Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Six

Chapter Six

Invited

Pagkarating namin sa university ay kinausap ako ni Adam tungkol sa sinabi ni Paula na pang-iimbita nito sa amin sa birthday nito. After Adam parked his car, bumaba na rin naman agad si Paula at mukhang late na rin siya sa klase niya. Kaya agad na rin siyang nakapagpaalam sa amin ni Adam. Now Adam and I are walking side by side to our room.

"Uh, yes." I sighed. "She was inviting us to her birthday..." Tumingin ako kay Adam pagkatapos ay umiling ako. "Pero hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo na pumunta. Ako na ang bahalang magsabi kay Paula." At hindi ko nga rin sigurado kung pupunta rin ba ako. Hindi pa kasi ako nakakasagot sa invitation niya ay parang nag-expect na agad siya na pupunta ako at sasama sa kaniya. I can only sigh.

"Don't worry about it." sabi ko pa kay Adam.

Pero umiling naman siya sa akin. "No, it's okay. We're invited by your friend. If you'll go then I'll go, too." he said.

Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Pagkatapos ay tumango na lang din ako.

Muli akong tahimik na nagbuntong-hininga sa tabi ni Adam habang naglalakad kami.

Dumating nga ang araw na uuwi si Paula sa kanila at isasama niya na raw kami ni Adam. Bukas pa ang birthday niya at Friday pa lang ngayon ng hapon pero dahil tapos na rin naman ang mga pasok namin sa university kaya naisipan ni Paula na umuwi na ngayon.

"Hi!" Adam greeted me with a smile.

Binaba ko na kasi siya nang mag-message siya na nandito na siya sa labas ng dorm. Yes we already exchanged phone numbers. Si Adam ang unang nanghingi para madali raw namin ma contact ang isa't isa kapag kailangan. "Hi." Binati ko na rin siya. "Sorry, mukhang kailangan pa nating hinatayin si Paula. Naiwan pa siya sa room namin at nag-aayos pa." I sighed. That girl really takes time para lang mag-ayos. While pagkatapos kong magbihis at magsuklay ng buhok, at tingnan saglit ang sarili ko sa salamin ay ayos na ako. But that girl's different. Or maybe...I'm the different one. Isn't all the other girls are just like Paula when it comes to their self care and skin care...? I sighed.

Adam in front of me shook his head. We were standing outside beside his car. "It's all right. Medyo early rin ang dating ko rito sa dorm n'yo." Napatingin pa siya sa building ng dorm namin sa harap.

Napatingin na rin ako at sa utak ko ay sana lumabas na d'yan si Paula. Hindi malaking building ang dorm na may hanggang tatlong palapag. Ang first floor ang tanggapan at may mga stores din na pinapa-rent din ng may-ari. Ang second floor naman ay dorm na mga lalaki. Sa third floor kaming mga babae naman lahat. Iba ang daanan ng boys at iba rin ang sa amin kaya hindi rin halos magkita ang mga lalaki at babaeng estudyante sa dorm na ito. Maayos din ang landlady at rules ng dorm. Kaya ayos na rin ako rito.

"Hi, Adam! Kanina ka pa ba? Sorry. Sige, tara na. Alis na tayo?" Ngumiti si Paula.

Nagbuntong-hininga ako at nagpasalamat na lang nandito na siya.

Pumasok na kaming tatlo ni Adam sa sasakyan niya. Paula's family lives in a more rural area. Malayo rin dito sa university namin kaya nagdodorm din siya at minsan lang din umuwi sa kanila simula raw nang nag-college siya. She talk to me about her family as well. Habang pagdating sa akin ay tikom naman ang bibig ko. Mabuti na lang at hindi na rin naman ako pinipilit pa talaga ni Paula na magkwento din ng tungkol sa akin.

"Maliit lang ang barangay namin pero mababait naman ang mga tao roon at halos kakilala lang din namin." Paula started talking about their place. Habang nasa biyahe na kami papunta sa kanila.

"Naikuwento ko na rin kayo sa nanay ko at gusto na rin niya kayong makilala."

Nakita kong ngumiti si Paula sa rear-view mirror ng sasakyan ni Adam. She's seated in the backseat. While I'm here in the front with Adam driving. Tahimik lang naman akong nakikinig, while Adam would answer to Paula.

"Medyo mahaba ang biyahe papunta sa amin. Naku, sorry, Adam, ha. Pero salamat kasi magdadrive ka pa papunta sa amin."

"It's all right. And you're welcome." sagot ni Adam.

"Hala, nga pala, pwede ba tayong dumaan d'yan sa tianggihan? Pasensya na, Adam. Baka pwede tayong mamili ng snacks kasi mahaba rin ang biyahe at baka gutumin tayo." si Paula.

Pumayag naman agad si Adam. At sila na sana ang bababa para mamili ng baon nga raw namin at papaiwan na lang sana ako rito sa loob ng sasakyan. Pero biglang tinawagan si Paula ng mama niya sa phone kaya kami na lang dalawa ni Adam ang lumabas para bumili.

"Sorry about Paula." sabi ko nang palapit na kami sa isang tindahan.

"Hmm? No. It's all right. She even invited us to her birthday." He smiled.

Nahihiya kasi talaga ako sa pagiging madaldal ni Paula... Baka hindi komportable si Adam...

We went to buy some snacks or chips pati juice na rin at dagdag na water. May nakita pa si Adam na bakery sa tabi kaya bumili na rin kami ng tinapay.

"Do you like sweet bread?" He suddenly asked me, habang pumipili kami ng bibilhin na tinapay.

Tumingin ako sa kaniya at napatingin din ako sa mga tinapay sa harap namin. "Ayos lang..." sabi ko naman.

After buying the bread ay pabalik na kami sa sasakyan niya. "What's your favorite food?" He suddenly asked me again. "Or do you like bread?"

Tumingin ako sa kaniya. "Ayos lang..." Napaisip ako. Wala naman yata akong specific na mga paborito...

Tumango na lang si Adam at pumasok na rin kami sa loob ng sasakyan niya para magpatuloy sa biyahe.

It was my first time to go to a friend's house. And somehow... I felt normal... Especially after we were greeted by Paula's mother and her family when we arrived in their house. Paula's family were friendly... and kind...

"Hinanda ko na ang kwarto mo, Paula."

"Sige, 'Nay, salamat po. Kasama ko si Aeva matulog sa kwarto ko mamaya." Ngumiti si Paula.

Tumango naman ang mama niya. "Oo, at si Adam naman ay sa kwarto muna ng kapatid mo. Nalinisan na rin iyon."

Wala raw kasi rito madalas ang kuya ni Paula at nagtatrabaho sa ibang lugar kaya libre rin ngayon ang kwarto nito na ipapagamit din muna nila kay Adam.

Hindi malaki ang bahay nina Paula ngunit hindi rin naman maliit. Sakto lang para sa pamilya nila. Nandito ang mama niya at ang tatay niya na kakauwi pa lang galing daw sa bukid nila. Ang mga nakatatandang kapatid ni Paula ay wala na rito sa bahay nila dahil kung hindi nagtatrabaho ay nakapag-asawa na at may sarili nang pamilya. Kaya ang parents ni Paula at isang nakababatang kapatid na lalaki na lang ang nandito sa bahay nila.

"Thank you, po." Adam politely thanked Paula's mother.

Ngumiti ang nanay ni Paula kay Adam bago ito bumaling sa akin na nagpasalamat din.

"Walang anuman. Magsabi lang kayo sa amin kung may kailangan. Feel at home." Mabait pa na ngumiti sa amin ang mama ni Paula.

I noticed that their family was simple and happy...

"Aeva,"

Agad akong bumaling. I heard Adam calling my name. And I feel like it was the first time he called my name...

Ngumiti siya sa akin. "Your friend's family are kind to us." he said.

Nanatili ang tingin ko kay Adam. I also realized that Adam Rozovsky was an appreciative person. Parang lahat ng bagay kahit maliit ay agad niyang naaappreciate ...

And it doesn't have to be a material thing... Friendship... kindness... he appreciates, too.

Tumango na lang ako sa sinabi niya at binaling ang tingin ko sa nagkikislapan sa langit. Gabi na at nagpapahangin kami sa labas ng bahay nina Paula nang yayain din kami nito. "Doon muna tayo sa labas pahangin. Walang aircon dito sa bahay namin, kaya pasensya na. Naiinitan ba kayo?" sabi pa niya pagkatapos naming kumain ng hapunan sa kanila. And her mother was a good cook as well. Ang sarap din ng luto nito na nabusog din kami ni Adam.

Umiling naman kami pareho ni Adam sa kaniya. "Hindi naman mainit." sabi ko. Ang presko nga rito sa lugar nila parang ang sariwa ng hangin.

At ngayon ay naiwan muna kaming dalawa lang ni Adam rito na nakaupo sa may kawayang upuan sa labas ng bahay nina Paula. Nang magpaalam siya na kukuha lang daw muna ng maiinom namin sa loob ng bahay nila.

At habang nakaupo ako rito at bahagyang umihip ang panggabing hangin ay naamoy ko rin ang bango ni Adam sa tabi ko. Kaya napatingin ako sa mukha niya. His side profile was facing me. While he watched the moon above us.

And from then I noticed that he was kind of handsome...

Hindi naman ako bulag. I have eyes and I can see that he's attractive, too.

Inalis ko ang tingin ko sa kaniya. At tumingin na lang sa harap. I sighed quietly.

Napansin ko na nandoon na rin pala si Paula at nakaramdam ako ng pag-iinit ng mukha dahil pakiramdam ko ay nahuli niya akong pinagmamasdan si Adam... Lalo pa at may ngisi na sa mga labi niya nang magkatinginan pa kami.

I looked away, trying to hide the embarrassment on my face. I can't believe myself that I didn't notice na nakabalik na pala si Paula? Was I being unaware and careless? Or got lost as I was silently watching Adam a while ago...

What am I doing?

What has gotten into me...

I feel like I'm not being myself.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro