CHAPTER 10
Dedicated to:
OPHELIA CALLA
'Papayagan mo ba akong manligaw sa'yo?'
Kanina pa ako pagulong-gulo dito sa kama ng guest room ng hacienda. Buti na lang at wala akong kasama rito kundi ay mapagkakamalan akong may saltik sa utak.
Pagkatapos ni Chrase sabihin ang katagang iyon ay hindi na ako nakapagsalita pa. Napipi yata ako dahil kahit hangin man lang ay hindi lumabas sa bibig ko. Buti na lang tinawag na ako ni Kuya no'n dahil kung hindi, baka mangisay na ako sa kilig.
Kanina ko pa iniisip kong bakit n'ya ako niligawan. May gusto ba talaga s'ya sa 'kin? Paano at kailan?
Hindi na ba ako stick to one sa lagay na ito? Di'ba may gusto ako kay Zyler? Paano naman s'ya? Paano si Chrase?
Nasa kalagitnaan ako na pagulong-gulong sa kama nang may bumakas ng kwarto dahilan para mapaupo ako nang mabilis.
Nanlalaki pa ang mata ko nang makita na si Kuya Armer pala ang pumasok at napalunok lamang ako ng laway dahil sa nakasingkit n'yang mata na tila may mali sa 'kin.
Naglakad s'ya papalapit sa kama at umupo sa gilid ko. "Kanina ka pa na parang may tinatago sa 'kin. Ano iyon, Calla?"
Hilaw akong ngumiti at umiling sa kan'ya. "W-Wala nga, Kuya..."
Napabuga s'ya ng hangin. "Malalaman at malalaman ko rin ang bumabagabag sa isipan mo. Kaya kahit anong oras ay pwede mo sa 'kin sabihin ang lahat," sabi n'ya lamang at ginulo ang buhok ko bago tumayo sa pagkakaupo. "I heard from Alter that you and Chrase are close to each other," sabi n'ya ulit na ikinapula ng pisngi ko.
Close na ba 'yon? Ngayon nga lang kami nagkausap ng gano'n.
"Ahh! School mate ko lang s'ya, Kuya. Ngayon nga lang kami nagkausap ng personal pero kilala ko na s'ya noon pa man," pagtatama ko.
Nagcross-arm s'ya sa harapan ko at may ngising naglalaro sa labi n'ya. "I know what's in your mind, Calla. Tell me, why are you blushing, huh?" nanunuya n'yang sambit na ikinaiwas ko.
Napanguso ako. "Wala nga Kuya! Kulit talaga." Tumayo ako at iniwan s'ya sa guest room na nakangisi pa rin. Alam kong may idea na s'ya at hindi ko hahayaan na malaman n'ya iyon ng ganon-ganon lang.
Habang pababa pa lamang ako ng hagdan ay kaagad kong napansin si Chrase sa labas na sumakay sa kabayo. Marunong pala s'yang mangabayo?
Dali-dali akong bumaba hanggang sa lumabas ng hacienda para silipin s'ya sa ginagawa n'ya. Hindi pa man s'ya nakakalayo ay napalingon s'ya sa kinaroroonan ko na ikinaatras ng isang hakbang ng paa ko.
Itinigil n'ya ang kabayo habang nakatingin pa rin sa 'kin. Dahan-dahan s'yang bumalik sa pwesto ko hanggang sa 'di ko na namalayang nasa harapan ko na s'ya.
Kahit alam kong nag-aalinlangan s'ya ay nagawa pa rin n'yang makapagsalita sa 'kin. "Wanna ride with me? I have something to show you," aya n'ya sa 'kin at inilahad ang kamay n'ya sa harapan ko habang nakaupo pa ito sa kabayo.
Napatingin ako sa kamay n'ya. Closure muna siguro di'ba? Dati pa man ay gusto kong makaibigan man lang s'ya kahit hanggang doon lang.
Kahit nagdadalawang isip ay tinanggap ko ang nakalahad n'yang kamay para kumapit dito bago dahan-dahan n'ya akong hinila habang hawak ang kaliwang kamay n'ya ang kamay ko at kanang kamay naman n'ya ay nakasuporta sa beywang ko at pinasakay sa kabayo n'ya.
Tumatambol ng mabilis ang dibdib ko nang maisip na nasa unahan n'ya ako nakasakay at nahihiya akong sumakay sa ganong posisyon! Dapat do'n na lang ako sa likuran n'ya.
Napalingon ako sa kan'ya nang hindi pa n'ya pinapalakad ang kabayo. Nanlaki ang mata ko na makitang nakatitig pala s'ya sa 'kin at siguro ay kanina pa n'ya ginawa!
Agad akong umiwas at tumikhim na ikinabalik n'ya sa reyalidad. "Oh! S-Sorry..." nahihiyang saad n'ya at pinalakad na ang kabayo papunta sa sinasabi n'yang lugar na ipapakita sa 'kin.
Nadaanan namin ang dalampasigan. Sariwa talaga ang hangin dito sa probinsya at malinis pa ang kapaligiran.
Abala ang tao sa kakaligo sa dagat. Ang ilan ay nagbo-bonding na pamilya at mga magbabarkada. Gusto ko na tuloy yayain sila Eden dito pero saka na.
"Sabi ng Kuya mo ay dito ka nag-aral no'ng Elementary ka pa lamang."
Napasinghap ako nang maramdamang nasa taenga ko banda s'ya nagsalita. Napakurap-kurap ako bago ako tumikhim. "Y-Yeah, dito nga.."
Ramdam ko naman na tumango-tango s'ya. "Sayang at hindi kita naging school mate nong Elementary," may bahid na panghihinayang sa boses.
Di ko tuloy mapigilang ngumiti. "School mate naman tayo ngayon, ahh."
"Kahit na. Gusto ko na magkakilala na tayo simula pagkabata hanggang sa paglaki. Gusto kong makaibigan kita sa elementary at ngayong high school na tayo ay gusto kong mapapasayo ang puso ko."
Pagkatapos n'yang masambit iyon ay bigla lamang pumasok si Zyler sa isipan ko. Bakit s'ya sumulpot sa isip ko? Pinapaligoy-ligoy yata ako ng dalawang lalaking hinahangaan ko.
Di ako napagsalita ulit sa sinabi n'ya. Di dahil sa kinikilig ako, kundi dahil iniisip ko ulit si Zyler.
Kamusta kaya s'ya? Tatlong araw ko na ngayon dito sa probinsya at bukas ng umaga ay papasok na ako sa eskwelahan. Ano kaya ang ginagawa n'ya sa eskwelahan at sa bahay n'ya? Palagi na lamang s'ya palaisipan sa 'kin at ayaw yata ako tantanan.
Buti na lang kahit nandito ako sa probinsya ay sine-sendan ako ni Eden ng mga take down notes n'ya sa iba't ibang subject.
Ilang minuto lamang ay hininto ni Chrase ang kabayo malapit sa green grass na may mga butterflies na nagsisiliparan sa paligid.
Namamangha tuloy ako na nilulubos ang paningin ko rito. Wala pa akong nakikita na ganitong lugar sa buong buhay ko. Kahit tumira ako dito noong elementary ako ay hindi ko pa napupuntahan ito.
Masayang nilingon ko si Chrase na nakangiti sa 'kin. "Paano mo nalaman ang ganitong lugar? Bakit 'di ko alam ito?" sunod-sunod kong tanong.
Akmang bababa sana para lapitan ang mga paru-paru nang pinigilan n'ya ako dahilan para mapatingin ulit ako sa kan'ya. Sinundan ko s'ya ng tingin nang bumaba s'ya ng kusa sa kabayo. Hinawakan n'ya kamay ko at beywang ko bilang suporta para makababa sa kabayo.
Pinamulahan tuloy ako. Baka mabigat ako!
"Actually, aksidente ko lang nakita ito nong naligaw ako dito dati," tugon n'ya at napatawang napakamot sa batok. "Buti nga ay may nakita sa 'kin dahil kung hindi ay iiyak ako rito."
Di ko tuloy napigilang mapatawa sa kwento n'ya. "Saan ka ba dapat pupunta no'n at naligaw ka?" tanong ko.
"Kukuha sana ako ng niyog do'n banda." Tinuro n'ya ang 'di kalayuang nagtataasang niyog sa dulo. "Mahilig kasi kaming uminom at kumain ng niyog kaya naisipan ko no'n na kumuha para na rin kay Tito."
Ngayon ko pa lang nalalaman ang tungkol sa kan'yang buhay. Tamang titig at sulyap lang kasi ako sa kan'ya sa eskwelahan. Ang saya talaga kapag makilala mo ng lubusan ang hinahangaan mo.
Sana naman makilala ko rin ng lubusan si Zyler. Ang misteryoso kasi at tanging nalalaman ko lamang patungkol sa kan'ya ay sa pagiging nerd n'ya at isa sa mga mayamang pamilyang nabibilang.
Nagpalipas kami no Chrase dito sa green grass hanggang sa sumapit ng alas singko ng hapon. Kasalukuyang nakahiga kami sa damuhan at minamasdan lamang ang nagliliparang paru-paru na may iba't ibang kulay.
Ang ganda talaga ng view dito dahil papalubog na ang araw at hindi mainit. Gusto ko tuloy manatili rito kahit isang gabi pero 'wag na lang dahil baka magtaka pa si Kuya na bakit ginabihan kami ni Chrase.
"Nagustuhan mo ba dito? Kinakabahan tuloy ako kanina na baka ayaw mo sa ganitong lugar," biglang sambit ni Chrase sa gilid ko na nakahiga rin katulad ko.
Nakangiting napalingon ako sa kan'ya. "Gustong gusto ko kaya ang ganitong lugar! Salamat at pinakita mo sa 'kin ito."
Bukod sa nasasayahan akong makita ang lugar na ito ay masaya rin akong makasama s'ya. Feeling ko tuloy date namin 'to!
Umiwas s'ya ng tingin sa 'kin at nakita ko ang bahagyang pagtaas ng labi n'ya sa ngiti. Ngayon ko lang nakita sa malapitan ang dimple na lumalabas sa pisngi n'ya sa tuwing ngumingiti s'ya. Hindi gano'n ka gwapo pero para sa 'kin ang simple lang talaga ang mayron s'ya dahilan na nagustuhan ko s'ya.
"A-Alam mo 'bang pangarap kong maidala ka sa paborito mong lugar?" biglang sambit n'ya na ikinaiwas ko ng tingin. Ayan na naman s'ya sa mga salita n'ya!
"Gusto kong nakikita kitang masaya nang dahil sa 'kin. Gusto kong makitang umiiyak ka sa sobrang saya dahil ako ang gusto mo." Nagulat ako nang umupo s'ya mula sa pagkakahiga at sinilip ang mukha kong nakatabingi.
"Uulitin ko ulit. I really really like you, Ophelia. Can I court you? It is not because I want to win your heart for a game but because I want to to be with you in this challenging world that surrounding us."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro