far from the Paula I have known in the past. Parang hindi na siya iyong kaibigan na nakilala ko noon...

"Bakit bumalik ka pa?" She asked me next. And this time she looked like she's angry at me...

Like my mere presence now angered her...

"Paula..." was all I could say after all... To call her name... And maybe to try to calm her down. "What are you..." But my lips parted instead.

Paula was looking at me too at first but she looked away a few seconds later. Mukhang huminga siya and trying to calm herself down, too...

Nagulat din ako sa inaakto niya. I feel like she's really not the same person, the friend I once knew from before...

Nagsalita siyang muli pagkatapos lang na mukhang pinakalma niya na rin ang sarili niya. "Adam... already has moved on from your past together." She said it looking at me. And then she continued. "Nakalimutan ka na niya, Aeva. Matagal na rin naman iyong pagkatapos n'yong mag-break noon. Matagal na panahon na. Okay na si Adam. Kaya bakit andito ka na naman ngayon?" Kumunot ang noo niya sa akin.

I was about to say something when she cut me off, too.

"Alam ko ang nangyari sa inyo ni Adam, Aeva. He told me. You hurt him. Hindi mo nakita kong gaano nasaktan noon si Adam dahil lang sa'yo. Kaya kung bakit bumalik ka pa..."

"Are you Adam's girlfriend now, Paula?" I can't help it anymore and I just asked her.

Natahimik naman siya sa tanong ko at umawang ang labi niya.

"I have something personal to talk with Adam. And I think we should talk about it alone. Gusto ko lang makausap si Adam tungkol sa inportanteng bagay at iyon ang pinunta ko rito." I said.

Paula's eyes remained on me. Pagkatapos ay umiling siya. "Yes..." she said.

Nagkatinginan muli kaming dalawa. Before she continued speaking. "I am Adam's lover now..." she said.

Bahagya naman umawang muli ang labi ko.

And then she continued. "Masaya na kami ngayon ni Adam, Aeva. Huwag mo na sanang sirain pa... At kung ano man ang sasabihin mo kay Adam ay pwede mo ring sabihin sa akin kung importante nga bang talaga 'yan. I must know too since I am his fiancé." She directly said.

Hindi agad ako nakasagot at nanatili lang ang tingin ko sa kaniya... What... are they already planning to get married...

I stayed looking at Paula in front of me. Nakatingin din siya sa akin. Hanggang sa marahan na lang akong umiling.

It was never my intention to be a homewrecker... O ang sirain ang relasyon nila ni Adam ngayon... I just really want to talk to Adam about Mikos...

Pero kung ganito na nga ang sitwasyon ngayon... Ayaw kong may masaktan... At lalo na ang anak ko. I wouldn't want to hurt especially my son. At pakiramdam ko mas lalo lang masasaktan si Mikos ngayon dahil sa sitwasyon na mayroon kami... With his father already preparing to get married to someone else, to another woman...

Sa huli ay umiling ako kay Paula. "Aalis na ako." Iyan na lang ang nasabi ko. Pagkatapos ay tatalikuran ko na siya.

Pero hinigit pa niyang muli ang siko ko kaya naman muli ko siyang natignan at nakita ang reaksyon ng mukha niya... "Aeva—"

I felt exhausted after this. Binawi ko ang braso ko at inalis niyon ang hawak niya sa akin. Hindi ako makakapag-isip nang maayos ngayon. "I'm leaving, Paula. And... don't worry... Dahil wala na pala akong gustong sabihin kay Adam..." I said although I wasn't sure about that m. Basta na lang akong nagdesisyon... But I just really want to be out of here now...

Pagod na akong makipag-usap...

And I didn't understand Paula's actions...

Binitiwan na rin niya ako at pagkatapos ay hinayaan na akong makaalis. Nakikita ko sa mukha niya na mukhang may gusto pa siyang sabihin sa akin pero tinalikuran ko na siya at iniwan doon sa labas ng gate ng bahay ni Adam.

I have to go. And rethink again for Mikos's sake...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro