CHAPTER 19
OPHELIA CALLA
"May tao sa labas ng pintuan, Calla baka pwedeng tignan mo kung sino iyon."
Napaangat ako ng tingin kay Kuya Armer habang umiinom ng tubig. Inilapag ko ito sa lamesa nang matapos ko nang umubusin. "Sige, Kuya."
Napatayo ako sa pagkakaupo dito sa harapan ng dining table namin. Kaka-tanghalian lang namin ni Kuya Armer. Ewan ko na lang kay Kuya Alter dahil paniguradong mamaya pa iyon kakain.
Tumungo ako sa malaking pintuan namin na kulay kayumangging kulay. Dahan-dahan ko itong binuksan at kasabay no'n ang paglaki ng mga mata ko.
"G-Good afternoon sa 'yo..."
Agad akong tumalikod mula sa harapan n'ya at tarantang kinakapa-kapa ang mukha ko. Gosh! Di ko alam na pupunta na pala s'ya rito! Naka-silent kasi ang cellphone ko kaya baka hindi ko narinig ang tunog nito.
Nang wala naman akong nakapang marumi sa mukha ko ay malapad na ngiti ko s'yang nilingon ulit.
Napabuka ng bahagya ang bibig ko dahil sa suot n'ya. Simple lamang ang damit n'yang T-shirt na kulay red at kulay black na pantalon.
Mas namangha pa ako sa itsura n'ya ngayon. Nakasalamin pa rin ito pero hindi na natatabunan ang mukha n'ya ng buhok. Ang gwapo naman pala n'ya kapag ganyan pero mas gugustuhin ko siguro na tabunin na lang n'ya ang mukha para walang makakita bukod sa 'kin.
"Ophelia?" tawag n'ya sa 'kin dahilan para mapabalik ako sa katinuan ko. Masyado akong namangha sa kan'ya ngayon.
Ngitian ko s'ya at nahihiyang inilagay ang buong buhok ko sa kaliwang balikat ko na ikinatingin n'ya rito. Sinawalang bahala ko lamang ang pagkatulala nito sa 'kin.
"Sorry 'di ko yata nabasa text mo na papunta ka na rito. Kumakain kasi kami ng tanghalian namin," hinging paumanhin ko sa kan'ya na ikinakurap ng kan'yang mata at napatingin pabalik sa 'kin.
Napakamot s'ya sa pisnge n'ya na kadalasan n'yang ginagawa. "Ayos lang."
"Tara, pasok ka." Bigla ko lamang s'yang hinawakan sa braso. Napasinghap pa s'ya nang dumapo ang kamay ko sa balat n'ya. Sinukbit ko ang kamay ko sa braso n'ya at bahagyang hinila para tumungo sa kusina kung nasan si Kuya.
"O-Ophelia..." utal n'yang sambit.
Medyo mabagal ang lakad namin kaya may segundo pa kami makapag-usap. "Bakit?"
Napaangat ako ng tingin sa kan'yang mukha at taka naman ako kung bakit namamawis ang noo n'ya at hindi na rin s'ya mapakali.
"M-Masungit ba Kuya mo?" wala sa sariling tanong n'ya. Pinunasan n'ya ang kan'yang noo gamit ang kanan n'yang kamay dahil nakahawak ako sa kaliwa niyang braso.
"Hindi naman," tugon ko at inangat ang kamay ko para abutin ang namamawis n'yang noo.
Napalingon s'ya sa 'kin na nanlalaki pa rin ang mata. Napakurap-kurap ulit ito at tila natigilan pa sa paghawak ko.
"W-Wala ito... A-Ano, masungit siguro Kuya mo, eh," tila takot s'ya kay Kuya. Gusto ko tuloy matawa pero instead na tumawa ako ay napangiti ako.
Hindi ko sinagot ang sinabi n'ya. "Bakit namamawis ang noo mo? Mainit ba sa labas?" malumanay kong tanong.
"H-Hindi naman," sagot n'ya.
"Ano 'yan?"
Mabilis akong napalingon sa nagsalita sa gilid namin. Nakayukong inalis ng dahan-dahan ni Zyler ang kan'yang braso na nakahawak sa kamay ko.
Pinigilan ko naman s'ya pero nagmamakaawa s'yang nakatingin sa 'kin bago sinulyapan din si Kuya sa harapan na namin. Takot siguro s'ya kay Kuya.
Napatingin naman si Kuya sa kamay naming magkahawak na. Tapataas ang kilay at nakangising tinignan si Zyler.
"Takot ka ba sa 'kin?" tanong ni Kuya Armer kay Zyler.
Agad na umiling si Zyler.
"Nahihiya ka yatang hawakan ni Calla. Dapat hindi mo tinatanggi ang gusto ni Calla."
Mula sa pagkahila ko sa braso n'ya para pilitin s'yang mag-steady sa pagkahawak namin ay medyo nagulat ako na s'ya na mismo ang naglagay ng kamay ko sa maskulado n'yang braso.
Ngayon ko lang na pansin na malaki rin ang katawan n'ya kapag nasa malapitan. Hinimas ko tuloy ang braso n'yang may balahibo at maugat.
"Mag-usap tayo mamaya bata. Iuwi mo na lang si Calla mamaya, ah?" paalala ni Kuya nang makita kami na nasa ganitong sitwasyon.
"Opo," sagot ni Zyler kay Kuya Armer na ikinangisi nito.
Makahulugang tinignan ako ni Kuya na ikinataas ko ng dalawa kong kilay. Tinalikuran na kami ni Kuya at naglakad papaalis. Tapos na pala s'ya sa kinakain n'ya.
Napaangat ako ng tingin kay Zyler. Hanggang dibdib lang pala n'ya ako.
Nagtaka ako kung bakit malalim ang paghinga n'ya. Siguro takot talaga s'ya kay Kuya dahil sa namamawis nitong mukha.
Napatigil ako sa paghimas ng balahibo n'ya sa braso. "Hindi ko pa pala natapos ang kinakain ko," biglang sabi ko sa kan'ya na ikinatingin n'ya sa 'kin mula sa pagkakayuko.
Di ko alam kung bakit may kakaiba sa tingin n'ya. Parang kumikinang ito pero...baka sa salamin lang siguro.
"K-Kumain ka muna..." malalim ang boses nitong sagot sa 'kin na nagbigay kuryente sa balahibo ko. Bakit ang lalim naman ng boses n'ya ngayon?
Kahit nagtataka ako sa inaasta n'ya ay ngitian ko s'ya. "Sabayin mo na ako."
Hinili ko s'ya dining table. Binitawan ko na ang kamay n'ya at uupo na sana ako sa kinauupuan ko kanina nang pigilan n'ya ako sa braso.
Taka naman akong lumingon sa kan'ya.
Tahimik n'yang hinila ng konti pa ang upuan ko at inalalayan akong umupo rito. Napangiti tuloy ako at masayang inaya s'ya na umupo sa tabi ko.
Dahil sa gutom ko ay hindi ko s'ya inabala ng tingin. Dahan-dahan lamang ang pagnguya ko ng pagkain. Baka kasi mabigla s'ya kapag minadali ko ang pagnguya ko na kadalasan kong ginagawa.
"Kumain ka na d'yan," sabi ko sa kan'ya na hindi nakatingin sa kan'ya.
Habang ngumunguya ako ay bigla lamang may humarang na ilang buhok sa mukha ko. Sisiklupin ko na sana ito nang inunahan kaagad ako ni Zyler.
Tahimik lamang n'yang inilagay ang buhok ko sa kaliwang balikat ko. Seryosong seryoso talaga s'ya sa ginagawa n'ya. Napa-giggle tuloy ako at ipinagpatuloy ang kinakain ko.
Bigla ko lamang naramdaman na may parang braso na nakalagay sa likuran ng upuan ko. Takang nilingon ko naman ito at nakitang parang nakaakbay na si Zyler sa 'kin.
Patay malisya lamang s'yang nakaakbay sa likuran ko at tinititigan lamang ako na parang ako ang pinakamagandang bagay na nakita n'ya.
Nang makitang nakatingin ako sa kan'ya ay kinuha na lamang n'ya ang braso n'ya sa upuan ko at nagsimulang kumain.
Gusto ko tuloy s'yang asarin pero mamaya na lang. Di pa kasi ako tapos sa kinakain ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro