Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE (2)

EPILOGUE (2)

SEVERO ZYLER

Nalaman kong wala ka talagang nobyo ay sobrang saya kong malaman iyon. Bakit kailangan mo 'pang magpanggap, Ophelia na may iba ka na? Hindi na kita maintindihan.

Mas lalo akong nagkaroon ng pag-asa na makausap at malapitan si Ophelia nang tinawag ako ni Sir Sandiego. Ako raw ang magiging tutor nito sa sasalihan n'yang quiz bee contest.

Pagkarating ko sa classroom niya ay do'n ulit ako sinaniban ng galit at inis nang makitang ginugulo ulit ni Krister si Ophelia. Buong tapang ko naman itong sinagot at nagpapasalamat ako dahil hindi n'ya kami sinundan ni Ophelia sa library.

Saktong pag-angat n'ya ng tingin ay nakatitig na ako sa kan'ya. Sobrang ganda n'ya sa malayuan lalo pa kaya sa malapitan?

"Lumayo ka kay Krister dahil hindi mo alam kung ano ang kaya n'yang gawin sa 'yo."

Napatango s'ya sa 'kin at ngumiti dahilan para mapaiwas ako ng tingin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, Ophelia...

"Ako magiging tutor mo sa sasalihan mong contest. Inutusan ako ni Sir Sandiego na turuan ka dahil hindi na s'ya makakaturo sa 'yo pagdating dito," saad ko sa kan'ya habang 'di nakatingin dito.

"Pupunta pa pala ako sa classroom room n'yo," mahinang sambit n'ya.

Napatingin ako sa kan'ya. "Sabay tayo mamaya. Sa tuwing vacant time ay dapat magkasama na tayo dahil 'yon ang oras na tuturuan kita."

Napatango s'ya at ngumiti ulit sa 'kin. Kita ko ang bahagyang paglaki ng mga mata n'ya at saka bumaba ang tingin n'ya sa ilalim.

Hawak-hawak ko pala ang kamay n'ya. Kaya pala sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at malambot ang hinawakan ko.

Umiwas s'ya ng tingin sa 'kin. "S-Sige, aalis na siguro ako."

Akmang tatalikod na s'ya nang tarantang pinigilan ko ito sa braso na ikinatingin n'ya sa 'kin.

Nakaramdam na ako ng balisa. Inayos ko ang salamin bago nagsalita. "L-Liligawan kita..."

Di ko na inisip ang magiging kahinatnan nito dahil gusto kong masubukang makuha ang puso n'ya.

"A-Anong sinabi mo?" Di makapaniwalang tanong n'ya.

Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Kalmado lamang ang itsura ko pero balisang-balisa na ako sa kinatatayuan ko.

"S-Sabi ko...liligawan kita," ulit kong sambit sa kan'ya habang 'di nakatingin dito.

Di s'ya nagsalita kaya napatingin ako sa ekspresiyon nito. Napatikhim ako dahil sa klaseng titig n'ya. "K-Kung pwede sana..." pakiusap ko.

Gano'n pa rin ang titig n'ya kaya mas lalo akong kinakabahan. Baka ayaw n'ya sa 'kin?

"A-Ayaw mo ba?" tanong ko.

"H-Hindi!" agap n'ya at napailing pa ito. "I mean, p-pwede ka naman manligaw..."

Napaangat ako ng tingin sa kan'ya at masayang sinalubong ang mata n'ya. "Talaga?"

Sobrang saya ang nararamdaman kong pumayag s'ya. Sa puntong 'yon ay nabuhayan ako ng loob. Sana nga sagutin n'ya ako, kahit hindi ako marunong manligaw.

Hinatid ko s'ya sa kan'yang mansion. Saya at kaba ang nararamdaman ko sa puntong iyon dahil alam kong strikto ang Kuya n'ya.

"A-Ahh, Ophelia?"

Napaangat s'ya ng tingin at taka akong tinignan.

Napakamot ako sa pisngi bago nagsalita. "M-May gagawin ka ba bukas ng hapon? Yayain sana kita l-lumabas..."

Kaagad s'yang napatango at ngitian ako ng malapad dahilan para mapangiti ako.

"Salamat at pinayagan mo akong manligaw. Sobrang saya ko," masayang sambit ko. 'Hindi mo alam kung gaano kasaya ko ngayon, Ophelia.'

"A-Ako rin..."

Nahiya naman ako sa kan'ya dahil pakiramdam ko ay madumi ang mukha ko. Isinuot ko ang helmet saka s'ya nilingunan. "Aalis na pala ako, Ophelia. Susunduin kita bukas dito."

"Sige..."

Sumakay ako sa motor saka ito pinaandar. Kinawayan ko s'ya at gulat naman akong lumapit ito sa 'kin saka ako hinalikan sa pisngi.

"Salamat! Ingat ka, ah?" Kumaway pa ito at kasabay no'n ang pagtalikod n'ya bago pa man ako makapagsalita.

Umuwi ako sa bahay ng magulang ko na may nakapaskil na ngiti sa labi. 'Di ko mapigilang 'di mapamulahan ng taenga at mabura ang ngiti dahil sa simpleng halik lamang ni Ophelia sa pisngi ko. Good luck kiss ba iyon?

"Sana 'di ka na umuwi rito."

Nabura lamang ang ngiti ko nang makaharap ko ang kakambal ko. My playboy twin.

Walang emosyon ko s'yang tinignan. "Nanahimik ako rito kaya tigilan mo na ako. 'Di naman kita inaano d'yan," sagot ko dito saka tumalikod para puntahan sana si Mama.

"Sinasabi ko na sa 'yo ngayon pa lang na wala 'kang pag-asa kay Ophelia. Tsk, masyado s'yang sikat kumpara sa 'yo."

Napatigil ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nito. Aaminin kong nasaktan ako sa sinabi n'ya pero kahit anong mangyari, hindi ko ipapakita sa kan'ya ang emosyon ko na matagal ko nang ginagawa. Ayaw kong malaman nila ang saloobin ko.

"Another thing, 'di ka naman ka-gwapuhan para manligaw sa kan'ya. Maraming naga-gwapuhang lalaki sa university kaya malabong magustuhan ka n'ya," nangangasar nitong sambit. Napatagis ako ng bagang sa inis.

Hinarap ko s'ya. "Di nga ako ka-gwapuhan kasi magkamukha tayo. Paanong 'di papangit ang mukha ko?"

Sumama ang timpla ng mukha n'ya nang barahin ko rin s'ya. Di ko na ito inaksayahan ng oras at iniwan s'ya na nakatayo roon.

"A-Anong kahalikang babae? Wala akong babae, Ophelia," gulat kong katuwiran sa kan'ya nang akusan n'ya ako na nambabae.

What the fudge, right? I would never do that to her!

Hinampas n'ya ako ng ilang beses sa dibdib na ikinailag ko naman.

"Nagmamaang-maangan ka pa! Kitang kita ko ang mukha mo kahit hindi ka nakasalamin! Niloloko mo lang ako!"

Ano ang pinagsasabi mo, Ophelia?!

Hinuli ko ang kamay n'ya at hinila s'ya sa likurang bahagi ng kotse.

Isinandal ko s'ya sa kotse at kasabay no'n ang pagtingin n'ya sa 'kin na may nanliliksik sa maganda nitong mata.

Nanlalambot ang tingin ko sa kan'ya. "Pakinggan mo ako, Ophelia" pagsusumamo ko.

"Magsisinungaling ka pa! Sabihin mo ang totoo para tapos na tayo!"

"Hinding-hindi ako magloloko sa 'yo, Ophelia. At mas lalong hindi ako ang nakita mo na may kahalikang babae," paliwanag ko pa. Konting tiis na lang talaga ay lalambot na talaga ako. Nagseselos ba s'ya?

Hinawakan ko ang pisngi n'ya at beywang nito para 'di s'ya makatakas.

"I-I love you, I really do, Ophelia. Sa tingin mo magsasayang ako ng ilang taon na magkagusto sa 'yo? Hirap na hirap akong maabot ka at ngayon na hawak kita ay sa tingin mo maghahanap pa ako ng iba? Kailan man ay hindi ko magagawang lokohin ka, kahit i-check mo pa ang CCTV sa labas ng Cr."

Mahal na mahal kita kaya papaano ko magagawa sa 'yo na magloko?

"Maipapaliwanag mo ba ang nakita ko sa Cr?! Huh?!" maluha-luha nitong sambit na ikinaproblema ko. Napapikit ako ng mariin. Kahinaan ko ang kalungkutan sa kan'yang mga mata.

"He's kissing a random girl, right? Babaero ang nakita mo sa Cr kaya hindi ako iyon," tugon ko at saka inimulat ang namumungay kong mata.

Wala na akong ibang kamukha bukod sa kakambal ko. Masyado kaming magkamukha kaya napagkamalan n'ya na ako iyon.

"M-Masarap ba na mahalikan?! Huh? Magsama kayo-"

Hindi na ako nakapagtimpi at kaagad s'ya hinalikan sa labi. Ramdam kong natigilan s'ya at 'di makagalaw sa kinatatayuan nito.

Napapikit ako ng mata at dinama ang pagkakataon na mahalikan s'ya ng ganito. Damn, nagseselos ka lang, Hon.

Hinawakan ko s'ya sa beywang nang mahigpit at isinandig pa sa kotse para mas mahalikan pa ito.

Gusto kong damhin n'ya ang pagmamahal ko. Gusto kong suyuin s'ya at sa pamamagitan nito ay s'ya lang ang tanging sinisigaw ng puso ko.

Humiwalay ako sa labi n'ya at hinihingal na tinignan ko ang mga mata nito.

Hinawakan ko ulit s'ya sa pisngi at pinatakan ng ilang halik sa pisngi. "N-Nagseselos ka ba dahil akala mo may kahalikan akong ibang babae? Kung may hahalikan man akong babae, iyon ay walang iba kundi ikaw lamang."

Nakatulala lamang ito matapos kong magsalita. Nataranta tuloy ako na baka nabigla s'ya sa ginawa ko.

"N-Nabigla ba kita? Pasensya na hindi ko na mapigilan. Sobrang saya ko na malamang nagseselos ka."

Sinabi ko sa kan'ya na kakambal ko talaga ang nakita n'ya na ikinaginhawa naman n'ya. Akala ko tuluyan na n'ya akong iiwasan nang dahil sa 'di pagkakaintindihan namin.

Naging masaya ang araw ko dahil sa salitang binatawan n'yang tanggap n'ya ako sa ano 'mang meron ako. Sana nga ay matanggap n'ya ako kapag nalaman n'yang gumagawa ako ng illegal na gawain.

Nabuhayan ako ng loob nang hindi s'ya nagalit sa 'kin o ano man dahil sa pinakita ko sa kan'ya ang mundo ko. Sobra akong nagpapasalamat kay Ophelia dahil bukod sa ramdam kong pareho ang nararamdaman namin ay tanggap n'ya kung anong meron ako at kung sino ako.

Akala ko illusion lamang na may taong tatanggapin ka sa anong meron ka pero nagkamali ako, nasa reyalidad ako at nahanap ko nga ang nararapat na babae sa 'kin.

Nagselos ako nang tinanong n'ya kung ano ang pangalan ni Asher, kakambal ko. Kaya naman tumungo ako sa room namin at do'n nilabas ang selos ko.

Di ko s'ya pinansin kaya s'ya na naman ang nainis sa 'kin. Sobrang tanga ko na hinayaan ko s'yang sumunod lamang sa 'kin at nakayanan na 'di pansinin.

Sinuyo ko s'ya at dahil nga sa masuyo kong halik at haplos ay nanghina ito. Nag-init ang katawan ko at mismo ang sa loob ko ay nagsasabing ipagpatuloy pa.

Natakot ako nang maisip na may nangyari sa 'min. Hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil sa bata pa s'ya at baka magalit ang Kuya n'ya.

Sa huli, hindi ko na inisip na pinagsisihan ko. Bagkus nagpapasalamat ako dahil binigay n'ya sa 'kin ang pinag-iingatan n'ya. Patawad dahil hindi ko napigilan ang bugso ng damdamin ko dahil matagal ko na talagang pangarap na maging tayo at magkapamilya.

"Tignan mo ang anak, Zyler!"

Napabalik ako sa reyalidad nang biglang sumigaw ang asawa ko. Napakamot ako sa batok at tumayo sa pagkakaupo.

Tumungo ako sa kan'ya na ngayon ay nakaupo sa kama. Wala akong problema sa anak namin dahil natutulog lamang ito. Masyado lamang paranoid ang asawa ko.

Sinamaan n'ya ako ng tingin na ikinalambot ng tingin ko. Umupo ako sa tabi nito at niyakap ng mahigpit.

"Suplada na asawa ko?"

"Pigilan mo 'yan, Zyler!" sigaw n'ya sa 'kin at kumalas sa yakap.

Taka ko naman s'yang tinignan. "Anong pipigilan ko?"

Itinuro n'ya ang nasa ilalim ng pantalon ko dahilan para mapamulahan ako sa hiya. "Naaadik ka na sa 'kin! Siguro mas mabuting 5 months tayo na hindi magkita para walang mangyari sa 'tin."

Kinabahan naman ako sa sinabi n'ya. Nagsusumamo akong napahawak sa kamay nito. "F-Five months? 'Di ko kaya, Hon. W-Wag naman, oh..."

Damn, mamamatay yata ako kapag hindi ko s'ya nakita kahit sa isang minuto lamang.

Hinampas n'ya kamay ko na ikinaaray ko. Medyo tumaba na pala si Ophelia dahil buntis ulit s'ya.

Bali, magiging dalawa na ang anak namin kapag nanganak na s'ya. Di tuloy ako makapaghintay na masundan ulit ng isa pa.

"Adik!"

Natawa lamang ako sa kan'ya at niyakap ulit ito. Naaadik na nga talaga ako sa kan'ya. Walang araw na nagpapalambing ako rito. Minsan ay pinagbibigyan n'ya ako sa kagustuhan kong may mangyari sa 'min.

"Lima dapat anak natin, ah? Hmm..."

Dahil sa sinabi ko ay napatili ito at pinaghahampas ako. Sobrang saya lamang na natupad nga ang pangarap ko.

'Di man ako nakapagtigil sa illegal na organization namin ay hindi ko naman pinapababayaan ang asawa't anak ko.

Ilang oras kong ginugol na bantayan ang asawa ko na makatulog. Dahan-dahan lamang ang lakad ko papunta sa Cr ng kwarto namin.

Isinarado ko ito at saka hinawakan ang salamin sa gilid ng mata ko.

"This is code Z-tech, the Big Boss of Nboyz Technology Organization. Be ready to our new mission this coming night."


•END•

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro