Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 28

OPHELIA CALLA

"Hindi ako 'yon. Maniwala ka man o hindi, kakambal ko ang nakita mo na may kahalikang babae," katuwiran n'ya dahilan para gulat akong bumaling dito.

"A-Ano?" nagtatakang tanong ko sa kan'ya. Tama ba ang narinig ko?

"Kakambal ko iyon. Pasensya na dahil hindi ko nasabi sa iyo na may kakambal ako. 'Di kasi kami gano'n kalapit sa isa't-isa."

Hinawakan ko s'ya ng mahigpit sa braso at mahinang niyugyog ito. "T-Totoo? Hindi ka nagbibiro? Hindi ba talaga ikaw ang nakita ko sa Cr?" sunod-sunod kong tanong sa kan'ya na ikinatawa n'ya ng mahina.

Gezz! Kakambal?! Bakit hindi ko 'yan alam?! May kakambal ba talaga s'ya?

"Kakambal ko talaga iyon. Magkapareho man kami ng anyo ay magkaiba naman kami ng ugali. Kung ako nasa sulok lamang, s'ya naman ay sikat rito at kilala sa pagiging babaero nito. Kaya impossible na ako ang nakita mo sa Cr dahil hindi ko gagawin iyon. Pwera na lang kung ika-"

Agad kong tinakpan ang bunganga n'ya at pinanlakihan s'ya ng mata. Gezz! Ganito ba talaga s'ya kapag nakatikim ng halik mula sa 'kin?! Nagiging green tuloy ang bibig n'ya!

Aminin ko man o hindi, natatawa ako sa pinagsasabi n'ya ngayon. Gusto ko tuloy mapahagikgik.

Natatawang inalis n'ya ang kamay ko sa bibig nito. "Nah, I'm just kidding. Bati na ba tayo?"

Saglit akong napaisip. "Ipakita mo nga sa 'kin ang kakambal mo kung totoo ang sinasabi mo. Di ako mapapanatag kapag hindi ko nakita ang ebidensya," lahad ko.

Biglang umiba ang kan'yang tingin sa 'kin. Naging seryoso na ito na ikinataka ko naman.

"Y-You won't fall for him, right? Mas gwapo s'ya kaysa s-sa 'kin. B-Boring akong kasama..."

Nakangiting umiling ako sa kan'ya at masayang yumakap rito. "Magkapareho man kayo ng mukha, gwapo man s'ya kumpara sa 'yo ay ikaw at ikaw pa rin ang mahal ko. Hindi sa mukha nababasi ang pagtingin ng isa ng tao because love has no reason."

Ngayon nalaman ko na hindi ko pala s'ya mahal dahil sa matalino s'ya o ano pa man. Mahal ko s'ya sa kung anong meron s'ya at wala na yatang bagay na made-describe pa kung papaano at anong dahilan kung bakit s'ya ang pinili ko.

Kahit sino ka pa man s'ya, tatanggapin ko s'ya. Mayaman man o mahirap. Gwapo man o pangit. Matalino man o bobo. S'ya at s'ya pa rin. Anong silbi ng mukha kung 'di ka naman kayang mahalin ng tunay di'ba?

Ramdam kong niyakap n'ya ako pabalik. "Mahal kita, Ophelia."

"Mahal din kita..." sagot ko sa kan'ya na ikinabigla n'ya. Natawa tuloy ako.

Kumalas s'ya sa pagkakayakap at malapad ang ngiti ang sinalubong sa 'kin. "M-Mahal mo ako? T-Tatanggapin mo ba ako kahit ano man ako?" sunod-sunod n'yang tanong.

Tumango ako rito na ikinasaya naman n'ya. Hinalikan n'ya ako sa noo ng matagal bago ako hinila ulit para sa yakap.

"Damn, mas mahal kita."

~•~•~•~•

Hindi ko na itinuloy ang pagback-out sa contest dahil nga sa nagkabutihan na kami ni Zyler. Kahit hindi ko sinabi na kami na ay alam kong alam n'ya na sa sinabi ko pa lamang na mahal ko s'ya ay pag-aari na n'ya ako.

S'ya na mismo ang humatid sa 'kin sa bahay at pagkarating namin doon ay bumungad kaagad sa 'min si Kuya Alter at Kuya Armer na nakaabang sa pintuan.

"Akala ko hindi mo na iuuwi ang kapatid namin," simula ni Kuya Alter at nilapitan si Zyler na nakahawak pa pala sa kamay ko.

Napatingin si Kuya Alter sa magkahawak naming kamay at bigla lamang itong yumakap kay Zyler saka madramang umiyak na ikinaikot ko ng mata. Ang oa lang talaga ni Kuya.

Nilapitan ako ni Kuya Armer. "Kayo na?" 'di makapaniwalang tanong na kaagad ko namang ikinatango.

"No! My little sister is still a baby! 'Wag mo muna s'yang kunin sa 'min! Parang awa mo na!"

Halos kumalong na ito kay Zyler na ikinataranta naman n'ya. Pilit n'yang inaalis si Kuya Alter sa pagkakayakap nito sa kan'ya pero mas lalo lamang nagwawala si Kuya. Isip bata talaga.

Kita kong napahinga ng maluwag si Kuya Armer bago ako tinapik sa ulo. "You grown up so fast. Dalaga ka na talaga kaya dapat alam mo na ang ginagawa mo. Your brother's are here always for you. Kapag sinaktan ka ng lalaking iyan ay bubugbugin namin, ah?"

Agad ulit akong tumango at yumakap sa kan'ya. Feeling ko binibigay na n'ya ako kay Zyler. Gezz! Bata ko pa naman para magpakasal kaagad.

"K-Kuya? Tumayo ka na po."

Napalingon ulit ako kila Zyler.

Umiling si Kuya Alter at yumakap pa lalo kay Tyler. "She's my baby, bro! Please, ayaw pa naman s'yang mawalay sa 'mi-"

Di na n'ya natapos ang pagda-drama nito nang hinila s'ya ni Kuya Armer sa likurang bahagi ng kan'yang damit papaalis sa pagkakayakap kay Zyler.

"Isip bata ka talaga," sabat sa kan'ya ni Kuya Armer na ikinanguso lamang nito.

Lumapit ako kay Zyler at hinawakan ito sa kamay. "Tuloy ka muna sa bahay? Kain muna tayo dinner," yaya ko sa kan'ya na ikinailing n'ya.

Ngumiti s'ya sa 'kin at hinaplos ang kamay ko. "May kailangan muna akong ayusin, eh. Bukas na bukas ay may ipapakita ako sa 'yo."

"Ano?"

"I'll show you my world. Ipapakita ko sa 'yo ang totoong ako. Ayaw kong magtago sa 'yo ng sekreto kaya gusto ko na hangga't maaga pa lamang ay alam mo na ang mayro'n ako," sagot n'ya at pinisil ng bahagya ang kamay ko. "I-Ipangako mo sa 'kin na kahit anong mangyari, na kapag nalaman o nakita mo na ang totoong ako at ang mundo ko ay hindi mo ako iiwan."

Kahit nagtataka sa kan'yang mundo at sekreto ng pagkatao n'ya ay hindi ako nag-alinlangang tumango rito na ikinahinga n'ya ng maluwag.

Kung ano man ang makita ko ay s'yang tatanggapin ko. Lahat ng bagay ay masosolusyonan at lahat ng bagay ay may paraan. Hindi ko na s'ya ipagtataboy pa kung ano man ang makita ko.

Sa ngayon, hindi na ako maniniwala kaagad sa nakita ko. I trust him because I love him. Love is part of trusting each other and I want to do it with us. Hindi dapat muna ako nagpapadala ng damdamin.

~•~•~•~

"Di'ba nasa Nboyz Building tayo? Akala ko ba ipapakita mo ang mundo mo sa 'kin?"

Tumango si Zyler sa 'kin. "Nandito nga ulit tayo sa Nboyz Organization Building. Ito nga ang mundo na sinasabi ko." Napatingin s'ya sa 'kin na may alanganin sa mata. "Promise me that you won't hate or leave me pagkatapos kong maipakita sa 'yo ang matagal ko nang sekreto."

Kahit kinakabahan ako sa sinasabi n'yang matagal na n'yang sekreto ay tumango ako. I am happy dahil kaya n'yang sabihin sa 'kin ang sekreto kahit kakasimula pa lamang namin. Masaya ako dahil mukhang importanteng sekreto ang sasabihin. Hiya tuloy ako dahil madami akong sekreto.

Magkahawak kamay kaming tumungo sa entrance ng building. Sarado lahat ng parte ng building at mas pinagtataka ko ay kung bakit bakal ang lahat na makikita ko rito.

"Hirap tayo makapasok d'yan, Zyler. Tignan mo, halos bakal ang nakapalibot. Weird, ah," ani ko.

"Wait..." Hinila n'ya ako sa bakal na pintuan. Hahawakan ko na sana ito nang pigilan n'ya ako.

"'Wag baka ma-trap ka."Pagpigil n'ya sa 'kin at kahit nagtataka ay hinayaan ko s'ya ang kumalikot dito.

Namangha ako nang lumabas ang high tech na screening na nasa tingin ko ay para makapasok kami sa loob kapag may password kaming nilagay o bagay na i-detect.

Binitawan n'ya sandali ang kamay ko saka itinapat ang limang daliri nito sa screening.

"Access Approved. Good afternoon, code Ztech."

Nagulat ako nang bigla itong bumukas pagkatapos masambit iyon ng screening na boses lalaki.

Sino kayang lalaki ang nasa likod ng screening? Siguro magaling iyon kumanta dahil maganda ang boses nito, eh.

"Tara." Marahan n'ya akong hinila papasok sa building.

Bumungad kaagad sa 'min ang madilim na paligid. Saka lamang itong lumiwanag nang tumapak kami sa umiilaw na bagay sa sahig.

Halos manlaki ang bibig ko sa mangha at gulat na makitang maraming lalaki rito na halos nakasalamin! Wala 'bang babae?

Hindi nila kami napansin dahil sa abala sila sa kakatutok sa computer. Baka sumakit ang mata nila sa radiation, ah.

"Ang ganda rito, Zyler!" mangha kong sambit at napaangat ng tingin sa kan'ya.

Hindi ito nakangiti at basi sa nakikita ko ay may pangamba sa mga mata n'ya nang bumaba ang tingin n'ya sa 'kin.

Napahinga s'ya ng maluwag. "I-Ito ang tarbaho ko at i-illegal ang tarbaho namin, Ophelia..."

Nanlaki ang mata ko sa kan'ya habang nakatingin. Baka kung anong illegal ang sinasabi n'ya. Sana naman hindi 'yong iniisip ko.

"P-Paanong illegal? Nagbebenta kayo ng lamang loob?" nakangiwi kong sambit.

Kinakabahan tuloy ako kung anong illegal ang sinasabi n'ya.

Umiling s'ya. "Tumutulong kami sa mga mayamang estudyante na magkaroon sila ng high tech na gamit na pwede nilang gamitin sa pag-cheat sa exam o ano man sa eskwelahan. Kami mismo ang nagse-send ng mga answer na possible na lalabas sa exam."

Di ko alam ang sasabihin ko. Ibig sabihin ba n'yan ay hindi talaga s'ya matalino dahil sa kakayahan n'ya? Nagiging mataas ba ang grade n'ya dahil dito?

"U-Umaasa ka ba na tutulungan ka ng organization na ito para umangat sa klase?" utal kong tanong sa kan'ya.

Mabilis n'ya akong hinila papalapit sa kan'ya para yakapin ako na kaagad ko namang ikinatugon. Kailangan ko muna s'ya intindihin. Gusto ko malaman ang saloobin n'ya.

Sa oras na ito ay hindi galit o inis ang nararamdaman ko kundi takot. Takot na baka mabuko sila dahil cheating na ang ginagawa nila. Paano matututo ang estudyante kung aasa lang sila dito?

"Hindi, sariling sikap mismo namin ang ginagawa. Ako na mismo ang nagsabi sa kanila na 'wag gagamitin ang high-tech gadgets namin kapag nasa eskwelahan. Naisip ko rin kasi na wala kaming matutunan kung dito kami aasa palagi."

"I-Ikaw nagsabi? Bakit ikaw ba leader dito?" tanong ko at humiwalay sa yakap.

Tumango s'ya ng dahan-dahan. "Yes, I was the one who are controlling them. Ako mismo ang nagpatayo nito at ang ilan na kagamitan dito ay pinamana sa 'kin ng Lolo ko. He want me to run this illegal business. Kahit ayaw ko ay wala akong magagawa."

Napatango-tango ako rito na pinahayag sa kan'ya na naiintindihan ko s'ya. Pakiramdam ko ngayon ay sapat na sa 'kin na malamang hindi naman pala s'ya sangayon.

"D-Do you my job? Do you hate me? Tell me so I can fi-"

Hinaplos ko ang kan'yang braso na ikinatigil nito. Kumalma naman s'ya dahil mukha na talaga s'yang napa-paranoid kanina. Siguro iniisip n'ya na hindi ko s'ya tatanggapin.

Sumandal ako sa kan'yang dibdib. "Kagaya nga sa sinabi ko kanina, hindi kita iiwan kahit sino ka pa man. Tanggap kita sa kung ano ka at anong meron ka." Tumingala ako sa kan'ya. "'Wag ka na magtatago ng sekreto, ah?"

May bahid na saya sa kan'yang mata na dumaan habang tumatango sa 'kin. "I promise, Hon. I promise..."



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro