CHAPTER 16
OPHELIA CALLA
"Anong sinasabi mo?" di makapaniwalang tanong ko sa kan'ya.
"Umalis ka na dito, Krister!" sigaw ni Eden sa kan'ya pero hindi ito nakinig.
Inilibot ko pa ang paningin ko sa classroom at nakita lamang na nag-aabang lamang ang mga kaklase ko sa 'min.
Napasinghap ako nang bigla lamang n'yang hinawakan ang kamay ko. Kaagad kong inalis ang kamay ko sa kan'ya at inilayo ang sarili ko dito.
Nakita siguro ni Eden ang paghawak sa 'kin ni Krister kaya s'ya pumagitna sa 'min. "Hoy! Wag mo nga mahawak-hawakan si Ophelia! Ang yabang mo para magustuhan ka ng kaibigan ko!"
Takot akong nakatingin sa kan'ya nang akmang lalapit pa sana s'ya sa 'kin. Napakurap-kurap s'ya at tila di n'ya inaasahan na takot ako sa kan'ya at iniiwasan ko pa s'ya.
"Wala akong babae, Ophelia. Please, mag-usap tayo. I know you love me," pagmamakaawa n'ya sa 'kin at naging malambot na rin ang ekspresiyon nito.
Nahihibang na talaga ito. Gusto ko tuloy umalis na lang dito. Hindi ko pa nga ito nakilala ng lubusan tapos sasabihin n'yang mahal ko kaagad s'ya?
"Nahihibang ka na, Krister. Please, umalis ka na. Ayaw ko na ng gulo," saad ko sa kan'ya.
"Sabi ni Ophelia umalis ka na," ulit ni Eden.
Nilingon n'ya ang mga kaklase ko at tinignan ulit ako na may malumanay na mukha. "I just want to talk to you. I'll court you," pakiusap pa n'ya sa 'kin.
Hindi talaga s'ya nakikinig sa 'kin. Paano ko ba ito mapapaalis? Baka maabutan kami ng guro dito.
"Ayaw ko!" sagot ni Eden kay Krister at mas lalo pa akong inilayo kay Krister.
"H-Hindi pwede..." mahina kong sambit.
"Bakit hindi pwede? I'll be good to you kapag naging tayo," agad n'yang tugon.
Umiling-iling ako sa kan'ya at napahawak na kay Eden sa braso nang lumapit ulit si Krister sa 'min. Sumunod naman ang dalawang kaibigan ni Krister sa kan'ya.
"Baka sa 'kin talaga may gusto si Ophelia, bro," biglang sabat ng lalaking may hikaw sa taenga. Nasa gilid s'ya ni Krister at inakbayan pa ito saka kumurba ang ngisi sa labi nito.
Agad na tinulak ni Krister ang kaibigan n'ya na ikinatumba ng lalaki at tumama pa ang gilid ng tiyan nito sa upuan.
Napasinghap kami sa gulat. Kalmado lamang si Eden pero alam kong nagulat din s'ya.
"F*ck you! Get the hell out of here before I kick your f*cking balls!" sigaw ni Krister.
Di na nagawang ngumisi ng lalaki dahil sa galit na ang mukha ni Krister. Tumayo ito sa pagkakatumba at inalalayan naman s'ya ng mga ilang kaklase kong lalaki na ikinatabig n'ya rito. Kahit namimilit sa sakit n'ya ay nakalakad s'ya papaalis sa classroom.
"That's what I'm talking about, Krister. Please, umalis ka na dahil gumagawa ka lamang ng gulo dito," pagmamakaawa ko sa kan'ya na umalis.
Lumingon s'ya sa 'kin at inayos ang polo n'ya na gumusot. "Then talk to me later after your class kung gusto mo hindi ako manggulo rito."
"Sige na! Sige na! Umalis ka na dahil ako na ang bahala sa inyo ni Ophelia mamaya," sabat ni Eden at ikinumpas pa ang kamay sa ere na parang pinapaalis na n'ya si Krister.
Malaking ngiti ang iginawad n'ya sa 'kin na parang na-satisfied na s'ya na marinig na makakausap ko s'ya mamaya.
"Thank yo-" Napahinto si Krister sa sasabihin n'ya nang may tumawag sa 'kin.
Napatingin ako bigla sa likuran ni Krister at nakitang nakatayo roon si Zyler na may seryosong ekspresiyon na nakapaskil sa mukha n'ya.
Bakit s'ya nandito? Ako ba ang hanap n'ya o iba?
Napatulala ako nang dahan-dahan itong lumapit sa 'kin. Di pa man s'ya nakakalapit nang hinila s'ya ni Krister sa likurang uniform nito.
"Stay away from Ophelia," diing sambit ni Krister. Shocks! Baka gumawa ulit ito ng gulo.
Matapang na tinignan ni Zyler si Krister at kalmado lamang na inalis ang kamay na nakahawak sa uniform n'ya at tuluyan nang lumapit sa 'kin na ikinatanga ni Krister.
Napasinghap ako nang hawakan ako ni Zyler sa kamay at hinila papalapit sa kan'ya. Di makapaniwalang nakasunod ako ng tingin sa kan'ya nang kinuha pa n'ya ang bag ko sa upuan bago ako hinarap.
"Hindi dadating ang guro n'yo kaya aalis na tayo," sabi n'ya.
Napatitig lamang ako sa ayos ng mukha n'ya. Nakasalamin pa rin ito pero medyo nakikita ko na ang mata n'ya sa likod ng kan'yang buhok at salamin.
Aaminin kong natulala talaga ako sa mukha n'ya kapag nasa malapitan s'ya sa 'kin. He have this beautiful blue eyes na hindi n'ya pinapakita! Di mo makikitang blue eyes s'ya kapag hindi mo tinitigan ng mabuti.
Bigla lamang na-concious naman s'ya nang makitang nakatitig lamang ako sa kan'ya. Dalawang beses s'yang napakurap at iniwas ang tingin sa 'kin. "T-Tara na nga..."
"Stop right there! Ang kapal ng mukha mo para yayain si Ophelia na sumama sa 'yo!" sigaw ni Krister na ikinatingin namin pareho.
Inawat sila ni Eden. "Ikaw ang walang hiya! Boyfriend n'ya 'yan kaya walang masama kung sasama si Ophelia," sabat ni Eden. Binalingan n'ya ako ng tingin at sinenyasan akong sumama kay Zyler at makisama na lang sa trip n'ya.
Napanganga ang bibig ko dahil sa nangyayari. Akala ko ba ayaw na n'yang ipagpatuloy pa itong pagpapanggap? Sa nakikita ko kay Eden ay wala s'yang problema kay Zyler.
Naging malambot ang ekspresiyon ni Krister at tila nasasaktan ito o baka ako lang ang nakapansin no'n.
Hindi pa man nakapagsalita si Krister nang bahagyang hinila ako ni Zyler papaalis roon na ikinasunod ko rito papalabas sa room.
Napatingin ako sa magkahawak kamay namin ni Zyler. Sa puntong iyon, tila may naglalarong paru-paru sa tiyan ko at pakiramdam ko ay nanginginig ang kamay kong hawak-hawak ni Zyler.
Kinikilig na napayuko ako sa sahig habang naglalakad kami. Di ko alam kung saan kami pupunta pero wala na akong pakialam basta kasama lamang s'ya.
Ako ba talaga ang pinuntahan n'ya sa room at hindi ang kaklase ko? Napangiti tuloy ako dahil pinansin na n'ya ako.
Bigla kaming pumasok sa library at naabutang walang estudyante rito. Oras pa lang kasi ng klase kaya wala 'pang estudyante.
Napaangat ang tingin ko sa kan'ya nang huminto kami banda sa dulo ng library. Nanlaki ang mata ko nang makitang nakatitig s'ya sa 'kin.
Di ko alam kung ano ang naglalaro sa isipan n'ya. Gezz! Kung di ko lang alam ang ugali nito ay mangingig na ako sa takot.
"Lumayo ka kay Krister dahil hindi mo alam kung ano ang kaya n'yang gawin sa 'yo."
Napatango ako sa kan'ya at ngumiti rito. Ang saya ko dahil mahaba ang sinasabi nya. Napatigil naman s'ya, akala ko ngingitian n'ya ako pero iniwas lang pala n'ya ang kan'yang tingin sa 'kin.
"Ako magiging tutor mo sa sasalihan mong contest. Inutusan ako ni Sir Sandiego na turuan ka dahil hindi na s'ya makakaturo sa 'yo pagdating dito."
Ito siguro ang sinasabi ni Sir Sandiego kanina na contest na sasalihan ko. Alam nilang hindi ako makakatanggi kaya straight to the point na sila. Pupunta pa pala ako mamaya roon.
"Pupunta pa pala ako sa classroom room n'yo," mahina kong sambit sa kan'ya. Buti na lang hindi ako nautal. Kalmado siguro ang mukha ko pero ang puso ko gulong-gulo na.
Napatingin s'ya sa 'kin. "Sabay tayo mamaya. Sa tuwing vacant time ay dapat magkasama na tayo dahil 'yon ang oras na tuturuan kita."
Napatango ako at ngumiti ulit. Nanlaki ang mata ko nang maalalang magkahawak kamay pa pala kami.
Kahit si Zyler ay napansin ang bahagyang pagkagulat ko at nakatingin pa sa magkahawak kamay pa namin. Kaagad n'yang inalis ang kamay n'ya sa 'kin at tumikhim.
Umiwas ako ng tingin dahil sa hiya. Gusto ko tuloy ngumuso dahil mas gusto kong magkahawak-kamay kami. Hayst, di naman kami.
"S-Sige, aalis na siguro ako," bigla kong sambit nang maramdamang hindi kami gano'n ka komportable sa isa't-isa. Di naman kasi s'ya umiimik.
Akmang tatalikod na ako nang pigilan n'ya ako sa braso. Kaagad akong napatingin sa kan'ya.
Balisa n'yang inayos ang salamin n'ya. "L-Liligawan kita..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro