Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Sixteen

Chapter Sixteen

Positive

"Jose," tawag ko sa naalala kong tawag rin sa kaniya nina Aldrich.

Bumaling siya sa akin mula sa pagbibinyag ng mga halaman.

"Ano po iyon, Senyorita?"

Umiling naman ako. "Wala naman..." And maybe it was just my thought of trying to befriend him. Wala naman kasi akong ibang kaibigan at halos ang magkakapatid na Zachmann lang din ang kinakausap ko.

And I just thought that Jose was harmless because he works for the Zachmanns after all...

Pero ang pagsusubok ko lang na makipagkaibigan noon ay makakatulong pa pala sa akin pagdating ng araw...

Isang malakas at masakit na sampal ang sinalubong sa akin ni Mama nang dumating kami ni Kuya Levi sa Hacienda Avila...

"You ungrateful child!"

Patuloy lang akong nagbaba ng tingin. Wala na rin naman akong masabi... Wala na akong mairason... So I guess I'll just let them punish me...

Pagkatapos kay Mama ay dinala na ako ni Kuya Aldrich para maparusahan. It wasn't the first time that I will experience beating from Aldrich Zachmann. Naranasan ko na rin ito noon sa kaniya kapag hindi niya nagugustuhan ang resulta ng trainings niya sa akin. Although I think that it's been a while since I received such punishment...

Dinala ako ni Kuya Aldrich sa isang madilim na silid sa Avila mansion. Pamilyar na rin sa akin ang kwartong ito. At walang salita na nagsimula si Kuya Aldrich sa pagpaparusa sa akin mula sa marahas na pagsasampal din sa mukha ko. Napapikit ako sa sakit at naramdaman ko ang pamamanhid ng mukha ko dahil sa mabigat na sampal. Nalasahan ko pa ang dugo mula sa pagputok ng labi ko dahil halos suntok na iyong sampal na iyon mukha ko.

Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan si Kuya Aldrich na suntukin pa at sipain ako ng ilang beses...

The next day I thought that it was only because of Kuya Aldrich's beating na sobrang sama ng pakiramdam ko.

"Are you all right, Aeva..." Ate Asherina sighed after asking.

"She doesn't look all right, Rin. I mean, look at her. She's as pale as a ghost now..." I heard Kuya Asher saying.

Silang dalawa ang nasa kwarto ko nang magising ako kinabukasan. At siguradong sila na rin ang kumuha sa akin sa kwarto kung saan ako pinarusahan ni Kuya Aldrich.

Hindi pa kami nakakapag-usap... Pero may pakiramdam na rin ako na hindi rin naman siya makikinig sa paliwanag ko... Although it was Aldrich who I trusted the most among the Zachmann siblings...

And the next days I didn't get any better. I was having a fever. But I still got out of bed to hurry to the bathroom at nagsuka ako roon nang nagsuka... na napaluha pa ako pagkatapos because I felt terrible.

"Aeva!" Ate Asherina hurried to my side.

"What's happening?" si Kuya Asher naman na mukhang kakabalik lang din sa kwarto ko.

Hindi ko pa rin silang dalawa nakakausap. And I was already thinking if I can still trust them... After what happened to me and my mission that they probably already know. But they've been with me since Kuya Aldrich had released me from my punishment...

"Ash..." Ate Asherina called his twin brother.

Nakita ko rin na nagkatinginan ang kambal.

Nanghihina na ako sa tabi ng inidoro nang muli akong balingan ni Ate Asherina. "We will do a test with you, Aeva." she said.

And I was already too weak to respond. I just felt Kuya Asher carrying me back to my bed with my eyes already closed...

But when I regained my consciousness again and was not too weak to do a test that Ate Asherina was saying, ay ginawa na nga rin namin iyon.

And I was confused at first...

Until I just knew that it was actually a test for pregnancy... And the results were positive... Ang kambal pa lang ang unang nakakaalam nang magkaawa na rin ako sa kanila na huwag munang ipapaalam kanila Mama at Papa at maging kay Kuya Aldrich. I immediately got scared of what they'd probably do if they learned about this.

I thought that it was a miracle that my baby was still alive inside me. It survived even after I was punished.

But thinking that I cannot trust even the twins anymore... Hindi pa man nalalaman nina Mama at Papa ay gumawa na ako ng paraan na makaalis sa Hacienda Avila the moment I knew that I was pregnant. Sobrang natakot ako sa pag-iisip ng maari rin nilang gawin sa anak ko...

And maybe it was already my mother's instinct that decided to immediately leave and protect my child...

"Kuya Levi..." At the end wala akong maisip na ibang taong mahingan ko ng tulong kung 'di si Kuya Levi lang din and that was only based on how I thought he had helped me back in Masbate.

"You are..."

Tumango ako habang nagmamakaawa sa kaniya. Nakita ko namang nanatili ang tingin niya sa mukha ko. Nagbaba naman ako ng tingin. Alam kong namamaga pa rin ang mukha ko dahil sa pagpaparusa sa akin ni Kuya Aldrich.

"Parang awa mo na, Kuya Levi... Huwag na sanang madamay pa ang inosenteng bata..." I shook my head almost hysterically. "Kahit pa patayin ako nina Mama at Papa... nina Kuya Aldrich pagkatapos... But I don't wish for my child na madamay pa, kuya..." I begged.

"So what do you mean? I'll help you hide this, you'll give birth to your child, and then what? Mamamatay ka rin sa kamay ni Aldrich? At pagkatapos ano ang mangyayari sa bata?"

Nagkatinginan kami ni Kuya Levi.

Napaisip ako at natigilan din sa sinabi niya. But I shook my head. I think I'll just worry about it later... But right now I only want to protect my child... "Help me..." was the only thing I can say after...

Kuya Levi sighed, and then he stopped. At doon namin pinlano ang pagtakas ko kasama si Jose...

"Hindi ba natin mapapahamak si Jose, kuya?" I asked Kuya Levi.

"He also wants this. He wants to help you. So no matter what will happen next, kagustuhan niya rin naman ito." He said.

Umiling naman ako. "Pero ayaw ko na mandamay pa ng ibang tao—"

"You have no choice, Aeva. Only Jose can help you out of this place..."

Nagkatinginan kami pagkatapos. At sa huli ay wala na rin akong magawa...

Ang inisip ko na lang talaga ay kung paano ko matatakasan ang hacienda, ang mga Zachmann... For my still unborn child's sake...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro