Chapter Five
Chapter Five
Hassle
I can feel the stares of my classmates. Medyo napaaga ang pagpasok ko sa eskwela at mukhang late din ang professor namin. Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin ang mga titig nila sa akin. Wala pa rin si Adam. Mukhang hindi rin nalilate iyon sa klase. At mas maaga lang din talaga akong dumating ngayon. Hanggang sa dalawang kaklase ang hindi na yata napigilan ang mga sarili nila at lumapit na sa akin...
I know that they're curious with me and Adam. Being the friendly guy in our class and me who never talked with anyone before, and just suddenly became friends... I know that people might find it unexpected or even a mismatched... But I don't really care. People can keep their opinions to themselves, but there are just really like these two who seemed to be couldn't continue living their life without piquing their curiosities...
"Uh, hi, Aeva! Tama?" The first girl approached me.
Tumango lang naman ako.
"Uh... Matagal na rin sana kaming gustong makipagkaibigan sa 'yo..." said the other girl. Pagkatapos ay nagkatinginan pa silang dalawa. Ngumiti sila sa akin. "Kaya lang parang ang tahimik mo yata... at nagdadalawang-isip kaming lumapit..."
Is that so? Napaisip ako. Minsan ang obvious lang din talaga ng mga tao sa mga totoong sadya nila... Come to think of it, bakit ngayon pa sila lumalapit sa akin pagkatapos na nakita nilang mukhang nagiging magkaibigan na kami ni Adam...
Pero baka nga rin naman isa talaga sa rason na tahimik ako kaya kahit gusto nilang makipagkaibigan sana ay nararamdaman nilang parang mahirap akong i-approach. I can't just judge people, can I?
I sighed to myself. And then I just nodded my head again to them. Pareho at sabay naman silang ngumiti pagkatapos. "Ako nga pala si Mira." And then they started introducing themselves.
"Ako naman si Margarette."
Tumango lang muli ako. Pagkatapos ay nakita kong dumating na rin si Adam sa room namin at kasunod na niya ang prof. And then our class started.
First year pa lang kami at unang sem pa lang din kaya puro pa introductions sa subjects. I don't know how I'd feel about this course. But it doesn't matter. Parte lang ito ng sadya ko rito. Pagkatapos ay pwede ko pang pag-isipan kung ano ba talaga ang gusto kong tapusing course...
Napatingin ako sa sadya ko sa university na ito at sa lugar na ito. And maybe he felt my gaze on him that he stopped writing on his notes and looked my way, too. Ngumiti lang siya sa akin at medyo nabigla naman ako na binalik ko na lang ang tingin ko sa harap kung nasaan at may sinasabi pa ang prof namin.
And when lunchtime came, lumapit muli sa akin si Adam para yayain akong kumain kami na magkasama... Tinginan muli sa amin ang mga kaklase namin.
"Palagi na ba tayong magkasama sa pagkain dito sa university simula ngayon?" I asked Adam. Nag-angat din ako ng tingin sa kaniya.
Adam looked at me. Natigilan siya sa pagbubukas ng pagkain niya. And then he smiled. "Kung okay lang sa 'yo..." he said.
Tumango lang naman ako. "Ayos lang." Makakatulong din ito at mas mapapadali pa ang misyon ko.
Hindi ko pa sigurado kung bakit nakikipagkaibigan siya sa akin. He's very friendly with everybody. And maybe he just finds me a little left out... And he just genuinely wants to be my friend...
I sighed a little loudly in this quiet place where we usually eat our food. That Adam noticed right away.
"Are you all right?" he asked me.
Tumango naman ako. "Okay lang ako. Uh, may naalala lang." Hindi ko na namalayan na napapakita ko na pala sa kaniya halos ang naiisip o nararamdaman ko...
Nagkatinginan kami. Tumango lang din siya at muling ngumiti.
At simula noon ay hinayaan ko na lang si Adam na makapasok nang ganoon sa buhay ko rito sa Masbate... At hinayaan ko na lang din muna ang mga pangyayari...
The next days more people were trying to greet me and make conversations with me in our class. Hinahayaan ko na lang din sila at sumasagot o tumatango at umiiling lang din ako sa mga sinasabi nila sa akin. Ganoon pa rin ako na tipid magsalita. But at least I don't ignore them. Ayaw ko rin naman na mas'yado akong pinagtutuunan ng pansin. Hindi iyon makabubuti para sa misyon ko. So I try to okay with everyone here, too... At ayaw ko rin na may makaalitan o ano.
"Kayo ni Adam..." And then they started asking me about Adam after a few days.
I wanted to sigh boringly. Pero pinigilan ko na lang ang sarili ko at sumagot na lang. "Magkaibigan din kami ni Adam. Like he's friendly with you all..." I said.
Tumango naman sila sa sinabi ko at ang iba ay ngumiti sa akin nang tingnan ko.
Halos ako naman ang palibutan nang mga kaklase namin ngayon. Hindi na kami mga high school... Pero sabagay ay kakatuntong pa lang din naman namin ng college. And I think attitudes just can't change right away.
But I wanted to sigh loudly now so that they'll leave me alone. Ayaw ko nang ganitong atensyon. And I just have it now because of Adam... What a hassle.
"I'm glad to see that you seem to be getting along well with our other classmates now." Adam said smiling.
Tumango lang ako. Wala lang din akong choice at ayaw kong mas makakuha pa ng atensyon for being snob...
Nasa loob na naman ako ng sasakyan ni Adam ngayon ay ihahatid niyang muli ako sa dorm ko.
At gaya ng palagi ay makikita na naman ako ni Paula at pupunahin ang paghahatid sa akin ni Adam at hindi pa maniniwala na magkaibigan lang kami because she thinks we're more than that. All right. Mukhang mas may alam pa siya kaysa sa akin. She can really be annoying. Pero hinahayaan ko na lang at parang nasasanay na rin ako sa ugali ng ka dorm ko.
"Birthday ko nga pala sa Sabado. Uuwi ako sa amin. Gusto mong sumama?" Nakangiti sa akin si Paula na nagyayaya.
At hindi pa man ako nakakatanggi ay may sinabi na naman siyang muli. "Pwede mong isama iyong friend mo!" she said with emphasis to the word friend.
I shook my head.
"Sige na! Papakilala kita sa nanay ko! Mabait naman ang pamilya ko, huwag kang mag-alala. 'Tsaka ikaw lang iimbitahin ko, ha. Kayo ng friend mo."
"Bakit?" Kumunot ang noo ko sa kaniya.
"Anong bakit? Wala! Gusto ko lang mang-imbita sa birthday ko?"
I just shook my head again. Hindi pa naman ako titigilan nito. "Baka may pasok kami sa Saturday—"
"Wala ka namang pasok kapag Sabado! Pareho kaya tayo." She said.
And I just sighed. Nandito lang din ako sa dorm kapag walang pasok sa eskwela kaya nakikita niyang nandito nga lang ako at wala talagang pasok sa university kapag Sabado.
Palabas ako ng dorm nang umaga ay nandoon na rin sa labas naghihintay ang sasakyan ni Adam. Nag-usap na rin kami kahapon na susunduin na nga niya ako. Kasi madadaanan naman daw niya ang dorm ko at kahit malapit lang din naman itong kahit lakarin papuntang university ay nag-offer pa rin siya na sunduin na rin ako dahil pareho lang din naman daw ang schedule namin sa klase kaya magsasabay na lang. At ako naman na hinahayaan lang din muna ang mga nangyayari ay pumayag na rin sa gusto ni Adam. At minsan nakakailang din maglakad at hindi ako komportable kapag napapatingin sa akin ang ibang mga tao kahit sa daan. Kaya mas mabuti na rin siguro na sumabay ako kay Adam para maiwasan iyon.
Lumabas pa si Adam sa sasakyan niya para salubungin ako at kinuha pa sa akin ang ilang librong dala ko.
"Uh, ako na..." Pero nakuha na niya sa akin iyon at halos magbuntong-hininga na lang ako at hinayaan ko na lang siya.
"Hello!"
Napalingon din ako at medyo nagulat pa na hindi ko pa rin inasahan that Paula would really one day approach Adam herself.
Parang gusto ko na agad siyang pigilan pero tuloy-tuloy lang ang paglapit niya sa amin ni Adam. Papunta rin siyang eskwelahan. At nasa iisang university lang kami pumapasok.
I looked at her suspiciously in an instant. Ngumiti lang naman siya sa akin. Bago binaling ang atensyon kay Adam. I sighed.
"Hi! Ikaw 'yong friend ni Aeva?" She asked straight to Adam.
Adam nodded to her. And he tried to look at me pero sa iba na ako nakatingin dahil parang nakakaramdam na ako agad ng hiya para kay Paula at sa mga gagawin niya.
"Ako nga pala si Paula." She introduced herself to Adam. "Magkasama kami ni Aeva sa dorm room d'yan sa taas." Tinuro pa niya ang sunod na palapag ng building ng dorm.
"Oh. It's Adam." Mabilis din naman nakipagkilala din si Adam.
"Adam?"
"Adam Rozovsky."
"Wow! Foreigner ka ba? Iba apelyido mo, eh. At mukha ka ngang may lahi."
"Uh, my Dad's from Germany..."
Adam was politely talking to Paula while she throws question after question to him. Pasalamat na lang siya na mabait si Adam. Because I really find her annoying. Lalo na ang kadaldalan niya. Ngayon pa lang sila nag-usap ni Adam pero ang dami na niyang sinasabi. I wanted to close my eyes and wish that their conversation would end sooner.
"Uy, magsasabay na ba kayo ni Aeva sa university? Uy, isabay n'yo na rin ako. Iisang eskwelahan lang naman ang papasukan natin. At malaki naman 'tong sasakyan mo, Adam. Sigurado akong marami pang space sa loob." She smiled to Adam.
Napapikit na talaga ako sa tabi nila. Paula was just really shameless.
"Oh, sure." Pumayag din naman agad si Adam.
Pumasok na lang din ako sa sasakyan ay mukhang masaya pang sumunod din sa amin si Paula sa backseat.
At habang nasa loob kami ng sasakyan ay dumadaldal pa rin si Paula. "Nga pala, Adam, birthday ko sa Sabado. Punta kayo ni Aeva, sinabihan ko na siya. Nasabihan ka na rin ba niya?" aniya sa backseat.
Nilingon naman ako ni Adam sandali habang nagmamaneho siya nang hindi mabilis.
At bago pa man ako makasagot ay naunahan na naman ako ni Paula. "Sa Sabado, ha! Asahan ko kayo." she said.
Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at hinintay na lang na makarating na kami sa Campus.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro