Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 18


OPHELIA CALLA

Nakatayo kaming dalawa ni Zyler sa harapan ng gate namin. Inihatid n'ya ako rito mismo kaso nga lang no'ng inaya ko s'yang pumasok, nahiya s'ya. Sa susunod lang daw.

Tinanggal ko ang helmet mula sa ulo ko at inilahad sa kan'ya ito.

Tinanggap naman n'ya at ngitian ako ng tipid bago inilagay sa motor n'ya. "P-Pasensya na at hindi muna ako makakapasok sa bahay niyo," sambit n'ya na ikinatango ko. Naiintindihan ko naman kasi.

"Sa susunod, ah?" sabi ko sa kan'ya na ikinatango naman n'ya.

Ilang segundo pa kami nagkatitigan pero dahil hindi ko nakayang makipagtitigan ay ako na ang kusang umiwas dito.

Ang saya ko dahil ako ang unang babaeng nakasakay sa motor n'ya. Sana ako ang magiging last na girlfriend n'ya kapag sinagot ko s'ya.

"A-Ahh, Ophelia?"

Napaangat ako ng tingin sa kan'ya at takang tinignan s'ya.

Napakamot pa ito sa pisnge bago nagsalita. "M-May gagawin ka ba bukas ng hapon? Yayain sana kita l-lumabas..."

Kaagad akong napatango at ngitian s'ya ng malapad. Kahit siguro busy ako bukas ay gusto kong makasama s'ya buong araw. Ang swerte ko talaga dahil alam kong ako ang pinakaunang na niyaya n'ya!

Napangiti naman s'ya sa tugon ko. "Salamat at pinayagan mo akong manligaw. Sobrang saya ko," masayang sambit n'ya.

Di ko tuloy mapigilang kiligin. "A-Ako rin..."

Nahihiyang napayuko s'ya at isinuot ulit ang helmet nito bago umangat ng tingin sa 'kin. "Aalis na pala ako, Ophelia. Susunduin kita bukas dito."

Napatango ulit ako at bahagyang kinagat ang labi. "Sige..."

Sumakay s'ya sa motor n'ya at inayos muna ito. Napatingin ulit s'ya sa 'kin at itinaas ang kamay n'ya na pinapahiwatig na aalis na s'ya.

Wala sa isip akong lumapit sa kan'ya at hinalikan sa pisngi na ikinagulat n'ya. Napahagikgik na lang ako sa gulat n'yang mukha.

Lumayo ako sa kan'ya. "Salamat! Ingat ka, ah?" Kumaway pa ako rito at kasabay no'n ang pagtalikod ko bago pa man s'ya makapagsalita.

Feeling ko tuloy boyfriend ko na s'ya. Pero dapat pahirapan ko muna s'ya para malaman kung hanggang saan ang kaya n'ya. At saka 'di papayag si Kuya kung hindi ko pa ito naipakilala.

Abot taenga ang ngiti ko habang papasok sa bahay ko. Inihatid ulit ako ng guard sa loob ngayon lamang. Tinanong pa tuloy ako nito kung sino ang lalaking naghatid sa 'kin kaya sinabi ko na manliligaw ko iyon.

Naabutan ko ang dalawa kong Kuya na bagong pababa pa lamang sa hagdan. Napasingkit ang kanilang mata nang makita akong nakangiti pa ng tudo. Kinagat ko na lamang ang labi ko at umiwas ng tingin sa kanila.

"Sino iyon? Boyfriend mo?" tanong ni Kuya Armer bago pa ako makatakas sa kanila.

Gosh! Paniguradong nakaabang sila sa veranda sa second floor sa 'kin kaya kaagad nila akong nakita.

Nakatalikod ako sa kanila. Dahan-dahan akong napaharap dito at ngitian ng hilaw. "S-Sino po?"

Napaseryoso ang mukha ni Kuya Alter. "Sino 'yong naghatid sa 'yo?" tanong n'ya.

Napanguso ako sa kanila at nilaro-laro ang daliri ko.

"Wag mo kaming ngusuan d'yan!"

"Eh, manliligaw ko pa lang iyon mga Kuya. Bukas ipapakilala ko kayo sa kan'ya," agap kong sambit bago nag-angat ng tingin sa kanila para tignan ang ekspresiyon nila.

Halos magkaparehong nakakunot-noo sila at seryoso ang mukha. Di ko tuloy alam ang gagawin ko kapag sesermunan nila ako.

"Nag-aaral ba ng mabuti ang lalaking iyon?" tanong ni Kuya Armer.

Magsasalita sana ako nang magtanong naman si Kuya Alter.

"Good boy ba? Walang ex girlfriend? Mahirap ba o mayaman? Sagot!"

Itinaas ko sa ere ang kamay ko para iawat s'ya sa sunod-sunod nitong tanong. "Kalma, Kuya! Di na kita maintindihan n'yan."

"Sabihin mo nga," maktol n'ya na parang bata sa harapan ko. Sinuway naman s'ya ni Kuya Armer na kaagad na ikinatigil n'ya.

"Mabait 'yon, Kuya at saka nag-aaral ng mabuti. Kung inaalala mo na baka nasa mahirap s'yang pamilya ay nagkakamali ka, isa rin s'ya sa mayamang pamilya kahit gano'n iyon," mahabang tugon ko sa kan'ya.

Di ko alam kung bakit pa n'ya tinanong kung mayaman ba si Zyler.

"Siguraduhin mo lang na mabait iyon! Papuntahin mo s'ya rito bukas na bukas kaagad! Ihahanda ko na kaagad ang samurai ko sa kwarto ko!"

Dahil sa kalukuhan n'ya ay nakatanggap s'ya ng batok mula kay Kuya Armer. Napaaray s'ya at bahagyang hinimas-himas ang noo nito.

"Kahit kailan talaga di ka seryoso. Magtino ka naman!" sermon sa kan'ya ni Kuya Armer.

Tanging nguso lamang ang itinugon ni Kuya Alter sa kan'ya.

Napabaling ang tingin sa 'kin ni Kuya Armer. "Akala ko ba si Chrase ang gusto mo? Sino ba ang lalaking iyon at baka kilala ko s'ya," tanong n'ya sa 'kin.

Napabuga ako ng hininga. "Severo Zyler Fenno, yan ang pangalan n'ya. Crush ko lang naman si Chrase, Kuya. Wala naman akong sinabing boyfriend ko kaagad s'ya."

Natigilan si Kuya sa sinabi ko. Nakipagtitigan pa s'ya sa 'kin na tila may inaalala.

"Fenno? May ka business partner akong Fenno ang apelyido. Siguro, mga magulang n'ya iyon..." wala sa sariling sambit n'ya.

Nanlaki naman ang mata ko at masayang tinignan s'ya. "Talaga, Kuya?! Business partner mo ang mga magulang ni Zyler? Cool!" mangha kong sambit na ikinaseryoso ng mukha n'ya.

"I know what are you thinking..."Napasingkit ulit ang mata nya sa 'kin na ikinataka ko.

Inosente ko naman s'yang tinignan. "Ano na naman, Kuya?" Pakiramdam ko tuloy lumabas ang hangin sa ilong ko nang tinanong ko s'ya.

"May pakiramdam ako na ipapa-aarange marriage ko kayong dalawa ng batang iyon. Wala akong balak sa gano'ng set-up, Ophelia kaya tigilan mo na, ah."

Napabuka ang bibig ko sa gulat. Ang advance masyado ni Kuya! Anong arrange marriage?! Ang bata-bata ko pa, eh!

"Lumakbay na naman ang utak mo sa labas ng planeta, Kuya! Ayaw ko kaya ng arrange marriage kahit gusto ko naman s'ya," ngusong tugon ko sa kan'ya.

Napangisi s'ya pagkatapos n'ya iyon marinig. "Gusto mo ang batang iyon?"

"Ehh!" singhal ko at namumula ang pisngi kong tinalikuran s'ya.

Tawa s'ya ng tawa at ilang beses na n'ya akong tinatawag. Nahihiya ako dahil first kong sinabi na may nagugustuhan talaga ako. Hindi ko naman kasi totally sinabi kay Kuya na gusto ko si Chrase.

Sa pagtulog sa gabi at sa paggising ng umaga ay buong magdamag kong iniisip si Zyler. Parang nanood lamang ako ng K-Drama sa sobrang kilig ko. Dinaig ko pa ang makiliti sa tiyan sa sobrang saya ko.

Kaya sa paggising ko sa umaga ay mugto na ang mata ko sa kakaisip kung ano ang susuotin ko, ano ang dadalhin ko at ano ang gagawin ko kapag nasa labas na kami.

Napagulong-gulong ako sa kama. Kanina pa ako nakahiga rito at wala yata akong balak na bumangon. Pero dahil sa excited akong makasama kaagad s'ya at napatayo ako sa pagkakahiga at dumireto sa walk-in closet ko.

Hinalungkat ko ang napili ko kagabi na dress sa drawer. Eto rin ang dahilan kung bakit napuyat ako kagabi, naghalungkat ako ng mga damit ko.

Ni-ready ko lamang ang susuotin ko sa kama at naglakad sa banyo ko. Nando'n na rin kasi ang damit ko na susuotin muna habang hinihintay ko pa si Zyler dahil sabi nga n'ya susunduin n'ya ako.

Pagkatapos kong maligo ay nakapagsuot na rin ako ng damit at lumabas ng banyo. Napatigil ako sa kinatatayuan ko nang maalalang hindi ko pa pala naibigay o nahingi man lang ang number ni Zyler!

Napasapok tuloy ako sa noo ko. Paano ko malalamang dadating s'ya at papaano ako makakapaghanda nito gayong hindi ko alam ang number n'ya?

Problemado tuloy akong nagmartya patungo sa kama ko at hinablot ang cellphone na nakapatong dito.

Papalabas na sana ako sa kwarto ko nang marinig ang tunog cellphone ko, hudyat na may nagtext sa 'kin.

Siguro tadtadan ulit ako ni Eden ng tanong kung ano ang nangyari sa 'min ni Zyler. Napailing lamang ako sa kalokohan n'ya.

Gulat kong binasa ang message sa unknown number. Gosh! Paano nalaman ni Zyler ang number ko gayong hindi ko naman naibigay sa kan'ya iyon?!

Susunduin kita mamayang hapon, 3:30pm.(:
- Zyler

Di ko ulit tuloy maiwasang ma-excite! Eto ang unang text n'ya sa 'kin!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro