Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 32: Bagong Reyna

"Evi narito ka na! Bakit wala si Arrho?"

"Nais niyang makasama muna ang mga magulang niya."

"Nauunawaan ko."

"Ipinasasabi nga pala ni Reyna Zavia at Haring Naga na pinahihintulutan ka nila na maging Reyna ng Maharlika. Kung iyong nanaisin. Naibigay na nila ang kanilang basbas sa akin upang ikaw ay koronahan." wika ni Evi.

"Kung ganon ay bukas natin ganapin ang koronasyon." sagot ni Raven.

Kinabukasan....

"Bilang dating prinsesa na anak ni Haring Giovan at Reyna Rasha na ngayon ay isang Reyna, nais kong bigyan kayo ng pantay pantay na katayuan. Upang maging ligtas ang lahat ay ipinapangako ko na lahat kayo ay matututunan na ipagtanggol ang inyong mga sarili." wika ni Raven.

"Simula sa araw na ito hanggang sa susunod na panahon ay ikaw na ang Reyna ng Maharlika!" sigaw ni Evi.

"MABUHAY SI REYNA RAVEN
MABUHAY SI REYNA RAVEN
MABUHAY SI REYNA RAVEN." sigaw ng mga mamamayan.

Lumipas muli ang ilang buwan...

"Isang magandang balita Reyna Raven!" sigaw ni Parael.

"Ano ang magandang balita haring Parael at Reyna Amber?" tanong ni Raven.

"Magkakaroon na kami ng anak. Ayon sa ilang mangagamot ito ay isang lalaki!" sagot ni Amber.

"Isang magandang balita ito!"

"Ngunit may isa pang magandang balita!" sabi ni Parael.

"Ano ito?" tanong ni Raven.

Biglang tumakbo patungo kay Raven si Arrho. Ganoon din si Raven at niyakap ang isa't-isa.

"Aking mahal!" sambit nilang dalawa.

"Tila mahal nga nila ang isa't isa." wika ni Amber.

Nag-usap muli sila..

"Alam mo Arrho simula nang makilala kita, batid kong mayroon kang maitutulong sa akin. Hindi ako nagkamali dahil sa mga ginawa mo."

"Ako din ay batid kong malaki ang magiging gampanin mo sa aking buhay!"

"Kaya nung makilala kita, hindi ko nais na ibigin ka dahil nais ko munang mabawi ang kaharian ng aking ama." wika ni Raven.

"Kaya nga din naunawaan kita." sambit ni Arrho

"Mahal na mahal kita Arrho."

"Mahal na mahal din kita Raven."

"Nais kong pakasalan mo ako." wika ni Arrho.

"Hindi ako tumututol!" sigaw ni Raven.

Isang malaki at magarbong kasal ang inihanda para sa dalawa ang tanong...

"Kung ako ay isang reyna ng Maharlika, isa kang prinsipe ng Lavian at balang araw ay hihiranging hari nito, hindi ba't hindi tayo maaring ikasal?" tanong ni Raven.

"Simple lang aking mahal, magiging hari ako sa Lavian, magiging Reyna ka sa Maharlika ngunit mag-asawa pa din tayo." sagot ni Arrho.

"Ngunit paano kung ito ay ipinagbabawal?" tanong ni Raven.

Nagtungo silang dalawa sa Lavian...

"Sige pinapayagan ko kayong makasal kaya naman Arrho, ikaw ay magiging hari na dito." wika ni Zavia.

"Nais po namin ng simpleng kasal at ang mga gagastusin sa kasal ay ibibigay nalang namin sa mga nangangailangan." dagdag ni Raven.

"Kung ganon, dito nalang kayo ikasal at pag-uwi niyo ay doon na muna kayo. Nais kong magsaya kayo dahil ikakasal na kayo kaya ikakasal kayo rito." wika ni Naga.

Sinimulan nila ang isang simpleng kasalan sa Lavian at hinirang si Arrho bilang Hari ng Lavian. Pagkatapos noon ay bumalik sa Maharlika upang sabihin sa mga mamamayan.

"Narito na ang bagong kasal!" sigaw ng mga tao

"Bakit nalaman niyo?" tanong nilang dalawa.

"Sapagkat sinabi sa amin ng mensahero ng haring Naga bago pa kayo dumating!" sagot ni Evi.

Masaya ang mga tao sa kanila at ganoon din sila.

Makalipas ang ilang buwan...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro