
CHAPTER 13
OPHELIA CALLA
Chapter 13
OPHELIA CALLA
Ngayon naniniwala na akong naghihintay nga si Zyler sa pintuan pero 'di pa rin ako sigurado na ako ang hinihintay n'ya. Masakit pa naman sa damdamin kapag nag-assume na ako iyon.
What to do? Medyo nahihiya akong lumapit sa kan'ya. Babaliwalain ko na lang ba? Tama!
"Dito ang daan, Ophelia," sabi ni Eden at weird akong tinignan. Binalingan n'ya ng tingin ang classroom namin at pati s'ya ay nagulat.
"Tara na." Kahit na gusto kong tumakbo papaalis dito ay hindi ko kaya. Mahahalata ako ni Eden.
Nang akmang yayain ko na si Eden na maglakad ay pinigilan n'ya ako sa braso. "Nand'yan ang nerd, Ophelia! Baka pagsamantalahin pa n'ya ang pagiging fake boyfriend mo!"
"Hindi ako ang hinihintay n'yan. Tara na," pilit ko sa kan'ya pero ayaw n'ya talaga kaya napahinga ako ng maluwag at bagsak balikat na nakatingin sa kan'ya.
"Ako na ang bahala sa kan'ya. Just ignore him, okay? Gezz," tila nandidiri pa n'yang sambit at inikot pa ang mata n'ya sa kawalan.
Kahit kailan talaga si Eden. Naaawa ako kay Zyler dahil ganito talaga ang ekspresiyon at trato ng ilang estudyante sa katulad n'yang nerd. Nag-aaral lang naman sila pero ganito ang susuklian nila? They should praise them for being a good student here.
"Don't do that again, Eden. You know I don't like people na nandidiri sa isang tao." Kahit gusto ko s'yang pagalitan ay hindi ko ginawa. Kahit papaano ay dapat kong maging malumanay dahil ayaw ko ng away o gulo.
Naging malambot ang ekspresiyon ni Eden. "I'm sorry, okay? I can't help it. Sorry na, Sis." Malambing na niyakap n'ya ako.
Bumuga ako ng hangin at ngitian s'ya at tinapik ang likuran n'ya. "Forgiven na," tugon ko na ikinangiti n'ya.
'Yan ang gusto ko kay Eden, ang pagiging down n'ya kung alam n'yang mali s'ya. Kaso nga lang 'di n'ya mapigilan na makagawa ng isang maling bagay kaya tudo sorry s'ya minsan sa 'kin. And I understand naman para di kami mag-away.
Naglakad na kami ni Eden papunta sa classroom namin nang maagaw ng pansin ni Zyler kaming dalawa sa harapan n'ya.
Napaayos s'ya ng tayo at gulat din ang mga mata n'yang nakatingin sa 'kin. Parang may kakaiba sa kan'yang mata. Parang may pinapahiwatig ang mga mata n'ya sa 'kin na tila sabik s'yang makita ako.
Tinitigan ko muna s'ya bago umiwas ng tingin. Kahit tatlong araw lamang kaming 'di nagkita ay miss ko na s'ya kahit hindi ko naman dapat maramdaman. Para sa ano pa at miss ko s'ya?
"Ano ang ginagawa mo rito, Zyler? Di'ba taga Senior High building ka? Sino hinahanap mo?" sunod-sunod na tanong ni Eden kahit alam naman n'ya ang dahilan kung bakit nandito si Zyler.
Napayuko si Zyler bilang paggalang kahit s'ya naman ang matanda sa 'min. "W-Wala... Sige, alis na ako," utal n'yang sambit bago umangat ng ulo sa pagkayuko at tinignan ako na ikinaiwas ko ulit ng tingin.
Bakit kahit sa pananalita lamang n'ya ay nabibighani ako sa boses n'ya? Ang gwapo n'ya sa paningin ko kahit di masyadong makita ang mukha n'ya.
"Mabuti pa nga," mapait na tugon ni Eden at binalingan ako ng tingin. "Tara na, Sis. Hihintayin na lang natin ang nobyo mo sa loob."
Mabilis akong lumingon sa kan'ya at pinanlakihan s'ya ng mata. Ano na lang ang iisipin ni Zyler sa 'kin?! Lalakera?!
Nakita ko sa gilid ko ang bahagyang pagbuka ng bibig ni Zyler sa gulat. Desmayado ang mukha n'yang nakatingin sa 'kin bago yumuko ulit at saka s'ya dahan-dahang umalis sa harapan namin.
Napasunod ang tingin ko sa kan'ya na papalayo sa 'min. Bitbit n'ya pa rin ang mga libro nito at malaking bag pack ang nasa likuran n'ya. Di ko alam kung ano ang dahilan n'ya para pumunta rito.
Tila nalungkot ako habang papaalis s'ya sa 'kin. Ano na ang nangyayari sa 'kin? Palagi ko s'yang kinakausap at sinasabayan kahit pakiramdam ko ay ayaw n'ya ako sa paligid n'ya. Ngayon na s'ya na mismo ang nasa harapan ko ay 'di ko man lang sinamantala ang pagkakataon na maging kaibigan s'ya.
"Ano 'yon?!" sigaw kong bulong sa kan'ya at sinilip pa ang classroom namin baka may nakakita o narinig man lang ang pinag-uusapan namin.
Nakangisi na ngayon si Eden. "What? I'm just helping you know."
Pinatirik ko ang mata ko. "You are not helping! Ano ang naitulong mo doon?!"
Napameywang s'ya. "Why are you affected, Sis? Obvious na may gusto ang nerd sa iyo gaya ng sinabi ko kanina lamang. Para tumigil na s'ya sa kakahabol sa'yo, he should know where he belong," may naglalaro pa ring ngisi sa labi n'ya.
Ano ba ang pinaplano ng babaeng ito? Hindi maganda ang pakiramdam ko sa pinaplano n'ya.
Umiling ako sa kan'ya. "Tao rin s'ya, Eden. I thought we already talk about this?" tanong ko pa.
Pumalakpak s'ya ng dalawang beses sa mukha ko. "Bakit? Hahayaan mo ba s'yang magkagusto sa'yo dahil may gusto ka rin sa kan'ya? Oh dear."
Tumambol ng mabilis ang dibdib ko sa kaba. Bakit ko man lang naisip na tina-timing lamang n'ya ako kung magsasabi ako ng totoo?! Now she knew it already!
Napasapok ako sa mukha ko at umiwas na lang sa kan'ya bago mabilis na pumasok sa loob ng classroom na kaagad n'yang ikinatawa.
"Oh, dear! Someone is falling in love here," kantyaw n'ya sa 'kin na mas lalo ko 'pang ikinahiya. Ngayon lamang n'ya nalaman ang lalaking hinahangaan ko sa buong buhay ko! Ang galing talaga!
Napanguso ako sa kinauupuan ko na nakatingin sa harapan. Pakiramdam ko ay namumula pa ang pisnge ko sa kilig at hiya. I can't help it.
Ayaw kong tignan sa gilid ko si Eden dahil alam kong gagamitin na n'ya ang pagkakataon na ito na kantyawan ako.
"Don't worry, Sis. I won't tell it to anyone except kay Nicka and Nelsie," kantyaw pa n'ya sa 'kin habang nakapalumbaba sa gilid ko.
"Oh shut up, Eden." Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang librong hawak ko na ikinatawa pa n'ya. Di na yata matatapos ang tawa at kantyaw n'ya sa 'kin.
Biro lang pala n'ya kanina na ayaw n'ya kay Zyler para sa 'kin. Gusto kasi n'yang malaman kung ano ang magiging reaction ko sa gagawin n'ya. Ngayon na successful ang ginawa n'ya ay hindi na yata ako makakapagfocus sa ginagawa ko.
"Alam mo 'bang may nagugustuhan na si Ophelia?" pagsisimulang topic ni Eden na kaagad ko s'yang pinanliksikan ng mata.
Napatigil si Nicka at Nelsie sa kinauupuan nila habang naiwan pa sa ere ang burger nila. Recess time na kaya nandito kami sa canteen.
"Paano mo nalaman?" excited na tanong ni Nicka kay Eden at tinignan pa ako na parang nangangasar pa.
"Because I'm smart!" proud n'yang sambit.
"Wag 'mong sabihin, Eden!" singhal ko sa kan'ya at pinadiyak ko pa ang paa ko sa sahig saka napa-cross arm sa dibdib ko. "Wag muna ngayon, Eden!"
Natatawang napataas ng kamay si Eden. "Okay, lover girl. I won't tell it muna guys."
"Why?! We should know who is the lucky guy!" maktol ni Nelsie.
"Sabihin mo na sa 'min, Eden kung sino ang bumihag sa diyosa nating kaibigan. Totoo ba ito? You never been told us about your crushes, Ophelia," tila nagtatampo pa ang boses ni Nicka.
Problemado akong tumingin sa kanila. "P-Promise you won't tell to anyone, okay? And promise me na 'wag kayong mabibigla o aayaw sa kan'ya." 'Di ko alam kung sasabihin ko na ba. They are my friends kaya okay naman siguro kung sabihin ko na since 'di naman kami na ganon ka bata para dito. Hayst...
Tumango-tango sila at excited na naghintay sa 'king sasabihin.
Tumikhim ako ang kinakabahan na tumingin sa kanila paisa-isa. Magsasalita na sana ako nang magtanong si Nicka.
"Famous ba?"
Tumango ako. Napatingin naman ako kay Nelsie nang magtanong din ito.
"Handsome?"
Napaisip pa ako. "Para sa 'kin gwapo s'ya," proud ko 'pang sambit at ngumiti.
Kinilig naman sila pero si Eden ay tumatawa-tawa na. Di ko na lang s'ya pinansin dahil nagtanong pa sila.
"Tell us na who is the guy!" pamamadali ni Nelsie. Napahawak pa s'ya sa mukha n'ya.
Dahil nahawa na ako sa kilig nila ay proud ko namang sinambit ang pangalan ng lalaking sigurado akong hinahangaan ko nga.
"Severo Zyler Fenno."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro