Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 24


OPHELIA CALLA

Napabuka ng bahagya ang bibig ko sa nakita ko. Bumungad kaagad sa 'kin si Zyler na lasing na lasing!

"What did you do, Kuya?!" gulat kong tanong sa kanila na ngayon ay lasing din pero nakakaya naman nilang makatayo sa pagkakaupo.

Gising pa naman si Zyler at tahimik lamang na nakadukdok ang kanyang kabilang pisnge sa lamesa na puno ng beer na bote habang nakaupo sa upuan.

Tumayo si Kuya Alter at patakbong lumabas ng kusina. Napasunod tuloy ang mata ko sa kan'ya at nag-aalalang sinundan ito.

Nakita ko s'yang dali-dali na umakyat sa hagdan. Hindi ko na s'ya sinundan dahil alam ko na kung anong gagawin nito pagkatapos. Isusuka lamang n'ya ang kan'yang beer at matutulog.

Bumalik ako sa kusina na kaagad nakasalubong si Kuya Armer na nakapamulsa.

"Wala naman kayong sinabi na iinom kayo Kuya, ah." Agad akong tumungo kay Zyler at tinapik-tapik ito para patayuin na ito.

"Hindi lasenggero ang manliligaw mo kaya..." Nagtaas s'ya ng hinlalaki sa ere. "Pasado ang batang 'yan. Sigurado akong di ka n'yan sasaktan," huling sambit nya bago ako tinalikuran.

Di naman kailangan palasingin, eh!

"Kuya! Paano si Zyler dito?!" sigaw ko dahil iniwan ba naman ako. Paano ko ito mabubuhat?!

Nakatayo na s'ya sa pintuan ng kusina at nilingon ako. "Patulugin mo muna sa guest room. Gisingin mo na lang s'ya, makakalakad pa naman iyan."

Wala na akong nagawa nang mawala na s'ya sa paningin ko. Ibinaling ko ulit ang atensiyon ko kay Zyler na ngayon ay namumungay ang matang nakatingala sa 'kin.

Hinawakan ko sya sa braso at hinila s'ya pero 'di ko talaga kaya. "Zyler? Tumayo ka muna d'yan dahil matutulog ka na," utos ko sa kan'ya.

Napaungol s'ya at sinunod naman ako. Tumayo s'ya at saka lasing na humawak sa beywang na ikinasinghap ko. Alam ko naman na wala naman balak na masama itong si Zyler dahil maamo pa rin ang mata n'yang papikit-pikit na.

"O-Ophelia?"

Hinila ko s'ya para makaalis kami na kaagad naman n'yang nakuha. Medyo mabigat s'ya kaya kailangan ko s'yang yakapin sa beywang para hindi kami tuluyang matumba.

"Bakit ka pumayag na makipag-inuman sa kanila?! First time mo lang ba ito?" problemado kong tanong sa kan'ya at sinimulan ko na s'yang inalalayang makatapak sa hagdan.

"Y-Yeah... I'm not into a-alcohol, Hon..."lasing n'yang tugon sa 'kin.

Iwan ko na lang kung totoo ba talaga na 'Hon' ang tawag n'ya sa 'kin kanina. Alam ko naman na lasing ito kaya baka kung ano-ano na ang sinasambit nito.

Ilang minuto ay sa wakas, natungtong na rin kami sa second floor. Buti hindi pa gano'n kalasing si Zyler, konti na lang talaga ay geywang-geywang na ito sa susunod.

"Bakit ka pumayag, ah?! Ayaw ko pa naman sa lasingero!" sermon ko sa kan'ya kahit 'di ko alam kung sasagutin n'ya ba ako ng matino.

Ngayon lang talaga ako nagkaproblema sa lasing dahil kung si Kuya Armer at Kuya Alter lamang ito ay hindi ko na po-problemahin dahil kaya nila ang sarili.

Nakarating kami sa guest room na malapit lamang sa hagdan. Kahit hirap kong buksan ang pintuan ay nakaya ko pa naman.

"H-Hindi naman ako l-lasinggero, ah. S-Sinunod ko lang ang inutos ng K-Kuya mo..."

Namamawis na pinaupo ko s'ya sa kama. Pagkaupo pa lamang n'ya dito ay agad na tumumba ang ulo n'ya malapit sa head board. Buti na lang nasagip ko ang likuran ng noo n'ya.

Inayos ko ang buhok kong nabuhaghag at pinahid ang namamawis kong noo. "Bakit mo naman sinunod? Dapat alam mong binibiro ka lamang nila," sermon ko ulit sa kan'ya at inayos ang kan'yang pagkakahiga.

Di ko na alam kung anong gagawin ko kay Zyler na ito. Masyadong inosente sa bagay-bagay kaya madali lamang mauto.

Napaungol s'ya nang inayos ko ang ulo n'ya sa pagkakahiga. Minulat n'ya ang kan'yang namumungay na mata. "I-Ilalayo ka r-raw nila sa 'kin kapag h-hindi ako uminom. D-Di ko kaya," madramang sambit nito sa 'kin at hinawakan pa ang kamay kong nasa gilid ng kan'yang pisnge.

Gulat kong pinagmamasdan s'yang inilagay ang kamay ko sa pisnge nito. Nangungusap ang mata n'ya sa 'kin na parang hindi n'ya kayang mawala ako sa hawak n'ya.

Napaismid ako kahit kinikilig naman talaga. "Kaya mo naman siguro na mamuhay na wala ako sa tabi mo kahit minuto."

Umiling-iling s'ya at hinila na ako tuluyan para makaupo ako sa gilid ng kama.

"N-No, I can't..." tangi n'ya at napapikit ng mariin dahil sa kalasingan nito. "M-Mahal kita kaya 'w-wag mo akong iwasan..."

Tila tumigil ang paligid ko nang marinig ang katagang iyon sa kan'ya. Di ko alam ang sasabihin ko dahil sa biglaan n'yang pagconfess ng nararamdaman n'ya.

Akala ko ba gusto n'ya ako? Na-realize ba n'yang mahal n'ya na ako? Papaano?

Ilang minuto akong naghintay pa sa sasabihin nito pero wala na akong narinig sa kan'ya kundi tanging pagbuga lamang ng kan'yang hininga. Napabuga ako ng hangin dahil pakiramdam ko ay sasabog ang damdamin ko sa nalaman.

Totoo ba talaga ang sinasabi nila na kapag lasing ang isang tao tapos nag-confess sa 'yo ay hindi ito nagbibiro o nagsisinungaling.

Masyadong mabilis ang oras. Masyadong mabilis ang araw na lumipas. At gano'n din kabilis ang dibdib ko sa pagkabog sa tuwing kasama ko s'ya. Kasing bilis ng paghulog ko sa kan'ya na 'di ko namamalayan.

Tama nga sila. Di mo alam kung kailan ka mahuhulog sa isang tao pero mare-realize mo lamang na matagal mo na pala nararamdaman ang tamis ng pag-ibig na sinasabi nila na makapangyarihan.

~•~•~•~

"O-Ophelia?"

Nasa kalagitnaan akong kumakain ng almusal nang marinig ko na tinawag ako ni Zyler. Napalingon naman kaagad ako sa kan'ya at ngitian s'ya ng malapad.

"Halikana at kumain na tayo."

Nakasuot s'ya ng t-shirt na kulay dark blue at short na jersey na hanggang tuhod na kulay black. Pinahiram siguro ni Kuya ng damit dahil nabasa ang damit nito kahapon.

Inayos n'ya ang kan'yang salamin at dahan-dahang tumungo sa 'kin na ikinasunod ko lamang ng mata habang papalapit s'ya.

Nakayukong umupo s'ya sa tabing upuan ko at hindi na rin makatingin sa 'kin na parang may nagawa ba s'yang kasalanan. Napahagikgik tuloy ako dahil ang cute n'ya tignan.

"A-Ano... A-Anong nangyari pagkatapos naming uminom?" utal n'yang tanong sa 'kin at nakakunot-noo pa ito na tila inaalala ang nangyari sa kan'ya kagabi.

"Inakyat kita sa itaas at pinatulog. Kaagad din kasing natulog sila Kuya pagkatapos mong mahiga sa lamesa," sagot ko at pinagpatuloy ang kinakain kong adobo.

"Inalalayan mo ako?!" gulat n'yang tanong sa 'kin at tinuro pa nito ang kan'yang sarili.

Natatawang tumango ako na ikinabagsak ng kan'yang balikat. Tila nakakahiya na babae pa ang umalalay sa kan'ya.

"S-Sobrang lasing ko ba?"

Tumango ulit ako. Kumuha ako ng panibagong plato at nilagyan ng kanin at saka adobo. Inilagay ko ito sa harapan n'ya at sinenyasan s'yang kumain na.

Gusto kong matawa sa reaksiyon n'ya ngayon. Di ko alam kung anong gagawin ko kapag natandaan n'ya ang pinagsasabi n'ya kagabi.

Napatingin naman s'ya sa sinandukan kong kanin at adobo. Napalunok s'ya ng sariling laway at namumungay na nga matang bumaling sa 'kin ng tingin.

Ngitian ko s'ya ng tudo at napahagikgik pa sa kilig. "Nasobrahan ka yata sa pag-inom ng alak kagabi kaya sobrang na lasing ka. Hmp!" nakangising tinuon ko ulit ang pagkain ko.

Ramdam ko naman ang bahagyang paglapit ng kan'yang upuan sa tabi ko.

"B-Bakit ganyan ang mukha mo? G-Galit ka ba sa 'kin?" sunod-sunod n'yang tanong na ikinailing ko lamang.

Sigurado naman akong di umiinom itong si Zyler. Katulad nga sa sinabi ni Kuya Armer kahapon, good boy daw s'ya.

"H-Hoy..."

Napatingin ako sa kan'ya nang hawakan n'ya kamay ko para patigilin ako sa pagsubo ng kanin.

Siguro inaakala n'yang galit ako sa kan'ya.

"Bakit?" maang-maangan kong tanong sa kan'ya.

Dahan-dahan n'yang inalis ang kan'yang kamay sa 'kin at napakamot sa pisnge nito. "H-Hindi ako lasinggero. I promise that I won't drink alcohol anymore kung 'yan ang iniisip mo."

I know, Zyler. I know.

Masayang umusog pa ako papalapit sa kan'ya at kumapit sa braso nito. "Alam ko naman. 'Wag nang uminom ng alak, ah? Ayaw ko sa lasinggero," paalala ko pa sa kan'ya na ikinatango naman n'ya.

Very good s'ya dahil sinusunod n'ya ako.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro