Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 23

OPHELIA CALLA

"Salamat at dinala mo ako roon. Sobrang saya ko ngayon," masayang sambit ko sa kan'ya na ikinangiti n'ya.

Parang nanalo tuloy ang klase ngiti n'ya sa 'kin. "K-Kung gusto mo, sa tuwing Sabado ay dadalhin kita roon. Hindi pa ganon kalawak ang napasyalan natin."

Na-excite naman ako sa nalaman ko. Oo nga pala, inubos kasi namin ang oras sa kaka-Dota. Di naman namalayang 4:45 pm na pala. Nagtext kasi si Kuya na dapat 5:00 pm ay nando'n na ako.

Nakauwi na kami ni Zyler galing sa Nboyz Building. Sumakay ulit kami sa motor papunta rito sa loob ng gate namin.

Di na namin napansin na magkahawak kamay kami dahil sa mahabang kwentuhan. Mukhang nasanay na talaga s'ya sa 'kin.

May plano na rin kasi akong sagutin s'ya pagdating ng Lunes. Tama, Lunes nga. Sabi ko pa naman pahirapan ko pa s'ya pero dahil parehas naman kami ng nararamdaman, bakit pa namin patatagalin?

Hindi yan ang kasabihan ko. Si Eden ang nagsabi sa 'kin tungkol d'yan. Sabi pa n'ya na mahihirapan si Zyler sa 'kin kapag pinatagalan ko pa at baka maghanap s'ya ng iba o mawawalan na ng saysay ang panliligaw n'ya.

Syempre sinunod ko si Eden dahil sa wala akong alam tungkol d'yan. Mahirap na kapag totoo, eh.

Nakatayo kami sa harapan ng pintuan. Napatigil naman ako sa kaka-kuwento sa kan'ya saka pinindutan ang door bell.

"Narinig ko kay Kuya na mag-uusap kayo. 'Wag 'kang mag-alala dahil hindi naman masungit iyon."

Napalunok s'ya ng laway nang marinig ang sinabi ko. Napaiwas s'ya ng tingin at napayuko na kadalasan n'yang ginagawa kapag nag-iisip o nahihiya.

Isa na rin ito sa na-observe ko sa kan'ya. Pero gusto ko pa rin s'yang makilala ng lubusan para alam ko kung ano ang mga gusto at hindi n'ya gusto.

Napakapit naman ako sa braso n'ya. "Hey! Wag ka nga matakot. Sige ka, ayaw pa naman ni Kuya sa matatakuting lalaki. Baka hindi ka na n'yan payagan na makapanligaw sa 'kin at hahanap na lang ng iba," patakot ko sa kan'ya.

At tama nga ako dahil napatingin s'ya bigla sa 'kin at nakikita ko naman na nabigla s'ya sa sinabi ko.

"T-Totoo?" 'di makapaniwalang tanong n'ya na ikinatango ko. Napalunok tuloy s'ya at tumuwid ng tayo.

Gusto kong matawa pero 'wag muna sa ngayon. Baka hindi s'ya maniwala sa 'kin n'yan.

Saglit lamang ay bumukas ang pintuan at tumambad sa 'min si Kuya Alter na nakasingkit ang matang nakatingin kay Zyler.

Ramdam ko naman ang paghigpit ng kapit ni Zyler sa 'king kamay at ramdam ko ang nanlalamig rin ito.

Sinuri s'ya muna ni Kuya Alter bago binuksan ng malawak ang pintuan. Binulungan ko naman si Zyler na pumasok na kami na kaagad naman n'yang ikinatango.

"You," biglang tawag ni Kuya Alter kay Zyler na kaagad namang kinaalerto ni Zyler.

"P-Po?"

"'Wag ka nang mag-po dahil 'di naman nalalayo ang edad natin. Ilang taon ka nga?" Napacross-arm si Kuya Alter na parang kinikilatis n'ya pa si Zyler.

Pinanlakihan ko naman ng mata si Kuya at sinenyasan na 'wag takutin si Zyler. Pinanindigan naman ni Kuya na seryoso s'ya sa tanong n'ya kay Zyler kahit alam kong tinatakot lamang n'ya ito.

Tuwid na tumindig si Zyler habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko. "D-Dapat ko kayong igalang dahil nililigawan ko po ang kapatid n'yo. And I'm 19 years old already."

Napalunok pa ito ng laway sa sobrang kaba n'ya kaya pinisil-pisil ko lamang ang kamay n'yang nakahawak sa 'kin para maibsan. Napabuga s'ya ng hininga at tarantang inayos ulit ang salamin n'ya kahit maayos naman.

Gulat na tumingin si Kuya Alter kay Zyler. "19?! Jusko! My little sister is only 17 years old for sake!" madrama n'yang singhal na ikinasapok ko lamang sa noo.

Ang OA lang talaga n'ya. Alam ko naman na tinatakot lamang n'ya si Zyler.

"Be mature enough, Alter," rinig kong sambit ni Kuya Armer sa likuran ni Kuya Alter.

Napatingin naman kami kay Kuya Armer nang lumapit ito kay Zyler at nakitang inilahad nito ang kan'yang kamay sa harapan. "Zyler Fenno, right? I have something to tell you right now."

Ramdam ko tuloy ang tensyon na nagmumula kay Kuya Armer at Zyler. Seryoso na ang kanilang tingin sa isa't-isa at kung hindi pa sila kinausap ni Kuya Alter ay baka habam-buhay na lang sila magkatitigan.

Bakit ganyan sila makatingin sa isa't-isa? Pakiramdam ko mayro'n silang tinatago sa 'kin, eh.

"Mag-usap tayo ng masinsinan, bro Zyler, ah? May itatanong lang naman ako at isusumbat din," saad ni Kuya Alter na ikinatango ni Zyler na tila sumusunod sa boss nito.

"Kuya!" tawag ko nang hinila n'ya si Zyler mula sa 'kin.

Inakbayan n'ya si Zyler at natatawang tinapik ang balikat nito. "Shh! Punta ka muna sa kwarto mo dahil para lang sa lalaki itong usapan. Lalaki ka ba, ah?" tanong ni Kuya Alter sa 'kin.

Napabusangot tuloy ako at nilingon si Kuya Armer na nasa gilid na ni Kuya Alter. "Sige na umakyat ka muna. Tatawagin ka na lang namin kapag tapos na kami."

Kahit wala akong tiwala sa sinasabi nilang usap ay tumango lamang ako. Nakabusangot pa rin ang mukha kong binalingan ng tingin si Zyler na nakatingin ngayon sa 'kin.

Tumango s'ya sa 'kin at ngitian ako na parang sinasabi n'ya magiging ayos naman s'ya. Pero kasi!

Labag sa loob na tumalikod na ako sa kanila at diretsong umakyat sa hagdan. Nilingon ko pa ito mula sa itaas at nakitang papunta sila sa kusina. Di ko alam kung bakit sa kusina ang pinili nilang lugar para mag-usap.

Nakarating ako sa kwarto ko at pabagsak akong humiga sa malaki kong kama. Malaki ang kwarto ko dahil na-spoil na rin ako ng mga Kuya ko. Bunso raw kasi ako kaya dapat ibigay na nila ng tudo ang kinakailangan ko.

Naalala ko tuloy ang book store na niregalo sa 'kin ni Kuya. Agad akong napatayo sa pagkakahiga at tumungo sa study table ko.

Sabi ni Kuya ako na raw ang magpa-plano sa lahat. Ipapatingin ko na lang raw sa kan'ya ang design na gusto kong i-wallpaper sa bookstore at kung anong klaseng pagkaka-organize ang gusto ko.

Habang naghihintay sa kanila ay naisipan ko munang tapusin ang design na pinapagawa ni Kuya. Nakailang sketch na ako at sa wakas naman ay nakapili na rin ako at naplanuhan ko na rin.

Isang oras akong naghintay na may tatawag sa 'kin mula rito sa loob ng kwarto ko pero wala man lang may balak akong tawagin dito. Kinabahan tuloy ako na baka pinapahirapan nila si Zyler.

Dahil sa pagkabahala ko ay agad akong lumabas sa kwarto at bumaba sa hagdan saka ako dumireto sa kusina dahil doon ko sila huling nakita.

Napabuka ng bahagya ang bibig ko sa nakita ko. Bumungad kaagad sa 'kin si Zyler na lasing na lasing!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro