Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty-two

Chapter Twenty-two

Angels Like You

Tumilapon ako nang masipa. He's a man and he's huge kaya naman naging mahirap din ang pakikipaglaban sa kaniya. Hindi ito ang unang beses na nahirapan din ako. Hindi talaga basta-bastang mga tao lang ang naiinvolved sa clients at missions ng mga Zachmann. Noon pa man ay ganito na ang trabaho namin ka-delikado.

But the Zachmann siblings already grew up to this kind of life. At maging ako man ay ito na rin ang kinalakhan. But do we ever get used to this? I don't know about how my other siblings feel. Pero ako siguro kahit kailan ay hindi pa rin masasanay sa buhay at trabaho na mayroon ako.

Siguro ay dahil hindi ko naman talaga gusto ang ginagawa ko.

Bumangon ako para pulutin ang baril. When I was younger I used to be so bloody when I kill someone. Because I used knives. Hindi ko alam kung bakit ganoon, pero siguro ay dahil iyon ang unang armas na nahawakan ko noon. When I first came to the Avila mansion, the Zachmann siblings were playing at that time at naglalaro sila gamit pa ang kutsilyo. Na nang dumating ako noon ay pinahawak pa sa akin ang bagay na iyon ni Ate Asherina and even asked me to attack her with the knife.

At isa pa mahilig din si Ate Asherina sa mga kutsilyo. At magkasama kaming lumaki na tinuruan niya rin ako sa paggamit pa noon kaya naman siguro ang nangyari ay parang nakasanayan ko na rin na armas iyon.

But now that I'm older I realized na ayaw ko na sa mas'yadong madugo. That we weren't playing anymore. That it's a real world and we kill real people...

And a knife or the katana was not always a good weapon to use. In this time and age a gun will be better. Kaya naman sa mga lumipas na taon ay ito na rin ang palagi kong ginagamit sa mga misyon ko. Although I still bring small knives with me that I keep in the leg pockets of my pants for emergencies as well.

Bago ko pa man maabot ang baril ay naramdaman ko nang hinila ako ng kalaban ko sa naabot nitong paa ko.

I grunted from the pain I felt with the way he got a hold of my foot. He probably tried to twist my ankle para mahirapan akong maglakad o tumayo.

But I did not let him at sinipa ko siya sa mukha. Pagkatapos ay dali-dali kong inatras ang katawan ko at lumayo ako sa kaniya. Bumangon ako at napaupo na sa sahig. Kanina ay halos gumapang na ako. Nakuha ko na rin ngayon ang baril ko. At pagkatapos ay mabilis itong tinutok sa kalaban.

I probably already have bruises on my face as well after I noticed that I also got bruises on my arms. Mamaya pagkatapos nito ay dadamhin ko na naman ang sakit ng katawan. He's also a persistent one. Hindi basta-basta. Malakas din siya at may kakayahang patayin ako.

But I will win tonight. Because tomorrow I still have to go back and see my son.

Alam ko na may posibilidad at malaki pa ang tyansa na baka mamatay din ako sa isa sa mga misyon ko.

Do I ever get scared doing my job? Of course. Especially now that I already have Mikos. Isipin ko pa lang na iyon na iyong huling nakita ko ang anak ko, sobrang natatakot na ako. Takot na takot akong baka hindi ko na pala muling makita pa ang anak ko.

If only I grew up in a different family... Paano kaya kung iba ang nakakuha at umampon sa akin noon sa bahay-ampunan? Would I have a more normal life? Kung hindi ang mga Zachmann ang nakakuha sa akin...

At kung siguro hindi na lang nawala ang mga magulang ko... at hindi ako maagang naulila...

Many times I imagined of what would it be like if I never met Aldrich and the rest of the Zachmanns. Siguro ay mas normal ang naging buhay ko... At pwede akong maging normal lang din na tao at ina sa anak ko ngayon.

I wanted so badly to give Mikos a normal kind of living. Hindi iyong ganitong buhay na mayroon ang mga Zachmann na magulo. Alam ko ito noon pa kaya nga habang buntis pa lang ako noon kay Mikos ay ginusto ko pa sanang ipamigay sa iba ang anak ko kung saan pwede siyang lumaki na normal...

Dahil ayaw ko sa buhay na kinalakhan ko. Pero sa huli nang ipinanganak ko si Mikos ay hindi ko rin siya magawang ipamigay. Dahil hindi ko kaya at para akong mamamatay sa ang isipin ko pa lang na ipamimigay ko ang isang batang inosente na nahawakan ko pa lang noon sa mga bisig ko sa unang pagkakataon.

But I realize that I was selfish. I was selfish for wanting to be with my son despite knowing the chaotic life that I have.

Pero ano ang magagawa ko... Hindi ko kayang ipamigay ang anak ko. And I want to be with Mikos...

I pulled the trigger and that ended the man's life in front of me. He died in front of my eyes. And I killed him. I did my job.

Ginawa ko lang ang trabaho ko...

Naunahan ko lang siya sa pagkuha ng baril at binaril ko siya agad. Kung nagbagal pa ako at hindi agad nabawi ang armas ko, then, probably I'll be the one lying on the floor now and already lifeless.

Bumangon ako at tumayo na pagkatapos. Nakarinig na rin ako ng mga yabag ng paa na paparating. It's done. At nandito na rin si Kuya Asher para kunin ako.

"Are you all right?"

Tumango lang ako. Pareho naming tiningnan ang bangkay na lang ngayon ng taong napatay ko na. Tumango rin sa akin si Kuya Asher pagkatapos ay handa na kaming umalis doon. This time I killed the person that our client needed dead on a yacht. Malaking tao rin. But the client was more powerful.

Most of the times we don't really get ourselves too involved with the reasons of our clients. Sumusunod lang din naman kami sa utos sa amin nina Mama at Papa.

But after Adam... I learned to research even a bit. If the person who I'm about to assassinate should really be dead.... I know that it's not anymore a part of my job... Kung ano lang ang impormasyon na binibigay sa akin ay iyon na lang dapat. But I thought that I just needed to know as well...

Sinundo na lang ako rito ni Kuya Asher at nakabalik kami gamit ang dala niyang smaller boat. Gabi nangyari at papasikat na ang araw nang makabalik kami sa pampang...

Gusto ko na lang na makauwi at makasama ang anak ko. Gusto ko nang makita si Mikos...

I smiled sadly thinking about my son. My little man. Alam kong sa ginagawa ko ay parang hindi ko na deserve kahit makita man lang muli ang anak ko pagkatapos ng mga misyon ko. But I'm excited to see Mikos again after days that I had to be gone for this assassination...

Iniwan ko nga lang muna siya sa bahay nina Kuya Levi. At nasasanay na rin nga siya roon sa pamilya ni kuya. May mga pinsan din siya na nakakalaro niya kaya gusto niya rin at doon ko siya iniiwan palagi tuwing kailangan kong umalis para sa mga misyon ko...

Masasamang tao rin naman ang pinapatay ko. Siguro ito na lang ang pampalubag-loob ko sa sarili ko sa gawain na mayroon ako. Dahil kung hindi rin naman killer din, rapist, at kung ano-ano pang may mga masasama rin na gawain o ginawa na ang mga taong ito.

So I just kinda think that they deserve it. They deserve to die to pay for their sins...

However, I know that we can't just put justice in our own hands...

I know that Mama and Papa are also reasonable people. Kahit pa ganito ang pinapagawa nila sa amin. Siguro nga ay nagkamali lang din talaga sila noon kay Adam...

Because clearly Adam was innocent. And he's even a good person... Kung may mali mang nagawa ang parents niya sa naging kliyente namin noon... Sila iyon at hindi na iyon kasalanan ng anak nila. I'm also aware that the Rozovskys have other illegal doings as well. Pero labas na si Adam doon. Sa pagkakakilala ko sa kaniya, he's nothing evil like what I've imagined him to be...

Na hindi siya kagaya ng mga taong pinatay ko na rin noon. He's not evil. He was even an angel... And it's definitely not his fault that I ruined things for us...

Kaya hindi ko siya magawang patayin noon. At kahit kailan pa man siguro. Because he's nothing like the monster of a person I once imagined him to be, just like all the other else that I ended the lives in the past...

How could I end the life of the first person who made me feel alive...

The only person who made me feel loved...

I sighed to myself.

"You okay?"

Tumango ako kay Kuya Asher. I was spacing out after the mission was finished. Tapos na at makakapagpahinga ako ng ilang linggo bago ipatawag na naman nina Mama at Kuya Aldrich para sa susunod na misyon.

"Ako na lang ang magrereport sa kanila nina Mama at Kuya Aldrich. Nagawa mo na rin naman ang mission mo ngayon." he said.

Tumango lang ako.

"Pupuntahan mo na si Mikos?" Kuya Asher smiled.

Tumango ako at bahagya rin napangiti nang muling maisip ang anak ko.

"How's Ate Asherina, by the way?" I asked when I remembered. "She's still abroad?"

Tumingin sa akin si Kuya Asher. "Yes... Uh, I'll tell her that you asked about her."

"Kahit hindi mo na ako banggitin sa kaniya. Uh, I'm just curious as to what she's doing in Europe now..." I said. Because since then ay may pinagdududahan na rin talaga ako sa pamilya ko...

Alam kong may tinatago ang mga Zachmann...

"Probably another mission, Aeva." Kuya Asher said.

"Bakit hindi kayo magkasama?"

Muling napatingin sa akin si Kuya Asher. "Hindi naman sa lahat ng missions ay palaging dapat na magkasama kami ng kakambal ko, Aeva." He smiled.

Tumango na lang ako and didn't push through it. Alam ko rin naman na wala ring sasabihin sa akin si Kuya Asher.

Pagkatapos naming maghiwalay na ni Kuya Asher ay naghanda na rin ako para puntahan si Mikos. I was smiling as I choose a toy for my son inside the toy store at the mall kung saan ako dumaan muna para bilhan din ng pasalubong ang anak ko sa pagbabalik ko.

Pagkarating ko sa bahay nina Kuya Levi at ng pamilya niya ay agad lang din akong pinapasok ng guard sa gate nila. Strict ang subdivision kung saan nagpatayo ng bahay para sa pamilya niya si Kuya Levi. At may security rin sila sa mismong estate nila.

Kahit wala na si Kuya Levi sa puder ng mga Zachmann, kailangan pa rin niyang maging mahigpit to keep his family safe. Dahil hindi pa rin basta lang ang trabaho niya rin noon kagaya naming lahat. Kaya nga lang ay nakakilala ng isang babae si Kuya Levi. Someone who changed him, and someone who's worth all the risks that he's taken after he met her.

Eventually I learned what changed my brother, or what made him want to be a better person.

When you learn how to love, and care for someone deeply, you just really tend to change for the better... Parang gusto mo na maging mabuting tao para sa espesyal na taong ito para sa'yo. You're just willing to do anything for the person you care about...

That's exactly what Kuya Levi did and all the things he sacrificed for his wife. In the past I never imagined Levi Archibald Zachmann to be this smitten. But he did. And did everything para magkatuluyan lang din silang dalawa ng asawa niya.

Even if the Zachmanns were against it at first. Dahil tatalikuran ni Kuya Levi ang pamilya namin para sa babaeng mahal niya. Tinalikuran niya ang lahat kasali na doon ang paniniwala ng pamilya niya...

It's hard to have a normal life after being a Zachmann. Palagi pakiramdam mo ay may panganib na nakabuntot sa 'yo. Dahil sa mga nagawa mo at gawain na ng pamilya mo.

But Kuya Levi risked it all because he wanted to be with his family now. And just promised to himself that he will protect the family he created with his life.

Hindi madali ang mabuhay sa mundong ginagalawan namin. Maging ako man ay natatakot din para kay Mikos...

But unlike Kuya Levi I just have no one else other than my family to protect me and especially my child...

That's why I stayed with the Zachmanns.

Although I always wished to change and give my son a different life and future when I'm out of my family's control...

But it's just hard... It's not easy to do it...

"Hi, Aeva!" My sister-in-law welcomed me in their home.

Ngumiti ako sa hipag ko at hinanap na agad si Mikos. I just can't wait any longer to see my son... And I beamed when I finally saw him again after days of not seeing each other. "Mikos!" I went to hug him right away.

Yumakap din naman sa akin ang anak ko. "What have you been doing here for the past days that Mama wasn't around?" I gently asked my son.

Tumingin sa akin si Mikos. At minsan ay hindi pa rin ako nasasanay kapag nakikita ko nang ganito ang mga mata niya, which obviously resembles someone else's eyes, na nakatingin din sa akin pabalik. Ngumiti na lang ako sa anak ko.

And then Mikos started telling me that he played with his two younger cousins. Ang panganay nina Kuya Levi na isang taon lang ang tanda ni Mikos at ang bunso naman ay kaka-three years old pa lang. Babae at lalaki ang anak ni Kuya. Ang panganay na lalake ay nakakasundo ni Mikos at madalas namang i-baby ng dalawang batang lalake ang baby girl ng pamilya.

At least I know that Mikos will be fine here in my brother's house when I needed to leave him to do my job...

Ngumiti ako sa anak ko at nagpaalam na rin kami sa asawa ni kuya at mga bata para makauwi na rin kami ni Mikos sa bahay namin. Of course I thanked my sister-in-law and my brother na tinawagan ko na lang dahil wala pa rito sa bahay nila ngayon at nasa trabaho pa. Kuya Levi is working a different job now. And a more normal one.

May trabaho agad na binigay sa akin si Kuya Aldrich pagkatapos lang ng huli. And I just want to finish it right away dahil malapit na rin ang 6th birthday ni Mikos. Gusto ko na magkasama kami ng anak ko sa birthday niya. Kaya tatapusin ko na agad ang trabaho ko.

First I purposely meet the target in a bar where he went to drink. Konting usap at hinayaan ko na siyang gawin akong date sa isang party na pupuntahan niya. Hindi kasi pwede na basta na lang akong pumatay. I take the time to get to know my target a little bit more before I take the action. At isa pa ay gusto rin ng Zachmann na malinis ang trabaho ko. Na pwedeng palabasin na iba ang kinamatay ng target at hindi ito pinatay lang...

And I didn't expect that in that party I will get to meet the father of my son again after many years of not seeing each other ever since I left his condo that night...

Hindi ko agad naalis ang mga mata ko kay Adam. And when he looked my way he caught my eyes looking at him. Nagkatinginan kami. And our eyes locked.

Hindi ko ginusto na magkita kaming dalawa ngayon dito. Hindi ko gusto na magkita pa kaming muli. After all those years. I'm glad that he gave me Mikos... Pero kung sana ay pwedeng kalimutan na lang namin ang mga nangyari. Kalimutan na niya na nakilala pa niya ako...

Because angels like him, angels like you, Adam Mikolos Rozovsky... doesn't deserve the hell I made you taste once... At sana hanggang doon na lang iyon. You deserve something else... A life without me... and our son...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro