Chapter One
Chapter One
Family
"Hi! I'm Aldrich. What's your name?"
I remembered how it all started. Both my parents died in a vehicular accident when I was so young and I became an orphan because there was no single relative who can take care of me. I was six years old when a couple and their son visited the orphanage I was in.
"Eva..." mahina kong naging sagot sa kaniya. Sobrang hina pa nga yata that I doubted he'd hear me but he still did. I thought he had ears that were too attentive.
"Eva..." ulit niya sa pangalan ko at ngumiti siya sa akin.
Hindi ko naman alam kung ngingiti rin ba ako sa kaniya o hindi...kaya nanatili na lang na wala halos reaction ang mukha ko.
"Son."
Pareho kaming nag-angat ng tingin sa dalawang taong dumating. Ang isa ay matangkad at malaking tao na nakasuot ng itim na suit. Ang kasama naman nitong babae ay pormal din ang pananamit. Kahit ang tindig nila ay pormal na pormal. Pati ang malumanay na kilos ng babae at pagsasalita...
"Mama, Papa." Aldrich smiled to them. "I found her. We'll bring her home with us, right?"
Unti-unti namang tumango ang tinawag ni Aldrich na Mama habang nasa akin ang mga mata nito at mukhang pinag-aaralan ako. Pagkatapos ay bumaling din ito sa mukhang asawa nga nito na siguro siya namang Papa ni Aldrich. Tumango rin ito at sabay na tumingin sa akin ang mag-asawa.
I turned to Aldrich and he gave me a reassuring smile.
I remember I was brought to the province after that. Sumakay kami ng pribadong eroplano at pagdating sa lugar ay bumiyahe pa muli gamit ang malaking sasakyan kung saan sakay ako at si Aldrich, at ang parents niyang mag-asawang sina Mr. at Mrs. Zachmann.
"Remember that you are Aeva Analia Zachmann. That's your name from now on. Don't forget that, 'kay?" Aldrich reminded me. A kind smile was still etched on his face.
Nanatili ang tingin ko sa kaniya pagkatapos kong tumango sa sinabi niya habang magkatabi kaming nakaupo sa likod na bahagi ng sasakyan. Nasa unahan namin ang mga magulang ni Aldrich at sa pinaka-una sa driver seat ang driver at katabi nito sa front seat ang isang mukhang bodyguard din.
Ang mabait na ngiti sa akin ni Aldrich ang dahilan kung bakit napanatag ako. Kahit napunta ako sa isang lugar na hindi ko alam at unang beses ko pa lang napuntahan kasama ang mga taong ngayon ko lang din nakilala.
Binaling ko ang tingin sa mga tanawing nadadaanan namin sa labas gamit ang bintana ng sasakyan sa tabi ko. Sa labas makikita ang nadadaanan naming ekta-ektaryang taniman ng tubo. Wala kang ibang makikita kung hindi iyon hanggang sa matatanaw mo na sa isang mataas na lupa ang nakaangat na puting puting mansyon.
Magkakasunod na huminto ang mga itim na sasakyan kasama ang sinasakyan namin at iba pang nauuna at nahuhuling sasakyan sa sinasakyan namin na ang sakay naman ay mga bodyguards.
Napansin kong wala nang gate ang mismong malaking mansyon pero kanina mula sa highway ay pumasok ang mga sinasakyan namin sa isang mataas at mukhang matibay na gate bago kami muli bumiyahe pa sa nadaanang mahahabang ektaryang pananim na tubo bago narating ang mismong malaking bahay o mansyon.
At kanina rin habang papasok ang mga sasakyan namin sa mataas na gate ay napansin ko ang isang agila sa tuktok nito. It's a large figure of a black eagle. Itim din kagaya sa kulay ng buong tarangkahan. At sa baba ng agila mababasa ang mga salitang de Ávila na naka-engraved din doon.
Naunang lumabas ang mag-asawang Zachmann matapos ang mga ito pagbuksan ng pintuan ng sasakyan. Sumunod kami ni Aldrich. He also offered his hand to me at may ngiti muli sa mga labi niya para sa akin. Pinatong ko naman ang kamay ko sa kamay niya at nakalabas na rin kami ng sasakyan.
Bumungad sa harap ko sa unang pagkakataon ang de Ávila white mansion, dito sa Cadiz, a small provincial city that's part of the Negros islands. Isa lang ito sa maraming bahay at properties ng pamilyang Zachmann hindi lang din sa bansa kung 'di pati abroad. Maraming ari-arian ang pamilya nila dahil parehong galing sa mayayamang pamilya ang mag-asawang Zachmann.
The white mansion and the hectares land with sugar mill was a property of the Avilas. Ana Lucia de Ávila-Zachmann was the only heir to the Avila family's wealth.
"Señor, Señora, Señorito Aldrich..." Binati kami ng mga katulong na nakapila na habang hinihintay pa lang ang pagbabalik ng amo nila.
"Nasaan ang mga bata, Melfina?"
Yumuko ang isang matandang katulong. "Pababa na rin po, Senyora. Kanina ko pa rin pinatawag."
Senyora Ana Lucia sighed. Kasunod ay maiingay at mukhang naghahabulan pang bumaba ng engrandeng hagdanan ang tatlong magkakapatid. At nanlaki ang mga mata ko nang makitang pare-pareho silang may mga hawak na totoong kutsilyo kahit mukhang naglalaro lang sila. Their playful laughters filled the quiet sala just a while ago.
"Oh! They're here!" The only girl among the three kids was the first one to notice.
Natigil sila sa paglalaro at kalmadong lumapit sa kinatatayuan pa rin namin. Ang mga katulong ay nanatiling tahimik at nakayuko lang ang mga ulo.
"Mamá, Papá, Kuya Aldrich... Who's she?" The girl who looked like she's a few years older than me asked.
"This is Aeva Analia Zachmann. She's our sister." Aldrich smilingly told his younger siblings. He's the eldest child in the family.
"Sister?" The girl looked like she's in awe. Hindi na naalis ang mga mata niya sa akin.
"She's not..." Pero humina rin ang boses ng isang bata nang maangat ang tingin niya kay Aldrich at Mr. Zachmann sa tabi ko. He just smirked instead as his eyes darted back to me. And didn't finish his sentence.
"Greet your sister, Archibald."
Pakiramdam ko ay may pagbabanta sa tono nang sabihin iyon ni Senyora Ana Lucia sa anak.
"Hi, Aeva! I'm Levi Archibald Zachmann. And I'm your second older brother." He smirked.
Lumapit pa sa harapan ko ang batang babae naman. "I'm Asherina. And this is my twin brother, Asher."
Napatingin din ako sa isa pang batang lalaki. Ngumiti naman ito sa akin.
"Introduce your name to them, Aeva. Say your name." Aldrich urged me.
Nag-angat ako ng tingin kay Aldrich bago nagsalita.
"Aeva Analia Zachmann..." mahina kong sambit sa pangalang ibinigay sa akin. Habang nakatingin din akong muli sa mga kapatid ni Aldrich.
Bigla na lang binigay sa akin ni Asherina ang kutsilyong hawak niya. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay doon ang kutsilyo nang hindi ko iyon agad tanggapin mula sa kaniya. Nagtataka at nalilitong tumingin ako sa kaniya habang ngayon ay hawak ko na ang kutsilyo. At nagugulat din ako.
"Attack me." She said it as if she's just being playful.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya at gustong ipagawa. She just gave me a reassuring smile. While Levi Archibald just smirked as he looked at my reaction. Hindi naman makangiti o kung ano si Asher na ngayon ko lang halos napansing may maliit na hiwa pala sa pisngi na mukhang ngayon lang din klarong dumugo mula sa paglalaro nilang magkakapatid...
Bumaling naman ako kay Aldrich sa tabi ko para manghingi ng tulong... Pero mukhang dumilim lang ang mukha niya habang tinitingnan ang reaction sa mukha ko na nanghihingi ng tulong sa kaniya.
And I thought that Aldrich didn't like it...
My hands twitched when I accepted the small knife from Asherina. Ngumiti lang naman siya sa akin nang malapad. "Go ahead." she urged like it's just nothing.
Huminga ako pagkatapos sa natatakot at malamyang kilos ay sinubukan ko ring itutok ang kutsilyo sa kaniya. Pero dahil walang kwenta lang din naman ang pagsusubok ko ay mabilis lang din nasangga ni Asherina ang ginawa ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at piniga ito para mabitiwan ko ang kutsilyong hawak. Halos mapasigaw naman ako nang malakas sa sakit ng pagkakapiga niya sa kamay ko.
"Oh." She gave an innocent look. "Are you all right? I'm sorry..."
Tumingin ako kay Aldrich na tumingin lang din sa akin bago ko binalik ang tingin sa kapatid niya. Unti-unti akong tumango.
Asherina gave me a smile.
"Melfina, ipahatid mo na muna siya sa kwarto niya. Aldrich, hijo, magpahinga ka na rin muna dahil kagagaling lang natin sa biyahe." Ana Lucia Avila-Zachmann started instructing the maids.
Pagkatapos ay bumaling din ito sa tatlo pang mga anak. "And you go to your nannies and do not make any mess for now. I and your father wants to rest."
"Yes, Mama!" Asherina answered.
Senyora Ana Lucia gently looked at her daughter and gently held her chin and cheek. Asherina just smiled to her mother.
Senyora also looked at the other two boys and gave them a small yet gentle smile.
After that I was brought by a maid to my room. The room that became my bedroom in the mansion. Maganda ang kuwarto ko at malayong malayo na sa dati naming tinutulugan sa orphanage kung saan ako kinuha nina Aldrich.
Tinuruan ako ng katulong sa mga parte ng may kalakihang kwarto. At nang iwan ako nito ay saka naman ako nakarinig ng pagkatok sa pinto ko. Nilapitan ko ang pintuan at binuksan iyon. Agad na ngumiti sa akin si Asherina matapos ko siyang pagbuksan.
"Hi! Kumusta ang kwarto mo nagustuhan mo ba?" Pumasok siya sa loob ng kwarto ko.
Isang pagtango lang naman ang naging pagsagot ko.
Ngayon lang kaming dalawa nagkita pero mukhang komportable na siya sa akin. Habang ako ay hindi pa ganoon ka komportable sa kanilang pamilya...
Ang then I saw her smiled. She went to me and then held both of my hands with hers. "Simula ngayon ay magkapatid na tayo. Mas bata ka sa akin kaya tawagin mo akong ate." Muli siyang ngumiti sa akin pagkatapos ng sinabi niya.
Muli lang din naman akong tumango. Ngumiti pa siya sa akin.
Pero hindi na rin nakapagtagal sa kwarto ko si Asherina dahil dumating si Aldrich at pinapabalik na siya sa kwarto niya. At nandoon na rin ang isang katulong na pinaalalahanan siya sa oras ng siesta...
"Did she bother you?" Aldrich asked me.
Umiling naman ako.
Pagkatapos tawagin ay bahagyang nakasimangot si Asherina na umalis sa kwarto ko kasama ang katulong.
Tiningnan lang din ni Aldrich kung maayos ba ako sa bago kong kwarto pagkatapos ay hindi rin siya nagtagal doon at babalik na rin daw sa sarili niyang kwarto.
Mahina akong napabuntong-hininga nang maiwang mag-isa sa tahimik kong kwarto.
Naisip ko ang magkakapatid na Zachmann. Mukhang mabait naman sina Asherina at Asher. At tingin ko ay magkakasundo rin naman kami gaya ni Aldrich... Tapos ay naisip ko ang isa pa sa magkakapatid. Si Levi Archibald Zachmann na pakiramdam ko ay may ayaw sa akin...
Pero nasabi ko rin sa sarili ko na hindi pwedeng pag-isipan ko na lang ng masama ang kahit na sino sa pamilyang Zachmann. Pagkatapos ng lahat ay kinupkop pa rin nila ako...
At pagdating ng hapunan ay muli kong nakaharap ang buong pamilya. Nakatulog ako kanina sa kwarto dahil komportable rin doon at ang kama ay malaki at malambot. I drifted to sleep because of the cozy bedroom and maybe I was also tired from the travel. Nang gisingin ako ng katulong ay tinulungan pa ako nitong magbihis at mag-ayos para sa dinner ng pamilya...
Tahimik halos sa hapag kainan. Iyon ang una kong napansin. At masasarap ang mga pagkaing nakahain sa amin. Siguro ay ganoon lang talaga ang pamilya, tahimik at pormal... Kahit si Aldrich ay ganoon. Siya siguro ang pinaka-pormal sa kanilang magkakapatid... Siguro ay dahil siya rin ang panganay na anak.
I thought that my life would be better here with them. Maayos naman ang pakikitungo nila sa akin. May maayos at magandang bahay ako na tinitirhan. Nakakapag-aral din ako sa isang eskwelahan dito matapos akong i-enroll nina Senyora ilang araw lang simula nang dumating ako rito.
And I have good clothes to wear. Kompleto ako sa gamit at nabibili lahat ng kailangan ko...
I thought that I was lucky. I lost my family—my parents. But I was adopted by the Zachmanns. They gave me a home, and a family...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro