Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 08

Dedicated to:
Deinol


OPHELIA CALLA

Chapter 08

OPHELIA CALLA

"Wala akong ideya sa surprise mo, Kuya," nakasimangot kong sambit na may halong pagtataka.

He just rolled his eyes at alam kong dahil sa paulit-ulit akong nagtatanong sa kan'ya na 'di mapakali.

"Just shut your pretty mouth, Calla. You'll see later, okay?" Sinapok na lamang n'ya ang kan'yang noo dahil sa kulitan ko. Mabilis akong tumango sa kan'ya para matapos na.

Ilang minuto lamang ang hinintay ko na malaman ang ipapakita n'ya nang huminto ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Unang bumaba si Kuya at nilibot pa ang kotse para makarating sa harapan ng pintuan ko para pagbuksan ako.

Ngiti-ngiti naman akong lumabas at saka n'ya sinarado ang pintuan. Hinarap ko s'ya at ipinahiwatig ko sa kan'ya na saan na ang surprise n'ya.

Kahit tahimik at 'di masyado palaimik si Kuya ay makikita mo naman sa mga galaw ang pagiging alaga n'ya sa 'kin. S'ya pa lamang ang nakilala kong gentleman bukod sa isa ko 'pang Kuya.

Inakbayan n'ya ako at tinuro ang nasa unahan namin na ikinatingin ko dito. Napanganga ng konti ang bibig ko dahil sa bigla at sayang nararamdaman ko.

Mangiyak-ngiyak akong napalingon kay Kuya at niyakap s'ya dahil sa regalo na sinasabi n'ya.

"Ang laki ng regalo mo, Kuya. I didn't ask for this but still thank you!" pasasalamat ko sa kan'ya na ikinayakap n'ya pabalik sa 'kin.

"You're always welcome, Sis. Even you didn't ask for a thing, I'll still give you everything I have. You're my only one little sister, so I must surprise you just like this."

Alam kong nakangiti rin si Kuya dahil sa reaction ko. Niregaluhan lang naman n'ya ako ng book store na halos mga novel books ang nando'n! Ibinigay n'ya ito sa 'kin para may mabasa ako at may negosyo rin akong ima-manage. Katulad ni Kuya Armer, I wanted to be a business woman someday.

Ilang ulit akong nagpasalamat kay Kuya at ilang yakap din ang binigay ko sa kan'ya. Halos pagtinginan kami ng mga empleyado sa book store na ibinigay sa 'kin ni Kuya. Sinabi n'ya 'rin sa 'kin na last week pa nagsimulang magbukas ang book store na ito at hindi man lang n'ya kaagad sinabi sa 'kin.

"Igu-guide kita sa pagtatakbo nitong book store para hindi malugi," sabi n'ya at ininom ang kape.

Nakaupo kami sa gilid ng glass wall ng book store. Bukod sa bilihan ng libro dito ay may mga coffee and bread din na tinda dito. Maganda ang inisip ni Kuya na may bilihan ng coffee at bread dito para hindi maburyo 'yong customer.

Kinain ko ang choco roll ko at humigop ng choco coffee. "Malulugi ba Kuya kapag ako nag-manage?" nakanguso kong tanong na ikinailing n'ya.

"Silly. You are still young at wala pa sa lesson n'yo ang pagtatakbo ng negosyo. Pababayaan na kita kapag tumuntong ka na ng Grade 11."

Nagpa-plano nga ako na ABM ang strand na kuhanin ko. May business lesson din kaya sa STEM? Gezz! S'ya na naman iniisip ko!

"Bakit pumula ang pisnge mo? Mainit ba dito?" takang tanong ni Kuya at kumuha ng panyo sa bulsa n'ya at ibinigay sa 'kin.

Tinanggap ko naman ito at pinigilan ang lumalabas na ngiti sa labi ko. Whenever na kinikilig ako o iniisip ko ang crush ko, nagiging weirdo ang ngiti ko dahil sa sobrang lapad. Ayaw kong makita n'ya iyon dahil panigurado ay mahahalata ako na kinikilig.

Tumango ako ng alanganin. "I-I think so..."

Naniwala naman s'ya dahil sinabi n'ya sa 'kin na pinapagawa pa lamang ang aircon. Buti na lang napatigil na ako sa kakangiti.

"Pupunta tayo bukas sa province," biglang sambit ni Kuya na ikinataka ko.

"Bakit, Kuya?"

Napabuga s'ya ng hangin at inayos ang necktie n'ya. "May problema ang negosyo na iniwan doon ni Papa. You know that I am also handling that, right? Kailangan ako doon."

"Eh, bakit kailangan kasama ako?" tanong ko at itinuro ang sarili ko.

"Dahil magiging sa'yo rin iyon kapag nakapagtapos ka ng pag-aaral. Nakasaad sa last will ni Papa na magiging sa'yo iyon kapag tumuntong na ang edad mo ng 20."

Di ko alam na may binilin pala si Papa tungkol do'n. Bata pa kasi ako nong time na pumanaw sila kaya akala ko wala silang naimana sa 'kin since mas matanda ang dalawa kong Kuya sa 'kin.

"Tatlong araw tayo mamalagi doon. Nakapagpaalam na rin ako sa teacher mo kaya habang nando'n tayo ay may ibibigay na activity sheets ang teacher mo. They already understand about that so don't mind it," paliwanag n'ya.

Kahit ayaw kong sumama sa probinsya ay wala na akong nagawa. Hindi naman sa ayaw ko doon. Bigla ko lang kasi naisip na hindi ko na makikita si Zyler.

Iniisip ko lamang na tatlong araw na hindi s'ya nakikita ay parang nasasabik na akong makita s'ya. Mamimiss kaya n'ya ako?

I know that he doesn't feel the same way dahil bukod sa seryoso s'ya sa buhay n'ya at wala yatang babaeng pwedeng lumapit sa kan'ya dahil s'ya na mismo ang umiiwas, he prefer to study and do his work job everyday. Wala yatang araw na 'di s'ya busy.

Dumating ang sunod na araw ay kaagad kaming nag-impake ni Kuya ng damit namin na good for 3 days. Sasama rin si Kuya Alter dahil ayaw n'yang maiwan s'ya mag-isa dito dahil takot daw s'ya.

Napatawa na lamang ako habang sinasabi n'ya na hindi n'ya kayang mag-isa at umalis kaming dalawa ni Kuya Armer sa paningin n'ya. Minsan overreacting naman itong si Kuya Alter.

I texted Eden already na hindi ako papasok ng dalawang araw. Domingo ngayon so bali dalawang araw kong di makakapasok.

Sasama sana s'ya pero hindi ko pinayagan. Sinabi ko sa kan'ya na magtake-down notes s'ya para may makopyahan ako at wag s'yang magcu-cutting kahit dalawang araw. Pumayag naman s'ya dahil sinabi ko.

"Ready na ba?" tanong ni Kuya Alter sa 'min ni Kuya Armer.

"Yeah," sagot ni Kuya Armer at binitbit ang bag n'ya at bag ko. Ayaw n'yang pabit-bitin ako ng mabigat kahit hindi naman masyado.

Kung si Kuya Alter overreacting, si Kuya Armer naman ay overprotective. Gano'n naman minsan si Kuya Alter pero mas malala nga lang si Kuya Armer.

"Yepey!" Masaya akong kumapit sa braso ni Kuya Alter at hinila na ito papunta sa kotse na gagamitin namin.

Nakasimangot na pinasok ni Kuya Armer ang bag namin. Alam kong gusto rin n'yang kumapit ako sa kan'ya pero kasi may bitbit s'ya kaya mamaya na.

Napasok na namin ang mga gamit sa kotse kaya sumakay na kaming tatlo. Pinaandar na ni Kuya Alter ang sasakyan at lumabas sa gate namin na binuksan ng guard.

Hindi pa man kami nakakalayo ay napatigil ako sa pamilyar na lalaking naglalakad mag-isa sa gilid ng kalsada.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro