CHAPTER 29
OPHELIA CALLA
"This is one of my friend, Ollivander Sims."
Ngumiti ako kay Ollivander at kumaway pa rito. "Hello! Nice to meet you!" masaya kong bati sa kan'ya.
Napaangat s'ya ng tingin sa 'min habang busy ito kaka-type sa keyboard. Tumango lamang s'ya bago ibinalik ulit ang atensiyon sa screen ng computer.
Sa lahat ng nerd dito sa organization ay tanging si Ollivander lamang ang napansin kong naka-mask. May sakit ba s'ya? O nahihiya?
Nahihiyang binaba ko lamang ang kamay ko. Ang busy masyado ng mga alagad ni Zyler dito.
Hinawakan ako ni Zyler sa kamay at marahang hinila sa kabilang pwesto. "Pasensya ka na kay Ollivander. Masyado kasi s'yang abala sa ginagawa n'ya kaya hindi muna natin makakausap."
Tumango lamang ako sa kan'ya at ngitian. Ipinakilala pa n'ya ako sa mga myembro nito. Halos lahat sila ay nakasuot ng eye glasses na pinagtataka ko.
Napaangat ako ng tingin kay Zyler habang abala ito sa kakalikot ng computer dito sa office n'ya. May ipapakita kasi raw s'ya sa 'kin.
Nakaupo ako sa gilid n'ya kaya madali ko lamang s'yang kalabitin sa damit. "May grado ba talaga ang eye glasses niyo? Pansin ko lang kasi na halos kayong lahat ay naka-eye glasses."
Napatingin s'ya sa 'kin. "Lahat kami rito ay may grado na sa mata. Bata pa lamang kami ay isinalang na kami sa organization na ito hanggang sa paglaki namin," sagot n'ya.
Napaisip tuloy ako. "Ibig sabihin nagkagrado kayo dahil sa kakababad ng computer?"
Umiling s'ya. "Hindi lang 'yan. Last 2 years na nagpa-event ako rito, halos kaming lahat ay nandito noong gumawa ang kabilang panig ng myembro namin ng patibong dahilan para lumabo ang mga mata namin," kwento n'ya.
Di malabong may mga kaaway pa sila dahil sobrang high-tech ba naman ang mga gamit dito kaya paniguradong magkakaroon sila ng interest dito.
"Anong patibong?"
"Ikinulong nila kami sa dating building namin tapos may isinaboy silang usok. Di ko alam kung anong klaseng bagay ang pinausok nila sa 'min pero nakakasiguro ako na delikado rin iyon," tugon naman n'ya na ikinatango ko.
Kawawa naman silang lahat. Ano kaya ang mukha nila kapag walang salamin palagi? Di ba sila pwedeng gumamit ng contact lenses? Nah, iisipin ko lamang ay delikado rin iyon.
Napatingin ako sa ginagawa n'ya. Napataas ang dalawang kilay ko nang makitang ini-stalk n'ya ang babae.
Hinampas ko s'ya sa braso na ikinaigtad n'ya. "Ano 'yan!? Babae mo siguro 'yan, eh!"
Sa una ay naguguluhan pa s'ya kung bakit ko s'ya hinampas pero kalaunan ay napangiwi s'ya. "S-Sino?"
"Ayan, oh! Siguro tinitignan mo kung may hubad s'yang larawan! Stalk ka ng stalk sa kan'ya, eh!" Itinuro ko ang larawan ng babae sa screen.
Akmang tatayo na ako nang hinablot n'ya ang beywang ko na ikinatili ko. Bumagsak ako sa kandungan nya bago ako kinulong sa braso nito.
"Please..."
Sa inis ko ay pilit kong pumipiglas sa pagkayakap nya. Nang mapatingin ako sa screen ay do'n pa ko lalo nainis sa kan'ya.
"Naghahanap ka pa yata ng babae, eh!" inis kong singhal sa kan'ya na ikinamura n'ya. "Nagmumura ka na?! Sino ang nagturo n'yan?!"
"P-Please, Hon. Wag naman tayo mag-away, oh. Hindi ko 'yan babae, ano ba."
"Wag mo kong matawag na Hon d'yan!"
Matalim ang titig kong ipinukol sa kan'ya nang ipinaharap n'ya ako sa kan'ya.
Tipid ang ngiti n'ya sa 'kin at tila nasasayahan pa s'ya sa nakikita. Hinila n'ya pa n'ya ako para mas mayakap pa n'ya ang beywang ko.
"Babae 'yan ng kaibigan ko, okay? Tinitignan ko lang naman dahil hindi n'ya sinabi sa 'min kung sinong babae ang nagugustuhan n'ya."
Mahinahon na ang tingin ko sa kan'ya. "Sinong kaibigan?"
"Cather. Nakilala mo na s'ya kanina lamang," sagot n'ya na ikinasingkit ko.
Natawa s'ya sa 'kin bago ako niyakap at isinandal ang baba n'ya sa balikat ko. Nawala tuloy ang pagkaselos ko at niyakap din s'ya. Napahagikgik tuloy ako.
"Selosa..."
Kinurot ko s'ya sa tiyan na ikinatawa n'ya. Mukha inaasar ako nito, ah.
Natigilan tuloy ako nang mahawakan ko ang tiyan n'ya. Bakit ang tigas naman ng tiyan nito?
Kumawala muna ako mula sa pagkakayakap na ikinataka n'ya. Di ko s'ya pinansin at itinaas ang t-shirt n'ya hanggang sa dibdib n'ya para makita ang nasa loob nito.
Nanlaki ang mata ko sa nakita. Gezz! Paano s'ya nagkaroon ng abs, aber?!
Napabaling ang tingin ko sa kan'ya. Nahihiyang ibinaba n'ya ang kan'yang t-shirt para di ko makita. Pinigilan ko naman s'ya.
"Wait."
"O-Ophelia..."
Dahan-dahan kong ipinalandas ang daliri ko sa kurba ng abs n'ya. Ngayon lamang ako nakahawak ng abs at nakakita sa malapitan. Nakakita naman ako ng mga ilang katawan ng lalaki kadalasan sa basketball player pero hindi ganito kalapit.
Napatingin ulit ako kay Zyler na ngayon ay hindi na maintindihan ang mukha. Nakasandal s'ya sa kinauupuan nito at tiim bagang na nakatingala sa kisame.
Parang nasasarapan s'ya sa ginagawa ko sa di malamang dahilan. Hinawakan ko lang naman ang tiyan n'ya, ah.
Namumungay na mga mata s'yang bumaling sa 'kin. "G-Gusto kong ikaw lamang ang makakahawak sa 'kin ng ganito. Sayong-sayo lamang ako, Hon..."
Napangiti naman ako sa sinabi n'ya. Isinandal ko ang ulo ko sa kan'yang dibdib habang nilalaruan ang abs n'ya dahilan para bumigat ang paghinga nito.
Medyo nahihiya akong tawagin s'yang Hon. Baka kasi asarin n'ya ako kapag tinawag ko s'ya ng gano'n. It was my first time to be in relationship so I don't know kung kailangan pa ba iyon.
"P-Papatayin ko muna ang computer..."
Umalis ako sa pagkakasandal sa kan'ya at hinayaan s'yang patayin ang computer. 'Yan nga, Zyler. Ayaw kong may nakikitang babae sa computer mo.
Bumalik s'ya sa pagkakasandig at tinignan ako. Ilang segundo kaming nagkatitigan na may ibig sabihin bago n'ya inalapit ang kan'yang mukha sa 'kin.
Napapikit naman ako ng mata nang dumampi sa 'kin ang kan'yang mainit na labi. Napahawak ako sa leeg n'ya nang pinailaliman n'ya ang halik namin.
Di nagtagal ay s'ya na mismo ang kumalas sa halik. "I love you. Do you love me too?" hinihingal n'yang tanong sa 'kin.
Yumakap ako sa leeg n'ya at do'n nagpahinga mula sa nakakahingal na halik bago ipinalibut ang kan'yang bisig sa 'kin. "I love you rin."
Ramdam ko naman na masaya s'ya nang marinig iyon mula sa 'kin. Hinalik-halikan naman n'ya ang balikat ko na bahagyang ikinagulat ko pero kalaunan ay hinayaan naman s'ya.
"I-I can't believe that you are mine now. I love you so much, Hon."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro