Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

"50!" Tuluyan kong ibinagsak ang katawan ko sa lupa pagkatapos ng madugong push-ups training ko.

Agad naman nilang tinanggal ang gulong na nakapatong sa likod ko pati ang posas na nasa kamay ko.

Tutulungan na sana nila akong tumayo pero umiwas ako at kusang tumayo.

Na frustrate ako na pakiramdam ko ang hina-hina ko pa rin. Kung hindi ako na comatose feeling ko hindi magiging ganito ang katawan ko.

I always dream my past self and she's so strong. So I believe after this intensive training I will be back with that full shape.

Kailangan ko muna lunukin ang kahihiyang ito dahil nagsisimula pa lang naman ako.

"Next, young lady, you will climb the net while trying not to fall. We will show it to you first," Miller said. 
 
Pagod kong tiningnan ang mataas na net na sunod kong aakyatin. Binuhusan pa nila ito ng tubig kaya siguradong madulas.

"You can rest, young lady, while observing them," Jack said.

Tumabi siya sa akin at inabutan pa ako ng tubig. Pinanood nga namin ang anim na trainers kong akyatin ang madulas na net.

Iba-iba sila ng strategies para hindi mahulog. Magagaling silang lahat. Si Dave at Ridjer ang unang nakababa habang halos sabay-sabay na ring natapos ang iba pa.

Tumayo na ako. Pinatunog ko ang kamay at leeg ko at sinimulan ko nang akyatin. Mabuti na lang at magaan ang katawan ko kaya nababalanse ko ang sarili sa pag-akyat. Iyon nga lang at hindi ko pa rin mapigilang mapangiwi dahil masakit ang palapulsuhan ko dahil sa nilagay nilang posas kanina.

Hindi pa ako nakakalahati pero tumutulo na ang pawis ko dahil sa init.

This net climbing is good since it will help me develop my strength, agility, and body coordination so I need to take it seriously.

Dire-diretso lang ako hanggang makarating ako sa taas na bahagi. Umupo muna ako sa kahoy na nasa taas para sandaling makahinga saka ko sinimulang bumaba sa kabilang parte ng net.

"Shit!" Napamura ako nang muntik na akong mahulog. Mabuti mabilis ang reflexes ko at agad akong nakakapit sa net.

Kita ko rin sa baba ang biglaang paglapit nila para saluhin ako kung sakaling nahulog ako. Mabuti na lang at hindi nangyari.

Agad kong pinunasan ang tumutulong pawis ko nang tuluyang makababa. Amoy araw na ako.

Sinalubong nila ako pero hindi ko sila pinansin at dumiretso na sa bar hanging area. I just wanted it to finish. I'm getting pissed with my performance and this training.

"I will just hang here, right? And you timed it." Napatango-tango sila at halos hindi ako matingnan. What's their problem now?

"Yes, Young lady," sagot ni Sam na hindi makatingin sa akin.

I straightened my back since I'm cautious that Jack might use his stick again to correct my posture. 

I grip the bar. Instead of my expected cold bar; it turned out to be too hot. I can feel the burning heat on my palm, but I can't complain now. This is what it is. Maybe it's another challenge for me. 

I'm getting bored with this; I just want to fight them with a gun and katana.

Patience Alaine. Patience Alaine. 

I just tried to concentrate and calm my mind as I hang myself on the burning bar. While my trainers were silent beside me, observing and watching me.

I want to ask Sam how many minutes I've been hanging, since I felt ages, but I stop since I'm afraid even talking can consume my energy and make me lose my grip.  

Ramdam na ramdam ko na ang pagligo ko ng pawis dahil sa sobrang pagkabilad ko sa araw.

Gusto ko pang tumagal sa pagkakapit pero lalong kumikirot ang galos ko sa palapulsuhan. Napapikit ako nang pati ang likod ko ay kumikirot na rin.

Sinusubok talaga ako. Ilang sandali lang at tuluyan na akong napabitiw sa bar.

"Not bad, you finish for 10 minutes, young lady. It tests that you have a strong grip. You can rest now. See you tomorrow."  

Damn it, I just finished for ten minutes when I felt I had been hanging there for too long already. 

Tumango ako at kumaway na lang sa kanila. Dire-diretso ako sa rambler. I'm so disappointed. 10 minutes not bad? I feel like I could do more.

Kumain na muna ako saka ako natulog. Sa sobrang pagod ko nga, umaga na ako nagising.

Kumikirot ang buong katawan ko paggising pero hindi ako pwedeng mag-inarte at may training pa ako.

Ano na naman kayang ipapagawa nila sa akin?

Nagsisimula na silang mag-stretching pagdating ko pero napatigil din nang makita ako.

"Good morning, Young lady!" sabay-sabay nilang pagbati.

I want to roll my eyes. "Morning," I respond coldly.

Nag-stretching na rin ako.

"Young lady..." Napaangat ako ng tingin. It's Dean and Sam.

I stare at the chains and handcuffs that they are holding ridiculously. It's like they are training me like a prisoner here, huh? 

Dean looks calm, while Sam looks uneasy. I can't blame them; the three of them from the mansion know me better. Maybe Jack is less scared of me.

I admit I caused them so much trauma during my devastating phase that maybe it is still embedded in their minds.  

Swerte nga ang apat na ito at sa labas sila nakadestino at hindi nila naranasang magbantay sa akin sa mansion.

"We were ordered that every time you jog, you will put these handcuffs and chains on," Sam explained.

"This will help you to handle and strengthen your muscles in your both hand and feet. It will be hard at first but you'll know the result later," Dean added.
 
"Okay," walang buhay kong sabi at inilahad ang kamay ko para mailagay na nila ang posas.

Napatitig pa si Dean sa kamay ko bago inilagay ang posas. Maingat din ang pagkakalagay niya pero kahit anong ingat naman nila dahil sa training masusugatan pa rin naman ako.

Ilalagay na sana ni Sam ang kadena sa paa ko nang biglang lumitaw si Ridjer at pinigilan siya saka kinuha ang kadena mula sa kanya.

"Let me. I will be the one to do it. Jack is calling you." Sabay turo niya sa likuran ko.

"Okay! Excuse me, young lady." Paalam ni Sam. Walang angal at parang masaya pa siyang hindi siya ang maglalagay ng kadena sa akin.

Lumingon ako sa likuran. Nakita ko silang nagsusuot na rin ng posas at kadena sa paa.

But what caught my eye is Dave, who is staring at us in a grim line. We stared at each other until he was the first one to look away. 

"You must stretch your feet first before starting to jog, young lady," madiing sabi niya. Pinanood ko lang siyang maayos na nilagay sa paa ko ang kadena.

"Someone is so happy right now," bulong ni Cahr na lumapit sa kanya. Narinig ko ito dahil malapit naman ako sa kanila.

Lumapit si Cahr sa kanya at tila may panunukso ang mga mata.

"Shut up." Agad siyang sinamaan ng tingin ni Ridjer.

Little by little, I can differentiate them from each other. Ridjer is stoic and acts as their leader; Dave is silent and mysterious, while Dean and Cahr are serious, but they are more expressive, especially Cahr, who shows his playful side. 

Binalewala ko na lang sila at nagsimula ng tumakbo.

Napakagat ako sa labi ko dahil sa kirot. Unang takbo ko pa lang parang matutumba na ako dahil sa kadenang nasa paa ko. Masakit siya sa balat at mabigat pa.

Pero hindi ko dapat ipakitang nahihirapan ako. Tumakbo ako at pilit silang sinasabayan. Siguro naman pagdating ng ilang araw na gagawin ko ito masasanay din ang katawan ko.

Ganito ba talaga ang kahirap training na pinagdadaanan ng mga underlings namin o sa akin lang ngayon? 

Nagpokus lang ko sa pagtakbo at pilit inisip na walang nakasuot sa paa ko. Nakakatulong nga ito dahil hindi na ako agad tumitigil at nakakasabay na rin sa kanila.

Parang nakuha na rin sa wakas ng paa ko at katawan ang tamang strategy para makasunod.

I'm not as good as them but at least I'm improving.

"Young lady, good job. You're a fast learner," Jack said.

Buong maghapon iyon ang naging training ko para raw masanay ako. Nakailang laps din kami sa pagtakbo.

Ilang ulit pa kaming nagpaikot-ikot sa pagtakbo hanggang sa sinenyas na ni Jack na tumigil na kami.

Napaupo ako sa sobrang pagod. Ako na rin mismo ang nagtanggal ng posas at kadena sa paa ko at hindi na sila hinintay dahil kita kong pagod din sila. Napangiwi ako nang muling maramdaman ang sakit pagkatanggal ko.

Namanhid na kasi kanina sa kakatakbo kaya ngayon ko na lang ulit naramdaman ang kirot.

Nasa kalagitnaan ako ng mahimbing na pagtulog. Nang maalimpungatan ako dahil sa kung anong kaluskus sa kwarto ko.

Unti-unti kong minulat ang mata ko. Medyo madilim ang kwarto pero naaninag ko pa rin ang isang tao.

Maingat kong kinuha ang katana kong nasa headboard ng kama at saka dahan-dahang naglakad palapit sa kanya.

"What are you doing?" tanong ko habang nakatutok ang katana sa leeg niya.

"Shit!" rinig kong mura niya. Mabilis naman ang daliri niyang inilayo ang katana ko pero hindi rin siya nakaligtas sa suntok ko sa sikmura niya.

"Young lady, it's me!" Pamilyar sa akin ang boses niya.

Itinutok ko pa rin ang katana ko sa kanya habang binubuksan ko ang ilaw ng kwarto ko.

"Ridjer? What are you doing here?"

I never imagined the stoic Ridjer to this scenario. May yakap-yakap siyang maliit na palanggana na may lamang yelo.

"I thought you're already sleeping, young lady. I come here to treat your bruises since if left untreated it can lead to tetanus." Napakamot pa siya sa noo tila nahihiyang nahuli ko siya.

Iba rin. Gusto niyang gamutin ang mga pasa at sugat ko habang tulog ako. Hindi ko na kasi kinaya ang pagod kanina at bagsak akong nakatulog kaagad.

"Then, you should just knock, not sneakily entered my room without permission, as if you are here to kill me." 

"I'm not here to kill you and I don't bring any weapons. Even you check me," frustrated niyang sabi.

Tinitigan ko muna siya bago kunin sana ang hawak niyang palanggana pero inilayo niya ito.

"Let me do it." Iginaya niya ako paupo sa kama saka hinatak ang silya ko papunta sa harapan ko. Doon niya ipinatong ang mga paa ko.

I almost panic when he suddenly kneeled in front of me.

Inilapag niya ang palanggana sa tabi ko at kinuha ang isang maliit na tuwalya saka pinigaan.

"I can't find a cold compress so I just bring a towel."

He examined my feet. I can clearly see how his mood changes. He looks at my bruises as if they're his enemies. I saw his jaw moving like he was gritting his teeth very hard. 

Maingat niyang idinadampi ang tuwalya sa mga pasa ko. I instantly felt the soothing effect. Ganoon din ang ginawa niya sa palapulsuhan ko.

May kinuha rin siyang cream sa bulsa niya at ipinahid sa mga sugat ko. Hinipan niya pa ito para hindi ko siguro maramdaman ang kirot.

Tinitigan ko lamang siya. His eyes really looks familiar.

Habang seryoso niyang ginagamot ang mga sugat ko sa paa ay itinakip ko ang dalawang palad ko sa tapat ng mukha niya. Just to focus clearly on his eyes.

Where did I see him?

Then, I get it.

I suddenly remembered where I saw him. It's in the mansion when we fight!

He is the assassin that entered the mansion. It explained that they have the same physique and fighting techniques.

Sinasabi ko na nga ba tama ang kutob ko sumali sila sa death game.

"What the!" he shouted when I punched him.

Napaupo siya sa biglaang pagsuntok ko sa mukha niya. Mabilis kong kinuha ang katana ko at muling itinutok sa kanya.

"Tell me, why are you here? You are not a Ponos underling." He stiffened.

"What are you saying, young lady? I don't understand. I'm a member of Ponos."

"Cut the crap!" Lalo kong idiniin sa leeg niya ang talim ng katana ko dahilan para masugatan siya.

"You are the assassin that I fought in the mansion with guys that hacked our security system."  
 
Shels<3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro