Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-two
Relatives
"Kung hindi ka agad nakabalik I already contacted my relatives and we're ready to face your brother." Adam said this.
Tumingin ako sa kaniya.
His relatives. The Rozovskys. Bahagya pa akong napalunok. I know that they are one powerful clan. At kung nakakatakot man din si Kuya Aldrich ay parang mas natatakot pa ako para sa magiging kalagayan niya once the Rozovsky family got involved. Good thing hindi na kami umabot pa sa ganoon.
I've never met Adam's family yet... But Mama and Ate Asherina said, and even my brothers said na hindi sila basta-basta lang na pamilya. And they're serious when they said that.
Umiling ako kay Adam. "Hindi na kailangan, Adam." I said to him.
And then I took the time to explain further. Dahil ayaw ko na rin talaga na ma involved pa ang pamilya niya kung sakali. "Wala namang ginagawang masama si Kuya Aldrich. We only panicked. But he just really wanted to spend some time with Mikos, too..." I said.
But Adam looked like he still doubts my words. Hindi ko na lang muna mas'yadong pinansin iyon at tinalikuran ko na lang muna siya to attend to Mikos.
Hindi pala umalis si Adam sa bahay nina Kuya Levi. Kaya naman pagkatapos ay nagpaalam na rin kami sa mga kapatid ko at umuwi kami kasama si Adam sa bahay na tinutuluyan namin ni Mikos.
"This is where we live..." sabi ko kay Adam pagkatapos kong buksan ang mga ilaw sa maliit namin na living room. "Maliit lang 'tong bahay. Pero kaming dalawa lang din naman ni Mikos ang nakatira dito..." It's a two bedroom house with one bathroom, a living room, and kitchen.
"How long have you been living here?" He asked I think normal questions.
Sinagot ko naman siya at pinasok na rin muna namin si Mikos sa kwarto nito. Buhat siya ni Adam. Mag-uumaga na rin. Mamaya lang ay magpapakita na ang araw. Pero wala pa kaming pahinga pareho ni Adam.
"You can sleep in my room. Malinis naman iyon..." sabi ko. Wala na kasi kaming ibang kwarto rito o guest room bukod sa mga kwarto lang namin ni Mikos.
"How about you?" He asked me.
I looked at him. "Uh, dito na lang muna ako sa living room, I can also sleep in Mikos room." sabi ko.
Adam nodded.
"You can sleep in there now. Mamaya pa naman magigising si Mikos. And you two can talk later..." I said.
Hindi na kasi sila nakapag-usap ni Mikos kanina nang makabalik kami because Mikos was still sleeping. He slept in the car and continued sleeping now in his room. Hindi na nga niya naramdaman na binuhat na siya ni Adam...
I have to prepare myself for later. I know that it would be an emotional process for Mikos, Adam, and even I...
I showed Adam to my room. And then after I went to Mikos room at nahiga ako roon sa tabi ng anak ko.
I watched Mikos in silence as he slept. Hanggang sa nakatulog na rin ako dahil sa pagod ko na rin...
Agad akong napabalikwas ng bangon nang magising ako. I looked to my side and Mikos wasn't there anymore. Kinabahan pa ako kaya tuloy napalabas ako ng kwarto ng wala sa oras.
And then I saw my son there with Adam already eating breakfast in the kitchen...
Mabuti na lang at napigilan ko na rin ang sarili ko. I stopped on my tracks and hid beside the entrance to the kitchen. Nagtago ako sa may hamba ng pintuan papasok ng kusina. Adam and Mikos were talking to each other kaya naman nanatili na lang muna akong tahimik doon...
I woke up later than usual. Kumakain na sila sa kusina. I wasn't able to prepare breakfast. Siguro si Adam na lang ang nagluto. Nakakahiya tuloy bisita pa naman siya.
"Papa..."
I heard Mikos calling Adam...
Tahimik lang akong nakikinig sa mag-ama.
"Mama said that I will meet you... And you're here now." Mikos said.
"Yes, and I'm not going anywhere, son." Adam reassuringly said.
I bit my lip as I listened to them.
And I realized that I should leave them for now. And let them talk to each other alone.
Bumalik ako sa kwarto at naghilamos na muna. I also brushed my teeth and changed my clothes first. Para naman mas presentable akong haharap sa kanila ngayon.
Pagkatapos ay bumalik na ako at nagpakita sa kanila.
"Mama!" Mikos beamed when he saw me. "Good morning, Mama." He greeted me.
Pumunta naman ako sa anak ko para mahagkan siya. "Good morning, Mikos."
Pagkatapos ay nagkatinginan din kami ni Adam. Nagtagpo ang mga mata namin habang nandoon si Mikos.
"I already cooked breakfast." He said.
"Sorry, I woke up late."
"It's okay."
Nagpalipat-lipat sa amin ni Adam ang tingin ni Mikos. Muli na lang akong bumaling sa anak ko at ngumiti. Pagkatapos ay naupo na rin ako doon para kumain sa niluto ni Adam, pero hindi rin ako makakain agad dahil alam kong may kailangan pa akong gawin.
Mukhang nakapag-usap na sina Adam at Mikos. At mukhang naipakilala na rin ni Adam ang sarili niya sa anak namin. But I know that for formality's sake I should do the proper introductions...
"Mikos, you were sleeping last night so I wasn't able to properly introduce your dad to you..." I calmly said.
Bumaling naman sa akin ang anak ko at naghintay sa sasabihin ko.
Tahimik din si Adam at hinayaan ako na ipakilala siya sa anak namin. Huminga ako nang sandali at nagpatuloy sa pagpapakilala sa kanila. Bumaling ako kay Adam. "Adam, his name is Mikolos Zachmann... We call him Mikos as his nickname. He's six years old. But he's turning seven few months from now..." unti-unti kong sinabi at tiningnan ang reaksyon ni Adam.
I saw that his lips parted, at parang bahagya rin siyang natutulala habang nakikinig sa akin at nakatingin sa anak namin sa harapan niya...
Bumaling naman ako sunod sa anak ko. "Mikos, this is Adam Mikolos Rozovsky... He's your father..." I said.
And I feel like my heart hurt...
Bahagya din umawang ang labi ng anak ko pero unti-unti rin siyang tumango pagkatapos.
Mikos was still young. Marami pa siyang bagay na hindi naiintindihan. Lalo na sa sitwasyon namin ngayon. But I'm hopeful that one day probably when he's older at mas malawak na rin ang pang-unawa niya he will come to understand why things happened to us...
Gusto ko mang ipaintindi sa kaniya pero masyado pa siyang bata ngayon. Pero unti-unti ko rin naman siyang kakausapin tungkol dito.
Although we talked about Adam last time. I only told Mikos that I'll let him meet his father. And although Mikos wasn't really asking more about it, I still feel responsible to explain it to my son. Para mas maintindihan pa niya. And I hope that Adam could help me, too, with the explaining... Tumingin ako sa kaniya na nanatiling tahimik.
"We already know each other, Mama. While you were sleeping... nagkakilala na po kami ni Papa." Mikos said that interrupted my thoughts.
Bumaling ako sa anak ko at ngumiti na lang. Although it's also my fault that I didn't wake up early. I sighed.
I saw Adam also smiling to Mikos. Ngumiti rin naman ang anak ko sa ama niya...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro