Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty

Chapter Thirty

Brother

"Adam—" I was stopped by my ringing phone.

Tiningnan ko iyon at nakitang ang asawa ni Kuya Levi ang tumatawag. Hindi ko na muna sasagutin dahil nag-uusap na kami ni Adam ngayon at sasabihin ko sa kaniya ang tungkol kay Mikos. Pero naisip ko rin na baka importante at tungkol rin sa anak ko. Gabi na at napatawag ang sister-in-law ko sa akin habang nasa kanila si Mikos.

Wala na akong nagawa at nasagot ko na iyon sa harapan ni Adam sa pag-aalala ko rin para sa anak ko. Bigla na lang din kasi akong kinabahan.

"Ate—" sagot ko sa tawag.

"Aeva, nandito kanina ang Kuya Aldrich n'yo."

Agad na akong mas lalong kinabahan sa una pa lang nitong sinabi. At alam kong kita na ang pag-aalala sa mukha ko dahil nakatingin na lang din sa reaksyon ko si Adam at nakuha ko ang atensyon niya habang may kausap ako sa phone ko. At magkaharap lang kami rito.

"Hindi ko nga inasahan ang pagbisita niya, kasi hindi naman niya talaga kami pinupuntahan ng Kuya Levi mo dito sa bahay..."

"Ate, ano po ang nangyari? Nasaan si Mikos?"

Nagkatinginan kami ni Adam. Wala na akong pakialam kung marinig niya ang usapan namin ng hipag ko.

"Iyon nga ang itinawag ko sa'yo, Aeva. Mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay at kasama lang ang mga bata dahil wala ang kuya mo at may trabaho pa. Nang dumating dito si Aldrich... Aeva, dinala niya si Mikos. Alam kong magkapatid naman kayo pero nag-aalala pa rin ako."

"A-Ate, saan niya raw po dadalhin ang anak ko? At bakit niya kinuha si Mikos? Hindi tumawag sa akin si Kuya Aldrich." What was he doing. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at takot nang malaman ito.

"Ang sabi niya lang, Aeva, ay sa kaniya raw muna si Mikos... Sumama naman si Mikos sa tito niya... I'm sorry, Aeva..."

Umawang lang ang labi ko at halos wala na akong masabi...

"Aeva, what's happening?" Nagsalita na rin si Adam sa harap ko at seryosong nagtatanong.

Napailing lang naman ako sa kaniya...

"Aeva, nandito na ang Kuya Levi mo. Hon, nasa phone si Aeva kausapin mo ang kapatid mo. Alam na rin ng kuya mo ang nangyari, Aeva. Tinawagan ko rin kasi siya kanina para ipaalam kaya nagmadali rin siyang makauwi..."

"Aeva," And then I heard Kuya Levi's voice on the line.

"K-Kuya Levi, kinuha raw ni Kuya Aldrich si Mikos d'yan sa bahay ninyo sabi ni ate... Kuya, please, ang anak ko..." Parang ayaw na ring gumana ng utak ko na nabablangko ito at hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon sa sobrang kaba ko na parang naninikip na rin ang dibdib ko.

"Aeva," naramdaman kong hinawakan ako ni Adam para suportahan dahil matutumba na ako rito sa kinatatayuan ko.

"I've been calling Kuya Aldrich but he won't answer. I'll contact Asher now. He might know where Kuya Aldrich brought your son..."

"Please, kuya." I begged and I was already on the verge of crying.

I may be physically strong, kaya kong magpatumba ng kahit isang taong mas malaki pa sa akin kaya kong makipaglaban. But when it came to this... I'm still weak. And I'm more weak for my son now.

Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama kay Mikos.

Nang binaba ko muna ang tawag kanila kuya because he will contact and talk to Kuya Asher, too. Tuluyan na akong nanghina at sinalo na lang ako ni Adam.

"What's happening, Aeva..."

Napalunok ako nang maalala ko si Adam at tinatagan pa muna ang loob ko para maharap ko pa siya at masabi na sa kaniya ang totoo. At sa ganitong sitwasyon pa niya malalaman. I shut my eyes tight for a while before I opened them again to look at Adam.

"Adam, I really have to tell you something..."

"What is it?" His eyes were now all focused on me and his lips parted.

Nakatingin kaming dalawa sa isa't isa. "Adam... we have a son..." At hindi ko napigilang tumulo na ang luha ko.

Nakita ko ang lalo pang pag-awang ng bibig ni Adam. He was obviously shocked by what I just revealed to him. Nagbaba ako ng tingin at umiyak na lang...

"Kinuha raw ni Kuya Aldrich sa bahay si Mikos. My other two brothers were now looking for them. We don't trust Kuya Aldrich..." Halos manghina ko nang sinabi ito kay Adam habang nasa loob na kami ng sasakyan niya at papunta na sa airport para makabalik agad ng Manila.

I know that Adam immediately got worried for our son. Ngayon niya lang nalaman ang tungkol kay Mikos at ganito pa ang nangyari. Hindi ko rin naman inaasahan ito. At hindi ko ginusto.

Adam was quiet but I know that his mind was already somewhere to our son...

Ni hindi pa niya nakikita man lang si Mikos tapos naharap na siya sa ganito. Kasalanan ko ang lahat ng ito dahil hindi ko pa agad na sinabi sa kaniya.

"Paano ang sasakyan mo?" I asked him when we arrived at the airport.

"Ipapakuha ko na lang." he said.

At habang pabalik pa lang kami ng Manila ay ganoon pa rin si Adam na tahimik at parang malalim ang inisiip...

Hinayaan ko na lang muna siya.

Agad din kaming dumeretso sa bahay nina Kuya Levi. Tulog na ang mga pamangkin ko pero hindi na nakapagpahinga pa sina kuya at ang asawa niya sa pag-aalala rin. Magmamadaling araw na kaming dumating at maging kami man ni Adam ay hindi na rin nakatulog.

Earlier I tried calling Kuya Aldrich. Sinagot naman niya at sinabi sa akin na nasa kaniya nga ang anak ko at natutulog na raw si Mikos. Iyon lang at binaba na niya kaagad ang tawag.

Kuya Asher also came to our older brother's house. Kaya nagkita-kita na lang kaming lahat doon. "I also talked about this to Asherina. She said that she'll try to contact and talk to Kuya Aldrich as well." He said.

As I've remembered all of us were scared of Kuya Aldrich mula pa man pagkabata namin. We never knew what our eldest brother was thinking all of the time. Ang hirap malaman ng kung ano ang iniisip niya. And if we could still have some bonding with each other sometimes as siblings, kami nina Ate Asherina at ang dalawa pa naming mga nakatatandang kapatid na lalaki sina Kuya Levi at Kuya Asher, we've never done that with Kuya Aldrich. Nakakausap lang namin siya kung patungkol ito sa trabaho.

"Nakausap ko na rin kanina si Kuya Aldrich." I said.

"Good. Because he never picked up our calls." ani Kuya Levi at tumingin din siya kay Adam na tahimik pa lang sa tabi ko.

I met my brothers gaze. Nagkatinginan kami nina Kuya Levi at Kuya Asher. Alam kong may tanong na sila kung bakit magkasama na kami ngayon ni Adam. But I will explain it to them later. I must go and see Kuya Aldrich alone to get my son dahil mukhang iyon ang gusto niya...

"Are you sure about this, Aeva?"

Bumaling ako kay Kuya Levi at tumango. Naghahanda na ako to go see Kuya Aldrich and my son.

"Yes, Kuya Levi." I prepared my gun too and some small knives. I know that I still grew up and known Kuya Aldrich as my brother. And I even trusted him when I was younger. He was the first person in the Zachmann family that I ever trusted. Kaya hindi ko na rin alam kung bakit baka kailangan pa naming humantong sa ganito...

"What did he tell you, Aeva?"

"That Mikos is with him and he assured me that my son is fine... Pupuntahan ko na siya, kuya." I said.

"Aeva, you don't have to go alone." Kuya Levi said.

Tumango naman ako sa kaniya. "I know that Kuya Asher will follow me."

Natahimik siya. Alam kong nag-usap na rin silang dalawa at hindi naman talaga nila ako hahayaan na pumunta kay Kuya Asher nang mag-isa. Sa huli ay tinanguan na rin ako ni Kuya Levi.

Kuya Aldrich was just in his house not really far away from the main city. Alam din namin kung nasaan iyon. I just hope that my son's just really fine. Dahil hindi ko talaga mapapatawad si Kuya Aldrich kapag dinamay pa niya ang anak ko rito...

"Aeva," Adam called.

Bumaling ako sa kaniya. "I will just go to my brother. Kukunin ko lang si Mikos sa kaniya. You can wait here... Or you can go to your house here... Tatawagan na lang kita, Adam. I'm sorry, I panicked. Mikos is just sleeping at my brother's house." I said.

Kumunot naman ang noo ni Adam. "What are you talking about?"

Nagkatinginan kami. Halos mag-iwas din ako ng tingin sa kaniya pero pinigilan ko. Ayaw ko lang na mag-alala pa siya... I can go and talk to Kuya Aldrich alone. Hindi ko pa rin alam kung ano ang iniisip niya. Kung may problema ba kami... But I will try to talk to him and leave my son out of this...

"Aren't we going to report your brother? This is kidnapping, Aeva." He said.

Umiling ako kay Adam. And then I sighed a bit. "It was just a misunderstanding... Masyado lang akong nag-alala at nag-panic. But Mikos is fine and he's just in the care of my older brother. Ngayon ay kukunin ko na siya doon so that you two could meet, Adam..." sabi ko.

Nanatili pa kaming nakatingin sa isa't isa nang ilan pang sandali. I gave him a small reassuring smile before I left to go get Mikos.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro