Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty-four

Chapter Twenty-four

Traitor

"So..."

I almost jumped like a scaredy-cat. Halos matapon ko rin ang laman na inumin ng wineglass na hawak ko nang marinig ko ang biglang boses sa tabi ko.

Bumaling ako at nakita ko si Adam...

He also looked at me straight in the eyes. Habang ako naman ay halos mag-iwas na lang agad ng tingin sa kaniya dahil hindi ko matagalan ang mga mata niya at ang titig niya sa akin...

"You're into older men now?"

Napatitig na lang din ako pabalik sa mga mata niya sa sinabi niya. At kinakausap niya rin ako kaya kailangan kong sumagot... "Uh..." I tried to speak.

But he spoke again. "Where is he, by the way?" Adam asked. And then he even looked around the place of the party as if looking for my date this evening.

Tahimik akong humugot ng paghinga. At nang muli siyang tumingin sa akin ay saktong nakabalik na rin ang date ko galing sa washroom. "He's here." I said, and I smiled instead and went straight to his side, iniiwasang makausap ko pa nang matagal si Adam.

Hindi ko alam kung bakit niya pa ako kinakausap... I know that we have a past, but it's already done. Sana ay umakto na lang kaming parang hindi namin kilala ang isa't isa...

"What was that? That's Adam Rozovsky." puna rin ng kasama ko.

Bumaling din ako sa kaniya at ngumiti na lang. "He just asked about the wine..." Nawala ang ngiti ko at uminom na lang sa dala ko pa rin na wineglass.

"Really..." He sighed. "Well, his family are all living abroad. Siya lang ang nandito sa Pilipinas..."

When I turned back at him he looked like he's thinking. Mukhang gusto pa nga sana niyang kausapin si Adam kanina nang maabutan niya itong kasama ko roon sa iniwanan na namin. Dahil halos hinila ko na rin siya paalis at lumipat kami ng pwesto... Kasi wala rin talaga akong balak na makipag-usap kay Adam or even be near him. Siya naman ang lumapit sa akin kanina. At hindi ko rin alam na nandito pala siya sa party na 'to kung nasaan din ang misyon ko—itong taong kasama ko ngayon. My very date.

This man likes younger women. At hindi lang kasing bata ko. May mga mas bata pa sa akin. And he's a fucking pedophile. Marami na rin siyang nabiktima at hindi hinuhuli dahil sa pera niya and power of connections. A man like him should just die...

I sighed quietly to myself. Alam kong hindi talaga dapat na nilalagay sa mga kamay ko ang batas. But it's an order for me to end his life that I just follow... And he's a bad person, anyway...

Ito na lang talaga ang palagi kong rason sa sarili ko...

He invited me here and I'm just trying na kuhanin ang loob niya. Before I kill him as quietly as I could. Pero mukhang matatagalan pa yata kami rito sa party. And Adam's also here... Tsk.

I don't plan on killing this man here in this party.

At bakit ba kasi talaga nandito pa si Adam? The last time I heard na sinabi lang din sa akin ni Kuya Levi na nasa Germany na raw noon si Adam. Akala ko nga ay bumalik na siya roon sa pamilya niya for good. And it's for his safety, too. Kaya naman napanatag na sana ang loob ko. But he's here again... Bumalik siya ng Pilipinas? Bakit? Does he stay here in Metro Manila? O bumalik din siya sa Masbate...

I sighed because I felt uneasy of the situation now.

Pagkatapos ay nakaisip ako ng dahilan. Para maaga na kaming umalis dito sa party. Nagkunwari na lang ako sa kasama kong biglang sumama ang pakiramdam ko...

"Are you all right?" He asked beside me.

Bahagya naman akong umiling at hawak pa ang ulo ko.

And then with that we left the party early...

"Are you sure we don't need to go to the hospital?" Hindi nakatakas sa akin ang pagngisi niya, while we're already inside his car at abala na rin siya sa harap ng manibela ng sasakyan niya para makaalis na nga kami.

"I think I'm all right now... Medyo nahilo lang ako kanina..." I quietly said. Just enough for him to hear. At kaming dalawa lang din naman ang nandito sa loob ng tahimik na sasakyan.

"It's probably the wine. Kanina mo pa kasi hawak at iniinom 'yon." He said.

Tahimik na lang akong tumango sa sinabi niya.

"Where should I bring you then? Or," Bumaling siya sa akin, and smiled creepily. "Do you want to rest in my hotel for a bit?" he asked.

Carlos Matias also owns hotels here in the Philippines. At marami siyang mauuwiang hotel kahit saan dito na pagmamay-ari niya. At kung saan niya rin madalas dinadala ang mga biktima niya...

I just nodded my agreement. Tonight I will end the life of this bastard.

Hindi niya lang dinadala ang mga batang babae sa hotel niya ang iba ay pinapatay niya rin. Such a sick bastard. And until now he's free. None of his crimes were put to public or known even though there's already evidences that he did it.

Sometimes people like me must have existed for people like Carlos Matias. Dahil minsan ay hindi rin maaasahan ang batas. Parang ito pa ang non-existent. Tsk.

So he brought me to one of his hotels. Ako ang lumapit sa kaniya noong isang araw lang. Of course I have to make way on my own to get close to the target. And now we're here.

He opened the door of a hotel suite for me. He was smiling like he's happy and excited. Tsk. Hindi ba siya nandidiri sa sarili niya? Mukhang hindi. He's evil...

"Hmm..." He started touching my bare arm dahil nakasuot ako ng sleeveless na evening long dress and he smelled my hair...

Pinanayuan naman ako ng mga balahibo ko sa katawan.

Mabilis akong bumaling sa kaniya at bahagyang lumayo para matanggal din ang hawak niya sa akin.

I don't think he doubts my innocence... Nagpanggap lang naman akong babaeng interesado sa kaniya... Or maybe he's just plain dumb despite the crimes he's done.

I smiled to him one last time. Before I immediately moved to end him. Ayaw ko nang magtagal pa sa iisang kwarto kasama ang taong ito. Gusto ko na lang tapusin at hindi ko na kayang magtagal pa ang mga paghawak niya sa akin na kanina ko pa rin tinitiis habang nasa party kami where he'd always touch my waist.

Mabilis kong tinaas ang dress ko and in a very swift motion I took out my gun with a silencer from the hidden pocket on my inner thigh. At tinutok ko na agad iyon sa kaniya. I'm ready to end him now.

Kanina I made sure na hindi kami makikita sa mga CCTV ng hotel na ito. And he also brought me here in his private suite here in his hotel where we used the private elevator, too. At wala na ring naka-install na CCTV dito... And he just made my job easier...

"What—"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at tinapos ko na lang ang buhay niya. Noong isang araw ko pa rin gustong gawin ito after knowing all his crimes.

"It's done." Kausap ko sa taong nasa kabilang linya gamit ang maliit lang at hindi halata na device na ginawa ko lang parang hikaw ko.

Pagkatapos ay tiningnan ko lang siya gamit ang malamig kong mga mata at halos walang emosyon na nakahilata na roon sa sahig at wala nang buhay...

Minutes later Kuya Asher went to my aide. Parang kami na rin ang naging partners sa bawat mission ko nitong mga nakaraan dahil busy pa si Ate Asherina sa kapatid nila na nagpapagaling...

Si Kuya Asher nga rin pala ay magaling sa computer o devices. He doesn't usually come to where the mission was. Madalas ay nasa isang lugar lang siya kaharap ang computers niya at binibigyan lang kami ng instructions sa mga sunod na kilos o saan pupunta...

Now he also helps me clean after finishing my target...

"Kuya Asher..." I called after we just left and finished the job.

Nandito kami ngayon at nakaharap lang sa parang kawalan... "What's your plan after this?" I asked him.

"What do you mean 'after this'?" He asked me as well.

Bumaling ako para matingnan ko siya. "Are you gonna work for Mama and Papa until the end? Hindi ka ba gagaya kay Kuya Levi... or si Kuya Aldrich pa rin ang gusto mong sundin..." I said.

"How about you, Aeva?" Binalik niya rin sa akin ang tanong. "Are you gonna be here until when?"

Nagkatinginan kami.

He sighed. "Kung gusto mo pang iwan ang buhay na ito... Leave now. Do it now. Huwag mo nang patagalin pa hanggang sa mahihirapan ka na lalong tapusin ito..." Kuya Asher said.

Bumaling muli ako sa kaniya at tiningnan ko lang siya habang siya naman ngayon ang nakatingin sa harapan namin na puro mga ilaw galing sa city sa baba. Because we went on like a late night roadtrip up here. Para lang pagmasdan ang city lights sa baba...

"Mikos, what do you want for your birthday?" I asked my son. I smiled to him.

And he adorably turned to me with his eyes beaming and his lips stretched to a smile. "Just me and Mama!" He said.

Napangiti pa ako at may malumanay na mga mata ko siyang tiningnan. "Just you and Mama again?" I asked him gently.

He nodded and answered, "Yes."

At doon naisip ko na siguro ay sobra na yatang nasasanay ang anak ko na kaming dalawa lang... Kahit pa nand'yan rin naman ang pamilya nina Kuya Levi. Pero kapag wala sila ay tama si Mikos na kaming dalawa nga lang talaga. And we just usually celebrate his birthdays with just us two. Kahit pa minsan nand'yan din naman sina Kuya Levi. Pero kung wala sila ay kaming dalawa lang talaga ni Mikos.

"How about your classmates?" I asked him instead.

Simula noong nag-kinder siya na pumapasok na rin sa school ay wala pa siyang nakekwento sa akin na tungkol sa isang kaklase na maaring naging kaibigan na rin niya. Now he's in Grade 1. Bago pa lang naman nagsimula ang classes for this school year. But my son doesn't really talk much...

Sumasagot naman si Mikos kapag tinatanong o kinakausap ko siya. Mabait naman ang anak ko at mabait din siya sa mga pinsan niya kanila Kuya Levi. Pero kapag hindi ko siya tatanungin ay hindi rin siya magsasabi...

He wouldn't even tell me when he's sick or not feeling well. Malalaman ko na lang dahil tumawag na sa akin ang teacher niya sa school na pinapasundo siya sa akin dahil nilalagnat na pala ang anak ko sa eskwelahan... He won't also tell me things... I feel like he's been a secretive child...

I wanted to respect his privacy, too... But I'm afraid that it's something, his attitude was connected to me being a mother to him. Naisip ko na baka may mali na pala sa pagpapalaki ko sa anak ko... And I'm not with him 24/7. At minsan pa nasa malalayo akong misyon that I couldn't be home for days. And I just leave him kanila Kuya Levi. Pakiramdam ko ay marami na akong mga pagkukulang sa anak ko.

I just want him to be a normal kid... At ayaw ko siyang magaya sa akin...

Umiling siya nang tanungin ko tungkol sa mga kaklase niya. He looked up at me and gave me another one of his smiles. Pero nag-aalala na talaga ako kahit palagi niya pa akong pakitaan ng ngiti niyang 'yan. I feel like there's something off... "I just want Mama and me. I'll be happy with just us two, Mama!" He smiled again.

Bahagya na lang din akong ngumiti sa anak ko.

I actually prepared if ever he would ask me about his Dad... But now that he's bigger he's never asked me yet about his father. Inisip ko na balang-araw ay magtatanong din siya sa akin ng tungkol kay Adam...

And because I'm worried I went to his school to check on him. Same ng school lang sila ng pinsan niya na anak nina Kuya Levi. I also talked with his new adviser now in grade one.

Ngumiti naman ito sa akin. "Matalino po si Mikolos sa klase. He's our top student kahit grade 1 pa lang siya. Palaging nakikinig sa klase at nakukuha niya agad ang tinuturo sa kanila." The adviser said to me happily.

Napangiti rin ako. Hindi ko na nga kailangan pang i-tutor si Mikos dahil mukhang matalino na nga talaga siyang bata.

Pero nagtanong pa rin ako sa teacher. "Pero wala po bang problema sa klase ang anak ko? Ang ibig ko pong sabihin ay sa mga kaklase niya..."

Sandaling nag-isip ang teacher sa harapan ko. "Hmm, wala naman... Tahimik lang talaga si Mikolos sa klase namin... Pero wala naman siyang nakakaaway na kaklase..." Ngumiti sa akin ang guro. She gave me a reassuring smile.

I just sighed quietly. Mukhang wala naman siguro akong kailangan talagang ipag-alala sa anak ko...

I also went to see how he was in their classroom. Nakita kong mukhang maayos lang naman siya at nakikinig nga sa teacher nila. He's also just quietly sitting there...

I sighed.

"Mikos?" I called because a while ago I just left him here in our small living room.

Busy kasi akong magluto kanina sa kusina dahil ngayong araw ang birthday ng anak ko. And I cooked all his favorite food. At s'yempre may cake na rin siya at ilang balloons na binili ko lang din to decorate a little. I'm not that creative but I can put on effort to do it.

"Mikos?" tawag kong muli. I've been calling him pero wala akong naririnig na sagot.

Hanggang sa nasilip ko sa bintana mula sa sala namin na nasa gate na ng bahay namin ang anak ko at mukhang may pinagbuksan. Abala ako sa pagluluto kanina kaya hindi ko na namalayan na may tao na pala sa labas...

"Mikos!" I hurried to go after my son dahil iba agad ang pakiramdam ko sa taong pinagbuksan niya.

"Mama," Mikos turned to me.

And in front of my son was the man. I focused my attention to the person who was Kuya Aldrich.

"Kuya Aldrich."

He smiled. But it didn't reach his eyes. Muli siyang bumaling kay Mikos na napagitnaan na naming dalawa. "I have brought my birthday gift for you, Mikolos..." Ngumiti siya kay Mikos and calling my son's real name. Pagkatapos ay nag-angat siya ng tingin sa akin at nagkatinginan kami.

"Wow! Thank you, Tito Aldrich!" Mikos seemed happy that Kuya Aldrich was here.

Siguro kasi walang tatay ang anak ko... Kaya parang tinuring na rin niya na ama sina Kuya Levi, at kahit Kuya Aldrich...

"Mikos, dalhin mo na sa loob ng bahay ang gift ng tito mo sa'yo. You can open it."

Mikos looked at me and Kuya Aldrich. Tumango naman si kuya sa kaniya. At nauna na ang anak ko bumalik sa loob. Habang naiwan naman kaming dalawa ni Kuya Aldrich na nandoon pa malapit sa gate.

"You're here. I thought you're still in Europe?" I asked.

Pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin at hindi pa agad nagsalita. Parang nakaramdam naman ako ng kaba sa nagtatagal na niyang titig sa akin. Mabuti na lang at nagsalita na rin siya. "I heard from Asher that you recently met with Adam Mikolos Rozovsky at a party you attended?" He asked calmly but I can sense danger kung mamali lang ako ng sagot.

"It was for the mission. I was there with my target. I also didn't expect that he would be there." sagot ko.

Nagtagal muli ang titig sa akin ni Kuya Aldrich na parang binabasa ako at gusto ko nang mag-iwas sa kaniya ng tingin pero nilabanan ko. Mas lalo siyang magdududa at mag-iisip ng kung ano if I even try to just look away. Kahit wala naman talaga akong ginawa with Adam on that party.

"All right... Hindi mo ba ako papapasukin sa bahay n'yo?"

Umatras naman ako to let him in our home... "Sorry, uh, you remember my son's birthday..." nasabi ko.

"Of course. Well, to be honest... Asher just also reminded me." He smirked when he turned to me again.

I just nodded. "I didn't expect this visit from you..."

He halted his steps and turned to look at me again. Muli rin kaming nagkatinginan. "I'm just also checking on you, Aeva. Minsan mo na ring tinraydor ang pamilya natin..." Parang binitin pa niyang sadya ang sinasabi niya...

We remained looking at each other. "You can't blame me if I became mistrustful of you. You've already became a traitor once..." He said. And then his eyes turned more menacing...

This time ay hindi ko na nakayanan that I already looked away from his gaze. Nauna na ako sa kaniyang bumalik sa loob ng bahay at sumunod naman siya. And then we became busy with Mikos who also talks to his uncle at kinakausap din siya ni kuya. Kuya Aldrich stayed with us for Mikos' birthday.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro