Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Nine

Chapter Nine

Climb

"Nasa baba na si Adam? Tara na!" Paula excitedly got her bags and was ready to go out today.

Tumango lang ako at kinuha na rin ang isang bag ko. Sabi ni Adam ay may ilog din daw doon sa kanila. Then their estate must be large...

Nakasunod ako kay Paula pababa ng lobby ng dorm. Pagkalabas namin ay nakita na agad namin si Adam na nandoon na nga naghihintay sa labas ng sasakyan niya. Nakangiti siya sa amin ni Paula at nang magtagpo ang mga mata namin ay ngumiti na rin ako sa kaniya bahagya.

Pagkatapos ay pumasok na kami sa loob ng sasakyan niya. At nagsimula na rin magmaneho si Adam papunta sa kanila. Napatingin pa ako sa kaniya na nakaupo sa driver seat. Napansin ko ang damit niya na isang simpleng white T-shirt lang at shorts...

Nang maramdaman niya siguro na nakatingin ako sa kaniya ay sinulyapan niya ako. Nag-iwas naman ako ng tingin at binaling na lang ang mga mata sa harap sa dinadaanan namin.

As usual Paula was being talkative again the whole ride. "May ilog doon sa inyo, 'di ba? Safe naman maligo? Nagdala kami ni Aeva ng swimsuits!" She shamelessly said.

Nagbuntong-hininga lang naman ako nang tahimik at napahilot ng konti ang kamay ko sa sintido ko habang nakasandal ang siko ko sa gilid sa bintana ng sasakyan ni Adam.

It was her idea na magdala kami ng mga damit panligo. Well, I don't actually have one. Kaya pinilit niya ako at pinahiram pa. Hinayaan ko na lang siya dahil wala na naman akong magagawa sa kakulitan niya.

"Oh. Right. Yes, the river is safe. Malinaw din ang tubig doon at malinis." Adam answered Paula's question about the river. "You want to swim?"

"Yay!" Paula just became more excited about Adam's place. "Oo sana." habol niyang sagot.

"Yes, sure." Tumango naman si Adam.

Medyo malayo nga rin ang bahay ni Adam sa eskwelahan namin. Kaya mabuti talaga na may sasakyan siya dahil ang hirap kung ganito rin pala kalayo ang inuuwian niya.

"And we're here..." Adam parked his car just outside a two storey house.

Lumabas na rin kami ng sasakyan. Tiningnan ko ang labas ng bahay. It wasn't mansion like. Medyo simple lang ang bahay pero maganda rin. At ang lapad na ng bakuran na maraming mga puno ng mangga...

"Uy! Ang daming mangga. Nag-crave tuloy ako bigla."

Hindi ko na lang pinansin si Paula. Ang dami niya talagang sinasabi.

"Oh, sure. Kuha tayo mamaya. May mga hinog na rin 'yan na bunga." Adam responded.

"Sige, salamat! Gusto ko rin sana ng hilaw na mangga. May bagoong ka ba sa kusina n'yo?"

"Uh, I don't think so..."

"Sayang."

Binuksan na ni Adam ang main door ng bahay. Inside was spacious and clean. The living room looked neat as well. At nang pumunta kami sa kusina ay kompleto rin sa appliances.

"Sa susunod magdadala ako ng bagoong. Ang dami n'yong mga puno ng mangga rito." nagpatuloy pa rin si Paula.

"Tinulungan lang din ako ng mga kapitbahay ko na magtanim... At 'yang mga puno ng mangga ay matagal na rin nand'yan nasama na sa pagbili nitong property." said Adam.

"Oo nga ang lapad din nitong lupa ninyo hanggang doon pa ba ito sa dulo?" si Paula.

"Yes. This is my parents' property. Pinayagan naman nila ako rito. When I first came here I thought that maybe I could plant in this land..."

"Ah, kaya ba Agriculture ang kinuha mong course ngayon? Sabagay ay may lupa na kayo na mukha ngang pwedeng pwede mong mapagtamnan."

I was just listening to Adam and Paula talk. Napatingin ako kay Adam. May ngiti na sa mga labi niya. "Yeah." aniya.

"Ang galing!" puri naman ni Paula.

Adam has prepared lunch for us. Kaya pagkarating sa kanila ay kumain na muna kami. Pagkatapos ay nagpahinga sandali habang nag-uusap lang bago kami lumabas ng bahay niya nang medyo bumababa na ang araw sa labas.

"Ikaw lang mag-isa rito?" Paula asked. Usapan namin kanina nang nasa loob pa ng bahay.

"Uh, yeah. Pero pinupuntahan din ako rito ng mga tumutulong din sa akin dito." Adam answered.

At nagpatuloy ang usapan nang nagtitingin na kami sa paligid ng lupa nina Adam. "Pwede nga itong gawing farm." sabi ni Paula.

"I'm actually thinking about it." sagot naman ni Adam.

"Sakto pa na nag-aaral ka rin ngayon ng Agrikultura."

Tumango naman si Adam.

Bukod sa mga puno ng mangga ay may iba pang tanim sina Adam dito but usually mga puno lang din ng prutas... May malawak pa na lupain na pwedeng pwede pang pagtamnan ng iba pa. Nakita rin namin ang ilang mga taong sinasabi ni Adam na tumutulong sa kaniya rito.

"Binibenta mo rin itong mga prutas?" Paula asked.

Tumango si Adam. "Yes, by the help of the people here."

Tumango-tango rin si Paula. "At sinusuwelduhan mo lang ang mga taong tumutulong sa 'yo rito?"

Adam nodded to Paula. "Yes..."

"Naku, mapapalago mo itong lupa ninyo, Adam." sabi ni Paula sa kaniya.

Umiling naman si Adam. "I can only try. At hindi pa rin official ang trabaho rito. We're kind of still developing it... At nag-aaral pa rin ako."

Tumango-tango si Paula. Pagkatapos ay bumati rin siya sa dalawang taong nadaanan namin doon.

"Hey," tumabi sa akin si Adam.

"Hmm?" Napatingin din naman ako sa kaniya.

"Are you all right?" He asked.

Tumango naman ako. "Oo... Bakit?"

"You've been quiet this whole time..."

"Tahimik naman talaga akong tao. Bakit kailan mo ba ako narinig na naging palasalita?"

Umiling si Adam at bahagya na lang napangisi.

"You want to eat mangoes, right?" Naalala ni Adam ang sinabi ni Paula kanina.

"Oo!" Paula answered.

Tumingin din sa akin si Adam kaya bahagya na rin akong tumango.

Pagkatapos ay mukhang aakyatin pa niya ang puno ng mangga. Hindi ko naman napigilang makaramdam din ng pag-aalala. Marunong ba siyang umakyat ng puno? May kataasan din ang puno ng mangga. "Marunong ka ba?" I can't help it but to ask him as he was already preparing to climb the tree.

Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Yes." He answered my question.

I sighed slowly and just let him be...

Makalipas ang ilang minuto nang bumaba na si Adam sa puno at may nakuha na rin kaming mga bunga ng mangga, ay parang doon pa lang ako nakahinga nang maluwag.

Habang nakangiti lang naman sa akin si Adam at pinakita sa akin ang mga mangga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro