Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Ten

Chapter Ten

Group Study

We also met the person who taught Adam how to climb trees... At ito rin ang taong pinagkakatiwalaan ni Adam dito sa estate nila. Mukhang mabait naman si Kuya Boyet.

"Madali lang din turuan itong si Adam. Lalo na at may kagustuhan din talaga siyang matuto." Boyet said. He was also smiling gently to us. I think he's a man in his early to mid thirties. At parang naging kuya na raw siya ni Adam simula nang dumating siya dito sa Masbate.

Pagkatapos makipagkuwentuhan kay Kuya Boyet ay nagpaalam na rin sina Adam na pupunta na kami sa may ilog. And Boyet just let us go.

Pagkarating sa harap ng ilog na malinaw nga ang tubig at mukha talagang malinis ay parang gusto na agad tumalon ni Paula doon at maligo. And then she started undressing herself from her summer dress. Ang panloob niya ay isa nang bikini. We already wore our swimwears kanina pa lang sa bahay ni Adam nang magpaalam kami na makikigamit na rin ng bathroom. Kaya sa loob din nitong dress ko ay isang pares din na two-piece swimsuit.

I sighed and just let Paula do her thing. Ako naman ay hindi naghubad ng dress ko at umupo na lang muna sa isang malaking bato roon.

Napansin ko rin na bumaling sa akin si Adam at napaangat ako ng tingin sa kaniya. While Paula was already enjoying the river water. Good for her.

"You won't swim?" Adam asked me and then he went to sit beside me.

Umiling ako. "Hindi siguro..." Kahit baka pilitin din ako ni Paula mamaya na maligo, knowing her. "Maligo na kayo ni Paula..." I said.

Pero umiling din sa akin si Adam. "Mamaya na siguro. O hindi na lang din since you won't swim, too..." he said.

My eyes remained looking at him. "What do you mean? Hindi ka rin maliligo dahil lang hindi ako maliligo?" Hindi siya nakasagot agad at nagpatuloy ako. "Paano kung tatalon ako sa tulay tatalon ka rin?"

He smiled at me until he chuckled. Umiling-iling siya. "I just don't want to leave you sitting alone here, all right?"

Nakatingin kaming dalawa sa isa't isa.

My lips parted. And then I forced myself to say something. "I'll be fine here alone." I said.

Pero umiling pa rin sa akin si Adam. Nagkatinginan pa kami. At sa huli ay nagbuntong-hininga ako at hinayaan na lang siya. Habang may ngiti naman sa mga labi niya.

"This place is nice..." nasabi ko habang nasa ilog sa harap ang tingin ko. Paula was still busy swimming and enjoying herself.

"Yeah... That's why I chose to come here and live here..."

Napatingin ako sa kaniya. Nang tumingin din siya sa akin ay nginitian niya ako. "Hindi ba may... ganitong lugar din sa Germany..." I said. And then I looked away. I just suddenly thought that if only he didn't come here in the Philippines... But I immediately shook the thought away. Bakit ko pa ba naisip iyon...

Tumango si Adam sa sinabi ko. "But I want to be away from my family..." he quietly said.

Nanatili ang tingin ko sa kaniya. "What...do you mean..."

Bumaling siya sa akin at nagkatinginan kami. "Let's just say that I don't agree to everything my family does." he said.

Ang nalaman ko kanila Kuya Asher at Ate Asherina ay may illegal din na gawain ang pamilya ni Adam... The Rozovskys are not all clean... But aren't the Zachmanns just the same? Hindi na rin malinis ang mga konsensya namin... Why am I comparing right now is a question I have for myself. Maybe I've been just thinking too much. That's it...

Tumingin ako sa ilog sa harapan namin. It looks more beautiful because of the reflection of the still bright afternoon sunlight on the waters...

"I just want to live a simple normal life." Adam said.

A simple and normal... life... Hindi ko alam kung bakit ako napangiti. At natulala na lang sa maganda namang tanawin sa harapan namin. Pero bakit parang may lungkot akong nararamdaman sa kalooban ko na para bang hindi kaayaaya ang nasa harapan ko...

Napilit nga ako na maligo rin ni Paula kalaunan. Kaya lumangoy na rin si Adam sa ilog kasama namin. Nag-iwas pa ako ng tingin nang maghubad din ng pangitaas na damit niya si Adam bago lumusong sa ilog...

We went back to Adam's house nang hapon na at kailangan na rin naming umuwi sa dorm ni Paula para hindi kami gabihin at may curfew din sa amin ang landlady namin. And Adam knows about it kaya ihahatid na rin niya kami ni Paula pabalik ng dorm. At ayaw din niyang gabihin kami.

"We can still have an early dinner. Kumain muna kayo bago ko kayo ihatid. Mabilis lang ang lulutuin ko."

"Marunong kang magluto, Adam?"

Napatingin ako kay Paula sa tanong niya at tumingin din ako kay Adam. And then he answered. Tumango siya. "I thought that cooking is a basic skill and I should learn it, too." He smiled. Pagkatapos ay nagkatinginan din kami. Ako lang ang unang nag-iwas ng tingin...

Dumeretso na si Adam sa kusina niya para magluto habang naligo at nagpalit naman kami ng tuyong damit ni Paula sa banyo. Ako ang naunang natapos kaya lumabas na rin agad ako ng banyo at pinuntahan ko si Adam. Naabutan ko siyang nakaharap sa stove...

"Hindi ka pa nagpapalit ng damit, Adam. Natuyo na lang 'yang suot mo." sabi ko.

Bumaling siya sa akin na may ngiti. "You're done changing. Good. Maliligo na rin ako sa bathroom ko sa taas. Can you please look after this for a while? Mabilis lang ako at babalik din kaagad. Paluto na rin naman ito." aniya.

Tumango naman ako at handa nang tingnan iyong niluluto niya para makabihis na rin siya. "Okay..."

Adam smiled before he left me there in the kitchen and went upstairs.

Naamoy ko naman agad ang niluluto ni Adam. It smells good and looks delicious. Kinuha ko na lang ang spatula at hinaluhalo pa iyon. And then after a while I felt stupid... I mean I didn't really know how to cook. Kaya hindi rin ako sigurado sa ginagawa ko. Nagbuntong-hininga na lang ako at tumigil.

Hanggang nandoon na rin si Paula at siya na ang pinatingin ko sa niluluto ni Adam...

"Ikaw din ba ang nagluto ng lunch natin kanina?" Paula asked as we were already having our dinner.

Adam nodded. "Yes."

"Ang galing naman talaga!" Paula praised Adam. And then she turned to look at me and gave me a meaningful gaze with her playful smile.

Kumunot lang naman ang noon ko sa kaniya at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Pagkatapos ay hinatid na kami ni Adam sa dorm namin.

At mukhang nasasanay yata si Paula na magpunta kanila Adam kaya ideya niya rin na bumalik kami doon sa sumunod na mga araw during the weekend para mag-group study daw ayon sa kaniya.

And being with Adam and seeing him doing his life alone in this place made me realize how strong and independent he was...

"Thank you, Adam, ha! Na pumayag ka talaga na i-tutor kami ni Aeva." Paula smiled to Adam.

"No worries." Adam smiled as well and he turned to me.

Binaba ko naman ang tingin ko sa yellow paper na sinusulatan ko.

Hindi kami pareho ng course ni Paula. Pero mukhang alam din ni Adam ang pinag-aaralan nila. Then he must really be intelligent. Naalala ko na matatalino ang magkakapatid na Zachmann... habang ako ay ayos lang naman...

"Ayaw pa nga sana ni Aeva nito. Pero nakita mo na rin naman siguro ang test scores niya, 'no? Lalo na at classmates pa kayo. Kaya sabi ko sa kaniya kailangan namin pareho ang tulong mo." Ngumisi si Paula pagkatapos ng sinabi niya. At nagsalita pa talaga siya.

My eyes remained looking at the useless thing I was just writing on my paper. Hindi naman sa hindi ko alam ang ginagawa namin sa klase. Hindi ko lang talaga pinagbubutihan. Kasi misyon lang naman ang pinunta ko rito... at hindi talaga para mag-aral...

At isa pa, being an Agribusiness student is no joke, too...

Tumahimik na rin si Paula at nagpunta muna sa banyo. Kaya naiwan kaming dalawa lang ni Adam doon. Naramdaman ko naman na bahagya siyang umusog palapit sa akin kaya napasulyap din ako sa kaniya. Pagkatapos ay binalik ko rin ang tingin ko sa papel ko.

"What are you writing?" Adam asked me.

I immediately crumpled my paper.

"Ano ba ang hindi mo maintindihan sa klase natin? Let me help you." He politely asked me.

Nanatili naman akong tahimik nang ilan pang sandali bago ko siya sinagot at sinabi kung saan ako nahihirapan sa lectures namin.

"All right. Got it. Mukhang kailangan ka nga yata talagang i-tutor kasi hindi ka nakikinig sa klase..." He said.

Agad naman akong napatingin sa mukha ni Adam. And he already has this kind of a naughty smile on his face as he arranged our notes and books in front of us to get started.

"Because instead of listening to our Professors... your eyes just kept on looking at me..." aniya pa.

My eyes widened, at hindi ko na maalis ang tingin ko sa kaniya. What is he saying...

And Adam just laughed at my reaction... Umawang pa ang labi ko. Pagkatapos ay hindi rin naman nagtagal at tumigil din siya agad sa pagtawa niya. He shook his head. "I'm sorry, I'm just joking." He said after.

I looked away. I'm guilty about what he said now. Kasi totoo rin naman at alam ko iyon sa sarili ko na palagi ko nga siyang napagmamasdan sa klase namin lalo na noon dahil nga rin sa misyon ko... Right. It's all just for my mission...

"Hey, are you mad...?" He gently asked me when he heard no response from me after he just teased me...

Tumingin ako sa kaniya. "It's fine." Pagkatapos ay muli akong nagbaba ng tingin sa mga libro namin sa harapan. "Ang feeling mo naman to think that you've got my eyes..." Pagkatapos ay may lakas loob nang binalik ko naman ang tingin ko sa kaniya ngayon. "Doesn't mean na halos lahat na ng mga babae rito ay nagkakagusto sa 'yo ay ganoon din ako." I bravely said and faced him.

His mouth turned a little bit into an O shape. Mukhang nabigla siya at hindi inaasahan ang sinabi ko. Umawang din ang labi niya habang nanatiling tinitingnan ako. "I... I didn't said that... you like me..." he said afterwards.

Agad nag-init ang mukha ko at agad ko rin tinago ang mukha kong sigurado akong namumula, because I didn't want him to see my embarrassment...

I heard him chuckled. But he also stopped right away. "Hey, never mind... Please don't mind me and what I said. I'm just being stupid... I'm sorry." Agad niya rin namang bawi.

Kinalma ko ang sarili ko at tiningnan muli siya. "I'm fine. Maybe I just did not expect that you can also tease me like this..." Hindi ko rin talaga inasahan na may tinatago rin palang ganiyang ugali si Adam na marunong din pala manukso.

Siguro ay lumalabas na rin talaga ang mga ugali namin sa isa't isa dahil matagal na rin kaming magkakilala... And I think it's all right... That it's better this way. It might only mean that we're already this comfortable towards each other...

"I'm sorry." He said again.

Umiling ako. "It's okay. It didn't really affect me anyway." Nagkatinginan kami. "Your teasing." dugtong ko.

And I saw Adam just smiled.

I was called at home. Noong nakaraan pa ay pinatawag din ako sa bahay and I was asked about the progress of my work here... At sinabi ko noon kanila Mama at Papa at sa mga kapatid that I'm working on it...

At ngayon ay pinatawag na naman ako kaya umuwi na ako. Ramdam ko na ang kaba ko. Lalo na pagkapasok ng mansyon ng mga Avila. Although I already readied my reason...

Unang sumalubong sa akin si Kuya Levi na bumbaba ng engrandeng hagdan. He only looked at me with his usual straight face... And then he left. Mukhang may pupuntahan din siya. Hindi man lang kami nag-usap. Not that I'm not used to it anyway. Pagkatapos ay nakita ko na rin doon ang kambal.

"Aeva..." Ate Asherina went to welcome me with a hug.

Kuya Asher also welcomed me with his genuine smile.

"Si... Kuya Aldrich? Sina Mama at Papa?" I asked them.

"Pababa na sina Mama at Papa. Kuya Aldrich is here..." Lumagpas ang tingin ni Ate Asherina sa akin sa likod ko kaya napatingin din ako doon at nakita si Aldrich...

"How's it going, Aeva?" bati niya sa akin.

Lihim akong napalunok bago tumango sa kaniya. "I'm on it... kuya. You told me to make my work clean. Hindi pwedeng basta na lang lumabas na pinatay si... Adam Rozovsky..." Napababa ako ng tingin. Pagkatapos ay pinilit ko rin muling mag-angat ng tingin sa kaniya agad. He can see through me...

Ang plano kasi ay palabasin lang na mamamatay sa isang aksidente si Adam... Malaking pamilya pa rin ang babanggain namin at hindi lang naman sa bansa ang mga Rozovsky. So we have to be very careful, too... Dahil ikakasisira rin ng mga Zachmann kung sakali...

I wanted to ask why we accepted this job... Kung magiging delikado rin pala ang mga Zachmann... Is this really worth it? Worth all the risks...

Ngumiti sa akin si Aldrich. Pero may kutob ako na hindi siya natutuwa o masaya.

Narinig namin na nakababa na rin ang Mama at Papa. Kaya lahat kami ay bumaling na sa kanila. "Mama, Papa..." I greeted them.

Ngumiti sa akin ang Mama pagkatapos ko siyang hagkan sa pisngi niya. While Papa was just showing his usual serious or strict face. "Kumusta ka na, hija?" Mama asked me.

"Uh, maayos naman po, Mama..." I answered...

She nodded. She looked calm but it made me nervous... "Mamaya n'yo na kausapin ang kapatid n'yo at pagpahingahin na muna natin siya. Kakarating niya lang galing sa biyahe." she told my brothers and sister.

Kaya nagkaroon pa ako ng panahon na umakyat at pumasok sa loob ng kwarto ko rito sa mansyon. At makapagpahinga pa sandali...

But dinner came right away at alam kong hindi pa tapos sa akin sina Mama...

"Kumusta ang trabaho mo, Aeva?" Mama directed her question at me.

Nag-angat naman ako ng tingin at sasagot na sana nang muli pa siyang magsalita kaya agad din akong natigilan at tumahimik at hinayaan na muna siya na magsalita.

"I wonder... What's taking you so long, hija? Hmm...?" Mama smiled at me.

And I just remained looking back at her...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro