Chapter Four
Chapter Four
Friends
"Hey, how's the quiz?"
Hindi agad ako nakapag-react nang pagkatapos makaalis ng prof namin ay muli niya akong kinausap. Hindi na siguro dapat ako magtaka because he's friendly with everyone. And I should think that it's my chance to get close to him...
"Ayos lang..." sagot ko naman. Tho I'm not sure if I did really well with the quiz. And anyway I'm thinking that it's just for the mission. After this I can enroll again. So it doesn't really matter if I'll fail here or pass...
Lumalabas na rin ng classroom ang mga kaklase namin para sa lunch break. I usually have it alone. I buy food in the canteen and find some quiet place in the campus.
He smiled. "Will you have your lunch now? We can go together." he said.
Nanatili ang tingin ko sa kaniya. Gusto ko pang isipin kung bakit niya ako kinakausap but I remember that he converse with everyone anyway kaya normal lang siguro ito sa kaniya.
And thinking of my mission I nodded my head and went with him to have our lunch together...
As we walked sideways I can see how different our size and height are. We're both first years but he can match the seniors in his frame. Tumingin na lang ako sa nilalakaran namin. Tahimik ako kaya siguro tahimik din siya hanggang sa makarating na kami sa canteen na punuan dahil oras ng lunch break ng mga estudyante.
Nagkatinginan kami. "What do you want? I'll just buy it for you. Para ako na lang ang pipila and you can find us a vacant table here." he said.
"Hindi ako dito kumakain."
"Oh, where?"
Nagdalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba sa kaniya. Sanay na akong kumain mag-isa at nang tahimik, but I thought again of my mission and for the sake of it I'll allow him to join me in my supposed quiet meals.
Kaya bumili lang kami ng pagkain sa cafeteria at pagkatapos ay pumunta na kami sa tahimik na likod ng gymnasium ng university. Tahimik dito at hindi mainit dahil sa mga puno sa paligid. May bench din dito kahit hindi napupuntahan ng ibang mga students.
"So you like quiet places..."
Tumingin ako sa kaniya.
"You're also quiet in our class..."
Umupo na ako roon dala ang pagkain ko. Sumunod din siya sa akin na umupo sa bench.
"I'm sorry if I'm being a bother to you..."
Bumaling ako sa kaniya sa tabi ko at umiling. "Hindi naman... Ayos lang..." I said.
Pagkatapos ay ngumiti na siyang muli. I don't know why but as I watch his smile I can feel that it's pure and nice...
Binaling ko na lang ang mga mata ko sa pagkain ko.
"I think it's good to have lunch in this peaceful place, too..." he said.
Tumingin muli ako sa kaniya. Pagkatapos ay nilingon niya rin ako. Ngumiti siya.
"Mas'yado ka rin kasing palakaibigan kaya palagi kang may kasama... At hindi ka napapag-isa..." sabi ko.
He remained looking at me. "Hmm. Maybe you're right..."
"Ayos ka lang ba na ang dami mong kaibigan? Hindi ka ba naguguluhan sa kanila?" I asked a little curiously. Because I haven't experienced having such a lot of people around me. Sa klase kasi halos palibutan din siya ng mga kaklase namin. At pakiramdam ko parang ako ang naguguluhan.
"Nah. It's all right... How 'bout you? You don't seem to be that friendly..."
Binaling ko muli ang tingin ko sa pagkain ko. "Ayos lang naman..."
"You mean it's okay if we'll be friends?"
Tumingin muli ako sa kaniya. At unti-unti akong tumango. Ngumiti siya. Para siyang bata pala... He's like a kid with that innocent smile on his face...
I sighed.
Pagkatapos ay sumubo na lang ako sa pagkain ko at nagsimula na ring kumain si Adam sa tabi ko.
Friends...
I sighed inside. At nagdesisyon na hayaan ko na lang muna ang mga bagay...
Pagkatapos kumain ay bumalik na rin kami sa afternoon classes pa namin. Hindi ako palasalita but Adam was trying to make a conversation kaya sinasagot ko lang din siya the whole time we were together. And he's not really that talkative, too. Kaya ayos lang din sa akin. Pinagtinginan pa kami ng mga kaklase namin nang makita kami ni Adam na magkasama. I just went straight back to my chair. While some of our classmates already went to Adam. Natigil lang din sila agad sa pakikipag-usap kay Adam dahil dumating na ang prof and the subject started.
Pagkatapos ng klase namin sa hapon ay nilapitan akong muli ni Adam. "Where do you go home to?"
Tiningnan ko siya.
"Uh! I mean, sabay na tayo?" he asked.
Unti-unti na lang akong tumango.
"Do you have a car? Or will you ride the tricycle outside the campus?" tanong niya habang palabas na kami ng classroom namin.
Ramdam ko ang tingin sa amin ng ibang mga estudyante at ang mga tinginan nila sa isa't isa pagkatapos. I don't really talk to anyone in school so no one will probably ask me about me and Adam...
Nagbuntong-hininga na lang ako at hindi na sila pinagtuunan ng pansin. At sinagot ko na lang ang tinatanong sa akin ni Adam. "Hindi, nilalakad ko lang. Malapit lang naman ang dorm dito."
"Oh, so you're staying in a dormitory." Tumango-tango siya.
"Ikaw?" Pinigilan ko rin ang sarili ko because he might find it suspicious that I ask about his house...
"Ah. I have a car. Medyo malayo rin kasi dito ang bahay ko... kaya," He shrugged.
Tumango na lang ako.
"Pero kung gusto mo pa rin lakarin... Then pwede kitang ihatid sa inyo..." aniyang parang nagdadalawang-isip pa.
Tumingin ako sa kaniya. "Paano ang sasakyan mo?"
"Babalikan ko na lang." he nonchalantly said about his car.
Nag-isip ako sandali at tumigil din sa paglalakad. Pwede ko naman siyang tanggihan na huwag na akong ihatid sa dorm. But we're friends now, right? And being a friend to me he's offering to bring me home... Well, I'm not sure... And I don't really know how friends should be... He's like my first friend. Kasi mga kapatid naman ang turing ko sa mga Zachmann. "Idaan mo na lang ako ng sasakyan mo." I said after thinking about it.
Nagkatinginan kami ni Adam. "Oh. Sure!" He smiled...
Tumango lang ako pagkatapos ay pumunta na kami sa kung saan siya nag-parking ng sasakyan niya.
"Seatbelts," he reminded.
Inayos ko na rin agad ang seatbelt ko pagkapasok ko kotse niya. Napansin ko pang maganda ang sasakyan niya at malinis din sa loob. Naalala ko ang medyo magulong sasakyan talaga ni Kuya Levi. And I realized that thinking about my siblings and remembering them even Levi Archibald makes me miss them...
"Are you all right?"
Bumaling ako kay Adam na nagmamaneho na ng sasakyan niya at umalis na kami sa campus. Maybe he noticed my sudden silence, or tahimik naman talaga ako. Pero biglaan pa rin ang pagkakatahimik ko nang maalala ko ang mga kapatid ko ngayon.
Umiling ako sa kaniya. "Ayos lang..." And then I turned my attention to the car window beside me.
Tahimik na lang din si Adam na nagmaneho. Sandali lang din naman ang byahe at malapit lang talaga sa university namin ang dormitory. Pagkarating sa harap ng dorm ay nagkalas na agad ako ng seatbelt at handa nang bumaba sa sasakyan niya. Bumaling ako sa kaniya para magpasalamat sa paghatid sa akin. "Thank you..."
He nodded and smiled again. "You're welcome."
Lumabas na rin ako ng sasakyan niya pagkatapos at dumeretso na sa dorm. Paglingon ko ay hindi pa umaalis ang sasakyan niya hanggang sa nakapasok na ako sa loob ng dormitory.
"Uy! Sino 'yon? Bongga naka-sasakyan."
Nagulat pa ako nang makitang nasa harapan ko na si Paula. I just sighed and calmed myself. She's my talkative dormmate. Nakita niyang hinatid ako ni Adam. Dumeretso na lang ako sa hagdanan paakyat ng kwarto namin. Pero nakasunod din siya sa akin at patuloy pa rin akong kinakausap.
"Kaibigan ko at kaklase." Sinagot ko na lang siya dahil ang kulit talaga niya. Hindi ba niya nararamdaman na ayaw kong makipag-usap? I sighed and let her hear my sigh but she did not stop there.
Muli na lang akong nagbuntong-hininga at hinayaan siyang magsalita nang magsalita hanggang sa makapasok na kami sa loob ng kwarto namin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro